Evanesce

By allileya

48K 3.6K 958

Aislinn Sinclair is a woman imprisoned in the world that her parents built for her, a world where she always... More

Evanesce
Dedication
Prologue
Part One
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Part Two
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue (Part One)
Epilogue (Part Two)
Note

Chapter 6

1K 172 25
By allileya

"God! The Hilliers ruined the party so I don't have a choice but to call it off! That old man!"

Gulat akong napatingin kay Mom at sa malakas na pagkalampag ng pinto. Kakatapos palang naming mag-usap ni Van via phone and now, this? Don't I deserve to breath some fresh air with a peaceful mind and environment?

Itinapon niya sa sofa ang pouch na dala niya saka kinuha ang walang laman na glass wine sa side table at sinalinan agad ito ng alak. She's fuming with anger and she's trying to ease it by drinking wine. Tahimik ko naman siyang pinagmasdan habang umiinom subalit hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga na lang dala ng kabigatan ng dibdib. Napayuko ako ng ilang segundo bago naisipang tumayo at unti-unting lumapit sa kanya. I stopped when she started to talk again.

"How dare he! Saan nanggaling ang lakas ng loob niyang kalabanin ako? Tingnan na lang natin kung sino ang gagapang papunta sa kapatawaran. I will make sure that he will pay for what he did to us." Ramdam ko pa ang gigil at diin sa mga salitang sinabi niya dala ng galit.

I bit my lower lip to prevent myself from talking to voice out my opinion about this matter. Kaya lang ay hindi ko na yata kayang maging tahimik lang lalo na't tungkol ito sa akin at sa future ko.

She sipped on her wine while I am gaining my strength and courage to talk to her. I just hope that this could not lead us to any form of misunderstanding again. I'm tired of having conflicts with her when I just want her affection. Pinipilit ko na lang ang sarili ko na umintindi kahit na wala talaga akong kaalam-alam.

"Totoo po ba ang narinig ko kanina?"

She looked at me, composedly. Far from what I witnessed earlier. She's now collected again in just a span of minutes which I admire from her. Paano niya kaya nagagawa iyon?

"You have nothing to do with it so stay out of it. Just be a good daughter with a good ethics just like what you always do. That's your purpose here."

Every words from her is like a bullet that strike my heart forcefully and redundantly. It made me realize that her mind is focused and fixed on business no matter how hard I try to see it in a different and good way. Bakit kailangan niyang maging ganito? Hindi ba siya napapagod? Huwag niya namang ipamukha sa akin na iyon lang talaga ang halaga ko sa buhay na meron ako ngayon.

Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti. "I'm the one who's involved kaya dapat lang po na makialam ako. Isa pa, naging mabuti naman po akong anak, hindi ba? Ang gusto ko lang pong malaman ay kung totoo po ba iyon at bakit. Huwag mo naman pong ipakita sa akin na wala na talaga akong kontrol sa sarili kong buhay lalo na po sa mga desisyon ko dahil sobra-sobra mo na po iyong pinaparamdam sa akin."

Parang mas lalo yatang bumigat ang nararamdaman ko nang sabihin ko iyon sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko ba iyon nahugot. But on the contrary, nakaramdam ako ng ginhawa nang mailabas ko iyon.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya habang unti-unting gumuhit ang isang manghang ngisi sa kanyang mga labi.

"Paano mo nasabi na naging mabuti ka ngang anak? Tapos ano ito, pinapamukha mo sa 'kin na masama akong ina? Ito ba ang gawain ng isang mabuting anak?" Her voice is full of sarcasm as she put an emphasis on the word 'mabuti'.

Sabi ko na nga ba at iba na naman ang naging dating ng mga salita ko sa kanya.

"Ang ibig ko pong sabihin ay kung magdedesisyon man po kayo para sa akin ay tanungin niyo naman po ang magiging opinyon ko."

"I'm the mother and I will decide on what I want for you. I don't need your opinions here, Aislinn, kaya kung saan man nanggagaling iyang mga pinagsasabi mo, cut it out already."

"Malaki na po ako-" she cut me off before I could even finish what I needed to say to her.

"That doesn't change the fact that I am still your Mom. At this age, you're still too young to understand some things when it comes to business."

