The Fearless Woman (OnGoing)

By Cleaheyb

405 32 0

Ang storyang ito ay tungkol sa isang babae na... Kakaiba... Kakaiba sa lahat niya kapwa babae, mas babae pa a... More

PROLOGUE
Chapter 1: The disaster day
Chapter 2: The strange feeling
Chapter 3: The shimmering ring of the mysterious guy
Chapter 4: War na dis?
Chapter 5: Zack the mokong
Chapter 6: Punishment
Chapter 7: Babysitter?!
Chapter 8: Mommy & Daddy to be?!
Chapter 9: Trouble
Chapter 10: The mysterious savior
Chapter 12: New change

Chapter 11: Araw ng mga puso

18 1 0
By Cleaheyb

Chapter 11. Araw ng mga puso

MAHIGIT isang linggo na din ang nakalipas nang mangyari ang pagdukot sa 'kin ni Lazaro at ang pagtulong ng misteryosong lalake sa 'kin. At isang linggo nadin akong hindi pumasok sa klase.

Pero okay lang 'yon. (≧▽≦)

Dahil sa wakas nakulong na din si Lazaro. Pero alam kong hindi padin nakukuha ang hustisya  na nararapat sa kapatid ko. Dahil nagtatago padin ang mastermind sa likod ng pagpatay ni kuya Macky, kaya hindi muna ako magpakampante.

Napabalikwas ako ng pumasok si mama sa aking kwarto. Kinancel nila ang business trip nila sa Korea at umuwi dito dahil sa nangyaring pagdudukot sa 'kin.

"How do you feel anak? Okay naba pakiramdam mo?" Tanong ni mama.

"Okay na po ako," sambit ko.

"Hindi ka ba muna papasok sa school? May event daw kayo para sa Valentine's day sabi ni Mica, baka gusto mong pumunta?"

"Ah, wag nalang po, matutulog nalang ako dito,"

As if naman pupunta ako sa event na 'yon. Eh, wala nga akong alam sa mga love-love na 'yan!

"Ah okay anak, kung nagugutom kana, pindutin mo lang ang intercom dito sa gilid ng kama mo, nandiyan lang si nanay Belen sa baba."

"Okay po,"

"Sige aalis na ako anak, magreready pa kasi ako ng dress para sa date namin ng papa mo," Sabi ni mama at lumabas na ng aking kwarto. Napahiga nalang ako sabay tingin sa ceiling at napa-isip.

Ano ba 'yung love?  Hindi love ng pamilya mo at kaibigan. Kundi love ng taong nagpapatibok ng puso mo. Bakit hindi ko man lang naramdaman o naranasan 'yung true love? Hay buhay.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata para matulog nang.... Maalala ko ang cheese cake na dinala ni kuya Mike galing sa business meeting niya sa GC catering kagabi. Biglang akong nag-crave.

Omy!!! I want to eat cheese caaakee!

Nagmamadali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa hagdan naming mataas at dumiretso sa kusina. Napatigil ako ng makita si kuya Mike na may dalang heart na chocolate at bulaklak.

"Para saan 'yan kuya?" Tanong ko.

"Oh, hi little sis, ibibigay ko 'to kay Zyla may date kasi kami ngayon eh, by the way okay naba pakiramdam mo?"

"Okay naman na ako kuya. Ehem... May gusto ka talaga kay ate Zyla noh? Ayieee kuya!" Asar ko kay kuya Mike sabay ayieee at sundot-sundot sa gilid ng bewang niya. Para tuloy akong tanga... --___--

"Pinagsasabi mo diyan little sis, friendly date lang ito noh, dahil Valentine's day ngayon," Sabi ni kuya habang namumula ang pisngi. Ang cuteee!

"Aysus si kuya! Friendly date daw o baka naman mauwi na 'yan sa pag-iibigan date! At bakit hindi mo na lang aminin na may gusto ka talaga kay ate Zyla! Masyadong kang torpe kuya! Hala ka baka maunahan ka ng iba diyan!"

"Tumigil ka nga diyan Mariz, hindi na ako natutuwa, sige alis na ako baka malate pa ako sa FRIENDLY date namin, bye," Sabi ni kuya sabay alis, diniinan pa talaga niya pagsabi ng friendly. Hays. Ito talagang si kuya masyadong defensive!  Halatang gustong-gusto naman. Mga lalake nga naman!

