THE BADBOY'S FIRST KISS

By jhuennstorm

361K 12.9K 1.4K

let's find out the story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 9

10.7K 466 23
By jhuennstorm

[Aika]

"Good morning, Aika!"

Isang matamis na ngiti ang sinalubong sa'kin ni Dan nang lumabas ako ng bahay namin para pumasok. Tiningnan ko ang kotse na dala niya hindi iyon ang kotse na palagi dala ni Ryuuji.

"Wala si Ryuuji, hindi makakapasok kaya ako ang tinawagan niya para sunduin ka."

"Bakit? Anong nangyari sa kaniya?"

"Tinablan ng sakit. Let's go!"

Sumakay ako sa kotse ni Dan. Kahapon lang ang lakas-lakas niya.
Pagkatapos ngayon may sakit na.

"Bakit siya nagkasakit?"

Pilyong ngumiti si Dan. "Kulang sa dilig?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong dilig?"

Tumawa si Dan. "Never mind, kumusta pala ang pag-aaral mo?"

Saglit akong natahimik. Hindi niya dapat malaman na kasali ako sa binibi dahil baka pagtawanan niya ako.

"Okay lang."

"May sinalihan ka bang sport?"

"Wala hindi ako mahilig sa sport."

"Wag kang sasali sa mga sports lalo na sa cheering squad at binibing Eastberg. Ayaw ni Ryuuji ng ganoon."

"Ano naman pakialam ni Ryuuji kung sakaling sumali ako?"

"Basta wag kang sumali kung ayaw mong magalit siya sa'yo."

"Sorry, pero kasali na ako kahit ayaw ko."

"Hindi niya hawak ang buhay ko."

"Pero hawak mo naman ang puso niya." Sabag lingon sa'kin.

"Pusong bato si Ryuuji, kaya sobrang sama ng ugali niya. Hayss! Ang sungit pa."

"Masasanay ka rin sa kaniya basta wag kang sumali."

"Hindi ko masasabi kapag required siya mapipilitan akong sumali. Isa pa, may balak na akong lumipat ng school pagkatapos ng buong taon.

"Sigurado kang lilipat ka ng school?"

"Plano ko pa lang naman hindi kasi ako nababagay sa school na 'yon."

Hindi na kumibo si Dan sa'kin hanggang sa makarating kami ng school. Pagkababa ko sa kotse ni Dan agad akong pumunta ng class room namin.

Lumapit sa'kin ang professor namin.

"Aika, mamaya may praktis kayo sa binibi pagkatapos bukas ng umaga meron sa'yong magtuturo para sumayaw."

"Bakit kailangan kong sumayaw?"

"Talent mo 'yon mabuti nga at inalis na ang swimsuit. Evening gown na lang."

"Sir, wala po akong pera para sa pang-gastos ng mga damit kong susuotin. Hindi ko pinaalam sa Mama ko na kasali ako."

"Wag kang mag-alala dahil nag-offer ang mga kaklase mo na papahiramin ka ng gown na damit nila. Wala ka ng ibang iisipin. Ang dapat mo na lang intindihin ang praktis dapat manalo ka."

"Paano po kung hindi ako manalo?"

"Wag kang negative, Aika mananalo ka okay."

Bumuntong-hininga ako. "Ano ba itong napasukan ko."

"Gagawin ko po ang makakaya ko."

"Good!"

Isang subject lang ang pinasukan ko dahil pinatawag na ako para mag praktis sa binibi. Pagdating ko sa venue napansin ko na halos labing lima kaming kasali. Napansin ko rin na magaganda silang lahat. Yumuko ako at pumihit patalikod upang mag back up.

"Miss kasali ka ba?"

Huminto ako ngunit hindi ako lumingon sa kanya.

"Miss kasali ka  sa Binibini?"

Mariin kong pinikit ang mata ko at huminga ng malalim pagkatapos humarap sa kaniya at pilit na ngumiti.
"O-Opo."

"I see... Pumunta ka na doon para makapag-umpisa na tayo." Sabi ng bakla.

Tumango ako at nakayuko ako habang naglalakad papunta sa kanila. Pagdating ko doon sa'kin sila nakatingin. Mabuti sana kung tingin lang kaya lang yung mga tingin nila sa'kin parang gustong basahin pati kaluluwa ko.

"Okay girls! Magsisimula na tayo!" sigaw ng bakla.

Tinuruan kami kung paano maglakad sa stage at rumampa. Ang mga ibang babae halos na-perfect nila ang paglalakad siguro dahil sanay na sanay na sila pero ako ilang beses na akong napapagalitan.

"Aika! Ayusin mo dapat fierce." Sabi ng bakla na si Mamita.

Nagtawanan ang mga candidates sa'kin pero hindi pa rin ako sumuko.

"Wag kang yumuko chin up, lagyan mo ng landi ang paglalakad mo!" Sigaw pa niya.

