Fight or Flight? [Book 2] ON...

By EnsconceSlack

56.7K 2.2K 380

BOOK TWO of Dr. Who? The Yasmine 'Yassy' Bernice Monteverde Story I don't understand the hatred and fear of... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33

29

909 60 27
By EnsconceSlack







Lahat kami ay nagpasya na magpalipas ng gabi dito sa Ancestral House. Iyong mga matatanda ay nasa living room at nag uusap kasama si Kuya Geoff. Nagiinuman ang mga iba ko naman na pinsan pero iyong mas murang edad naman ay nakaharap sa mga cellphone nila sa gilid gilid.




Habang nagaayos pa sila Rick ng alak ay nagpatay oras muna ako. Nilabas ko ang cellphone ko para i-text si Nicole.




'Still up?' I started.




'Yes. I assume dinner went fine?' Reply naman nito agad. Nabanggit ko sa kanya na asiwa ako sa ganitong pulong pulong ng pamilya namin dati.




'It turned out great. My brother's back by the way.'






'What?! OMG! that's great, Yas! I can imagine how happy you are right now"





Umakyat ang mga labi ko.




'I honestly forgot the last time I was this happy.' I look at my Family around in smile.




'Savor the moment, Yas. You deserve to be happy.'





Sinilip ko sila Rick. Kasama na nila si Geoff at inaayos na ang lamesa para sa beer pong game namin.





"Game na!" Sigaw ni Rick at naghiyawan na ang lahat.






''My cousins are calling me already. Thank you, Nic. You deserve to be happy as well.' xoxo'





Naging Boys vs. Girls ang labanan naming magpipinsan. Syempre ako ang team leader bilang ako ang pinakapanganay sa amin mga babae.




Pang third round na namin ito at lagi kaming talo. Malapit na rin mag-away ang mga teammates ko.




"Cheska, galingan mo naman tumira." Reklamo ng isa sa mga kambal na si Charlie. Anak sila pareho ni Tito Hector, "Dapat DQ ito eh, hindi naman umiinom." Sabay inom ng isang baso ng beer na dapat ay sa kambal niya.




"Duh? Kanina ko pa kasi sinasabi na dapat di ako kasali diba?" taray naman ni Cheska sa kambal niya.




"Tabi tabi tabi." Pinaghiwalay ko na ang dalawa para pumagitna sa kanila, "Ako na lang titira." Inasinta ko ang isa sa apat na baso na natitira. Ihinagis ko ang bola at pumasok ito sa pinakaunahang baso, "Bottoms up, Kuya Geoff!" Turo ko sa kapatid ko.




Nagtawanan ang lahat dahil kapag kaming mga babae ay nakakashoot ng bola ay si Kuya Geoff lamang ang pinipili naming uminom.




"Alam namin na-miss mo iyan!" Alog ni Rick sa balikat nito.





"Hay nako, kababalik ko pa lang lalasingin niyo ako agad." Sabay inom ng baso. Umubo ubo ito pagkatapos, "Grabe uminom din kayo." Saka pinunasan ang bibig nito gamit ang kamay niya.






Tumawa lang kami at itinuloy ang laro hanggang sa mapagod ang lahat.






"Hey." Tumabi sa akin si Kuya Geoff saka abot ng bottled water, "This still feels surreal to me."




"Same. I mean, lagi akong umaasa na makakabalik ka na. Iba pala ang pakiramdam kapag totoong nandito ka na."





"Nakita kita na may katext sa telepono mo kanina, ngiting ngiti ka pa na para kang kinikilig. Girlfriend mo ba iyon?" Tanong nito. He smiles at me while waiting, "Teka, bofyriend na ba?"




"No, Kuya. She's just a friend."



"Magkwento ka naman ng mga nangyari sa'yo habang wala ako. I want to know what happened to my sister because I still can't believe you are an actress now. At hindi lang basta basta na artista dahil sobrang sikat mo raw sabi ni Rick nang nakita ko iyong isang billboard mo kanina."





What happened to me after he left?





