Just As The Sunset (Albuera S...

By coralunaa

342K 8.3K 2.1K

She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would... More

First
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
14th
15th
Sixteenth

13th

18K 499 95
By coralunaa

Want

Pagkauwi ko ng bahay ay nakarating na sina Lala. They've got a lot of stuffs, ang iba ay pinalagay ko sa kwarto habang ang groceries naman ay hindi ko na pinalagay sa pantry. Nilagay ko sila sa bakanteng kwarto dito sa bahay, marami-rami kase iyon at meron ding for decorations. I don't want Diego to doubt what's all of it for kaya tinago ko na muna.

Maggagabi na at hindi na ako tumulong sa pagluluto dahil hindi na ako makapaghintay na palitan ang mga gamit na gusto kong palitan dito sa kwarto.

Nakapagpalit na ako damit, I'm now wearing a black tank top and a short white cotton shorts. Itinali ko ang buhok ko para mas komportable at nagsimula nang mag-ayos ng kwarto.

Una kong pinalitan ang gray nyang kurtina ng cream colored one. Medyo nahirapan pa ako dahil sobrang taas nun, buti nalang nakahiram pa ako ng ladder kina kuya sa labas. They offered me help but I refused kase nakakahiya namang mang-istorbo.

After fixing the curtains, yung carpet naman ang pinalitan ko. From gray one, I changed it to beige with some texture and. Pinalitan ko ang bedshet ng white, yung pillowcases naman ay pinalitan ko ng cream colored at beige yung pinalit kong blanket.

Inayos ko rin ang mga nabili kong halaman kanina at nilagay sila sa corner na kung saan sila nababagay. Pinalitan ko rin ang throw pillow ni Diego sa couch, para magblend siya kahit gray yung kulay, nilagyan ko ng throw pillow na cream at beige yung kulay.

Napangiti ako nang sa wakas ay matapos ko ang pag-aayos. Nakapamewyang ako habang pinapasadahan ng tingin ang kwarto. I was so glad with the outcome, coz it looked very different. It was aesthetic looking and the stuffs together with the plants blended in. Hindi na siya masakit sa mata.

"Love,"

Nilingon ko iyon at hindi ko pala namalayan ang pagpasok ni Diego sa kwarto dahil sa sobrang pagiging occupied.

Pagod ko siyang nginitian.

He approached me and was about to give me a kiss when I stopped him to.

"Pawis ako love, wait lang." iniwas ko ang mukha ko pero sumimangot siya at sinalubong ako,

"I don't care, I like your natural smell anyway" kamuntikan na akong mabuwal kung hindi niya lang hinawakan ang bewang ko. He gave me a soft tender kiss on my forehead and all I did was to close my eyes and feel his warmth. Nakakawala ng pagod.

Hinawakan niya ang bewang ko habang pinagmamasdan ang kwarto. His brows rose.

"Do you like it? Is it okay?" nakakagat labi kong tanong

Nagbaba siya ng tingin sa akin at tinitigan akong mabuti.

"Why do it now? You headed straight to fixing this after going to the city?" nakakunot noo nyang tanong

Bumagsak ang balikat ko.

"So you don't like it."

"No, love, I like it. As long as it makes you happy, I'm going to be okay with it too. It's just that, I don't want you to exhaust yourself." malumanay nyang sabi habang hinahawakan ang kamay ko

Napangiti ako sa sagot nya.

"Kase naman, masakit sa mata yung previous theme ng kwarto mo kaya pinalitan ko nalang agad." paliwanag ko

He sighed and nodded.

"You'll pass as an interior designer tho, partida, ilang oras mo lang tong ginawa ha." pambobola nya habang nakangiti

Umirap ako.

"Naku mayor, wag mokong bolahin ha. Magbihis ka na nga lang,"

He laughed and heed what I said. Lumabas siya ng walk in closet na naka gray na jogger pants at black na t-shirt. Umasim naman ang mukha ko sa ayos nya.