Halos marindi na ako sa sermon niya sa'kin. Ang nasa isip ko na lang matapos ang oras dahil gusto ko ng umuwi. Pagkatapos ng paulit-ulit na sermon sa'kin nakuha ko na rin ang tamang paglalakad.

"Finally! You made it."

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos umupo ako at uminom ng tubig. Ganito pala ang pakiramdam ng sumasali sa mga contest sobrang sakit sa katawan.

"Bukas na ulit nag praktis."

Kinuha ko ang bag ko at nauna ako umalis. Ito yung hinihintay ko ang uwian. Dumiretso ako sa comfort room at nagpalit ng damit.

"Kilala ninyo ba si Aika yung kaninang pinapagalitan ni Mamita?"

Narinig ko sabi sa labas ng cubicle. Hindi ako lumabas at nakinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Yung laging kasama ni Ryuuji?"

"Yes, siya nga ang lakas ng loob sumali sa Binibining Eastberg palibahsa boyfriend niya si Ryuuji nagpi-feeling maganda at magaling na."

"Hindi ko naman boyfriend si Ryuuji, hindi ko rin naman gustong sumali."

"Hindi naman siya marunong. Hayaan ninyo na magkakalat lang siya sa stage." Sabay tawa.

"Kung sabagay mas maganda ngang makita ng marami nanonood ang pagiging looser niya.

Humalakhak silang lahat.

Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi nila. Gusto kong lumabas ng cubicle upang sabihin sa kanila na hindi ko naman gusto ito nangyayari sa'kin.

"Gagawin ko ang lahat para hindi ako maging looser sa paningin nila."

Nang umalis na silang lahat saka ako lumabas ng cubicle pagkatapos lumabas na rin ako ng female comfort room. Dahil may sakit si Ryuuji. Mag-isa akong uuwi ngayon. Habang naglalakad ako sa coridor ng school natanaw ko si Ryuuji na papalapit sa'kin.

"Akala ko ba may sakit siya? Bakit siya nandito?" Nagkunwari akong hindi ko siya nakita umiwas ako ng daan upang hindi kami magkasalubong pagkatapos binilisan ko ang lakad ko.

"Ay!" Nagulat ako nang biglang hinila ang kamay ko.

"Ano ba! Bakit mo ako iniiwasan?" Nakasimangot ang mukha ni Ryuuji. Gulo-gulo pa ang buhok niya at hindi siya nakasuot ng uniform.

"Ryuuji? Akala ko may sa'kit ka?" Kunwari nagulat ako na nakita ko siya.

"May sakit nga ako pero naalala ko walang maghahatid sa'yo pauwi. Yung dalawa kong kaibigan may lakad sila."

"Pwede naman akong mag commute."

"Hindi ako papayag ng mag commute ka." Hinila niya ang kamay ko at naglakad siya.

Sumunod naman ako sa kaniya. Hanggang sa makasakay ako sa kotse niya.

"Sigurado ka bang kaya mo, pwede naman akong sumakay ng taxi."

"Shut up! Sinabi ko na sa'yong ihahatid kita." Pagkatapos pinaandar na niya ang kotse niya.

Hindi ako kumibo pagkatapos hinawakan ko ang leeg niya. "Sobrang  init mo."

"Malayo sa bituka 'yan don't worry about me, i'm okay."

"Maraming salamat."

Naging mabilis ang pagpapakbo ng sasakyan niya kaya mabilis din kaming nakarating sa bahay namin.

"Hindi na ako baba." Aniya.

"Bumaba ka muna at kumain ng meryenda."

"Hindi na nga sabi ang kulit mo!" Inis niyang sabi.

"Sige, hindi na ako sasabay sa'yo kahit kailan kung hindi ka lalabas." Plano ko kasing painumin muna siya ng gamot bago umalis.

"Psh.. okay!" lumabas siya ng kotse niya at sumabay sa'kin papasok ng bahay.

Naabutan namin si Mama nakahiga sa may sofa.

"Mama." Sabay Mano ko.

"Dumating ka na pala Aika. May kasama ka pala." Tumayo si Mama. "Maupo ka."

"Ryuuji po ang pangalan ko." Pagkatapos umupo si Ryuuji.

"Mama meron pa kayong meryenda?"

"Ay! Oo meron pa, sandali at kukunin ko." Pumunta si Mama sa kusina.

"Magpapalit lang ako ng damit," pagkatapos pumunta na ako sa kwarto ko.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Ryuuji na nakabaluktot ng higa sa sofa. Hinipo ko ang leeg niya sobrang taas ng lagnat niya.

"Nakatulog na si Ryuuji anak." Ani Mama.

"Mama, may sakit po siya pero hinatid pa rin niya ako sa pag-uwi."

"Kawawang bata, pakainin mo muna at painumin ng gamot. Dito na siya matulog baka kung anong mangyari sa kaniya kapag umalis pa siya."

"Opo."

"Kukuha ako ng gamot," umalis si Mama.

"Ryuuji... Kumain ka muna para makainom ka ng gamot."