"Na-curious ako sa mga sinabi nila Tita Paula at Tito Richard kanina sa'yo." Pinilit ako ng kapatid ko na humarap sa kanya, "Yasmine, what really happened to you after I was locked up? Mom and Dad doesn't want to talk about it whenever they visit me. Nagtataka ako bakit hindi mo man lang ako nagawang bisitahin ni minsan."





Napayuko ako, A lot has happened to me. Hindi na rin ako magtataka kung bakit itinago ng mga magulang ko sa kapatid ko lahat ng nangyari sa akin. For sure he'd be very disappointed.





-Flashback-


"Yassy, tara na uwi na tayo." Hila ni Lexi sa akin sa labas ng bar, "Kagagaling mo pa lang sa aksidente, utang na loob."






"Mauna ka nang umuwi, Lexi. Pabayaan mo na ako dito." Ikinalas ko ang hawak nito sa akin at dumiretso sa bartender. Naglabas ako ng pera saka tumango sa kanya para sumenyas. Mukhang ayaw ako pagbigyan nito ngayon pero biglang pasimple nitong inabot sa akin ang isang pakete ng kailangan ko.





"Yassy, ano iyan?" Galit na inaagaw ito sa akin ni Lexi pero sumubo ako ng isang tableta, "Shit.." napahawak ito sa ulo niya, "Yassy, nagmamakaawa ako sayo itigil mo na 'to..."




"Iyan na nga ang ginagawa ko ngayon di'ba? Gusto ko na matigil na 'to, Lexi. Kaya nga binibilisan ko na di'ba?" Sumubo ulit ako ng dalawa pang tableta. Naagaw ni Lexi iyong buong pakete at hinagis sa dance floor kung saan maraming tao, "What the hell?" Sinubukan ko itong hanapin pero hinarangan ako nito.






"Wag mong sayangin ang buhay mo, Yassy. Andito pa kami..." Naiiyak na sabi ni Lexi, "Paano na lang sila Mommy mo? Ang Daddy mo? Ngayon ka nila kailangan..."






Ako ang may kagagawan ng lahat ng ito kaya bakit pa ako ang kakailanganin nila? I am better off gone.






Umiikot na ang paningin ko, parang nageecho ang mga ingay sa pandinig ko. I shake my head because I know that the drugs are finally kicking in. I grinned at my best friend, "Wooah! Let's do more shots!!"



Hindi ito kumibo at sumunod na lang sa akin. May katext ito sa cellphone nya at kada segundo ay titignan ako, "Reece is coming."





Hindi ko ito ininda at uminom ng tequila shots saka sinabayan ng rum.




I know this will give me a major hangover tomorrow...





That is if I will wake up tomorrow.





Tuloy tuloy lang ang inom ko at pagsabay sa tugtog.





Ramdam ko na ang hilo, pagod... pero nangingibabaw pa rin ang sakit sa puso ko. I need more drugs... I need some more of it...




Tumungo ako sa dance floor para mawala sa paningin ni Lexi. Sumingit ako ng sumingit hanggang sa makarating ako sa destinasyon ko. Bumalik ulit ako sa bartender at nagpadausdos ng tatlong libo.




"Naubos mo agad?" Gulat na tanong nito.




"Hindi ako nakahirit, hinagis agad nung kasama ko sa dance floor." Umiling iling ito at kinuha ang pera.




"Ubos na iyong trip mo pero may bago ako dito." Tumingin muna ito sa paligid bago ihagis ang isang pakete ulit, "Mas malakas iyan."




"Bigyan mo ko ng alak dali." Nag abot ito ng isang baso ng beer. Tinungga ko ito kasama ang dalawang pills.



Pinanood lang ako nito, "Kung gusto mo pa nang ganyan, sumama ka na lang sa akin." Ngiting ngiti ito.





"Hoy, Manyak. Layuan mo kaibigan ko." Rinig ko mula sa likuran ko saka ako kinaladkad palabas ng bar.





