Chapter 36
HEARTNELLE'S POV
Mag iisang linggo narin ang nakalipas mula nung pageant.
Nasa school kami ngayon. Syempre si Swirll nasa ospital parin.
Kaso wala siyang bantay. Pero sabi niya okay lang naman daw.
Hindi daw siya tatakas hahaha!
Eto namang si Squirrel missing in action. Ewan ko ba sa lalaking yon. Doon kami natutulog sa ospital diba kaso pagkagising namin kanina wala na siya. Hindi manlang nag paalam eh bigla biglang nawawala. Tsh!
Wala namang sinabi si Swirll samin kung nasan kuya niya kaya nanahimik nalang kami. Ay ako lang pala. Kase si Hearx pinipilit si Swirll sabihin eh ayaw ni Swirll edi syempre alam niyo na ending. Away.
"Hoy kayong dalawa! Pahingi ngang picture nung Younghoon!"
Nagkatinginan naman kami ni Light.
Ah hehe! May I present to you bago naming friend ni Ali!
Light Smiley Velasco.
Mahabang kwento kung pano namin siya nakilala heheheh!
Pero kung naalala niyo yung babaeng nag abot sa amin ng damit ni Swirll sa banyo.
Siya yun! Oo yung inirapan ni Ali! Hahahaha! Pero don't worry friends na kami ngayon.
"Mag tigil ka nga Ali! Bawal!"pag tanggi ni Light
"Ang damot mo Liwanag! Tse!"sabi ni Ali
Papunta kami ngayon sa cafeteria. Lunch break eh.
"Hindi talaga kita bibigyan ng picture niya! Liwanag nanaman tawag mo sakin! Light sabi eh!"
"Oh bakit? Ano bang tagalog ng Light?"
"Liwanag."sabay naming sabi ni Light
"Oh diba! Wag ka na umangal ble!"sabi ni Ali
Medyo um okay na si Ali kumpara nung mga nakaraan na palagi siyang naiyak. Mas okay na yun.
"Pero Light ang pangalan ko hindi Liwanag! Ano ka translator ha Lala?"
"Anong sabi mo? Lala? Ang sagwa! Wag mo na ulitin yan magkakapatayan tayo Liwanag!"
"Hahahaha! Natakot ako sayo Lala!"
"ueisiwnaiakab!"puro asaran lang ginawa nila habang naglalakad kami
Ewan ko sa dalawang yan.
"Tama na nga ayoko na! Umayos na tayo Ali naririndi si Heart."
"Oo nga!"
"Buti narealize niyo na naririndi ako noh?"sarkastikong sabi ko
Ngumiti naman ng matamis si Light kaya tumawa nalang kami ni Ali.
Palangiti ang babaeng to eh parang walang problema lagi hahaha nakakatuwa lang.
Nakarating kami sa cafeteria. Kaunti lang mga estudyante. Madalas kasing nag lalunch yung iba dun sa garden. Ewan ko bakit dun nila trip.
"Heart! Dito!"tawag samin ni Twinnie
Oo yung vp namin.
Nitong mga nakaraang araw naging close narin kami kaya eto sabay sabay kaming kumain. Tuwing lunch pati vacant na rin.
Lumapit na kami sa kanya. May mga pagkain na siyang binili eh. Sabi niya nga pala iliillibre niya kami hahaha tinotoo nga.
"Ayos libre!"masayang sabi ni Ali sabay dakot sa fries
Ewan ko dito kay Ali ang yaman yaman pero naeexcite parin sa libre hahaha!
Sa hindi kalayuan natanaw ko si kuya Zach.
Hindi parin kami okay.
Ewan ko ba kung gusto pa kong kausapin niyan ni kuya! Nakakainis hindi manlang siya gumawa ng move! Bahala siya!
Kasama niya ngayon si Bea at Kuya Quest. Pati narin yung tropang H.
Tropang H sila Hearxelle yun haha! Ayan bansag ko sa kanilang mag kakaibigan nakakatuwa kasi puro sa H nagsisimula mga pangalan nila.
Hearxelle.
Hylem.
Hwayne.
Hendrick.
Hiroshi.
Oh diba!
"Fshie! Nasan nga pala si Squall? Hindi ba sasabay satin yun ngayon?"tanong ni Ali
Lagi kasi naman kasabay sa pag kain yung lalakeng squirrel na yon. Request kasi ni Swirll para daw hindi mag isa si kuya niya tuwing vacant at lunch.
Sweet diba.
Syempre nung una ayaw ng lalaking yon pero no choice siya noh! Kasi binlackmail siya ni Swirll na tatakas uli siya pag hindi pumayag kuya niya sa gusto niya hahaha!
Iba rin ang batang yon. Witty! Hahahah!
"Oo nga? Asan pala si Squall mo?"pang aasar ni Twinnie
Sabi ko sa inyo eh close na kami.
