Kean's POV
Medyo maaga ako umuwi ngayon. Aayusin ko kasi mga dokumento ng bagong bubuksang opisina sa Cebu. Ako kasi ang personal na magmamanage don para maging stable agad.
Nagsabi na ako sa opisina maaga akong uuwi para maayos na nga ang mga papers at maayos na din ni Halley mga gamit ko. Personal na ako ang pupunta ng Cebu para sa transaksiyon na ito.
Kaya naman hindi ko na ipinasok ang kotse sa loob ng garahe dahil didiretso din agad ako ng airport. Nang pumasok ako sa bahay ay tinanong ko agad ang mga maid kung asan si Halley. Sinabi nga nila na nasa garden at may bisita. Siguro si Ava nanaman
Kaya nagulat ako ng pumunta ako sa garden at makita si Ava na nakasalampak sa bermuda at kalong kalong naman ang anak ko na mukhang natutulog at ang magaling na asawa ko ay nasa may swing at may kasamang lalaki.
Kitang kita pa ng dalawang mata ko ng hawwin ni Halley ang buhok ng lalaki na bumagsak sa mukha nito. Ano siya? Personal alalay nun guy? At sino ba itong herodes na ito na nakatuntong sa pamamahay ko?
"Sino ka?" tanong ko sa lalaki sabay tingin ng masama sa kanilang dalawa ni Halley.
"K-kean, nandyan ka na pala." ani ni Halley ng magulat sa pagtatanong ko.
At parang nananadya pa na ni hindi man lang naglayo ang dalawa sa pagkakatabi nila sa swing.
Tumayo ang lalaki na akala mo ay foreigner at lumabas ng swing. Nakasunod naman agad ang magaling na babae.
"Kean, He's Jerome...My friend. Kakauwi lang nila ni tito Henry mula Europe at dito sila mag-stay sa Philippines para sa business nila." pagpapakilala ni Halley sa lalaki.
"Nice to meet you pare." ani ng Jerome at inilahad ang kamay niya sa akin.
Na siyempre ay hindi ko tinanggap. Eh sa asar ako eh. Pero tinanong ko naman ulit siya kasi mukhang may kahawig siyang kilala kong tao.
"Are you related to Mr. Henry Buencamino?" direkta kong tanong dun sa Jerome habang kinukuha ko ang anak ko kay Ava.
Nang inisip niya na wala akong balak makipag kamay ay ibinaba niya na ang palad niya at sumagot...
"He's my father." sagot ng Jerome na nakatingin sa akin ng maigi.
Hindi ko pinahalata ang gulat ko. I know that Mr. Henry Buencamino has an only son. At ang anak niya nayun ay ni hindi kilala sa altasosyedad. Siya daw yun tipo ng tao na nagtratrabaho behind. Never naki socialize kaya di mo siya makikilala. Ang tanging nakikihalubilo lang ay ang ama nito. Nagkaroon pa nga ng bulung-bulungan na the son of Mr. Buencamino is gay.
Pero kahit anong tingin ko sa lalaking kaharap ko ngayon, wala akong nakikitang kabaklaan sa kanya. Lalaking lalaki pa nga ang itsura niya. At hindi basta basta. Aaminin kong may itsura siya. Well kung ang tae nga may istura eh. Sige na nga..sabihin na natin na nasa level ko ang kagwapuhan ng lalaking ito. At kailan pa ako natutung mag analyze ng kapwa ko lalaki?
Napailing ako sa mga naiisip ko. "So you ar the unknown Jerome Buencamino?" ani ko.
"yes." tipid na sagot niya.
"How come you new my wife?" idiniin ko talaga ang salitang wife para maiparating na ang babaeng hawak pa rin niya hangang ngayon sa braso niya ay asawa ko na.
"We are friends since old days. Bata pa lang siya kilala ko na. Sabihin na natin na ako ang lalaking bestfriend ni Halley." matapang na sagot naman sa akin ng Jerome na ito.