"She's ruining her life. We need to stop her." I heard Lexi say nang mapagtanto ko na si Reece pala ang nakahawak sa akin.




"I am.. okay..." Lasing na saad ko. Kung hindi dahil kay Reece baka gumagapang na ako ngayon, "U..umuwi..na kayo.." nabitawan ako ni Reece kaya bumagsak na ang katawan ko sa sahig.



Sinubukan ko na ibangon ang sarili ko pero nanghihina ang mga tuhod ko, "Shit.." I laughed. I look pathetic right now.




"Ano kaya mo pa? Iinom ka pa?" Si Reece. Kung hindi lang dahil sa manhid ang loob ko ay sigurado ako na matatakot ako sa tono ng boses nito.





Umupo ako at sumandal sa kotse. Umubo ubo ako bigla. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na mukhang dismayado sa akin, "Gusto ko na lang talaga na matapos na 'to..."



"Yassy, why are you acting as if everyone left you behind? Marami pa kami dito. I know I sound insenstive pero hindi mo ba naisip na kung meron si Hope ngayon dito at pinapanood ka, sa tingin mo ba matutuwa siya sa ginagawa mo?" Nakakunot ang noo ni Reece, "Or si Kuya Geoff? Paano kapag nakalaya na siya at nalaman niya itong ginagawa mo, you think he'd be proud of you? Si Tito Greg, don't you think he's already tired, stressed from everything and then you are being like this!"




"Reece, tama na... let's take her home." Awat ni Lexi kay Reece.





"I am so angry, Yassy. So angry at Quinn for fucking with your life."




"I am so sorry..." before they can even stop me, I took everything what's left inside the sachet of drugs.




Pinasok ni Reece and dalawang daliri nito sa loob ng bunganga ko pababa sa lalamunan ko para sumuka ako.




I pushed her away from me.




I am slowly feeling it...




The total numbness...




-End of Flashback-




"Dahil wala akong mukhang maihaharap pagkatapos ng nangyari sa'yo, Kuya. Kasalanan ko kung bakit ka nakulong." Umiwas ako ng tingin sa kapatid ko. I felt ashamed of everything, "What happened to me right after no longer matter, Kuya. Tapos na ang lahat ng iyon. Ang mahalaga ay kasama ka na namin ulit ngayon at panibagong simula ulit tayo."





Pinagmasdan lang ako nito, "I know it was all hard dealing with everything alone. Naiwan kita kung kailan kailangan mo ako."




"Don't say that, don't." Pinikit ko ang mga mata ko, "You dealt a lot on your own too and I can't even ask how you were without feeling any guilt."





"I asked about you a lot whenever Mom and Dad visited me. Okay na siya, Nag aaral ng mabuti, Unti unting bumabalik na sa dati... yan lagi ang sagot nila sa akin pero bakit hindi ka naging piloto?" Alam ko na nanghihinayang ang kapatid ko dahil bukod sa sarili ko ay si Kuya Geoff ang nakakaalam kung gaano ko tinatamasa maging isang Piloto.





But I don't think I deserve to dream after jeopardizing Geoff and Hope's dreams.




"Kasi naisip ko na hindi na iyon ang para sa akin." Huminga ako ng malalim dahil hindi ko magawang sabihin ang totoo, "Ikaw ba kuya? Ano na ang plano mo ngayon?" I diverted the topic even the emotions are piling up.






"The first step of my life right now is to try again. Gusto ko na mag-aral ulit, gusto ko na ituloy ang pangarap ko na maging Abogado." Tumingin ito sa itaas, "Naudlot man ang pagiging Abogado ko, alam ko sa sarili ko na doon pa rin ang punta ko. How long it took me to be a Lawyer does not matter but on how I was able to be one. A convict turned Lawyer. Hindi ba't mas may impact? I will definitely be a Lawyer of wrongly accused prisoners."





I am looking at him in wonder, Geoff is still Geoff after being in the prison for years. It is a relief to know that.





