To Her With Love

By xxakanexx

573K 21.6K 2.6K

Sa unang pagkakataon sa buhay ni King Solomon Sandoval ay may ginusto siyang hindi niya kahit kailan pakakawa... More

To her with love
Prologue
Challenge # 01
Challenge # 02
Challenge # 03
Challenge # 04
Challenge # 05
Challenge # 06
Challenge # 07
Challenge # 08
Challenge # 09
Challenge # 10
Challenge # 11
Challenge # 12
Challenge # 13
Challenge # 14
Challenge # 16
Challenge # 17
Epilogue

Challenge # 15

25.3K 963 118
By xxakanexx

Solomon's

"What are you doing?!"

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Telulah ng kaming dalawa lang nang tawagin ni Daddy si Mommy sa kusina. Nasa living area kami ngayon. Hindi lang si Mommy ang ipinatatawag ni Daddy pati ang mga kapatid ko. Hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang naaalala ko kung anong sinabi niya kay Daddy kanina nang dumating siya.

"Asking for your hand in marriage," walang abog na wika ni Telulah sa akin. Relax na relax siyang talaga na para bang ngayon pa lang ay wala na siyang pag-aalinlangan sa nararamdaman at sa desisyon niya.

"Don't you think we should talk first?" tanong kong muli. Nagkibit-balikat siya at saka tiningnan ako.

"Mahal kita. Mahal mo ba ako?" nakataas ang kilay ni Telulah habang titig na titig sa akin. Tinatanong pa ba iyon? Siyempre, mahal ko siya. Hindi nga iyon nabawasan o nawala man lang nitong mga nakaraang taong hindi kami magkasama at nagkikita.

"Mahal kita—"

"Oh, iyon naman pala, kaya magpapakasal tayo," wika niyang muli. Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong una kong dapat maramdaman — iyong kasiyahan, kaba o takot. Siyempre naman natutuwa ako, gusto niya akong pakasalan, ibang usapan na iyon. Kinakabahan lang ako dahil hindi ko alam kung sigurado ba siya sa sinasabi niya ngayon o baka naman nadadala lang siya ng bugso ng kanyang damdamin. Kabado rin ako kasi baka kapag umayaw ako, biglang hindi na rin niya ito panindigan. Kanina ay nag-uusap lang kami ni Red tungkol kay Telulah, ngayon nandito na siya at napakasaya ko talaga. She seemed sure about this. Nakakatuwa naman. Pero...

"Paano ang Tatay mo?"

"I've talked to him. Siyempre, ayaw niya pero wala na siyang magagawa. Desidido ako, Solomon. Ayokong umalis ka," madamdaming wika niya. "Ayokong maiwan. Iyong pagkakamali ko noong mga panahong iyon, itatama ko na. Gusto kong magpakasal na tayo. Wala naman akong ibang nakarelasyon mula noong umalis ka. Silently, I was waiting for you, Solomon, kahit may gabing sobra kitang kinamumuhian, I loved you with all my heart. Also, I know that it's my fault. I never should have kept you hidden. You are worth everything, My Love at babawi ako sa 'yo ngayon."

"And you wanna start by us getting married?" hindi pa rin ako makapaniwala. Telulah looked at me with sadness in her eyes. Iyong excitement kanina ay napalitan ng kalungkutan. Nagtitigan lang kaming dalawa.

"Telulah..." Mommy is here already. Telulah stood up and faced my whole family.

"I wanna marry Solomon, but it seems like he's having doubts. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa ayaw sa akin. It's too bad because I am now ready to fight for him," she said those words like it meant the world to her. She walked away. Tumingin sa akin si Daddy at sinenyasan akong sundan si Telulah, kahit naman hindi niya sabihin ay susundan ko talaga siya.

I found her walking away from the house. Agad kong kinuha ang braso niya. Nang tingnan ko siya at kunot na kunot ang noo niya. Hindi siya umiiyak. Para bang nag-iisip siya.

"What?!"

"Where are you going?" tanong ko.

"I am thinking if I can ask Red to kidnap you and then I'll force you to marry me," seryosong wika niya. "O kung may babae ka man, maybe I can threaten her, so she'll give up like Mr. Gibbons. I will never let you go without a fight."

Gusto kong matawa. Iyong reaksyon kasi ng mukha niya, sobrang seryoso niya na talagang desidido siyang gawin ang mga bagay na ito.

"Why are you doing this, Tel? Mag-usap muna tayong dalawa."

