Just As The Sunset (Albuera S...

By coralunaa

345K 8.3K 2.1K

She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would... More

First
2nd
3rd
4th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
Sixteenth

5th

19.9K 458 49
By coralunaa


First Day

I was accompanied by  Lala, Diego’s househelp whom I talked to earlier. Inihatid niya ako sa kwarto ko nakatabi lang din ng kwarto ni Diego.

The room was large. It actually is larger than my room in Manila. One queen sized bed, one walk in closet and a sofa. May tv din doon. Adjacent walls were glass kaya kitang kita ang kagandahan ng rancho.

Mabuti nalang rin at hinatiran ako kanina ni Lala ng masusuot kong damit para sa gabing ‘to. Marami naman akong nakitang malalaking malls kanina kaya baka pumunta ako bukas sa syudad para mamili ng damit.

I don’t have a problem with the place at all. Sa totoo nga nyan, napakasarap at napakaganda ng lugar. Komportable rin ako sa kwarto ko at sa bahay, kaso, I am not comfortable with Diego. Ni hindi ko inisip na gugustuhin niyang maranasan man lang akong maging asawa eh.

Seems like I am stuck here for the rest of my vacation. This place is not bad for a vacation but the thing is, I am not here for that, I am here to be Diego’s slave. Ugh.

Problemado akong naupo sa kama at kinuha ang phone ko. I need to inform my parents about this, tiyak na nag-eexpect na yun na makakapunta ako sa LA.

“Mommy, I can’t go there tomorrow.”malungkot kong sabi

“What? But why dear. Niready ko pa naman yung kwarto mo, tas di ka pa pala pupunta.” Dissapointed na dissapointed ang tono ng mommy ko

“Mom, kase—”

“Amanda, kung ano man yang taping or lakad mo, can you cancel it for us? I miss you na anak.”

“I miss you to mom, kayo ni Dad pero kasi my, andito kase ako sa bahay ni Diego eh.” Nakakagat labi kong sabi

Dinig na dinig ko ang pagsinghap nya.

“What? Really? Oh my God, anak! Please tell me you’re serious!” exaggerated nyang sagot

Mommy knew that I wasn’t able to meet Diego even before but she believed I will eventually like Diego when I get to see him.

“Opo, andito ho talaga ako. May pinag-usapan lanh po kami, dito ko nalang po muna isespend yung vacation ko. Sorry po, babawi nalang ako.” Seryoso kong sabi

“What? Anak don’t be sorry! Sobra akong natutuwa! Tiyak pati yung daddy mo matutuwa din dito!” galak na galak nyang sagot

Nagkuwentuhan pa kami ni mommy saglit, she’s very happy. Nahawa ako ng konti sa sayang nararamdaman ni mommy kaya medyo nalighten yung mood ko, the thing is, mabilis ko lang siyang nakausap dahil kailangan ko pang maligo at kumain.

Maraming nangungumusta sakin, even Kaizz pero ang may pinakamarami talagang mensaheng pinadala ay si Jimuel. He’s bombarding my inbox. Hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya dahil pareho kong ayaw magsalita ng totoo at ayoko rin namang magsinungaling so pagkatapos kong itext si Kaizz, I decided to off my cellphone.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako. I wore what Lala brought me, it was a sexy denim shorts paired with a white cropped top. It looked sexy on me and I don’t have a problem with it. Pagkatapos kong magbihis ay nagskin-care naman ako. Ginawa ko na dahil baka makatulog na ako mamaya sa sobrang kapaguran.

That night, I had dinner with all the other househelps. Diego didn’t joined us because, again, he’s busy.

Bago ako matulog kagabi, talagang tulala ako. I stared at my lolo’s picture and mentally asked him kung bakit kaya niya naisipang iyon ang isulat sa testament nya?

Sa totoo lang kase, hindi ko naman talaga gustong manahin lahat ng yaman ni lola, but eventually, lahat ng yaman na yun eh hindi na namin mapakinabangan since namatay siya. Pagkatapos nyang mamatay ay kalkal kami ng kalkal ng rason kung bakit hindi namin magamit ang yaman niya, yun pala, nakasaad sa last will nya na kapag mamatay siya, hindi namin mapapakinabangan ang mga ari-arian nya maliban nalang kung maka sampung taon akong kasal kay Diego. Yun lang talaga ang kondisyon ng lolo ko. Hindi ko rin mawari eh, basta ang naaalala ko lang, botong boto talaga siya sa amin ni Diego, kaya nga ipinakasal nila kami eh gamit ang kanilang kapangyarihan at mga koneksyon.

Siguro kase, noon, malakas ang paniniwala nila sa soulmate? Kaya naniniwala silang kami talaga ni Diego, pero sadyang may mga bagay talagang hindi napipilit eh.