I nod my head in approval, "Go for it, Kuya Geoff. Nothing and no one's gonna stop you now." Masaya ako dahil alam niya kung anong gusto niyang gawin at ramdam ko na determinado ito.





Tumayo na ito at pinagpag ang back pants niya, "Yasmine, remember this. I never blamed you with what happened to my life. I do know for sure that Hope do not blame you as well. Now that I am back, you can take it off of your chest now, my dear sister."





Hindi ako makapagsalita bagkus naluha na lang ako.





"Isa lang ang hihilingin ko sa'yo, Yasmine..."




Dumungaw ako sa kapatid ko, "What is it?"






"Be finally at peace with what happened to us in the past." Kuya Geoff pats my shoulder and went inside.





Humiga muna ako sa damuhan...





I look up in the sky...





Tracing the constellations that I can still remember with my fingers...




I took a deep breath...





Pareho pa rin ang epekto ng mga bituin sa langit sa akin.




_________________________________________





Itinigil ko muna ang pag aayos ko ng unit ko ng marinig ko ang katok sa pintuan ko. I checked everything, Blimey, it is still a mess. Nag inat ako at nagpunas ng pawis sa mukha saka dumiretso sa pinto para buksan.




"Hi-- oh, working out?" Si Nicole. I look at her in surprise.






"Hello, Nic. No, naglilinis lang ako. Decluttering." Hiyang nagpunas ako ng sarili ko dahil sa tagaktak na pawis ko, "Want to come inside?"





"Ayaw mo magtawag ng Cleaning Company na lang to clean? Trust me, mas malilinis lahat ng sulok dito." pumasok na siya sa loob, "Mas maasikaso mo pa ang ibang bagay." she suggests.





I look around my unit and see that a lot of areas still need cleaning, "I guess you are right." I thought cleaning is a good mental therapy. Pero panay ang suway ko lang sa sarili ko dahil sa dami ng kalat ko rito.





Minutes passed and the helpers that Nicole contacted are now here. Wow, may mga dala pa ang mga ito na mga makina pang linis. Their service looks promising.





Hinayaan ko na sila maglinis at itinuloy ko na lang ang pagkabit ng painting na nadatnan ko sa labas ng condo ko pagkauwi ko kagabi. It was from an unknown sender. Napagpasyahan ko na ikabit na lang para na rin na mayroong disenyo sa sulok na 'to. Pagkatapos ko masiguro na hindi ito tabingi ay pinagmasdan ko ito ng mabuti.











I love sunflowers but not as much as my obsession with the stars.





"Nice painting."





Humarap ako kay Nicole na nasa tabi ko na pala, "I found this outside my unit yesterday, wala naman nakalagay na pirma ng artist or note man lang nung nakita ko ito." Nag isip ako saglit, "Hindi ikaw nagbigay nito?"




"Ako talaga naisip mo? Bakit ko naman iiwan lang sa labas kung pwede ko naman iabot sa'yo mismo." Tumaas lang ang kilay nito, "Buti gusto mo pa rin isabit kahit na hindi mo alam kanino galing." si Nicole parang ayaw alisin ang paningin sa painting. What's running inside her head? Kinalabit ko ito para agawin ang atensyon niya.





"Baka mas maganda kung iyong ilagay ko na lang dian ay iyong kuha mo na larawan ko? Patingin nga pala ako ng mga iyon."





"Katatapos ko lang i-edit iyong para sa campaign. Kunin ko lang sa kwarto iyong laptop ko." pero sumunod ako sa kanya palabas, "Bakit? Sobrang excited mo naman makita mukha mo." Natatawa niyang sabi.





"Meron ba si Bea?" prumeno ako saglit.




"Wala nasa trabaho pa siya." My eyes twinkles in joy.




Pumasok na kami sa loob ng unit nila. Now I can freely roam around their place, "Can I look around?" Paalam ko siyempre.




"It's fine." She answers and went inside to the third door. Binuksan ko ang unang pinto. It's the comfort room and I am glad that I didn't find a matching toothbrush. Panay anik anik sa katawan at mukha lang.