Itinulak niya ako.

"Ayaw mo akong pakasalan!"

"Gusto ko!" I hissed. Kinuha ko ang kamay niya at naglakad kami pabalik sa bahay. I took her to my car. Pinasibad ko ang kotse ko. Hindi nagsasalita si Telulah pero ramdam ko ang tension niya. Natatawa ako sa reaksyon niya. Mukha talagang naiinis siya sa akin.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Iuuwi mo ako? Ayoko ngang umuwi! You told me to fight for you tapos ngayong ginagawa ko gaganyan ka naman. Ano ba talagang gusto mo?!" Hindi naman kami lumabas ng village. Narating namin ang street na tinutunton ko at saka ako huminto sa tapat ng isang bahay sa gitna ng street na iyon.

"Alam ko naman na hindi ko matutumbasan lahat ng ginawa mo para sa akin noon, pero lahat iyon tutumbasan ko kaya lang paano, ha? Ang pabebe mo. Nakakainis ka!"

"Shut up!" natatawang wika ko sa kanya. "Just shut up, Telulah." I couldn't keep a straight face anymore. Natawa na ako nang malakas. Ang saya-saya ko lang dahil nandito kami ngayon at pareho kaming malapit na sa gusto naming puntahan. I looked at Telulah and pulled her closer to me. I kissed her lips to make her anger go away.

At first, I was only taunting her lips, hanggang sa hindi na ako makapagpigil at hinalikan ko nga siya nang buong-buo. I really missed the taste of her lips and it turns me on so much thinking that she'll be mine and we'll be free after this. I kissed her like my life depends on it. Come to think of it, she is my life, and everything really depends on her.

"Wait..." lumayo siya sa akin nang bahagya. "Nasaan ba kasi tayo?" she asked. Tumingin pa siya sa labas ng kotse. Muntik ko nang makalimutan kung nasaan kami. Bumaba ako ng kotse upang pagbuksan siya, inalalayan ko siya pababa at saka hinarap sa bahay na iyon.

"What is it?"

"It's my home – well, our home. When I bought it and had it remodeled, I was thinking of you, of us. Hindi naman kasi ako tumigil na maniwala na isang araw, uuwi ka sa akin. And yes, Love, I wanna marry you."

Telulah faced me. Umiiyak na siya sa pagkakataong iyon.

"Thank you, Solomon. I will take care of you. I'll make you happy," she tiptoed and kissed me. I had to kiss her back for she was damn so irresistible.

"Ayy!" napahiyaw si Telulah nang buhatin ko siya na parang bago kaming kasal. I am laughing. Masayang-masaya akong maiuuwi ko na siya ngayon. I kept on kissing her. I like the warmth coming from her mouth and her body. Natigil lang kami nang mauntog siya sa kung ano. We ended up laughing while on the couch, half of our bodies were at each other.

Telulah was touching my face, up until now, she's still the most beautiful woman I've seen.

"Welcome home, Love," I kissed her again.

xxxx


Telulah's


Solomon and I talked all night. Nagpa-deliver din siya ng pagkain. We sat on the couch while trying to update each other with what happened to us these past few years. Noon ko nalaman na nagka-girlfriend siya ng limang babae habang wala ako and that with each woman, he slept with them.

"Aray!" itinaas niya ang kamay niya para itakip sa mukha niya dahil ilang beses ko siyang sinampal.

"I didn't cheat with you, Tel, wala tayo noon. We were on a break," he said in a very Ross Geller tone. Sinipa ko pa siya pero tawa siya nang tawa.

"Selos na selos ka. Ako si Aaron Samuels lang iyong pinagselosan ko, galit ka agad. Eh iyong mga babaeng iyon, hindi naman sila tulad mo, hindi sila kilala ni Mommy o ni Daddy. They're just girls who fulfilled my needs, Love. I'm a man and I have those."

I bit my lower lip. Hearing that made me shiver. Biglang nanikip ang lalamunan ko. I saw him grinning, sinabayan niya iyon ng pag-inom ng tubig. He even cleared his throat.

"We must sleep. We have an early day tomorrow," wika niya pa.

"Bakit, saan tayo pupunta?"

"Ewan, ano bang plano mo?" he asked me again. I shrugged.

"Pakakasalan nga kita," umingos pa ako. Para kasing hindi niya narinig iyong sinabi ko kanina.

"Saan?" nanunudyo na lang siya ngayon. I laughed.