At talagang ipinagdiinan niya pa ang salitang lalaking bestfriend? Eh ano ngayon sa akin? ako naman ang asawa! At isa pa..pakialam ko sa kanila. Mauubos ko lang ang oras ko sa mga walang kwentang tao dito siyempre maliban sa anak ko.
"Ahh ganun ba? O sige. Baka pwede pahiram sanadali ng BESTFRIEND mo na ASAWA ko? Kasi ipapaayos ko pa ang gamit ko sa kanya." madiin na sabi ko sa kanilang dalawa ni Ava habang hinatak ko ang kamay ni Halley palayo sa Jerome na iyon at isinama sa loob ng bahay.
"Aray ko Kean..nasasaktan ako." bulong ni Halley sa akin.
Hindi ko alam na humigpit na pala ang hawak ko sa wrist niya.
"Nang makaakayat na kami sa master bedroom ay sinabihan ko siya na ayusing ang travelling bag ko at pupunta ako ng Cebu for three days.
"Kaanu-ano mo siya HAlley?" biglang tanong ko sa kanya habang nag-aayos siya ng mga polo ko.
"Kaibigan ko lang Kean." ani ni Halley habang nagtutupi at hindi nakaharap sa akin.
"Alam mong mayaman ang kaibigan mo. Higit pa sa yaman na mayroon ako. Bakit hindi na lang siya ang pinikot mo? Bakit ako pa?" mariing tanong ko sa likod niya.
Marahas na lumingon siya sa akin at mariin na nag wika na..
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi kita pinikot?"
"At ilang ulit ko rin bang isasagot sa iyo na hindi ako naniniwala sa iyo? Nahuli ko na nga kayo ni Ava sa pag uusap niyo deny ka pa rin?" sabi ko.
"pinag-usapan na natin ito Kean. Babalik pa rin ba tayo ulit dito?"
"nagtatanong rin lang ako Halley. Nagtataka lang kasi ako. Kung bakit ako pa ang napili mo smaantalang doble ang yaman ng sinasabi mong kaibigan? Bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa kanya? Eh mukhang isang salita mo lang magkandarapa pa ang lalaking yun sa iyo?" mahabang litanya ko.
"DAHIL IKAW ANG MAHAL KO!!" biglang sigaw ni Halley sa akin.
Natahimik akong bigla. Never siyang nagsalita ng anuman sa akin lalo na tungkol sa nararamdaman niya. Ngayon lang na nangyari na isinampal niya sa mukha ko ang pagmamahal niya sa akin. Ramdam ko naman noon pa kaso ngayon lang siya naging vocal dito.
"Huwag mo akong mahalin Halley. Dahil hindi ko kayang ibalik sa iyo ang pagmamahal na binibigay mo. Lalo ka lang masasaktan sa akin. Alam mong kahit kailan hindi kita minahal. Lalo na ng ipilit mo ang kasal na pinaka ayaw ko. Si Kyle lang ang nagsisilbing matibay na pundasyon bakit nananatili ako sa iyo. Kaya huwag ka nang umasa Halley." mahabang sabi ko sa kanya.
Kitang kita ko kung paano mag-unahan ang mga luha niya sa mga mata. Kitang kita ko rin ang sakit at hirap na bumalatay sa mukha at mata niya ng sabihin ko yun. Hindi ko tuloy alam kung gusto kong bawiin o hindi. Nakaramdam bigla ako ng awa. Pero mas maganda na yun malinaw ang lahat sa amin kesa naman umasa siya sa wala di ba?
"Huwag kang mag-alala. Kuntento na ako sa kung ano ang kayang mong ibigay. Kahit para kay Kyle lang lahat iyon. Hindi ako humihingi ng kahit ano mula sa iyo. Respeto lang Kean ang hinihingi ko bilang isang babae at asawa mo. Hindi ko ipagpipilitan ang pagmamahal ko sa iyo. Dahil nagmamahal ako ng walang kapalit. Masaya na ako sa ganun. Kaya pagpasensyahan mo na kung minsan ay sumosobra." mahabng sabi niya sa akin habang ipinagpatuloy niya na ang pag-aayos ng mga gamit ko.
