Magic: Allen's Journey

By SuperAstigAko

1.4K 151 1

"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Al... More

Author's note
Part 1 Beginning
Part 2 Reason
Part 3 Seal
Part 4 New Environment
Part 5 Class 4 - A1
Part 6 Battle Practice
Part 7 Mask
Part 8 Dance
Part 9 Uninvited Guest
Part 10 Invitation
Part 11 Familia
Part 12 History
Part 13 Encounter
Part 14 Adventure
Part 15 Twist
Part 16 Competition
Part 17 Moon Festival
Part 18 Disaster
Part 19 Student
Part 20 Voice
Part 21 Notice
Part 22 Black
Part 23 Necklace
Part 24 Mission
Part 25 Library
Part 26 Cris
Part 27 Girls
Part 28 Attacked
Part 29 Book
Part 30 Vallen
Part 31 Problem
Part 32 Eyes
Part 33 Glimpse
Part 35 Contract
Part 36 Side Effect
Part 37 Rescue Breath
Part 38 Spoon
Part 39 Call
Part 40 Fly
Part 41 Trouble
Part 42 Visit
Part 43 Bridge
Part 44 Lady
Part 45 Memories
Part 46 Full Moon
Part 47 Origin
Part 48 Gone
Part 49 Missing
Part 50 Isla Ekis
Part 51 Extract
Part 52 Time Traveller
Part 53 Chaos
Part 54 Shann
Part 55 Liados
Part 56 Battle
Part 57 Is It Time?
Part 58 Death
Part 59 Downfall
Part 60 Journey Ahead
Author's note: Konting Chikka
Lost Chapter 1
Lost Chapter 2
Lost Chapter 3
Lost Chapter 4
Lost Chapter 5
Author's noteeeee

Part 34 Caught

19 2 0
By SuperAstigAko

Allen

"Ayyy! Sa wakas nakabalik na rin tayo dito!" masayang sigaw ni Pyro habang papasok ng bahay.

"Ngayon na appreciate ko na ang ganito nating temperatura," sabi naman ni Luna.

Napatawa nalang kami dahil sa reaction ng dalawa. Dumating na kami sa dorm.

"Gutom kayo?" tanong ni Lexi.

"Magluluto ka?" tanong naman ni Sky.

"Kung merong kakain."

"Magpahinga ka kaya muna? Hindi ka ba napagod? Pwede naman tayo bumili ng pagkain sa labas."

Pumunta na sina Luna at Pyro sa mga kwarto nila, pagod yung dalawa. Medyo inaantok ako, matutulog ako mamaya. Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom.

"Allen, magpapasama ako sa'yo sa paghatid ng report mamaya," sabi ni Frost.

"Sige," sagot ko.

Dumeretso na kami sa kanya-kanyang kwarto. Isinirado ko na ang pinto at inilagay ang bag ko malapit sa closet. Huminga ako sa kama, hay, namiss ko 'tong kama ko.

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako, nagising nalang ako sa katok ng pinto. Tumayo ako at binuksan, si Frost pala.

"Samahan mo ako, ihahatid na natin ang report."

"Anong oras na pala?"

"6pm."

"Ah, sige. Tara," lumabas na ako ng kwarto.

Bumaba na kami, naabutan namin nagluluto si Sky at Lexi. Napatingin si Sky sa amin.

"Maghahatid kayo sa report?"

"Hmmm, nakatulog kasi ako kanina kaya ngayon na namin esubmit," paliwanag ni Frost.

"Balik kayo agad, malapit na kami matapos," sabi naman ni Lexi.

Nagpaalam na kami at lumabas na ng bahay. Naglakad na kami palabas ng dorm at naglog-out. Habang naglalakad kami, napansin kong medyo maliwanag pa rin ang paligid. Akala ko ba 6pm? Kitang-kita ko pa ang mga puno malapit sa gate, malinaw na malinaw.

"Frost, sigurado ka bang 6pm ngayon?"

"Bakit? Oo, look," sabay pakita ng wristwatch.

6:23pm

Hindi na ako umimik. Tumuloy na kami sa assembly hall. Pagdating namin doon naabutan namin sina Sir Yakada at Miss Arisma na nag-uusap. Napatingin sila sa amin ng pumasok kami sa hall.

"Oh, nakabalik na kayo," sabi ni Sir Yakada.

"Kamusta kayo? Oh, Allen, ba't may benda ka sa ulo? Ayos ka lang ba?" tanong ni Miss Arisma.

"Ayos lang, po, ako, hehe."

"Sir, heto pala ang report namin tungkol sa mission na ibinigay ni Miss Arlinda," sabay abot ni Frost sa report. Napansin kong medyo makapal ang papel. Teka, mataas ang ginawa niya report?!

"Sinabi mo sa email na may nakaharap kayong organization?" seryosong tanong ni Sir Yakada.

"Opo."

"Well, ang mission na kinuha niyo ay mahuhulog sa S rank. Galing raw sa kapatid mo ang request sabi ni Miss Arlinda."

"Opo, it was an unexpected situation. Hindi ko halos matanggap ang ginawa ng isa kong kapatid. Pero, ang paliwanag niya ay blinack mail siya ng groupong ito."

"Anong pangalan ng groupo nila?" tanong ni Miss Arisma.

"Kung tama ang pagkaalala ko, black hexagon organization."

"Black hexagon, parang narinig ko na. Maghahanap ako ng data tungkol sa groupong iyan."

"Nandito naman lahat ng details sa report niyo?"

"Opo, Sir."

"Bumalik na kayo sa dorm para nagpahinga. Tatawagin ko lang kayo tungkol dito kung may mahanap na kami tungkol sa groupong ito."