KINABUKASAN, maaga akong nagising. I am a morning person at sanay akong nagjojogging tuwing umaga, gusto ko nga sanang magjog kaso naalala ko na wala akong damit kaya hindi ko nalang itinuloy.

Today’s my first day of duty, and with total honesty, wala talaga akong alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Oo nga’t ilang taon na rin akong kasal pero never ko namang naranasang maging housewife talaga eh.

Bumaba ako at pumunta sa kusina.

“Ma’am, magandang umaga ho!” she merrily greeted me

Sana lahat, maganda ang umaga no?

I just smiled at her and then went to the fridge to drink some water.

“May inihanda na po akong gatas para sa inyo ma’am, eto po oh.” Ani Lala saka abot sakin ng basong puno ng gatas

“Ah Lala, salamat ha? Pero hindi kase ako nag gagatas eh.” Tanggi ko

“Ay talaga ho ma’am? Sa kutis nyo po hindi po halatang hindi kayo umiinom ng gatas.” Puna nya

Ngumiti lang ako sa kanya. “Sya nga pala, why are you up early? Are you cooking breakfast?”

“Ay oho ma’am, mag cook po ako ng breakfast nyo ni ser! Sinabi nya narin po pala sa amin na wife nya kayo ma’am ! Tsaka ma’am alam narin ho namin na ikaw si ma’am Amanda Lopez! Yung idol ko hong artista! Sabi ko na po eh, namukhaan ko na po talaga kayo kahapon, hindi ko lang matanong kase nahihiya ako!” sabi ni Lala nang may malapad na ngiti

Nanlaki naman ang mata ko. Shems, pano kung kumalat ‘to?

“Alam ko na ho yang tinginang yan Ma’am, wag ho kayong mag-alala at kabilin-bilinan po sa amin ni ser na wag ipagkakalat ang tungkol sa inyo. Tsaka kabilin-bilinan nya rin na wag kaming magpapapicture sa inyo! Kaya no worries na po ma’am!”nakangisi na siya

Gusto ko mang umangal, wala narin akong magagawa. Besides, okay narin na alam nila para hindi na ako mahirapang magsinungaling. I just really hope they’ll keep their promise, or I’ll be dead.

Tumango ako. “Ano bang lulutuin mo Lala? Can I help?” pagwawala ko sa usapan

And that is what I did, I helped her in cooking. Ang ibang househelps naman ay nakatoka sa ibang mga gawain.

“Mabuti at alam nyo po pala kung paano magluto mam no?”

“Yeah, mag-isa kase ako sa condo.”

Nasa ganung sitwasyon kami nang pumasok si Diego sa kusina. He’s wearing black shorts paired with grey round neck shirt. Ngayong naka-tshirt sya, mas nakikita ko ang maskulado nyang braso but not to the extent na over. His built along with his height is really godly.

Napansin nya sigurong nakatitig ako kaya napatitig narin siya sa akin. Ngumiti naman ako.

Kanina lang kase narealize ko na walang saysay ang pakikipagtalo sa kanya kaya naman, I’ll do my best to be his…. Wife? For months lang din naman.

“I helped Lala cook our breakfast.” Nakangiti kong sabi

Parang nagulat siya sa sinabi ko pero tumango siya kalaunan.

“Ah ma’am, ser, handa na po ang pagkain.” Sabi ni Lala

Umupo ako sa isang upuan . Nagulat naman ako nang sumunod si Diego at umupo sa harapan ko. This is going to be the first time I’ll dine with him since I dined with the househelpers yesterday.

“Ah, Lala, tawagin mo na sila—” she cut me off

“Mamaya na ho kami ma’am pagkatapos nyo, sa sala lang ho kami.” Nakangising paalam ni Lala saka sumama sa ibang kasambahay paalis ng kusina

Now that they left us alone, the awkwardness is eating me. How do I start a conversation like no quarrel happened tomorrow? Ugh, ngayon lang ata ako nahirapang umarte ah.

We ate silently tho. And as usual, mabilis akong natapos kumain, half cup rice lang kase ang kinakain ko every breakfast to control my weight and my figure. Hindi ko naman inakalang pupunahin iyon ni Diego

“Are you finished? Ang liit lang nung kinain mo ha.” Nakakunot noo nyang puna

“Ah, diet kase ako.” Pagdadahilan ko
Mas kumunot ang noo nya sa sinagot ko.

“Forget about your diet while you’re at my house. Eat until you’re full, hindi yung kinokontrol mo yung kinakain mo at tumitigil ka kahit hindi kapa busog.” Pangangaral nya

“No, busog na talaga ako.”

What I said was true .Tinignan nya ako ng mabuti at nagkibit balikat saka nagpatuloy sa pagkain.

Bakit ganun? Yung mga nakakasabay ko namang mga lalaking kumain, pare-parehong parang nauubusan ng pagkain lage, kahit mga artista. Etong si Diego, kahit sa pagkain, makikitaan mo talaga ng poise eh. Kalkulado  at masyadong pangmayaman ang galawan.