"Ano yan?" tanong ko habang pinapasadahan siya ng tingin. He looked freaking sexy, yes, but I can't just let him roam even inside our house with that pants.

Kumunot ang noo nya sa tanong ko at tinignan ang sarili niya.

"Ha?" nagtataka nyang tanong

"Change your pants." pagdedemand ko

Tumaas ang kilay nya, kasabay ng pagtaas ng sulok ng kanyang labi.

"Why?"

I rolled my eyes again.

"Basta magbihis ka nalang."

He smirked at me. Aba't...

"Sabihin mo muna kung bakit," he crossed his arms at sumandal pa talaga. Nairita naman ako agad sa asta niya.

"Basta nga. Sige, kung ayaw mo edi magsusuot nalang rin ako ng see through dress para kwits na tayo." maldita kong saad

Nagdilim ang paningin niya at umigting ang kanyang panga.

"Try it Amanda, and I'm going to punish you. Severely." makahulugan nyang banta

Nanlaki naman ang mata ko nang maging berde ang pag-iisip ko sa sinabi niya. Shems.

Inismiran nya ako at bumalik na ulit sa walk in closet. Napanatag naman ang loob ko nang nakabihis na siya ng black shorts paglabas. Naka all black siya at ewan ko lang ha, pero mas lalo siyang gumwapo. Wala talaga siyang kahit na isang kapintasan, kahit ano bagay eh. Kahit siguro basahan ang suotin nya magmumukha paring maganda. Nakakainis.

"Satisfied now, my possessive wife?" nakangisi nyang tanong

Umirap ako at tumayo na para pumunta na sa baba. Nagugutom na kase ako. Sumunod naman agad si Diego.

Nakangiti kaming sinalubong ng mga kasambahay. They were all silent as we ate. Si Diego naman ang nag-asikaso sakin habang tinitignan kami nina manang minyang. Hindi ko na pinansin ang mga tinginan nila, gutom na gutom na kase ako.

Nauna akong bumalik sa kwarto, I did my skincare while Diego is doing his stuff in his office. Naka mask ako nang bumalik siya.

"Are you sleepy?" tanong nya

"Konti," sagot ko habang inaayos ang aking facemask

He nodded and sat on the edge of the bed. Nakaupo pala ako ngayon sa couch.

"By the way, how was your talk with your friend?" bigla nyang tanong

"Okay lang naman," sagot ko

Tumaas ang kilay nya. "A boy it is, right?"

Napatingin ako sa kanya.

"Yeah,"

Napatango-tango siya, his jaw is slowly clenching and I smiled. I know what he's thinking.

"He's a gay actually. He's with his boyfriend earlier. Assistant ko siya but eventually, he became my closest friend." nakangiti kong paliwanag

Unti-unti namang umaliwalas ang mukha nya.

"Don't worry, I'll introduce him to you one of these days."

Lumapit na ako sa kama at naupo sa may bandang inuupuan nya. With a serious expression, umusog siya papalapit sa akin at pinaharap nya ako sa kanya. Slowly, he peeled my face mask making me shocked. Kakalagay ko nga lang eh.

"I want to kiss you," husky nyang bulong sa tenga ko matapos nyang ilapit ang mukha

His sexy voice made me shiver and made me extremely turned on. So ayun, that night, bininyagan namin ang bagong bedsheets.

KINABUKASAN maaga na naman umalis si Diego, I even asked him to go home early dahil ang sabi ko, ipagluluto ko siya.  Sinabihan ko rin ang mga kasama ko dito na wag nilang babatiin si Diego. Sinabihan ko rin sila na simulan na ang pagluluto dahil may gagawin pa ako.