"Anong Squall ko? Baliw ka Twinnie! Eh ikaw nasan yung Sky mo?"pambawi ko
"Ay sabi ko nga mananahimik na ako."sabi niya sabay zip kunwari ng bibig niya
"Biro lang! Inaasar mo kasi ako eh!"
"Heart nag tataka talaga ko eh."sabi ni Light
"Ha? Saan?"
"Buti hindi ka sinusugod ng fansclub ni Squall kahit lagi mong kasama si Squall? Samantalang ako pinag abot lang ng damit ni Squall. Napagtulungan na ng mga baliw na yun huhuhu!"
"Ewan ko nga rin eh pero ayoko maranasan yon mukha ka ngang natrauma sa kanila eh hahahaha!"
"Oo natrauma talaga ko! Ilublob daw ba yung mukha ko sa bowl huhuhu worst day of my life yun alam niyo bang tatlo yun? Kaya nga tinigilan ko na pag admire kay Squall. Tsaka mas bagay kasi kayo!"sabi ni Light
Bwiset ayan nanaman sila.
"AYIEEEEEEEE!"sabay sabay pa silang tatlo diyan
"Napaka niyo noh! Friends lang kami ni Squirrel okay?"
"Sus diyan nagsimula lolo at lola ko fshie."
Tignan mo nga tong si Ali oh hindi pa tumigil.
"Ewan ko sa inyo. Kumain nalang tayo."sabi ko at napapangiti pa
Wag kayong ano.
Natutuwa kasi ako na nagkaroon pa ko ng kaibigan na katulad nila. Dati kasi ayoko na magkaroon. Okay na si Ali pero mas masaya pala to. Hehehe.
Nageenjoy kami sa pagkain kaso biglang nag ring cellphone ko.
Nagtinginan naman silang tatlo sakin sabay sabing...
"Natawag na yung Squirrel ni Heart!"
Waaaah mga baliw!
"Baliw talaga kayo! Kumain na nga lang kayo diyan"sabi ko tas sinagot yung tawag
Hindi ko na nga tinignan kung sino yung caller eh.
"Hello?"
(Please take care of Kylel for awhile.)
"Ha? Oo naman. Bakit nasan ka ba? Bakit bigla kang nawala kaninang umaga?"
(Korea.)
Sakto namang nainom ako ng juice kaya walang sabi sabing naibuga ko yon kay Ali.
Kasi siya nasa harap ko eh.
"WAAAH! Fshie namannn! Bakittt?"reklamo niya pero hindi ko siya pinansin dahil shocked parin ako
"Ha?! Ginagawa mo jan?! Kasama ka lang namin kahapon ah tas malalaman ko nandiyan ka na sa Korea?!"
(You're over reacting. I'll come back tomorrow.)
"Wow ano ginawa mo diyan nag pahangin?"
(Michin! Sinusundo ko si Syjill. He's just 14 years old so he can't ride an airplane by himself.)
[Michin-Crazy]
Ano daw michin? Sinasabi nito?
"Ah ganun ba. Sana sinabi mo kagabi noh duh."
(Why do I need to tell you?)
Bwiset to ah.
"Para informed ako! Ay kami pala! Hindi lang ako! Hindi yung bigla bigla kang nawawala! Pano kung hanapin ka ni Swirll diba? Baliw ka noh!"
(Kylel knows that I'll be going here.)
"Oo nalang. Eh bat mo pa ko tinawagan? Hindi mo naman pala kailangan sabihin sakin diba?"sabi ko at napairap pa
(I'm asking you to take care my sister for awhile. That's why I called. Didn't you get it? Babo!)
[Babo-Stupid]
"Ha?! Anong bobo? Wag mo kong binobobo may utak naman ako kahit papano balakajan!"
Sabi ko at inend call.
Bwiset yon binobo pa ko! Sana hindi nalang siya tumawag kung gaganunin niya ko kainis yon ah!
Pagkababa ko ng cp ko sa lamesa eh si Twinnie nalang nasa harapan ko.
"Twinnie asan yung dalawa?"
"Aba'y bugahan mo daw ba ng juice si Ali? Ayun nasa cr."
"Ay! Oo nga! Huhuhu!"
"Si Squall?"
"Ha?"
"Si Squall yung kausap mo?"sabi niya at may mapang asar na tingin
"Ahh eh oo pero tungkol lang kay Swirll pinag usapan namin noh."
"Weh? Bakit ang haba ng usapan niyo? Tsaka bakit ka defensive? Tinatanong ko lang naman kung si Squall yung kausap mo eh hahahaha!"
"Joke langg hahaha!"sabi niya ulit
"Baliw ka talaga. Nahawa ka na kay Ali at Light."sabi ko
Nag tawanan lang kami don at inubusan na ng pagkain yung dalawa. Ang tagal nila eh malapit na kaya mag time.
_______
Thanks for reading! ❣️
Don't forget to vote! Lovelots!
_______
AuthoRishT x AuthoRinH
(The Dreamers Series)