“Nga pala, I don’t have clothes to wear. I’ll go to the city today to shop some.” Sabi ko

Sabi ko kahit hindi ko naman talaga alam kung kailangan ko pang ipaalam sa kanya. Hula ko lang kase, yun ang ginagawa ng mag-asawa?

“You can go there with some househelper.” Aniya

“No,no. Kaya ko naman eh tsaka napadaan naman na ako dun kahapon kaya okay lang na ako nalang.” Pagtanggi ko

“Kahit na Amanda, first time mo dito. Tsaka baka makilala ka ng iba, dumugin ka bigla.” Seryoso nyang sabi

“Kung nag-aalala kang makilala ako ng mga tao dito, edi bakit ipinakilala mo na ako sa mga kasambahay mo?”

He looked at me intently while answering. “Because I can’t see any reason to not tell them? Kung hindi ko sasabihin, alam ko namang malalaman rin nila. They see you on tv kaya masyadong imposibleng hindi nila mahalata. Besides, balak naman talaga kitang ipakilala sa mga tao dito.”

“Are you insane? Alam mo ba ang pwedeng mangyari sa career ko at  sa akin kung makikilala nila ako?” medyo galit kong sabi

He sighed. “Don’t worry, if they’ll know about you, about us, I’ll make sure they’ll keep it to themselves.”

Tila sinabi niya saking ‘ako ang alkalde dito kaya susunod sila sakin’, ewan ko, tunog ganun kase.

“Besides, hindi ko naman hahayaang mapahamak ka.”malamig nyang sabi

Why is it that my heart suddenly beated so fast at what he said? Gosh. Something might be wrong with me.

Hindi na ako nagsalita. I feel like I have to endure awkwardness to stop myself from saying things I would end up regretting. Nanatili kaming tahimik hanggang sa matapos syang kumain. Nagmamadali naman syang umalis papuntang munisipyo.

Pagkaalis ni Diego ay agad akong pinagkaguluhan ng mga kasambahay. Andito kami ngayon, sa malaking sala.

“Napakaswerte nga naman namin Ma’am at si sir ang naging amo namin! Hindi lang dahil gwapo at mabait siya, kundi dahil narin kayo ang asawa niya! Hayy, akala ko talaga sa tv ko lang kayo makikita eh!” sabi ni Berna

“Sayang nga at hindi kami hinayaan ni ser na magpapicture sa inyo ma’am eh! Ay tiyak na maiingit ang mga friends ko sa facebook, balak ko pa namang iupload ang picture nating dalawa! Nyahahaha masuya jud to sila if ever shet!” tili ni Hazel

“Wag kang swapang Hazel, makikita nga natin si ma’am araw-araw oh? Tsaka para sa kaligtasan ni ma’am yun kaya hindi tayo pinayagan ni ser na makapagpapicture!” sabi ni Darla

“Oo nga Ma’am Amanda. Pero ma’am, hindi po ba at jowa nyo si Jimuel? Guwapo sad baya to.” tanong ni Mhica

“No, we’re loveteams pero hindi kami naging magkarelasyon.” Sagot ko

Tumango-tango naman sila. There are 5 of them.

“Pero ang gwapo nun ma’am, hindi ho ba kayo nahumaling?”

“Ay naku Jenny, paanong mahuhumaling yang si Ma’am Amanda eh matagal na ngang kasal yan kay ser, tsaka di hamak naman na mas gwapo si ser Diego no!”

Mas gwapo nga, mas suplado din naman.

"Oo nga! Bagay na bagay sila Ser at Mam naku!  Masuya man sad ta!"

"Hayyy.... mao diay walay uyab si Ser no? May asawa na pala! At si Ma'am Amanda pa! Giahak, mura jud kog natug ay! Pukawa ragud ko!"

"Ako din. Mura kog nagdamgo! Biruin mo, nakikita ko lang sa tv noon, nasa harapan na natin ngayon?!?"

So they could see me here through televisions din pala? I wonder... do Diego watch me also?

“Tama na nga yang pangchichismis nyo kay Ma’am Amanda. Bumalik na kayo sa inyong mga trabaho para magawa naman ni ma’am ang kailangan nyang gawin.” sabat  ni  Manang Minyang, ang mayordoma

Pagkatapos nun ay namili ako ng damit kasama si Lala, hindi kase talaga ako pinayagan ni Diego na pumunta doon mag-isa, he even handed me cash. Ayokong makipagtalo kaya tinanggap ko nalang.

Pagkauwi namin galing mall ay masaya ako sa nabitbit. I bought clothes, tons of it, and I also bought some painting materials, to ease my possible boredom. And just like yesterday, hindi na naman kami nagsabay ni Diego kumain, busy na namin kase si Mayor.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.4K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
4K 167 76
This is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical err...
108K 2.7K 28
GXG
55.8K 138 15
SPG