Dating the Boyish ✓

By Haaadeez

8.3K 1.1K 25

Vienna Kate Sandoval is the only girl in her squad, she really wanted to be part of a popular band but her pl... More

Prologue
Chapter 2: His Name
Chapter 3: The Game
Chapter 4: Ex
Chapter 5: Make Me Fall?
Chapter 6: Tips
Chapter 7:Hatid Sundo
Chapter 8:Efforts
Chapter 9: Be My Slave!
Chapter 10: I'll follow You
Chapter 11:His Babe
Chapter 12:The Other Side
Chapter 13:Sick
Chapter 14:Date
Chapter 15:Mask
Chapter 16:Invited
Chapter 17:Confront
Chapter 18:Small Talk
Chapter 19: Deal
Chapter 20: First Date
Chapter 21: Let you go
Chapter 22:Her Family
Chapter 23: Introduce her
Chapter 24: Bar
Chapter 25: Gift
Chapter 26: The Soft Her
Chapter 27: Threat
Chapter 28: Step Brothers
Chapter 29:Last
Chapter 30:Chase
Chapter 31:That Night
Chapter 32: Too Late?
Chapter 33: Welcome Party
Chapter 34: No to Second Chance
Chapter 35: Forgiveness
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

Chapter 1: Ruin

768 49 10
By Haaadeez

"Vienna, can you make gising na!" ano ba namang klaseng buhay 'to oh!

Wala man lang bang tahimik na lugar para sa mga taong katulad ko na kailangan lang naman ng maayos na tulog? Ang aga aga nambubuwiset 'tong isang 'to.

"Ba't ka ba sumisigaw, Tica?!" inis na hiyaw ko nang maramdaman kong naglalakad na siya papunta rito sa kama ko.

"Will you refrain from calling me 'Tica', it's 'Britanica'. " maarteng sabi niya, napaka conyo naman talaga nitong kakambal ko ewan ko ba kung saan pinaglihi 'yan sa kaartehan, nakakainis.

"Nang iinis ka ba? Ano bang ginagawa mo rito?" nakakainis ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko, nasa concert daw ako, hindi ako nanonood ah, ako 'yong pinapanood, kasali daw ako sa banda.

Ang pangarap ko!

"Can you make bangon na? We need to buy some school supplies pa e," naramdaman ko na lang na hinihila na pala ako nitong maarteng kambal ko, pero siyempre 'di niya ako kaya.

Wala pa siya sa kalingkilangan ng lakas ko kaya nakabalik ako sa pagkakahiga.

"Ang aga aga pa, p'wede ba?" dahil nga sa paggising niya sa 'kin 'di na natuloy 'yong panaginip ko, bwiset talaga to 'pag ako nakabangon kukutusan ko to hanggang sa mapudpod bunbunan neto.

"Do you think 1:46 pm is maaga pa?" tinakpan ko 'yong tainga ko dahil naririndi na talaga ako sa boses nito-

"Ano?!" bumangon ako nang wala sa oras nang marinig ko kung anong oras na, shit, may pupuntahan pala ako ngayon, ba't naman kasi ngayon lang ako ginising nito?!

Mag a-audition pa ako mamaya sa 'Angel Rins', isang sikat na bar.

Mag a-audition ako ro'n sa isang banda, tagal ko nang pinapangarap 'yon, highschool pa lang ako 'no! Pero 'di ako pinapayagan doon kasi under age ako pero ngayon p'wedeng p'wede na!

"Yeah! So get up na at baka wala na tayong maabutan na matitinong school supplies don coz what if mga tira-tira ang naleft there, ate Vienna." nakakainis naman kasi kung hindi naman kasi gaga ba't ngayon lang ako ginising, tapos sasalubong pa sa'kin pagkagising ko 'VIENNA'? Ginagago ba ako ng kakambal 'kong 'to?! Mukha bang bagay sakin 'yang pangalan na 'yan?!

Eh bakit naman ba kasi kung kailan may pasok na bukas tsaka pa naisipang bumili ng school supplies.

College na kami, parehas pa kami ng course.

Culinary arts, ayoko naman kasi talaga niyang takteng 'yan... ano yon magluluto luto? Mas gusto ko pang mag Tesda, magwelding welding nalang ako.

Kaso dahil sa pagpupumilit si Tica wala na, nakakainis naman talagang buhay 'to oh.

"Will you refrain from calling me 'Vienna'? Nakakainsulto alam mo ba?!" inis na sabi ko, aba't tinatawanan lang ako nito, sikmuraan ko na kaya.

"Okay, okay, 'Vien' ." natatawang aniya.

Sumama naman ang mukha ko at sinamaan siya ng tingin.

"Lumabas ka na nga!" pagtataboy ko sa kanya saka sinimulan ko nang tumayo at maligo, isinara na niya 'yong pinto, tumalikod na ako pero bumukas nanaman.

"Bye my gorgeous ate." ngumiti siya sa'kin ng nakakaloko kaya binato ko siya ng unang bagay na mahawakan ko.

"Layaaaas!"