Kinuha ko nalang ang cheese cake sa ref at nag-slice ng tatlo sabay subo ng nagkakasunod. Kukuha na sana ako ng tubig sa ref nang makita si Mica na parang model na naglalakad palapit sa 'kin.

O_____O -itsura ko ng makita siya.

"Hi bes! Okay ba?" Bungad niyang sabi sa 'kin sabay ikot na parang model. Bigla akong nabulunan at di sadyang lumabas ang cake sa bibig ko at diretso kay Mica.

"Ewww! Yuck! Ano ka ba naman Mariz ha? Kung makabulol ka, wagas?!" Reklamo niya, nagmamadali naman akong uminom ng tubig. At nang mahimasmasan na ay nagsalita na ako.

"B-Bakit ba kasi nagsusuot ka ng ganyang uri ng damit ha? Eww, ang laswa!" Sambit ko sabay tingin sa kanya ng nakakadiri.

"Kung makatingin ka naman, ano ako tae?! At anong malaswa? Itong damit ko! FYI galing pa itong amerika noh! At ang ganda kaya ng damit na 'to, backless tas maliit na exposure ng cle*vage," pagmamayabang naman niya sa suot niyang parang ewan ko nalang!

"Okay okay, bakit ka ba nagsusuot ng ganyan? At anong ginagawa mo dito sa bahay namin?"

"First of all bes, nagsusuot ako ng ganito dahil Valentine's day ngayon! At may event sa school. Second is, pumunta ako dito sa bahay niyo upang sunduin ka! O diba swerte mo sinundo ka pa ng isang dyosa!" Sabi pa ni Mica sabay flip sa hair.

Lokaret talaga ang babaeng 'to!

Napa-rolled eyes nalang ako. "Okay, naiintindihan ko 'yung una mong sinabi kaya ka nagsusuot ng kadiring dress na 'yan. Pero, hindi ko naintindihan 'yung huling sinabi mo, ano nga 'yun? Paki-ulit please!" Bulyaw ko.

"Hays, kahit kailan bingi ka talagang babae ka! Ang sabi ko pumunta ako dito upang sunduin ka! Dahil sasama ka sa 'kin sa event sa school! Kaya umakyat kana sa kwarto mo at magbihis! Naiintindihan mo?!"

"At bakit naman ako pupunta sa event na 'yon aber?" Sabi ko sabay subo ng cake.

"Upang maranasan mo naman 'yung Valentine's event, dalawang taon nalang at gra-graduate na tayo ng college hindi mo pa din nararanasan 'yun!"

"Diba sinabi ko na sa 'yo, na hindi ako pupunta sa event na 'yun! Mas mabuting matutulog na lang ako!"

"Sumama kana sa'kin Mariz! Para naman 'to sa ikakabuti ng love life mo!"

"Ayoko! Mag-isa ka!"

"Ah, ayaw mo ah, sige tatawagan ko nalang ang adviser niyo tas hihingi ako ng number ni papa Zack, at sasabihin ko na may gusto ka sa kanya!" Napatulala ako sa sinabi ni Mica. Tatawagan niya si Zack tas sasabihin niyang may gusto ako sa kanya. No way! Mahangin pa naman ang lalakeng 'yon! Baka ano na namang kahanginan ang isipin! Nanlaki ang mata ko ng may tinawagan si Mica sa kanyang phone.

"Good morning sir, amh, pwede ko bang hingin ang number ni----" Bago pa matuloy ni Mica ang sasabihin niya, pinigilan ko na siya.

"Oo na! Sasama na! Basta itigil mo lang 'yang pagtawag mo sa adviser namin at kay Zack!" Bulyaw ko. Napangiti naman ang bruha sabay pakita ng phone niya sa 'kin at pinindut ang end call.

Hoh! Grabe talaga ang babaeng 'to mam-blackmail! Wagas gagawin talaga!

"Madali ka naman palang kausap bes eh! So, ano pa ang hinihintay natin?! Girl Power!" Sigaw pa ng lokaret na si Mica sabay hablot ng braso ko at tumakbo patungong kwarto ko, napatakbo din tuloy ako.

Pagdating namin sa aking kwarto napahiga ako sa 'king kama, habang may hinalungkat naman si Mica sa kanyang bag. Napatingin ako sa kanya ng naglabas siya ng make-up.