"Kaya nga po gusto kong ipaintindi mo sa akin para naman po may alam ako at hindi lang magmukhang tau-tauhan sa isang palabas."

Hindi agad siya nakasagot kaya naman ay dinagdagan ko pa dahil desperada na talaga ako. Sana naman ay mapansin niya kung gaano rin ako nahihirapan sa buhay na hindi ko naman hinangad.

"Mom, please, tell me the truth about the marriage. Kung hindi po ito ganoon kaimportante sa 'yo, sa 'kin po oo."

Mariin niya akong tinitigan at nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa glass wine bago sumimsim ng alak. Tinalikuran niya ako at naglakad palapit sa malaking bintana.

"It's true. What's the big deal about it? Ikakasal ka lang naman," payak niyang sabi.

Napayuko ako dahil sa pagkabigo at napangisi ng may pait. Oo nga naman, ikakasal 'lang' naman ako. Ano na lang kaya ang mangyayari sa buhay ko kung pati ang pagpapakasal ko ay hawak nila?

"Marriage is sacred, Mom. What's the purpose of it if it lacks love? Masisira lang po ang relasyon na pilit niyong binubuo para sa amin. What might seem nothing to you will be the cause of our downfall, Mom. Malaking bagay po ang pagpapakasal kung idadamay pa natin ito sa negosyo."

Ang desperada ko talagang pakinggan, huwag lang matuloy ang pagpapakasal.

"Ano bang alam mo sa pag-ibig at negosyo, Aislinn?" She looked at me, abruptly. "My God, bakit pa nga ba ako nakikipag-usap sa 'yo? This conversation is useless. The final decision about your marriage is still on us, whether you like it or not."

"Mom, no! Just hear me out, please, at subukan niyo rin pong intindihan ako. Don't be a selfish and an inconsiderate mother kahit ngayon lang po! Kung nakaya mo pong magpakasal sa taong mahal mo ay magagawa ko rin po iyon-"

"How dare you say that to me! Anak lang kita kaya huwag kang magmarunong!"

Natahimik ako at ramdam ko ang pagtambol ng puso ko nang isigaw niya iyon sa akin. This time, ramdam ko na talaga ang pag-iinit ng mga mata ko at panginginig ng mga kamay ko. Any minute now, I will burst myself into tears.

"Sorry po," utal na turan ko saka iniwas ang tingin sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto na binalot lang ng nakakabinging katahimikan ang buong silid. Napatingin na lang ulit ako sa kanya nang magsalita siya. Nakaharap na ulit siya sa bintana habang hawak ang glass wine, matamang pinagmamasdan ang mga buildings at city lights.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na ang pagpapakasal namin ng Dad mo ay dahil sa pagmamahalan?"

Namilog ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. My mouth was left open too. Don't tell me that all this time pinaniniwalaan ko ang isang kasinungalingan? Nga naman, saan ko nga ba kasi nakuha ang ideyang nagpakasal sila dahil mahal nila ang isa't isa?

It's from my sister and I always believe in everything that she say to me! Pero ngayon, hindi ko maiwasang unti-unting mabuo ang duda sa kanya. Ano pa ba ang mga kasinungalingan niyang sinabi sa akin? May pinaniniwalaan pa ba akong mali?

"We got married when my parents' business is falling and the only thing that can save it is a marriage with Sinclair. Pagkatapos ng kasal ay unti-unti ulit bumangon ang negosyo namin at sa pagdaan pa ng mga taon ay sunod-sunod na ang naging tagumpay nito, thanks to your Dad's connections and money. But, your sister is the reason why we learn to love and trust each other, yet she's also the reason why it didn't last long. And you..." she stopped to breath out the devastating feeling. "You're the one who caused the complete damage in our relationship. Bakit kasi naging babae ka pa? You see, Aislinn, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pag-ibig ang sagot sa pagpapakasal."

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nabigo at nawasak na naman ako. To be honest, I didn't expect this revelations from my Mom. Kampante kasi ako na ang kasal nila ni Dad ay dala ng tunay at buo na pagmamahalan but it's not. And knowing that I'm the one who caused the complete damage in their relationship tore my heart into pieces. Why? Why me?

"Hindi rin po sa lahat ng oras ay pagpapakasal ang sagot sa problema o pagpapalago ng negosyo. At iyon ang ayaw kong magaya at makuha sainyo."