"Sa city hall muna, tapos after three or four moths, magsimbahan tayo. Gusto ko purple iyong theme natin, ha," I can imagine walking down the aisle with Tatay and Nanay, at si Maze ang maid of honor ka. Habang si Solomon, nasa kabilang dulo ng altar, naghihintay para sa akin and he's looking so handsome in his three-piece suit. Pag-iisipan ko kung purple rin ba ang gagamitin niyang suit. Basta lahat iyon, may touch of purple because I know how much he loves that color.

Naalala ko noong bata pa kami, mataba pa siya noon, ang tawag sa kanya ni Liv ay Barney. Mahilig nga kasi siya sa purple.

"Bukas na natin pag-usapan iyan. We really should sleep. It's almost dawn," wika niya pa. Inabot niya ang kamay niya sa akin pagkatapos ay itinayo ako. Umakyat kami sa second floor, naroon daw kasi iyong master's bedroom, and I suppose na roon kami matutulog.

It's a big room. Agad akong umakyat sa kama habang si Solomon, inaayos iyong aircon. Mukhang may natutulog naman sa bahay na ito. Napansin kong may towel na nakalagay roon sa may dresser, purple iyon, sigurado akong kay Solomon iyon.

"Love, dito ka natutulog?"

"Kung minsan, madalas pa rin ako sa bahay. Gusto ko pa rin iyong amoy ni Mommy eh," mahinang wika niya. Tumabi na rin siya sa akin. I stared at him.

"Amoy ano?"

"It was just... noong bata ako madalas kong sabihin na amoy mommy iyong Mommy ko tapos si Dad, hindi siya amoy daddy. Ewan ko, pero turo iyon sa akin noong unang nanay at tatay na nag-alaga sa akin."

I rested my head on his chest. Ang sarap-sarap pakinggan ng boses ni Solomon.

"Anong amoy ko?"

"Amoy baby ko." Napatawa ako at saka hinampas siya sa dibdib. "Matulog ka na, Telulah, baka mapagod ka nang husto." May kung ano na sa tinig niya. I shivered. Nanahimik ako habang iniisip iyong huling sinabi niya. Bigla akong humarap sa kanya.

"Don't you want it?"

He blinked.

"What?" he groaned.

"Oh, you know what I'm talking about. I have needs too and it's been a long time for me. Don't look at me like that!" hinampas ko na naman siya. Tawang-tawa siya sa akin. Hinatak niya ako para mahiga na. Nakakainis, porque kasi siya sagana tapos ako – bahala siya sa buhay niya. Tinalikuran ko siya. Naramdaman ko namang niyakap niya ko nang mahigpit at saka dinantay sa akin ang binti niya.

I really love his warmth. Suddenly. I felt him kissing my nape. Nanigas ang buong katawan ko. I decided to face him. Sinalubong ako ng pilyong ngisi ni Solomon. Oh, I missed that smile. Pinugpog ko siya ng halik sa mukha hanggang sa sinakop na niya ang mga labi ko.

We just kissed. He was being playful. I vividly remember our first time. It happened at our second night in Boston. I was so scared, but I wanted it to happen. Ako nga yata ang nagbigay ng motibo sa kanya noon. Parang ngayon lang.

"Wait..." wika ni Solomon bago lumalim ang halikan namin. Para naman akong naliliyong tumingon sa kanya. "Mag-pray muna tayo."

Bigla akong napatawa. That's exacty what I said to him before and we prayed that time. Magkahawak kamay kaming nagdasal noon after that we did it. It was the most enchated night of my life.

Making love with Solomon had always been enchanted for me.

Naputol ang tawanan naming dalawa nang muli niya akong halikan sa labi. I kissed him back with the same passion and intensity. I wanna feel him tonight. This will seal the deal we're about to make tomorrow. Ibibigay ko ang lahat kay Solomon.

He started taking off my blouse and my bra, itinira lang niya ang pants ko. He cupped both of my breasts and he trailed my jaw with his lips. Pababa nang pababa ang mga labi niya sa leeg ko, sa collar bones hanggang sa gitna ng dibdib ko.

My mouth was parted. I could feel his amazing lips doing magic with my naked body and I like it. I missed it. It's been so long, and I really want it.

I felt him playing with both of my mounds. I groaned in pleasure. I don't want him to stop.

He made me lay in the bed. He took off his shirt too. Nakita ko na naman ang maganda niyang katawan. I touched his chest, I traced the word tattooed on him – Mon Amour – it means love – that's me. I remember crying after he showed me his tattoo. Sabi niya noon, hinding-hindi ako mawawala sa kanya dahil nasa puso niya ako.