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano ang tawag ng mga 'yan?" Tanong ko.

"Hay kaloka ka talaga Mariz! Make-up pangalan ng mga 'to!"

"Alam kong make-up pangalan ng mga 'yan, I mean ano ang pangalan ng isa-isa sa mga 'yan? Alam mo namang lipstick lang alam ko eh!" Kita ko ang pagpipigil ng tawa ni Mica.

( --____-- )  -itsura kong nakatingin sa kanya.

( ^o^ )-itsura ni Mica.

"Sige wag mong pigilan tumawa ka lang diyan!" Sarcastic na sabi ko ka sakanya. At aba! Nakinig naman ang bruha!

"Hahahaha! G-Grabe! K-Kababae m-mong tao! H-Hindi mo alam a-ang mga p-pangalan ng make-up m-maliban sa lipstick! Hahaha!" Hays, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Namumula na ang mukha ni Mica sa kakatawa may pa hawak-hawak pa siya sa tiyan niya.

"Tumigil kana nga Mica!" Bulyaw ko nalang.

O-Oo na titigil na! Ang pangalan ng mga make-up na 'to ay eyebrow, maskara, blush on, face powder at liptint, mga light make-up lang 'tong dinala ko noh. Ay siya nga pala bakit hindi ka pa nagbibihis ha? Magbihis kanang babae ka! Baka malate pa tayo sa event!" Sigaw naman niya ng makarecover na siya sa pagtawa. Sumunod nalang ako sa kanya at nang sa ganun matapos nadin 'to!

Pumasok ako sa 'king closet at magbihis ng usual clothes ko, pag-umalis ng bahay. Black leather jacket na hinapitan ng white sleeveless, itim na pantalon, leather boths, at itim na gloves. Paglabas ko ng closet...

( *_* ) -itsura ni Mica.

(. ❛ ᴗ ❛.) -itsura ko.

"Saan ka pupunta bes? Ba't ganyan suot mo?"

"Malamang do'n sa bwesit na event na 'yon! Saan pa ba?"

"Seriously?! Ganyan suot mo?! Pupunta ka ba ng Valentine's event or pupunta ka sa shooting ng isang babaeng action star?"

"Bakit parang ganyan ang reaksyon ng mga tao pagnakasuot ako ng ganito, may mali ba sa suot ko?" Inosenteng tanong ko habang tinignan ang aking damit na suot.

"Oo! Maling-mali! Walang magtatangkang makipag-date sa 'yo! Kung muk'a kang boyish! Magbihis ka nga or ako nalang ang pipili ng masusuot mo!" Sumbat niya sabay padabog na pumasok sa aking closet. Nanatili pa din akong nakahiga sa aking kama.

15 minutes ago......

Hay ang tagal naman ng babaeng 'yon! Muk'ang lahat ng damit ko hinalungkat na niya.

Makakatulog na sana ako ng nagsalita si Mica.

"Oh, tumayo kana diyan, nahahagard beauty ko dahil sa 'yong babae ka! Oh, suotin mo na 'tong kaisang-isang dress na kita ko sa closet mo," Sabi ni Mica sabay bato sa 'kin ng kulay peach na dress na off shoulder at hanggang tuhod. Naalala ko 'tong dress na 'to. Ito 'yung ipinasuot ni mama sa 'kin no'ng igka-18th birthday ko dahil ayokong magsuot ng gown.

"Anong gagawin ko diyan?" Tanong ko.

"Shunga! Malamang susuotin!" Napakataray talaga ng babaeng 'to minsan! Para hindi na kami magbulyawan pa. Kinuha ko ang dress at pumasok sa closet para isuot. Paglabas ko......

(☉。☉) -itsura ni Mica.

( >.< )-itsura ko.

"Hays, ang sikip naman!" Reklamo ko. Eh kasi naman ang sikip talaga! Pag-18 ko pa kaya itong dress na 'to, tas 20 na ako ngayon! Kaya tuloy bakat na bakat boobs ko at bewang. Sinuot ko nadin ang aking nag-iisang doll shoes.

"Bes ikaw ba 'yan? Ba't ang ganda ganda mo! Para kang si Angelina Jolie!" Sabi ni Mica na muk'ang hangang-hanga.

"So, okay na ba 'to?" Tanong ko habang umiikot-ikot.