Ako ang pipili kung sino ang mapapangasawa ko at hindi sila. And this feels so wrong kasi kung hindi pa 'aksidenteng' nasabi ni Mr. Hillier ang tungkol sa arrange marriage ay hindi ko pa talaga malalaman! Balak yata nilang itago sa akin hanggang sa pagdating ng araw ng kasal. Kumusta naman kaya iyon, 'di ba?

"What did you say?" Nakita ko ang bahagyang paglingon ng ulo niya sa banda ko.

"I don't have any plans on obeying you this time."

"As if you have a choice-"

"It's because you chose to let me live with your choices!" Medyo tumaas na ang boses ko and it's too late to take it back because I can see that it made an impact to her.

"Ayoko pong makasal sa taong hindi ko mahal at hindi ko pa nakikilala," I added with a hint of finality that no matter what, I will go against her. Dapat noon ko pa ito ginawa pero ngayon ko lang tuluyang nabuo ang pagtitiwala sa sarili ko.

"Believe me, Aislinn, you already met him at alam kong gusto mo rin siya."

What? Do I need to be happy about that, then? No! Mas lalo niya lang dinadagdagan ang rason kung bakit kailangan kong magalit sa kanya. She already planted a bait for me without me knowing? Now, I'm curious about his identity. Who is he? Did he agree on this marriage? Wow. Pakiramdam ko tuloy pinagkakaisahan ako. It feels like a betrayal.

"Kung totoo man po iyan, sabihin niyo po sa 'kin kung sino siya at bakit," naguguluhan na saad ko habang ipinapasok sa utak ko ang mga naging usapan namin. "From what I can see and observe, our business is doing well. Hindi pa po ba sapat ito sainyo?"

"Oh come on, Aislinn, we must stay on top and grow more-"

"Alam niyo pong masama ang sobra so why don't we just lie low? Like what Dad said, sapat na po sa atin ang negosyo ninyo para mabuhay tayo. Bakit hindi niyo po iyon makita? Bakit hindi po kayo makuntento?"

Hinarap niya ako suot ang seryoso at kalmado niyang ekspresyon. Tinapos niya na ang pag-inom ng alak bago niya ako sinagot ulit habang ibinabalik ang glass wine sa dati nitong kinalalagyan kanina.

"Your Dad and I both decided on your marriage arrangement kaya huwag mo sa 'king ipamukha na ako lang parati ang nagdedesisyon sa 'yo. You don't know everything that I went through while climbing this high and I'm not going to waste it because of an imbecile daughter like you. Imbes na magpasalamat ka ay puro ka reklamo."

"Mom-"

"Enough! Get ready because we're going home tonight. Hihintayin ka namin sa baba." She gave me a thorough look before turning her back on me to leave the room.

Bumagsak ang balikat ko at bigla na lang pumatak ang sunod-sunod na luha mula sa mga mata ko. Pagod ko itong pinalis habang napapailing-iling na lang. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit nang maramdaman ang panandaliang pagkirot nito. What just happened?

This is the first time that I had a fight with my Mom and it's making my heart shred into pieces. Ang baba na nga ng tingin ko sa sarili ko pati ng ibang tao, dadagdagan pa ba ito ng mismong magulang ko? Minsan ay napapatanong na lang ako sa sarili ko, what is really my purpose in life? Pero ngayon, tuluyan ko na itong hindi makita dahil sa naging palitan ng salita namin ni Mom. Guess, I'm really a useless and worthless person in this cruel world.

Kinuha ko na lang ang pouch na dala ko saka na lumabas nang matauhan na ulit ako. Hindi ganoon kalayo ang bahay namin kaya agad kaming nakarating. Buong biyahe ay tahimik lang kami which is a good thing to lessen the tension between us. Dumiretso agad si Mom sa taas na hindi na ako kinausap o tiningnan pa simula nang pumasok ako sa van.

"Dad," I called Dad para siya naman sana ang makausap ko but he refused.

"Later, okay? Let's just rest. We all have a rough day," malumanay na wika niya pagkatapos ay binigyan ako ng malambing na halik sa noo.

Sinundan ko ng tingin ang pag-alis niya bago tinahak ang hagdan papunta sa kuwarto ko. Inalis ko agad ang suot kong heels at pagod na nilagay ang pouch sa sofa. Pagkatapos ay dumiretso sa banyo para maligo at makapag-ayos bago matulog.

