ang babae sa "fire exit"

By name1318

972 8 1

More

ang babae sa "fire exit"
biyahe papuntang maynila
unang araw sa maynila
matinding takot
sa elevator
nalate sa trabaho
isa pang nakakatakot na pangyayari
ang pagtuklas ..
ang katotohanan

Carla's article

99 0 0
By name1318

Year 1973.

May balat si Maria sa kanang kamay. Limang taong gulang siya nang lumipat sila ng tatay niya sa Lee Soon Apartment. Nagtatrabaho ang kanyang ama sa apartment bilang fire exit attendant. Doon sila sa unit 15G nagrerenta. Luma pa noon ang building at wala pang elevator. Sa fire exit ka dadaan kung gusto mo umakyat, o bumaba. Nagdesisyon si Dave na huwag na papagaralin si Maria dahil sa kapansanan nito, hindi kasi nakakapagsalita yung bata at kapos siya sa gastusin. Gastusin sa kanyang bisyo…

Nakakulong lang maghapon sa kwarto si Maria habang nagtatrabaho sa umaga si Dave. Wala siyang mga laruan. Tanging mga lumang babasahing pambata ang nandoon. Araw-araw niyang pinagmamasdan ang mga nakasulat dito at natuto siyang makilala ang mga letra. Payat at malnourish ang katawan. Hindi sapat ang pagkain na kinakain niya sa araw-araw. Pinababayaan siya ng kanyang ama. Kung buhay pa sana ang kanyang ina, siguro malusog kahit papano ang pangangatawan nito. Ngunit agad itong binawian ng buhay noong ipinanganak niya si Maria dahil sa mahina nitong puso.

Drug addict si Dave.

Bumibili siya sa mga pushers ng palihim. Mga pushers na nagtatrabaho din sa apartment. Nagrerenta din sila at doon tumutuloy sa building na iyon. Yung pusher na kunwaring tubero, taga unit 3E. Yung isa na kunwaring guwardiya, taga unit 7C. Yung isa na nagpapanggap na kusinero, taga unit 10A.

Tuloy ang transaksyon ni Dave sa mga ito sa loob ng mahabang panahon… Hanggang sa nagdalaga na si Maria… Labing-siyam na taong gulang… Doon nagsimulang pinaginteresan ng mga pushers ang dalaga. Isang malagim na deal ang naganap. Isang demonyo lamang ang makakagawa noon. Binenta ni Dave ang katawan ng kanyang anak sa mga drug pushers. Doon sa 15G nagaganap ang mga malalagim na transakyson. Kinukulong ni Dave ang pusher kasama ang kanyang anak sa loob ng isang kwarto. Doon nagaganap ang masasahol na gawain. Halos gabi-gabing ginagahasa at binababoy si Maria. Minsan yung tubero, minsan yung guwardya, minsan yung kusinero. Minsan… sabay-sabay… Kahit sino sa tatlo, basta iyon ang pambayad ni Dave matikman lang ang bawal na gamot na bumubuhay sa kanyang katawang lupa.

Sa paraang ito hindi na kailangan pang gumastos ni Dave ng malaking pera.

Year 1988.

Bente anyos na si Maria. Buntis siya… Walong taon ng naka-install ang elevator.

Nagdesisyon si Dave na itigil muna ang kanyang malagim na transaksyon sa mga pushers. Naging mahigpit kasi ang security sa building noong maparenovate ito.

Madilim at malagim ang buong buhay ni Maria. Para siyang ginawang hayop. Masahol pa sa aso kung tinirato siya ng tadhana dahil doon sa mga pangyayari. Nawala sa katinuan si Maria… Gabi-gabi siyang tumatakas sa kwarto. Naghahanap ng mapaglilibangan. Bitbit ang isang bagay na paborito niyang laruin.

Isang box ng posporo…

Sa basement parking madalas nagtatago si Maria. Doon siya nag-lalaro ng apoy… Sa gitna ng dilim. Kung saan mang sulok, wala siyang pakeelam. Basta walang makakita at makahuli sa kanya.

Year 1989.

Bente-uno anyos. Gabi noon… Sa basement… Sumisigaw sa sakit at hapdi si Maria... Doon siya nanganak.