Mahal na mahal daw niya ako at mahal na mahal ko rin naman siya.

Tonight, I gave myself to him and just like the other times we did it, it was enchantedly beautiful. Being one with him is one of the most delicious experiences for me – gusto kong paulit-ulit gawin iyon dahil naniniwala ako na kung hindi sapat ang salita, hayaan na ang mga katawan namin ang mag-usap.

It was almost morning when Solomon and I decided that we've had enough. We fell asleep but we both woke up early the next morning. Pupunta nga kasi kami sa city hall. I just borrowed a dress from Reese, kahit nga sapatos ay hiniram ko rin. Hindi na ako naglagay ng make-up. Hindi naman kailangan dahil alam kong para kay Solomon, ako na ang pinakamaganda.

It's just the two of us that day. Sinabi kong kailangan ng at least dalawang witness kaya pinasunod niya pa si Reese at si Red. Red promised me na hinding-hindi raw niya ako pangungunahan sa pagsasabi sa mga magulang ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Si Reese ay palagi pa ring nakangisi sa akin pero mukhang okay na ang pagtingin niya sa akin ngayon. Wala nang halong pang-uuyam.

Natapos ang kasal naming dalawa. Unlike naman sa church wedding na may vows pa, sa civil ay pirmahan lang at palitan ng singsing. May singsing si Solomon na ibinigay sa akin kaya nagulat talaga ako. Akala ko kasi hindi pa kami handa.

Umuwi kami matapos ang kasal. Sa bahay nila kami tumuloy. Excited siyang sabihin sa mga magulang niya na kasal na kaming dalawa. Surprise niya raw iyon pero pagdating sa bahay nila ay kaming dalawa pa ang na-surprise.

Nadatnan kasi namin si Tatay at Nanay sa bahay ng mga Sandoval at kausap ang mga magulang ni Solomon. Napatayo sila nang makita kami.

"Ta-tay..." Bahagya siyang ngumiti. Si nanay ang ngiting-ngiti. "Anong nangyayari?"

"Oh, it's good news, kids," sabi ni Tita Yella.

"Nagkausap na kami ng Nanay mo, Tel. I'm sorry, anak. Sa lahat. Nandito ako para ipakita na sinusuportahan kita at ang desisyon mo. Tama ka rin naman, buong buhay mo wala kang ginawa kundi ang sundin ako, maliit na bagay lang ang hiling mo. Isa pa, ipinaalala sa akin ng Nanay mo iyong pakiramdam noon. I'm sorry, anak..."

I must be dreaming because Ares Consunji is apologizing to me – in front of King Solomon, King David and Mariella Sandoval.

"Tay..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Pero, anak... sana naman h'wag muna kayong magpakasal. Hindi ka pa namin nakakasama nang matagal."

Napaawang ang labi ko.

"Ha?"

"Isa pa, gusto kong makilala si King Solomon."

"Pero... Tay... kasi—"

"Walang kaso po, Mr. Consunji." Napatitig ako kay Solomon. Kinamayan niya si Tatay. "Aalagaan ko po si Telulah. Papatunayan ko ang sarili ko sa inyo."

"What?" I said again. Yumakap si Solomon kay Nanay, si Tatay naman ay tinapik ang balikat niya.

"See, all is well," Tita Mariella said.

Gulong-gulo ako.

"Buti pa kumain na tayo. Nagluto ako ng masarap na tanghalian," si Tita Mariella muli ang nagsabi. Sumama na sila Tatay at Nanay sa dining area. Noon ko naman hinarap si Solomon.

"What the hell?!" tanong ko sa kanya. Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa kanya. He sighed.

"Papa-good shot muna ako sa tatay mo, kapag okay na kami, ako mismo ang magsasabi sa kanya."

"Ayusin mo iyan. Ayusin mo agad!" pinanlakihan ko siya ng mga mata. Hinalikan lang naman niya ako sa noo at saka niyakag na sa dining area kasama ang mga magulang ko.

Masaya naman akong nakikitang maayos siyang pinakihaharapan ni Tatay. Alam kong magiging maayos na rin ang lahat...




Continue Reading

You'll Also Like

44.2K 534 16
A 31 year old man obsessed with a 16 year old girl. Mamahalin kaya siya nito kung kinidnap at ikinukulong niya ito sa mundo niya? --- Isang bilyonary...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
1.8M 60.5K 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only o...