"Done creeping out our bathroom?" Napalundag ako sa gulat. Nahihiyang sumulyap ako kay Nicole, "Ay, wait. Balikan ko iyong charger." Umalis ito ulit.




So, second door is Bea's room. Habang wala pa si Nicole ay binilisan ko itong buksan. Sana wala akong makikitang murder plan para sa akin. Hm, black din siguro itong kwarto niya kasing lungkot ng buhay niya? Natatawa ako sa iniiisip ko.




Pero nagulantang ako ng bumungad sa akin ay isang dresser room. I blinked my eyes, take a slight peak then closed the door. There's no bed but fucking cabinets then clothes.




"I got everything with me, tara na?" Nicole asked.




My eyes went to the third door. Nasa iisang kama lang sila natutulog? Parang nakaramdam ako ng konting panghihinayang sa natuklasan ko.




"Okay. You have been staying here for how long again?"




"Four months pa lang, why?"




"Ah, ang linis linis kasi lahat dito parang bago pa lang lahat." I need to crush this negative feeling inside me. Crap. What if in love pala si Bea sa kanya? Oh my God...




"Bea's really an OC. Nakailang palit na kami ng decor dito sa unit."




Tinuro ko iyong mga gamit nila sa kitchen, "Kaya pala black and white mga gamit niyo tapos pang dalawa lang lahat. Very couply." Linakasan ko talaga ang loob ko na sabihin ito. I bit my lip when Nicole's expression suddenly changed.




Nicole leans on her side and crossed her arms over her chest, "It was her idea."




"I was just asking, Nic."




Nicole looks annoyed, "Are you going to implore again na Fuck Buddies kami ni Bea?" Naglakad na ito palabas ng unit nila saka pumasok sa unit ko.




I made sure to lock their door and went inside mine, "Nic?" Natagpuan ko ito sa living room na nakaupo. Tumabi ako sa kanya.




"Layuan mo ako, Yassy."




"Why are you even mad, Nic." I stressed out, "Anong masama sa sinabi ko?" Mabuti na lang ang abala ang mga naglilinis sa mga ginagawa nila.




"I am not dumb, Yas. You were insinuating that I am having a romantic relationship with my best friend." She rolls her eyes, "Tignan mo na 'to dalian mo." Inurong nito ang laptop sa harapan ko. Sumunod na lang ako sa gusto nito.




I look at my photo, "I love this, Nic."




"I am going to save it now then tomorrow you go print it out, put it in a frame then hang it on your wall." She said in one breath, "Here's the flash drive. Aalis na ako."




Sana hindi ko na lang nalaman na sa isang kama sila ni Bea natutulog. I feel bothered right now.




Isinara nito ang laptop niya. She open her palm to get the charger from my hand but I stretched my arm away, "Look, nang-aasar lang ako. I mean we are friends, right? I was just trying to clarify things, okay? Baka kaya ganoon na lang ang trato sa akin ni Bea ay dahil baka may something pala kayo tapos she feels threatened by my presence." mahinang sabi ko dahil baka marinig kami. Tumayo na ako para mas makita ng husto ang mata ni Nicole, "Gusto ko lang maging sensitive sa ibang tao."





She wipes an imaginary sweat on her forehead, maybe it was her annoyance from me, "Really? Bakit sa akin hindi ka sensitive?"





Napaisip ako, "That's not true."





"You didn't even ask why I came here."





Napapikit na lang ako, "Why are you here, Nic?" nahihiyang tanong ko.





"Aayain sana kitang mag-kape but that's not my point." Nicole stops nung may lumapit sa amin na babae para itanong kung ipapagalaw ko raw ba iyong dresser ko. Pumayag na lang ako para lang maituloy na ni Nicole ang sasabihin niya, "Balik na lang ako sa susunod. You are obviously busy thinking I'm hooking up with my best friend." Nag walk out na ito palabas at hindi na ako pinansin.





Did that seriously just happened?

Continue Reading

You'll Also Like

191K 6.2K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
1.5M 35.3K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...