May problema sa pag-iisip. Nagsindi siya ng posporo para makita ang mukha ng bata. Hinalikan niya ito. Puno ng dugo. Iniwan sa isang sulok doon sa madilim na basement ng parking.

Sumakay si Maria sa elevator. Bitbit ang isang lalagyan na may lamang tatlong galon ng gasolina. Natagpuan niya iyon sa bodega ng basement. Tulog na lahat ng tao ng gabing iyon… Tumutulo ang duguan na palda ni Maria… Dahan-dahan siyang nauubusan ng dugo.

“Ding!”

3rd floor.

Pumunta siya sa tapat ng fire exit. Binuksan niya ang pintuan at ni-lock ito mula sa likudan bago isinarang muli. Binuhusan niya ng gasolina ang pintuan ng unit 3E. Sinindihan ang posporo… Lumiyab ang apoy.

7th floor.

Ni-lock ang fire exit. Unit 7C… Binuhusan ng gasolina… Sinindihan…

10th floor.

Unit 10A… sinigurado din niya na naka-lock ang fire exit. Niliyaban ni Maria ang pintuan at mabilis na pumasok sa katabing elevator…

Hindi pa gumagana noon ang fire detection system sa building. Fire alarm lang ang meron.

15th floor.

May pitong kwarto dito. Sila lang ni Dave ang nagrerenta sa palapag na iyon. Doon pa sa dulo… Matapos i-lock ang fire exit, nilayaban ni Maria ang buong palapag. Nakita niya na bumaba na ang elevator. Mukhang nag-aagawan na ang mga tao. Tumunog ang malakas na ingay ng fire alarm. Nagkakagulo sa buong building pero patuloy ang pagliyab ng mga apoy na sinimulan ni Maria. Patuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha… Patuloy ang mga ala-ala sa kanyang isipan kung gaano siya minolesta ang ginamit paulit-ulit. Patuloy sa isipan niya ang ala-ala na sana’y nandoon… ang itsura ng kanyang ina. Na sana’y nagbigay sa kanya ng tunay na pagmamahal at pag-aaruga… Pero huli na ang lahat. Kailangan niya itong tapusin.

Nagliliyab na ang kalahati ng 15th floor. Lumapit si Maria sa elevator. Ginamit niya ang mahahabang kuko at buong lakas. Binuksan niya ang pintuan ng elevator. Sumilip siya sa ibaba. Malalim…

Dumating ang mga bumbero pero huli na sila… Misteryosong hindi kumalat ang apoy. Namatay ito ng kusa… Nasunog ang mga unit 3E, 7C at 10A. Nasunog din ang buong 15th floor. Apat lang ang nakompirmang namatay. Kasama dito si Dave.

Pero may isang katawang nawawala… si Maria.

Simula noon hindi na gumagana ang 15th floor button ng elevator. Mukhang may nakabara sa mga kable nito sa itaas. Pinabayaan nalang ito ng management ng building at nagdesisyon na isara nalang ang 15th floor dahil na din sa malagim na aksidente.

Matapos ang buong insidente ng sunog. May isang janitor na babae ang naglilinis sa basement. Natagpuan niya ang isang batang sanggol… Umiiyak… Puno ng dugo… Agad niyang dinala ito sa pinakamalapit na ospital, malusog daw yung bata.

Dinala ng babae yung bata sa bahay ampunan matapos itong makalabas ng ospital.

“Kayo po ba ang ina ng batang ito?...”

“Hindi ho… Natagpuan ko yung bata sa basement.” Tugon ng babaeng janitor.

“O sige, kami na ang bahala sa bata simula ngayon. Ano nga po ba ulit ang pangalan niyo?

“Grace Alvero.”

“Alam mo ba Grace, niligtas mo ang buhay ng batang ‘to. Kaya nagpapasalamat kami sa’yo. Tama ang desisyon mo na dalhin samin ang bata. Sa tingin ko karapatan mo na bigyan siya ng pangalan.”

Napa-isip saglit si Grace…

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 93.1K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
133M 866 46
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela...
19.7M 864K 82
He is her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyf...
34.1M 839K 47
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
Wattpad App - Unlock exclusive features