Inabot ako ng halos isang oras sa loob ng banyo dahil sa sobrang pag-iisip ko ng mga bagay-bagay. I blow-dried my hair while looking at myself in the mirror.

"Do I really need to live like this?" wala sa sarili kong sambit.

Bumuntong-hininga ako at tinapos na agad ang ginagawa. Kinuha ko ang cell phone ko sa pouch bago tumungo sa kama nang sumagi sa isipan ko si Van. Nakita ko ang isang text niya sa akin kaya agad ko naman itong binuksan.

Razvan:

Babe

I bit my lower lip. Bakit ganoon? Tawagin niya lang akong babe ay nanlalambot na agad ako na parang walang nangyaring palitan ng salita kanina. Manlambing lang siya ay agad nawawala ang mga iniisip kong problema. Why does he need to affect me this way? Who is he again in my life?

Tiningnan ko kung anong oras niya iyon tinext sa akin at nakitang mag-iisang oras na. It's already two in the morning. So, I was taking a bath nang maalala niya ako. Galing talagang mag-timing ng lalaking ito.

Napangisi at napailing na lang ako dahil sa kalokohang naisip. Ano ba iyan! Tuluyan na yata talaga akong nahawa sa kanya.

I decided to call him but he's not answering. Don't tell me, he's still drinking outside? Talagang nagpaabot na naman siya ng umaga. Bakit ba walang epekto sa kanya ang mga sinasabi ko?

Tatawagan ko pa sana siya nang makatanggap ako ng panibagong text sa kanya.

Razvan:

What is it?

I rolled my eyes on that. This guy is really frustrating! Siya itong nag-text tapos mas pinapamukha pa sa akin na ako na naman ang may kailangan sa kanya. Palagi niya na lang pinapakulo ang dugo ko pagkatapos niya akong pasayahin. Biruin niyo 'yon?

Ako:

Where are you?

Mabilis pa sa kidlat ang naging reply niya.

Razvan:

Revel

Revel? Revel at the Palace? Sa pagkakaalam ko ay lampas apatnapung kilometro ang layo 'non at halos isang oras ang biyahe mula dito, ah? I thought he's just somewhere here in Calamba. Bakit nakarating siya ng Taguig? Ang lalaki talagang ito. He always does whatever he wants while I am always obeying the rules. Opposites do really attracts, eh?

Ako:

Why are you there?

Razvan:

Chillin'

Ako:

With?

Razvan:

Friends

Halatang nakatuon ang atensyon niya sa cell phone dahil sa mabilis na mga reply niya kaya lang ay ang iikli naman. Ipakita niya naman sa akin na gusto niya akong kausapin ng matino kahit sa text lang.

Ako:

Kailan mo balak umuwi?

Nahiga na ako nang matagalan siya sa pag-reply. Abala na naman ba siya sa pag-inom? Then, fine! Hindi ko na siya guguluhin pa tutal sino ba naman ako?

Kakalagay ko pa lang ng cell phone sa side table nang mag-vibrate ito. Agad ko naman itong kinuha at binasa ang mensahe niya. Naku, itong karupukan ko ang papatay sa akin. I thought you are going to ignore him, Aislinn?

Razvan:

Pauwi na

Ako:

Send me some proof.

Nabuhayan ako nang makitang tumatawag siya. Walang atubili ko itong sinagot at bumungad sa screen ko ang guwapo niyang mukha at medyo magulo na buhok.

"Hey, babe..."

Para yata akong mahihimatay nang sabihin niya iyon kaya naman ay pinigilan ko talaga ang sarili ko na huwag magpakita ng kahit na anong emosyon sa kanya. Tumikhim ako ng peke at saglit na inilayo ang tingin sa kanya.

"I'm on my way home," he spoke in a husky voice using his moist lips after licking it. Namumungay ang mga mata niya na halatang uminom nga siya. Pinakita niya sa akin ang daang tinatahak niya bago ibinalik sa seryoso niyang mukha.

"Okay, ingat ka," napautal ako.

"Of course, babe. Why are you still awake, anyway? Umaga na, ah?"