Buti nalang talaga walang kaalam alam si Mama tungkol sa pag-a-audition ko, dahil kapag nalaman nila ay patay ako ng wala sa oras, grounded ako, shit, 'di ko kaya 'yon.

'Di kasi ako pinayagan nila mama at papa dahil nga daw kapag may nasobrahan sa pag-inom baka daw kami madamay kaya naman ayaw talaga nila akong pasalihin dyan, pero syempre wala silang magagawa.

'Yang kambal ko lang ang may alam kasi nga tsismosa nahawa na yata dyan sa mga kapitbahay namin na kay aga aga nasa kalsada na at nag iingay mga masarap kutusan isa isa.

Pagkalabas na pagkalabas ko galing sa CR ay narinig kong ang pagtunog ng cellphone ko.

["Hey, man."] bati nya sakin.

"Oh paker?" inipit ko sa pagitan ng leeg at balikat ko ang cellphone para makahanap ako ng damit.

["'Di ba sabi ko don't call me paker. By the way, the start of audition is 4pm, Vienna."] umasim ang mukha ko dahil sa diin ng pagkasabi niya sa pangalan ko.

"Isa pang tawag mo nang 'Vienna' sakin masasapak talaga kita." pananakot ko sakaniya.

Natawa naman agad siya naging reaksiyon ko.

["You're too serious, nasisira kagandahan mo e."] aba aba baka gusto nitong mag audition sa ilalim ng lupa.

"Tangina mo!" mura ko sakanya at mabilis na pinatay yong telepono, baka maisunod ko pa sya.

Ayoko talaga nang tinatawag akong 'Vienna' nasisira talaga araw ko, sino ba naman kasi nagsabing maganda yong pangalang 'yon? Pero mas okay na 'yong 'Vienna' kaysa naman sa 'Kate' 'di ba?!

Nagsuot lang ako ng plain white tshirt atsaka black jeans, nagpusod nalang ako ng hanggang bewang ko na buhok ang init kaya... lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso na sa kusina para sana kumain kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Hindi pa ako tumutungtong sa sahig ng kusina ay hinila na ako ng Tica palabas ng bahay, "Hoy nagugutom pa ako Tica."

"You're so tagal naman kasi eh, I have date today so we need to be mabilis." maarteng litanya niya. Napangisi naman ako, yes, tamang tama 'di niya ako mababantayan mamaya.

Sabi kasi nila mama dapat daw bantayan ako nitong ni Tica dahil alam nila na pursugido akong sumali sa banda.

"Sila mama?" iniba ko nalang 'yong usapan.

"Nasa living room di mo ba na notice?" maarteng sabi nya at pinaandar na yong kotse niya, I mean namin, iisa lang naman 'yong kotse namin kasi sabi nga nila para raw matutunan namin ang kahalagahan ng salitang 'SHARE'.

Asus kunwari pa sila, kakuriputan lang nila yan eh... di ko nga alam pagdating sa'min ni Tica ang kuripot nila pero kapag magbabakasyon sila, sa ibang bansa pa.

Di ko naman sinasabi na wala silang kwentang magulang ha, ang totoo nyan sila sobrang saya naming sila ang magulang namin, sumasabay sa mga jokes namin, sila pa nga ang madalas na nang aasar sa akin eh, I could say that they're really the best pero syempre di ko talaga maitatanggi na kuripot talaga sila.

O baka alam lang talaga nila kung paano ako magdrive?

"Paano ko mapapansin eh kinaladkad mo na ako palabas ng bahay." inirapan ko nalang sya at tumingin nalang sa bintana.

***










Buti ngayon hindi na nagpaka arte 'yong kambal ko ayon 'di na kami natagalan, usually kasi sobrang selan niyan sa mga gamit kaya lahat ng binibili niya branded pero ngayon kung anong madampot niya yon nalang, mukhang seryoso yata siya sa kadate nya ah.

Tss, wag ko lang malaman na si Blake yan.

Support ko naman yang kapatid ko sa kahit na anong gusto niya ang kaso lang dapat dumaan muna sa akin 'yang lalaki na yan, kapag ako napalagan niyan edi all goods.




Papunta na ako ngayon sa Angel Rin, alas tres na nga eh.

Pagdating na pagdating ko don, ang daming tao, shet, mas lalo akong kinakabahan, ang dami kong kakompetensiya ah.

"Oy Vienna" that's Vincent, one of my bestfriends.

Actually lahat ng mga kaibigan ko lalaki, mas maganda na yon, nakakasigurado kasi akong walang plastikan sa amin.

"Gusto mo bang ito na ang huling hantungan mo?" pagbabanta ko sa kaniya, bakit ba hindi pa siya nadadala.

"Ito naman 'di mabiro" humalakhak pa talaga.

"Tumigil ka riyan at baka mabanatan pa kita" inirapan ko nalang siya, tsaka na dumiretso sa isang table.

"Ang ganda mo ngayon ah" sinamaan ko siya tingin, nagsimula na din siyang tumakbo palayo sa'kin.