Mamayang ala una pa kami magseset-up kaya naman habang may time pa ako, I decided to make my gift for him. Hinalungkat ko ang nga nabili kong paint materials at kinuha iyon, mabuti nalang rin at nakabili ako ng canvass na katamtaman ang laki. Wala kase akong ibang maisip na pwedeng iregalo since nasa kanya namam na lahat, sana magustuhan niya.

I transferred to the adjacent room and started painting there. Napagdesisyunan kong silhouette naming dalawa ang ipipinta ko, it was when we were in Hubo Island, where we watched the beautiful sunset together. Pareho kaming nakatalikod, his arms were snaked around my waist at ang ulo kong nakasandal sa balikat nya. The skies were orange while the sun was setting. Para akong dinadala sa alapaap habang pinipinta ang napakapayapang litrato naming dalawa.

Pagkatapos kong magpinta ay punong puno na ng pintura ang aking mga kamay  at meron din sa aking damit. I am not a professional painter kaya makalat talaga ako pagdating dito.

I was smiling while I wipe my own sweat. I am very happy with the outcome. Nakuha ko ang gusto kong ma achieve, tho it wasn't painted perfectly, perpekto iyon sa paningin ko dahil kaming dalawa iyon ni Diego. I even added some finishing touches to make it even prettier.

Inayos ko muna ang mga kalat ko, nilinis ang mga talsik ng pintura sa loob ng kwarto at pinatuyo ko na rin doon ang painting. Sayang, ife-frame ko sana iyon kaso wala akong frame na nabili eh tsaka wala naring oras.

Nagugutom na ako kaya binilisan ko ang pagligo. I just wore jogger pants and a racerback to be comfortable. Sinuklay ko lang ang buhok ko at bumaba na para kumain at icheck ang pagluluto nila.

Mag aalas-dose na nang makababa ako, yeah it took me a lot of time to paint.

"Ma'am, wala pa po kayong agahan ah? Kumain na po muna kayo,"

I smiled and nodded. Agad naman nila akong hinandaan ng pagkain. They all looked busy tho. After eating, chineck ko na ang mga pagkain. I chose a rustic themed party for Diego so rustic din ang menu. I asked Manang Minyang to supervise the cooking while we do the table setting outside.

After the foods, ang setup naman sa labas ang inatupag ko. The venue I chosed was located just behind the house na kung saan, nakaharap ito mamaya sa napakagandang sunset at maganda rin ang view dahil medyo natatanaw ang city lights.

I requested for wooden table, which they do have. Nagpatulong ako kina manong erning sa pagseset-up. Pinagdugtong-dugtong namin ang mga mesa para makabuo ng isang mahabang dining table. Sa bandang kanan naman ang mesa kung saan ilalagay ang foods. Mabuti nalang rin ata nakabili ng mga bumbilya sina Lala kahapon.

Kumuha sina kuya ng wooden pole at inilagay sa magkabilang giling dining table at saka namin ikinabit ang mga edison hanging light bulbs sa itaas ng dining table. The vintage light bulbs were placed assymmetrical kaya mas lalong nabigyan ng rustic feels ang lugar. The chairs we used were also wooden but it was in white color. Along with the long table runner, we placed some cute container candles and also some vased white flowers na pinitas lang din dito sa rancho.

"Tiyak matutuwa si ser neto ma'am," nakangiting sabi ni manong erning

Sana nga.

"Oo nga, lalo pa't ikaw ang naghanda para dito ma'am."

"Nagpapasalamat po kami sa inyo ma'am dahil matagal na po naming gustong pasayahin si Mayor, sa dami kase ng naitulong nya sa amin, gusto naming siya naman ang sumaya."

"Salamat rin po sa tulong niyo," nakangiti ko ring sagot

Mag-aalas kuwatro, nang matapos namin ang set-up pati na rin ang mga pagkain. Ang mga kasambahay na ang hinayaan kong maglagay ng mga pagkain sa sinet-up naming mesa.

I went upstairs to change my clothes and to fix my self. Bago ko din pala inayusan ang sarili ko, binalot ko muna ang painting na ireregalo ko kay Diego.