"Talagang okay na 'yan! Ang kulang nga lang light make-up at hairstyle at boom! Para kanang artista!"

"Artista-artista ka diyan ayusan mo na nga ako!"

"Sure!"

Sinumulan na akong pagandahin ni Mica. Lagay maskara doon lagay blush-on dito at kung ano-ano pa!

"Uy ikaw bes ha, may tinatago ka palang sexy curve," sabat ni Mica habang nilagyan ako ng liptint.

"Ewan ko nga eh," sambit ko nalang.

***

"TARANNN! Perfect!" Wika ni Mica nang matapos niya akong gawing coloring book. Napatingin ako sa salamin.

Wow! Ang ganda ko! Parang hindi ako!

"Ang ganda mo bes! sigurado akong tutulo laway ni papa Zack pagnakita ka niya, at sigurado din akong magugulat nalang sila dahil sa make-over mo!"

"Mica, pwedeng umalis na tayo? Gusto ko pa kasing umuwi ng maaga eh," bored na Sabi ko.

"Okay! Taralets!"

Umalis nadin kami at sasakyan ni Mica 'yung ginamit kaya siya nadin ang nagdrive patungong school.

***

PAGDATING namin sa school nagpark nadin si Mica sa parking lot. Paglabas namin...

w( °o° )w -itsura ng mga estudyanteng nakasalubong namin. Ang iba ay nagbulong-bulongan pa.

"Ang ganda naman nilang dalawa!"

"Pero mas maganda ang nagsuot ng kulay peach na dress!" Rinig naming bulong ng mga kalakihan.

--___-- -itsura ko as usual.

(✿^‿^) - Mica.

"Oy bes maganda ka daw oh!" Bulong ni Mica sa 'kin.

"Wala akong paki!" Bulong ko din. Napatigil kami ni Mica nang may tatlong babaeng lumapit sa 'min.

"Well well, look who's here, the two frog best friends! Isn't it amazing!" Rinig naming sabi ng babaeng maganda at na sa gitna.

Napatingin ako kay Mica na nakataas na ang kilay. "Sino 'yang mga 'yan?" Bulong ko.

"Si Maureen at ang mga alipores niya," Sabi naman ni Mica sa 'kin.

"Eh bakit sila nakaharang sa dinadaanan natin?" Bulong ko ulit.

"Tinagurian kasi silang bully dito sa campus, at dahil sa maganda tayo, na-insecure kaya binully tayo." Sabi ni Mica habang nakataas pa din ang kilay na nakatingin sa mga babaeng nasa harapan namin.

"Amh, mga miss pwedeng umalis kayo sa dinadaanan namin?" Singit ko.

"At sino ka naman para utusan ako?" Mataray na sambit ni Maureen daw kuno.

Huminga ako ng malalim. "Miss Maureen tama? Ayaw namin ng gulo kaya umalis na kayo sa dinadaanan namin," Sabi ko.

"You have no right to command me! Because I am the queen of this school! And every one voted me to be their campus queen!"

Napangisi ako bigla. "If you are really a queen of this school, then why are you acting like you don't deserve to be the campus queen? Look at to your attitude, it such a shame on you that you are the one who bullied the people who voted for you for becoming the campus queen. Don't you think that the King considerate that kind of manner of his queen? Bullied everyone and anyone? No. Because the real queen is not going to bully her people but instead she's the one who help! She's the one who make peace aside from her king. So, if you have a little bit respect to your throne, stay away from the road and let us go." Mahabang pahayag ko sabay hablot sa braso ni Mica at naglakad palayo sa kinaroroonan namin at nung mean girls.

"Insecure bitch!" Pahabol na sigaw ni Mica. Kita ko pa din ang tulalang mukha nung Maureen na 'yon. Siguro natauhan na 'yung babaeng 'yun. At marami-marami ding estudyanteng nakapalibut sa 'min.

Hays. Issue na naman 'to panigurado!

Hindi ko namalayan na nakapunta na pala kami sa canteen. Umupo kami ni Mica isa sa mga bench.

"Huy! Ang galing mo dun bes ah! Natalbugan mo 'yung maldita na 'yun!" Sambit ni Mica ngumiti lang ako.

"Good morning ladies and gentlemen! Help me welcome the opening party of the Valentine's day! The boths are all active and ready. Enjoy!" Rinig naming pahayag nung MC.