"Hmm... Uuwi na ako." Pilit siyang bumangon.

"Dito ka na muna sa bahay matulog."

Tiningnan niya ako. "Sigurado ka?"

Tumango ako. "Para mabantayan na rin ang pag-inom mo ng gamot. Tawagan mo na lang ang parents mo."

"Thank you." He said.

"Kumain ka na." Sinubuan ko siya ng gintaang bilo-bilo. Hindi naman siya tumutol sa pagkain. Pagkatapos pinainom ko siya ng gamot.

"Aika, doon na lang siya sa kwarto ko matulog." Sabi ni Mama.

"Wag na po Mama sa kwarto ko na lang po siya matutulog dito na lang ako sa sala matutulog."

"Dito na lang ako matutulog," sabad ni Ryuuji.

"Doon ka na lang sa kwarto ko." Tumayo ako upang samahan siyang pumunta sa kwarto ko.

Pinagmasdan ni Ryuuji ang loob ng kwarto ko. "Ang liit ng kwarto mo mas malaki pa ang comfort room ko."

"Hindi naman mansiyon ang bahay namin kaya wag ka na magtaka. Ang mahalaga komportable ka sa pagtulog."

"Magpalit ka ng damit mo." Naghanap ako ng damit na medyo maluwag sa'kin.

"Damit mo 'to. Masikip 'yan sa'kin."

"Yan ang pinakamalaki kong damit. Suotin mo na kasya 'yan sa'yo."

"Pero ang pangit. Bakit hello kitty?"

Nabunot ko kasi 'yon sa exchange gift noong pasko. Hindi ko masuot dahil extra-large ang t'shirt.

"Wag ka ng magreklamo ang mahalaga may isusuot ka, anong gusto mo yung saya ni Mama?"

"Ito na lang." Tumalikod ka at magpapalit ako ng damit baka bosohan mo ako.

"Ang kapal mo," pagkatapos tumalikod ako sa kaniya.

"Okay na," sabi niya.

Gusto kong bumunghalit ng tawa pero hindi ko ginawa dahil baka hubarin ni Ryuuji ang damit. Nakakatuwa kasi dahil hello kitty ang suot niyang damit hindi bagay sa personality niya.

"Matulog ka na babalik na lang ako mamaya kapag oras ng pag-inom mo ng gamot."

"Aika...."

Tumingin ako sa kaniya. "Bakit?"

"Thank you."

Ngumiti ako sa kaniya at pagkatapos lumabas na ako ng kwarto ko.

"Aika, magtapat ka nga sa'kin. Boyfriend mo ba si Ryuuji?" Tanong sa'kin ni Mama habang nanonood kami ng tv.

"Hindi po, bakit ninyo naman natanong 'yan?"

"Kasi hinatid ka niya kahit may sakit siya."

Natahimik ako hindi ko alam kung paano sasabihin na wala kaming relasyon ni Ryuuji.

"Ganito po kasi 'yon. Natalo siya sa pustahan namin sa klase ang kapalit no'n, siya ang magsusundo at maghahatid sa'kin. Mabuti nga at hindi ako natalo dahil kung hindi, pako-kopyahin ko siya palagi." Alibi ko.

"Kaya pala ganyan siya sa'yo. Mabuti na rin at nanalo ka dahil kung natalo ka kahit hindi na siya mag-aral may libre kopya pala sa'yo."

"Ganoon na nga po Mama."

"Ikaw na ang bahala kay Ryuuji hindi na kita masasamahan magbantay pa sa kaniya dahil maaga akong gigising bukas para mamili ng paninda."

"Ako na po ang bahala sa kaniya."

Nanood kami ni Mama ng paborito niyang teleserye pagkatapos natulog na kaming dalawa. Nag-alarm ako sa cellphone ko upang magising ako sa tamang oras.

Noodles ang binigay kong pagkain sa kaniya nang tumunog ang orasan ko para painumin siya ng gamot. Pinagpawisan na siya ng marami kaya muli ko siyang pinalitan ng damit. Mabuti na lang at may damit akong malalaki sa'kin kaya nakakapagpalit siya ng damit. Pinunasan ko ang katawan niya bago ko siya binihisan.

"Matulog ka na ulit," sabi ko matapos kong painumin ng gamot.

"Thank you, Aika."

"No problem. Sweet dreams." Kinumutan ko siya pagkatapos pumihit ako patalikod upang umalis na.

"Aika!"

Huminto ako at lumapit sa kaniya. "May kailangan ka?"

Bumangon siya at pagkatapos bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi ako makagalaw.

"Thank you so much." He whisper.

Nakatulala pa rin ako nang muli siyang humiga sa kama.

"M-Matulog ka na diyan." Nagmadali akong lumabas ng kwarto niya.

Hawak-hawak ko ang dibdib ko nang makalabas ako ng kwarto.

"Anong pakiramdam 'to?"

Continue Reading

You'll Also Like

155K 3.1K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
1.1M 19.5K 28
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
1.2M 53.3K 68
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...