Chapter 10: Guni-guni
Matapos kaming kumain ng umagahan ay sinet up na namin ang basement upang makapag simula na kaming mag shoot para sa horror film.
"Mahal!" sigaw ni Freya
Agad akong napalingon sa direksyon niya. Ang sarap naman ng pagkakasabi niya sa mahal, damang-dama ko na puno talaga ng pagmamahal ang salitang iyon mula sa kanya.
Nagtungo sa direksyon niya si Zilong
Tama, si Zilong nga pala yung tinawag niyang mahal. Masyado lang akong assume-mero.
Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon dahil hindi ko manlang nagawang umamin kay Freya.
Ang saya nila habang pinagmamasdan ko silang nagkukulitan. Kung umamin lang ako sa kanya, siguro ako ang nasa pwesto ni Zilong ngayon. Ako siguro yung masayang nakikipag kulitan kay Freya habang tinutulungan siya sa ginagawa niya. Ako sana yun kung naging matapang lang ako.
"Uy!" sinagi ni Moskov ang braso ko gamit ang siko niya
Lumingon ako at pilit na ngumiti.
"Nagseselos ka pa rin ba sa kanilang dalawa?" tanong ni Moskov ngunit hindi manlang siya tumingin sa akin
Hindi ako sumagot, hindi ako makasagot nang makita ko ang mukha niya.
Tinitigan ko lang ang noo'y tahimik na nag iikid ng sinulid na si Moskov. Iniisip ko kung naiisip kaya niya ang nangyari sa amin kagabi?
Bumilis ang tibok ng puso ko, sinapo ko ang dibdib ko at huminga ng malalim
"Par, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Immortal king
"Ahh oo Par, medyo sumama lang ang pakiramdam ko" sagot ko
"Masakit sobra diba Par?" tanong niya, naguluhan ako sa sinabi niya
"Ah sakto lang naman, ayos lang ako" sabi ko nalang
Tumayo si Immortal "Masakit sa puso pag nakikita mo yung mahal mo na may mahal ng iba, na masaya sa iba" seryoso niyang wika na agad pumukaw sa atensyon ko
Ano bang ibig niyang sabihin? Gusto rin kaya niya si Freya?
Muli akong bumaling ng tingin sa kinaroroonan nila Zilong at Freya.
"Tama ka Par, sobrang sakit isiping hindi manlang tayo nagkaroon ng pagkakataon na umamin sa kaniya" saad ko
Marahil ay may pagtingin din siya kay Freya kaya ganun na lamang ang lungkot sa mukha ni Immortal habang nakatitig sa dalawa
"Tapos na ba kayo? Inabot na kayo ng siyam-siyam sa pag decorate palang aa" singit ng kadarating lang na si Natalia
"Ahh oo tapos na, nagliligpit nalang kami" sagot ni Moskov
"Nasaan nga pala si Moonton? Parang diko siya nakikita?" muling tanong ni Natalia
"Nandun sa kwarto, aayusin daw niya yung gagamiting camera" sagot naman ni Immortal King
"Uhm okay, ano? sunod nalang kayo sa taas ha? Nakahain na kasi ang tanghalian" saad ni Natalia at saka naglakad palayo
"Sige susunod na kami" ani immortal
"Bilisan niyo haaa" pahabol na sigaw ni Natalia
Matapos kaming mananghalian ay nag meeting muna kami, inaral muna ang mga scripts ng makapagbunutan na kami sa gaganapan naming role sa film.
Nakaramdam ako ng pagkahilo kung kaya't nagpaalam muna ako sa kanila upang makapag pahinga. Marahil ay nananakit na ang aking ulo dahil sa puyat.
••••••
Nagising ako ng mabingi ako sa nakakarinding tunog ng nag aalarm na orasan na nakapatong sa night stand table.
Sinipat ko ang oras mula rito.
"Ahh alas-tres na pala ng hapon, napahaba ata ang tulog ko"
Bumangon ako at dumiretso muna sa palikuran. Habang naghihilamos ako ay may narinig akong isang tinig.
"Ayoko, ayoko" paulit-ulit kong narinig ang mga salitang iyan na tila ba galing sa tinig ng isang babae
Puno ng takot ang boses na iyon na animo'y mayroon siyang labis na kinatatakutan.
Sinundan ko ang pinagmumulan ng tinig na iyon ngunit habang palapit ako ng palapit ay parang unti-unti naman itong humihina hanggang sa tuluyan na nga itong nawala sa aking pandinig.
"BOOO!"