"Teka Mica, hindi ba prohibited ang magsuot ng sexy clothes?" Tanong ko bigla ng makitang maraming girls at boys ang nagsuot ng mga exposure na damit.

"Ano ka ba bes, hindi noh! Hindi naman na tayo high school na sa tamang edad na nga tayo eh, kaya okay lang sa school's admin," Sabi ni Mica Napatango nalang ako. Napansin ko na marami palang nakatingin na boys at girls sa pwesto namin.

(。♡‿♡。) - tingin ng mga boys.

Σ(ಠ_ಠ) - tingin ng mga girls.

"Nga pala bes, aalis muna ako ah? May kukuhanin lang ako sa room," sambit ni Mica.

"Diba magkalapit lang naman din tayo ng classroom, paki sulat nalang pangalan ko sa attendance."

"Sure, Basta diyan ka lang ha? Wag kang aalis,"

"Yes ma'am," Sabi ko. Umalis nadin si Mica patungo sa building namin. Habang hinihintay si Mica, inilagay ko ang aking braso sa lamesa at natulog, makatulog na sana ako nang....

"Hi Miss beautiful! Can I date you?" Napamulat ako bigla. Bakit ang familiar ng boses, inangat ko ang aking ulo at nanlaki ang aking mata ng makita si...

"Zack?!" Bulyaw ko bigla.

"Ugly weirdo?" Napatulala na sabi niya. Tumango lang ako.

"I-Ikaw ba 'yan?" Tulala padin siya.  Baka na starstruck sa ganda ko!

"Oo, 'yang laway mo oh, tulo na." Sabi niya umupo naman siya sa tabi ko.

"You look... Different," Sabi niya, sabay tingin sa 'kin mula ulo hanggang paa.

"Nagagandahan ka sa 'kin noh? Amin-amin din pag may time!"

"Ako? Ang gwapong katulad ko nagagandahan sa 'yo? Pwe! Nagulat lang talaga ako noh, eh kasi ang boyish mo tas bigla ka nalang nagdress at naglagay ng make-up,"

"Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagsusuot ng ganito eh, blinakmail lang talaga ako ng kaibigan ko,"

"Ows, kaya pala, siguro ang lupit ng pamblackmail na ginamit ng kaibigan mo dahil napasuot ka ng ganyan! But infairness you look... beautiful," Sabi ni Zack. Napatahimik ako.... Siya.

Sandaling katahimikan........

"M-May date kana ba?" Tanong niya na parang nahihiya.

(●__●) - ako.

Mica's POV

First time ang dyosang nagka-POV sa storya na 'to. Kaya sulitin na, hehehe. Alam niyo bang kaya ko iniwanan si Mariz sa canteen kasi may plano ako.

BWAHAHAHAHA! 

Oo plano! Plano kong i-blind date si Mariz at si papa Zack! Kaya nga ako nagpaalam sa kanya na pupunta ako dito sa building namin, dahil hahanap ako ng lalakeng kaibigan ni papa Zack para makikipagtulungan na i-blind date silang dalawa. Hehehe! Pero actually hindi ko pa nakita kung ano ang itsura ni papa Zack, pero nararamdaman kong magkalapit ng magkalove-life 'tong best friend ko! Kaya sulitin nadin! Sana magtagumpay ako sa misyong 'to!

*Evil laugh*

Pumunta ako classroom ni Mariz, marami ding estudyanteng nagpapa-attendance. Pumasok na ako at bago ako humanap ng magiging kunstabo sa plano ko, inilista ko muna ang pangalan ni Mariz sa attendance sheet sa mesa.

Pagkatapos kung inilista si Mariz. Ay naghanap nadin ako. Lumapit ako sa isang lalakeng nakasuot ng hoodie habang nakatalikod. Kinalabit ko siya.

"Amh, excuse me kaibigan mo ba si papa Zack?" Tanong ko. Nang lumingon ang lalaking kinalabit ko, nanlaki ang aking mga mata.

"Mark?!"

Seriously?! Sa lahat ng lalakeng kinalabit ko't nilapitan, si Mark Lee pa talaga na crush ko! Muk'ang ang swerte ng araw ko ngayon! Thanks Lord!

"Amh, sino po kayo miss? At bakit niyo po hinahanap kaibigan ko?"