Oo, babae ako pero for pete's sake, 'di ako ganon kaarte at mas gusto ko pa 'yong mga gusto ng mga lalaki, napakakomportable kasi, di tulad ng mga sa mga babae na ang sisikip at ang iikli.

Hindi naman ako against sa mga ganyang pananamit, sadyang di lang ako komportable, but yeah sure I can wear those clothes.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong thirty minutes nalang magsisimula na.

Pumunta akong CR kasi siyempre kailangan ko din naman mag ayos, Kawazuki kaya ang makakaharap ko mamaya, sila ang isa sa pinakasikat na banda sa buong bansa kaya kailangan presentable ako mamaya.

Sobrang thankful nga ako na babae ang kukunin nilang drummer ngayon eh, noong last kasi boyband lang talaga sila pero sabi nga nila pwede daw magkachance na magkaroon ng babae kung may makuha sila magaling.

Pabalik na sana ako sa table ko nang...

"What the fuck!" tumingin ako ng masama sa lalaking 'to, ang kapal ng mukhang murahin ako.

"Ako pa minumura mo ngayon?!" nanggagalaiiting ani ko habang pinupunasan 'yong natapon nyang red wine sa tshirt ko.

Ba't naman kasi naisipan ko pang mag suot ng puti?!

"Miss, ikaw 'tong bumangga sakin, ikaw pang mataray d'yan?"humarap ako sa kanya, 'pag ako 'di nakapagpigil baka 'di na to sikatan ng araw.

"Wag mo 'kong mamiss miss d'yan baka gusto mong ibaon kita sa lupa" 'di ko inaalis 'yong masamang tingin ko sa kaniya.

"Oh chill" patawa tawa niyang sabi habang nakataas 'yong magkabiling kamay niya.

"Paano ako magchichill?! Wala na akong pampalit, nanggagago ka ba?" mataray na sabi ko, dahil shit ayaw talagang matanggal, anong gagawin ko magsisimula na 'yong audition.

"Edi umuwi ka na" walang emosyong sabi nya, mas lalo lang akong napikon sa kanya, isa kang holy motherfucking cow!!!

"Tangina naman talaga oh!" iniwan ko na siya, baka talaga mailibing ko pa siya dito sa bar.

Kumaripas na ako ng takbo pauwi ng bahay tae di ako papayag na ganto itsura ko, shit pag nagkita talaga kami 'yang tisoy na yon, ihahambalos ko na talaga siya.

At talaga naman kung minamalas ka nga naman, traffic pa nga.

Pagbalik ko sa bar, nasa labas palang ako ng bar, nakita ko na si Vincent na nakasandal sa pader.

"Huy samahan mo na ako mag-audition" aligagang sabi ko habang hila hila sya paloob ng bar. Umaasang di pa tapos ang audition.

"Tapos na" walang ganang sabi nya.

Natigilan ako at napasulyap sa entrance ng bar.

Bumalik ang tingin ko sakaniya, para akong nanghihina roon, "T-tapos na?" puta naiiyak ako.

"Where did you go?" humarap siya sa'kin.

Nangingilid na 'yong mga luha ko, shuta! Pangarap ko 'to eh.

"Nadumihan kasi yong damit ko kanina." mabilis 'kong pinunasan ang luha ko sabay talikod at nagsimula na din akong tumalikod sa bar.

"Wala na, tapos na." bigla naman siyang umakbay sakin.

"O-osige uwi nalang ako." hindi ako balat sibuyas pero shit pangarap ko to eh, sobrang halaga nito para sa akin.

"I'll walk you home." 'di ko na siya pinansin at naglakad na paalis. Ayoko magcommute.

Habang naglalakad kami ni Vince 'di ko maiwasang hindi maiyak, nakakainis naman napaka emosyonal ko naman.

"May next time pa, Vien." pambabasag ni Vincent sa katahimikan.

"Pero wala nang next time ang Kawazuki, ikaw nakapag audition ka ba?" tanong ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"No" tumingin ako sa kaniya,nakangiti lang siya sakin.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Tss, syempre walang iwanan." inakbayan niya ulit ako, napabuntong hininga ako, kung sana ganito lahat ang kaibigan.

"Dapat nag audition ka pa rin, pangarap mo rin 'yon diba?" oo pangarap niya talaga 'yon, sabay kaming dalawa na nagsabi na kapag may audition 'di namin 'yon papalagpasin.

Highschool palang kami magkaibigan na kami kasama yong dalawang ugok na si Blake at Geo, one of the boys ako dati palang kaya siguro nawalan ako ng interes sa mga gusto ng mga babae.

"Nevermind." ngumiti siya sa'kin atsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Di ko na lang siya sinagot dahil nagiguilty ako, ako ang dahilan kaya hindi siya nakapag audition

Nakakainis naman kasi yong tisoy na yon!Kapag talaga nagkaharap kami, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sakaniya.

...

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 387 72
Before her parents pass away they ask her to marry a man.A man that she did'nt know even met.He was a totally stranger for her.It was just a son of h...
40.8K 133 184
WATTPAD RECOMMENDATION TAGLISH
1.7M 98K 88
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
3.6M 150K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...