"Mabuti naman kung ganun." ang nasabi ko na lang at sinabayan ko na ng labas sa room namin.
Hindi ko kasi maintindihan itong nararamdaman ko. Naaawa ako sa kanya na nagagalit. Hindi ko pa rin kasi matangap ang lahat. Masyado kasing matayog ang pride ko.
Maya-maya ay nag ring ang cp ko.
"Hello?" sagot ko.
"Sir this is pilot Cruz, sir may konting prblem po tayo sa plane natin. Mukhang bukas pa po kayo ng tanghali makakaalis. Mahirap po ipakipagsapalaran ang flight niyo kung may diperensya po ang plane." direktang salita ng pilot.
"Ganun ba? Sige, tawagan na lang ako bukas para makaalis ako ng maaga dito sa bahay." sagot ko.
Tumambay na lang ako sa nursery room since na alam ko ay nasa garden pa ang mga bisita ni Halley. Wala akong balak makipag usap sa kanila.
Halley's POV
"Sige, inagt kayo sa pagdrive ha?" paalam ko sa dalawa.
Kailangan pa kasi mgaphinga ni Jerome dahil sa akin na nga sila dumeretso. At ito namang si Ava ay badtrip nanaman kay Kean.
Mas nabadtrip pa nga siya kesa kay Jerome. Samantalang si Jerome ang hindi kinamayan. Mas affected pa siya. O sadyang mabait talaga si Jerome.
"Tatawag ako sayo friend pag-uwi ko." ani ni Ava.
"Ako bukas na. Baka diretso tulog muna ako. See you soon Halley." ani sa akin Jerome sabay halik sa pisngi ko.
"Sige see you" ani ko habang kumakaway pa.
Pagtalikod ko ay bigla akong napatingin sa bintana ng masterbedroom sa may terrace ng bahay. Para kasing gumalaw yun long curtain dun. May multo ba dun? Ah baka humangin lang sa loob. Pero naka aircondition kami paano hahangin sa loob? Hayaan mo na nga lang. tinatakot ko lang ang sarili ko.
Dumeretso na ako ng pasok ng bahay at maghahanda na para sa pagluluto ng hapunan. Hindi daw matutuloy ngayong gabi si Kean at bukas na daw ng tanghali kaya obligado ako magluto.
"Kean.." tawag ko.
"Yes..yes.. sige.. sa bar? Ok! Kanina pa ba? sige sabihin mo papunta na ako." bulong ni Kean sa cp niya habang nakatalikod. Nakaharap kasi siya sa laptop niya at may tinatayp.
Sino kaya yun? Malamang barkada na naman niya.. Pero sino yun nag aantay sa kanya?
"Kean..kakain na." ani ko.
"Ha?" lingon niya.
"Kakain na sabi ko." habang nakatingin sa cp niya.
"Pwede ka naman tumwag sa intercon bakit umakyat ka pa?" parang inis na sabi niya.
"dinaanan ko kasi si Kyle at inakyat mga feeding bottles kaya dinaanan na kita dito. Aalis ka?" sabi ko.
"Oo, tinawagan ako nila Ron. Hindi na ako kakain. Dun na lang. Kayo na lang kumain. At di ko alam kung what time uwi ko." sabi niya na tumayo at binuksan ang adjoining room ng Master bedroom at library cum office niya.
Siguro babae nanaman yun nag-aantay... Kumikirot nanaman ang dibdib ko. Hindi na ata titino si Kean. Pero wala akong pruweba na babae nga. Wala naman akong karapatang tanungin siya at siguradong mag-aaway lang kami. Baka tuluyan lang niya kaming iwan ni Kyle.