Omyghudddd! Ang ganda ng boses niyaaaa! Ang huskyyy! Lord thank you po talaga! At binigyan niyo akong ng pagkakataon maka-usap ang crush ko!

"Okay ka lang ba Miss? Bakit parang nagdadasal ka?" Sabi niya ulit. Ang ganda talaga ng boses niya at ang gwapo pa! Bago pa ako maloka, inayos ko ang sarili at ngumiti sa kanya. Aba! Dapat lang akong magpacute! Crush ko kaya ang lalakeng'to!

"S-Sorry for my actions, by the way I'm Mica Chantelle Navarro," nakangiting pakilala ko sabay lahad ng aking palad. Tinanggap niya kamay ko at hinawakan,

HINAWAKAN?! OMG! kyaaaahhhhh!

O/////////O

Nararamdaman kong namumula ang aking pisngi.

"Mark Lee," Sabi niya habang nagshake hands pa kami. At dahil sa kinikilig na ako, ako ang unang bumitaw sa pagkaka-shake hands namin.

Huminga ako ng malalim at tumikhim. "Amh, since nabanggit mo na kanina, na kaibigan mo si papa Zack, pwede ba akong humingi ng favor sa 'yo? Kahit ngayong araw lang, please? It's just for the sake of my friend's love life," Sabi ko sabay papacute.

"Amh okay, wala naman na akong gagawin maliban sa pagpirma ng attendance sheet ni Zack at akin, ano ba ang favor mo Mica? Omyghud! Binanggit niya pangalan ko!

I'm the luckiest girl in the world! Hehehe!

"Amh, may kaibigan kasi ako, at magkakilala or in other words palagi silang nagbabangayan ni papa Zack. Kaya gusto ko silang i-blind date. At..."

"At?"

"At gusto kong dalhin mo si papa Zack sa blind date Booth habang ako naman magdala sa kaibigan ko, okay ba 'yun?"

"Oh, sure! It will be fun! Ang problema nga lang saan ko hahanapin si Zack,"

"Oo nga noh, pero mas mabuting kitang dalawa nalang ang maghanap," Sabi ko.

Oy! Mga people in the world! Wag niyong isiping tsumatsansing ako ah! It's part of my plan!

"Pero pupuntahan muna natin 'yung kaibigan ko sa canteen, baka magrereklamo na 'yun,"

"Sige,"

Lumabas nadin kami ni Mark myloves sa building namin at dumiretso sa canteen. Pagkarating namin sa bench....

O_______O -itsura namin ni Mark myloves. Eh bakit naman kasi, si Mariz ay tumatawa kasama ang isang lalakeng napakagwapoooo! Pero teka parang familiar siya, parang nakita ko na siya kung saan.

"Mariz!"

"Zack!"

Nagkasabay kaming sumigaw ni Mark myloves. Napatigil naman ang dalawa sa pagtatawanan sabay tingin sa 'min.

"Oh, Mica nandiyan kana pala," bungad na sabi ni Mariz na muk'ang good na good ang mood.

"Mark, anong ginagawa mo dito?" Rinig naming tanong ng gwapong lalakeng kasama ni Mariz.

Bigla kong hinablot ang braso ni Mariz palayo ng ilang distansya sa dalawa, tsaka bumulong.

"Siya ba si papa Zack bes? Ang gwapoo! Bagay na bagay kayong dalawa! Ayieee!"
Pang-aasar ko, nakita kong nag-blush si Mariz.

"Sinasabi mo diyan, kaibigan ko lang 'yung tao noh!" Pagtatanggi niya.

"Hay, halika na nga!" Hinablot ko na si Mariz pabalik sa dalawang nagwagwapuhan papable!

"Mark, ito nga pala kaibigan ko si Mariz, Mariz si Mark kaibigan ko din," pagpakilala ko.

"Nice to meet you Ms. Mariz," Sabi ni Mark myloves, ngumiti lang si Bes.

"Nice to meet you too Mark," Sabi din Mariz.

"Amh, may ipakilala din pala ako. Mica, ito nga pala si Zack kaibigan ko, Zack si Mica kaibigan ko at ni Mariz." Pagpakilala din ni Mark myloves.

"Nice to meet you future husband ni Mariz," nakangiting sabi ko. Napatawa naman si papa Zack at si Mark myloves, maliban nalang kay Bes na parang papatayin na ako sa tingin.