I wore a pastel yellow colored and printed off shoulder dress na above the knee ang haba. It has cute small white flower print so I paired it with a white strapped flats. Saktong sakto ang sukat nun sa katawan ko at nagmukha akong mas bata dahil sa suot ko. I curled the tip of my hair and applied a very light make-up.

"Ma'am, may naghihintay napo sa inyo sa sala. Kaizz daw ang pangalan," sabi ni Jenny sa labas ng kuwarto

Nagmamadali akong bumaba at nadatnan ko ngang naroon na si Kaizz. Naka polo siya at shorts kaya lalaking lalaki na sana siya tignan kung hindi lang sobrang kapal ng make-up nya. He immediately stood up when he saw me and watch me from head to toe.

"Maganda ka na niyan?" maldita nyang salubong matapos akong pasadahan ng tingin.

"Sira," tawa ko

"Ang ganda nyo ma'am," nakangiting puri ni Chinzen sa akin

Ngumiti ako at nagpasalamat.

Naupo kami ni Kaizz sa sofa.

"Do you want anything?" tanong ko

He's our only visitor, by the way. Hindi ko na ininvite ang mga opisyal na kasama ni Diego dahil nga I wanted to keep this celebration simple and lowkey but memorable.

"Hindi, wag na. Irereserve ko to para marami akong makain mamaya." nakangisi nyang sagot

"Wait, bakit ikaw lang? Asan yung jowa mo?"

"Ah si Neyt, ayun, nilagnat kase kaya naiwan na muna. Amanda, in all fairness, ang bigtime ng asawa mo ha! Hindi mo naman sinabing mansion ang pupuntahan ko at hindi bahay, para naman sana  nakapag-ayos ayos ako ng malupit-lupit. " mahina nyang saad

Tinaas ko ang kilay ko. "Hindi ka pa nakaayos sa kapal ng make-up mo ha?"

Natawa kaming dalawa.

"Pero Amanda, bakit wala akong makitang set-up?" nakakunot noo nyang tanong

Ay oo nga pala. I didn't informed him na it's a surprise.

"Nasa likod, isosorpresa ko kase." nakangisi kong sagot

Umirap siya sa sagot ko.

Dinala ko siya sa likod at ipinakita sa kanya ang look. Napangiti na naman ako, naset-up na kase ng maayos ang mga pagkain. Overall, it looked elegantly simple. Nakakatuwa ring tignan ang papalubog na araw sa likod. This is an art.

Hindi ko inakalang magugustuhan ko pala ang simpleng selebrasyon ng birthday, I mean, I'm used to grand and wild parties in Manila.

"Okay lang ba?" tanong ko sa namamanghang si Kaizz

"Amanda, hindi ko alam na nag-iba na pala talaga ang taste mo ngayon. I mean, hello, the Amanda Lopez that I know, wants grand parties, yung tipong maingay at samu't sari ang lights. Ang layo nito sayo, Amanda ah?"

I smiled at him. This is what I want now. It might be a bit ridiculous, but I now want a simple and peaceful one.

"Gusto mo na ng payapa kesa sa maingay. Mas gusto mo narin ata sa bundok kesa sa syudad. Mas naappreciate mo narin ngayon ang payapang buhay kesa sa maingay. You really are inlove." bumuntong hininga siya

I slowly nodded.

"Sabagay, mayaman rin naman pala ang asawa mo kaya okay lang sakin." biro nya

"Sira, anong akala mo sakin? Gold digger?"

Natawa kaming pareho.

"I can't believe you, Amanda." umirap siya

Malalaman mo rin naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito sa kanya, Kaizz. He's every girl's ideal man. He's perfect.