"AAAYYYYY!" malakas na pagtili ko
"Hala sya! May pagtili pang nagaganap, para kang nabakla aa. Bakit nagkakandagulat ka ata? Namumula ka din" saad ni Kagura
"Ahh nagulat lang ako, basta-basta ka kasi nanghahawak sa bewang" sagot ko
"Kasi kanina nakita kita, dahan dahan ka pang naglalakad papunta sa shower room kaya pinagmasdan kita tapos nung huminto ka naisip ko na kilitiin ka. Malay ko ba na magugulat ka. Yung reaksyon mo pa para kang nakakita ng multo" paliwanag niya
"Kanina ka pa dito ibig sabihin?" agad kong tanong sa kanya
"Oo" sagot nya na may kasama pang pagtango
"Ibig sabihin narinig mo din yung narinig ko kanina?" muling tanong ko
"Anong narinig? Wala naman akong narinig kanina" sagot ni Kagura na bakas ang pagtataka
"Yung babaeng parang umiiyak siya at sinasabi niya na ayoko,ayoko. Kaya naglakad ako ng dahan dahan dahil sinusundan ko yung tinig niya kaso bigla naman nawala kaya napatigil ako"
Ngumiwe si Kagura at umirap "Alam mo, hindi na nakakatuwa yung ganyan ha. Wala nga akong narinig, nandito na ako kanina pa nung bago ka palang naglalakad pero wala naman akong ibang boses na narinig. Nananakot ka lang ata. Bahala ka na nga dyan" wika niya ata saka umalis
Pero may narinig kasi talaga ako. Hindi ako pwedeng magkamali sa pagkakataong ito. Mabilis akong bumaba at hinanap si Freya.
"Bessy!" tawag ko kay Freya ng makita ko siyang naglalakad sa labas ng bahay
Agad naman niya akong narinig at sinalubong ako.
"Yes bessy? Buti at nagising ka na, hindi na kita ginising kasi sabi ni ate Nat puyat daw kayo ni Moskov. Totoo ba bessy?" ani Freya at saka humalukipkip
"A-hh anong ibig mong sabihin?" tanong ko; hindi ko alam ang dapat sabihin o itanong
Humarap si Freya sakin na may napakataray na pagmumukha
"Alam ko ang totoo mong pagkatao" wika niya at saka ipinunto ang daliri niya sa dibdib ko
Napalunok ako sa sinabi ni Freya, alam niya ang pagkatao ko? Iniisip ba niya na bakla ako? Pero hindi pa naman ako sigurado doon.
"Huy bessy! Napatulala ka ata dyan, iniisip mo ba yung sinabi ko? Biro lang yun aa, kasama yun sa line ko sa film natin inaaral ko lang" muling wika ni Freya na agad din namang tumawa
"Anyways, bakit mo nga pala ako tinawag? May kailangan ka ba?" tanong niya
Binasa ko ang labi ko gamit ang sarili kong dila at saka muling lumunok "Ahh may itatanong lang sana ako kung ayos lang sayo at kung may oras ka?" sagot ko
Nagsimula sa paglakad si Freya na agad ko namang sinundan, naupo siya sa swing na naroon lang sa bakuran ng bahay nila. Naupo rin ako sa isa pang swing.
"Okay, so ano yung itatanong mo?" pagsisimula ni Freya
"Wag mo sanang masamain pero may namatay na ba dito sa bahay niyo?" walang anu-anong tanong ko
"Namatay? Hindi ko alam ang history ng bahay na ito pero dito namatay ang Lolo at lola ko. Si Lola ay namatay dahil inatake sya sa puso nung dalaga pa ang si Mama at si lola naman ay namatay sa kama dala na rin ng katandaan niya. Mahalaga sa Lolo at lola ko ang bahay na ito kaya may care taker kaming kinuha para panatilihin ang ganda nitong bahay, old style pero siguradong matibay. Bakit mo nga pala natanong kung may namatay na dito?" Kwento ni Freya
"Ahh wala naman, na curious lang ako. San ka nga pala pupunta bago kita tawagin kanina?"
"Ahh sa basement sana tatawagin ko sila Immortal para mag meryenda" sagot niya
"Ahh sige tawagin mo na sila" sabi ko
Ngumiti lang si Freya at saka naglakad palayo.
Siguro nga ay tama si Kagura, guni-guni ko lamang ang babaeng umiiyak kanina.
Hindi ko na nabanggit kay Freya maging sa iba pa ang narinig ko sa palikuran.
Matapos naming mag minindal ay nagtungo na kami sa basement.
Ready na ang lahat lahat ng gagamitin namin hindi lang sa basement kundi sa buong bahay.
Habang pinapaliwanag ni Moonton ang blockings at kung paano namin dapat ibigay ang linya sa isa't isa ay may narinig kaming isang napakalakas na kalabog.
Nagkatinginan kaming lahat at para bang tinatanong ang isa't-isa na "Ano yun?"
~End of Chapter 10
Sorry for the late update,
medyo na block lang ako 😆
LoveButterfly 💕
041620