Pinosisyon niya ang cellphone para hindi makaabala sa pagmamaneho niya. Talaga namang kung saan pa kitang-kita ko ang bawat paggalaw ng Adam's apple niya which I find it very handsome and manly. Oh, this man is always seducing me without him knowing!

"Ah, kakatapos lang din kasi ng celebration ng kaarawan ko."

"Oh, you throw a party? Why didn't you tell me? Pumunta sana ako."

"I forgot. I'm sorry."

"It's okay. May mga susunod pa naman," he smiled so I just smiled too. "Alam ko naman na hindi ka pa handa na ipakilala ako sa kanila."

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip dahil sa sinabi niya. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Mom at Dad kapag nalaman nilang nagpapaligaw na ako? Sigurado akong tututol sila, lalo na si Mom dahil hindi naman namin kalebel ang pamilya ni Van. Besides, ipinangako niya na ako sa kasosyo niya sa negosyo. Knowing her, dadaan muna sa matinding pagsusuri si Van before she fully accept him but I doubt that. Kapag ayaw niya ay ayaw niya.

Mayaman ang pamilya ni Van pero hindi kagaya namin. Just enough to call their family rich. Pansin naman sa nightclub na pinuntahan niya. It's a famous luxurious and high-end nightclub na kadalasan ding pinupuntahan ng mga turista.

"So, tell me about it, will you?"

Biglang naging blangko ang isipan ko nang marinig ko iyon sa kanya. How can I tell him about my misunderstanding with Rad because of his feelings for me and the way I rejected him? How can I tell him about my arrange marriage? How can I tell him about the fight that I had with my Mom? How can I tell him that he's also the reason why I'm so confused right now?

"It's fine. Wala namang gaanong nangyari. You know, the usual birthday celebration." It's a lie na bumenta naman sa kanya.

"Oh. How about you, then? Did you have some fun without thinking about me? Masaya ka ba kahit na wala ako?" Napangisi siya.

Marahan akong napatawa at napairap. Bakit ba sa iilan kong kilalang mga lalaki ay mayayabang? Ganito ba talaga sila ipinanganak? Bigla ko tuloy naalala si Rad.

"You wish, Cronin! Kung tutuusin nga ay mas masaya talaga ako kapag wala ka."

"Aww, that's so harsh of you, baby!" Nagkunwari siyang nasasaktan pero kalaunan ay napahalakhak na lang. Mabangga ka sana! Siyempre, joke lang iyon.

"Inaantok na ako," pahayag ko nang lumipas ang ilang minuto na wala na kaming napag-uusapan pa.

"Alright. Good night, then." Nagtagal ang titig niya sa akin bago ako bigyan ng kasiguraduhan na matamis na ngiti.

"Good night. Text me when you got home, okay?"

"I will," huling sabi niya bago naputol ang tawag.

Napabuntong-hininga ako habang nakapatong sa dibdib ko ang cell phone na hawak ko. Before I know it, I'm smiling like an idiot in the dark room while looking at the ceiling. I guess I will forever be thankful to him kasi bumubuti ang pakiramdam ko kapag nakakausap ko siya. Malaking tulong na iyon sa akin.

Inilapag ko na lang ulit sa side table ang cell phone ko nang mapahikab ako at maramdaman ang antok at pagod. Ang dami na namang nangyari ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung ilang beses na naman ba akong nakagawa ng mali at kasinungalingan. I just hope that tomorrow's gonna be okay again.

Papikit na sana ako nang marinig ko na naman ang pag-vibrate ng phone ko. I groaned in annoyance yet I can still afford to smile. Damn! Hanggang sa pagtulog ko ay naaabala pa ng lalaking ito na walang dudang gusto ko naman.

Razvan:

Just got home, baby. Will see you tomorrow at school. Please, dream about me. I love you.

Ang sarap naman sa pakiramdam. Now, I can sleep in peace without thinking about the marriage and anything else. Only a good moments with him that I will cherish as long as he's with me.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 190 35
Si Jeanelle Chua, ay isang babaeng kayang gawin ang lahat para sa pagmamahal. Kahit pa ang tumakas sa araw ng engagement party para lamang bumalik sa...
78.8K 1.8K 55
Celine Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalak...
3.8K 176 53
Madison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up stay...
523 94 43
A girl who grew up knowing only her name. Finding herself, searching for her parents. Came back to the cursed mansion, facing the queen. Dark memo...