"Ma'am, pauwi naraw po si ser!" Lala informed me

Nagready kaagad kami nang marinig ang sasakyan ni Diego. All the rancheros were there and all the househelpers. Nakabihis rin sila dahil sinabihan ko silang mag-ayos. Nasa tabi ko si Kaizz, I am now wearing my smile while holding Diego's simple cake. The hanging bulbs were now lighted up as well as the candles.

I asked manang minyang to bring Diego here. Nilingon ko ang mga taong kasama ko sa pagbuo nito, they were all smiles while waiting for their honorable mayor.

"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Diego nang makita kaming lahat. He's still wearing his white button down shirt and his khaki pants. His eyes were full of amusement and confusion.

"Happy birthday Mayor!!" sabay sabay na bati ng mga kasambahay at ranchero

When he found me, his eyes sparkled even more. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis at nginuso ang kandilang kailangan nyang hipan. Unti-unti siyang lumapit sa akin at dinig na dinig ko ang singhap ni Kaizz.

"Hindi mo naman sinabing si Mayor pala ang asawa mo! Bruha ka, sana nag gown ako!" eksaheradang bulong ni Kaizz

Natawa ako at hindi na siya pinansin.

Umusog si Kaizz para mas bigyan ng space kami ni Diego. Tumigil siya sa harap ko at unti-unting pumikit. Pumalakpak sila nang mahipan ni Diego ang kandila. Sinalubong ko ang kanyang mapupungay na mata.

He's in awe, I know. And that was definitely our target so I am very much happy.

Nanginginig ang kamay ni Kaizz nang kunin ang cake sa akin kaya kamuntikan na akong bumulanghit sa tawa. Nasorpresa ba kita, friend?

"Are you surprised?" nakangiti kong tanong kay Diego

He slowly smiled and nodded. Hinila nya ako at binigyan ng isang mainit at mahigpit na yakap.

"Yun oh! Kompleto na ang kaarawan ni Mayor!" kantsyaw nila

"Wala nang hihilingin pang iba!"

Nasundan pa iyon ng marami na hindi pinansin ni Diego. He kissed my forehead and looked at me.

"Did you do all of these?"

"Ako lang ang nakaisip pero tinulungan  nila ako sa pagseset-up neto." sagot ko

"How did you know about my birthday?" nakakunot noo nyang tanong

"I researched about it." namula ako sa sarili kong tanong

He smirked at my remark and kissed me on my cheeks.

"Thank you love," madamdamin nyang bulong

"All for you,"

Kumalas siya at hinawakan ang kamay ko. Lumapit kami sa mga taong nakangiti kaming tinitignan. They were staring at us as if they were watching some romantic movie.

"Love, eto nga pala si Kaizz. Yung sinabi ko sayong kausap ko kahapon sa mall."

Tumaas ang kilay nya at tinignan ang kaibigan ko.

"Nice to meet you," magalang nyang bati kay Kaizz

Si bakla naman, parang natatae habang nakikipagkamay kay Diego. Hindi nga sya nakapagsalita eh, tanging pekeng ngiti lang ang naibigay nya. Pinandilatan ko siya ng mata kaya bahagya siyang umayos.

Si manang minyang ang nagbless ng pagkain and right after it, kumain na kami. Pinauna muna namin sila sa pagkuha. Pagkatapos nilang kumuha ay kami naman. Si Diego ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko at hinayaan ko siya.

"You cooked these?"

"Hindi ah, actually, wala akong natulong sa pagluluto." nakanguso kong sagot

He smirked at my answer.

"Tataba ako nyan, love." .

Ang dami nya kaseng kinuhang pagkain.

"Kahit naman mataba ka, maganda ka parin naman." suplado nyang sagot habang kumukuha parin ng pagkain

Masaya kaming nagsalo-salo sa iisang mesa. Bati dito, bati doon. Kwento dito, kwento doon. It was one of the best dinner in my life.

Ang saya ko lang. Nakita ko kase talaga ang saya ni Diego kanina, pati narin ang saya ng mga taong gustung-gusto rin siyang pasayahin.