"Hahaha palabiro ka pala Mica, akala ko'y girlfriend ka nitong si Mark," Sabi ni papa Zack. Biglang namula ang pisngi ko.

Para kaming mga tangang nagpakilala sa isa't isa.

"Uy, ano ka ba bro," singit naman ni Mark myloves. Tumingin ako kay mark at parang nag-uusap ang mga mata namin.

"Zack may sorpresa ako sa 'yo, pwedeng isuot mo 'tong blind fold na panyo," rinig kong sambit ni Mark myloves, siguro nag-uumpisa na ang misyon naming i-blind date ang dalawa.

"Ang creepy mo Mark! Pero sige na nga!"  Rinig naming sabi ni papa Zack. Napa-relief ako ng pumayag na si papa Zack.

"Paano ba 'yan Mica, mauna na kami," Sabi ni Mark myloves sabay kindat sa 'kin, ngumiti lang ako.

"Oh, ano ang pakiramdam na kaibigan muna pala ang crush mo?" Tanong ni Bes. Hindi ko na talaga mapigilan ang kilig na tinatago ko.

"Kyaaaahhhh! Ang saya Bes!" Tili ko sabay yugyug sa braso ni Mariz.

"A-Aray tumigil ka ngang babae ka! Nasasaktan na ako!"

"Ops sorry! Nadala lang! By the way may sorpresa din pala ako sa 'yo!"

"Ano naman 'yun?"

"Isuot mo muna 'tong blind fold na panyo!"

"Hays, sige na nga!"

At ayun na nga! Na ayun na sa lahat ang plano! Na-set up na namin ni Mark myloves ang blind date ng dalawa, kinausap muna namin ang organizer ng blind date booth. Syempre sa mas romantic at exclusive na lugar ang aming rineqeust ni Mark myloves. Kaya ayun ito kami sumisilip sa bintana habang masayang tinignan si Mariz at Zack na nagsasayaw habang nakablind-fold.

"Mission accomplished! Thank you pala Mark," Sambit ko, ngumiti lang si Mark myloves at nag-apir kami.

"Thank you din Mica, alam mo bang matagal ng hindi nakangiti si Zack ng ganyan,"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nag-alinlangan ako kung sasabihin ko ba 'to sa 'yo. Pero sasabihin ko na, alam ni Zack na nagset up tayo ng blind date sa kanilang dalawa ni Mariz. Pero imbis na magalit siya, ngumiti lang si Zack, 'yung totoong ngiti niya five years ago. Matagal nadin naming hinihintay na makita ang ngiti niyang 'yon, at salamat naman at nangyari pa 'yun."

"Bakit? Ano ba ang nangyari kay papa Zack five years ago?" Curious na tanong ko.

"Sinaktan siya ng babaeng buong puso niyang minahal," seryosong sabi ni Mark myloves ngunit may bahid na lungkot ang boses niya.

"Ang sakit naman nun," sambit ko.

"Oo, kaya simula nung araw na 'yun, nag-iba si Zack. Naging pasaway siya, sumasali ng drag race, naging womanizer, naglalasing ma-araw man o gabi at nang bubug ng kung sino."

"Grabe pala ang dinanas ni papa Zack,"

"Oo, kaya nga nagpapasalamat ako ng bumalik na siya sa dati kahit konti man lang, at dahil 'yon sa kaibigan mo na si Mariz,"

"Oo nga eh, parang nakita kong may spark ang dalawa," sambit ko, ngumiti lang si Mark myloves kaya napangiti nadin ako.

Nang matapos na silang sumayaw dahil tumigil na ang romantic music. Ay na-excite ako bigla nang dahan-dahan na nilang tinanggal ang kanilang blind-fold.

And guess kung ano ang reaksyon nilang dalawa?

♡(ӦvӦ。)

A/N: Ang late ng Valentine's day, parang ang classmate ko lang, late sa klase. Hahaha. Salamat sa pagbabasa :)

- cleaheycious

Continue Reading

You'll Also Like

239K 7.1K 51
we young & turnt ho.
48.8K 1K 54
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
111K 3.5K 32
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
46K 2.8K 15
الكاتبه : رند السبيعي✍🏼 روايتي الاولى أتمنى تعجبكم واستمتعو...