Nakakatuwang naappreciate niya kahit na simple lang ang inihanda ko.

Pagkatapos ng salo-salo ay hinayaan ko muna si Diego na makipaghalubilo. Nakangiti akong pinagmamasdan siyang nakangiting nakikipag-usap sa mga tao.

"Hoy, loka ka para kang timang! Mura kag amaw!" sulpot ni Kaizz

Nilingon ko siya. Binigyan nya ako ng matalim na tingin.

"Alam mo, Amanda, ikaw na talaga! Ang dami mong pasabog sakin ah? Bakit hindi mo sinabing si mayor pala ang asawa mo?" pinandilatan nya ako

"Eh hindi ka naman nagtanong eh," kibit balikat ko

"Eh automatic na yun! Kaya pala, kaya pala patay na patay kang gaga ka! Jusko Amanda, ngayon bilib na bilib na talaga ako sayo! In all fairness, heavenly ang taste mo gurl ha! Sinabihan pa naman kita na baka nagayuma ka, eh parang ikaw ata ang nang gayuma eh!"

Inirapan ko siya.

"Ang sakit mo namang magsalita, parang sinabi mo namang hindi kami bagay. Kahit papaano may title rin naman ako sa craft ko, no."

Natawa siya sa sinabi ko.

"Parang ngayon lang ata kita nakitang bumaba ang confidence ha?"

"Eh kase pinapababa mo!"

"Joke lang naman kase. Pero shet!!! Okay na, support na kita sa kagustuhan mong isiwalat sa buong mundo! Support kita sis! Naku, sasabog ang social media at tiyak na maraming magugulat at miinggit na naman sa beauty mo! Ikaw na talaga!"

The party ended smoothly. Marami kaming litrato kasama ang mga taong nandun at marami ring pictures na kaming dalawa ni Diego ang magkasama.

Umuwi na si Kaizz at maging ang ibang ranchero. Ang mga kasambahay naman ay nagpresentang mag linis at magligpit.
Nagpaalam na kami sa kanila at umakyat na sa itaas.

"I have a present for you," nilingon ko si Diego

Nasa kwarto na kami ngayon. Kumunot ang noo nya.

"You don't need to, Amanda, sobra sobra na yung kanina." malumanay nyang saad

Hindi ko siya pinansin at kinuha ang nakabalot kong regalo. I handed it to him.

Kumunot ang noo nya habang binubuksan iyon. Umawang ng bahagya ang labi nya nang makita kung ano yun. He stared at the painting for long.

Tinignan nya ako gamit ang kanyang mapupungay na mata. Lumapit ako, at binigyan siya ng halik.

"Love, thank you." paulit-ulit nyang sabi habang yakap-yakap na ako ngayon

Ilang minuto kaming nanatiling ganun nang kumalas siya at magsalita.

"Wait, I've got something for you too. Here," ipinakita niya sa akin ang isang eleganteng singsing na may maliliit na dyamante sa palibot.

Napalunok ako.

"Amanda, will you marry me, again?"

Nakaluhod na siya ngayon sa harap ko. Natutop ko ang aking bibig at nag-unahan sa pagtulo ang aking luha. Sumasakit ang dibdib ko sa tuwa.

"Thank you for everything. Thank you for being here and thank you for being my wife. I want us to start fresh, love. I want you for the rest of my life."

Tumango ako habang umiiyak parin.

Continue Reading

You'll Also Like

264K 4.6K 18
Aira didn't expect that her boyfriend, Arjay, will cheat on her. Never did she imagine that he can cheat on her. She thought Arjay loves her. Did he...
9.7K 143 12
Tony married for money. She thought she would live comfortably if she had money. And that no problem is greater than financial problems. But she marr...
6.4M 147K 38
To Mayor Wilson Eliseo dela Fuente, it wasn't a huge surprise that it was his turn to get dragged to the sacrificial altar for the sake of his family...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...