Nagpaalam na kami at lumabas na ng hall. Habang naglalakad kami sa hallway, tahimik lang kaming dalawa ni Frost. Ang lalim ng iniisip niya—

"Allen," tawag niya.

"Bakit?"

"Naikuwento ko ba sa'yo ang nangyari sa akin ng pauwi ako noong nasa hospital ka? Yung malapit na ang camping."

Napakurap ako ng ilang beses. Wala akong maalala, parang hindi.

"Parang wala."

"Ganun ba, well, pakiramdam ko, isa sa organization ang may gawa nun."

"Bakit? Ano pala ang nangyari nung pauwi ka? May nakasalubong ka? May nakaaway ka?"

"Not actually. May tumama kasi sa motor ko habang papasok dito sa academy. Walang tao sa daan, hindi rin mabato ang kalsada papunta dito. Madilim na nun kaya hindi ko nakita kung sino ang nagbato."

"Ano sa tingin mo?"

"Ang nakita ko sa contract na sumali si Snow sa organization, 9th month of the year. Nasa huling training na tayo nun. Kung inatake ako noong 6th month, tapos na camping tayo at nanggulo sila sa moon festival. Ibig sabihin matagal na nila tayong pinagmanmanan."

"Teka, yung spell caster na nanggulo sa party. Kalaban natin siya at kasali siya sa ogranization."

"Sumasakit ulo ko kakaisip sa mga problema."

"Masakit nga sa ulo."

"Ano ba talaga ang motibo nila? Una, tiningnan nila kung totoo bang may apo si Sir Thunder na nag-aaral sa academy, tapos yung nangyari sa akin, then ang gulo sa moon festival at crystal festival. Then, ito, nanakawin sana nila ang emblems namin, pero nang makita ka nila, nag-iba ang desisyon nila."

"Chill lang, Frost, chill."

"Paano ako chichill kung ganito ang kalaban natin? Sigurado ako, sa oras na kukuha tayo ng missions, magsasalubong na naman ang daan natin."

Lumabas na kami ng building at naglakad papunta sa dorm. Napaisip ako sa sinabi ni Frost. May posibilidad nga na makakasalubong namin sila sa susunod namin na missions. Naglog-in na kami at pumunta na sa bahay, naabutan naming inaayos na ni Lexi at Sky ang mesa.

"Oh, dumating na pala kayo, anong sinabi ni Sir?" tanong ni Sky.

"Tatawagin lang daw niya tayo kung may nahanap na silang data tungkol sa organization."

Pumunta sa taas si Lexi para tawagin sina Luna. Umupo na kami sa mga upuan namin. Bumaba na rin sina Lexi, kasama niya sina Luna at Pyro. Umupo na rin sila kaya nagsimula na kaming kumain.

"Kukuha tayo ng mission bukas?" tanong ni Frost.

"Birthday bukas ni Allen," napatingin silang lahat sa akin dahil sa sinabi ni Pyro.

"Ay, oo pala, may party sa mansion niyo?" tanong ni Frost.

"Hindi ko pa alam, magmessage pa ako kay Arthur o kay Ate Elliah mamaya."

"May party 'yan for sure," sabi naman ni Luna.

"Ayoko sa mga party. Ayos na sa akin ang small gatherings."

"Well, ikaw ang apo ni Sir Thunder na matagal na nawala, magpaparty 'yon," sabi naman ni Lexi.

Napaisip nalang ako, party, dapat nakaformal attire. Napailing nalang ako.

"Ayoko."

"Doon ka magcecelebrate?" tanong ni Sky.

"Hmmm, utos ni Lolo. Kakausapin ko siya, gusto ko kasama ko rin kayo," sabi ko.

"Yieeee! That's our boy!" sabi naman ni Pyro.

Pagkatapos naming kumain ay kami na ni Frost ang nagligpit ng pinagkainan. Ako ang naghuhugas, siya naman ang nagpupunas. Nanonood ng palabas si Sky at Pyro, si Luna natutulog na sa taas. Si Lexi ay may isinusulat, nakaupo siya sa sahig at nasa coffee table siya.

"Lexi, para saan 'yan?" tanong ni Frost.

"Tungkol sa missions natin."

"Kailangan ba 'yan isulat sa journal?" tanong ni Pyro.

"Nahh, it's your decision kung isusulat mo o hindi. Isinulat ko lang lahat ng mga pangyayari."

"Frost, sino ang kalaban natin?" tanong bigla ni Sky, dahilan para mapatingin kami sakanya.

"Hindi ko alam kung anong sagot diyan."

Umupo si Sky sa harapan ng bar counter at kumuha ng mug, magtitimpla na naman 'to ng kape.

"Ang mga nakaharap natin ay ang Black Hexagon, sigurado sila ang kalaban. Bakit? Meron pa bang iba?" tanong ni Pyro.

"Pyro, na mention ng Aunty Villamia ni Frost ang tungkol sa Merean clan, alam mo naman siguro ang histiry ng pamilyan 'yon. I mean, alam ng buong mundo."

"Dapat ba tayong matakot sakanila?"

"Hindi natin alam ang motibo nila. Paiba-iba ang mga goals nila. Una, sila nanggulo sa moon festival, tapos sa crystal festival, tapos sa pamilya ni Frost. Nagbago lahat ng makita nila si Allen," sagot ni Sky.

"Pakiramdam ko matagal na nilang target si Allen," sabi ni Frost. "Diba, sa moon festival, sabi ng babae pumunta sila para magsaya, pero sa crystal festival lumapit si Marko kay Allen, pero sinabihan siya nito na hindi raw si Allen ang habol nila. Tapos, ngayon..."

"Rare ang magic ng pamilya nila Allen kaya, baka ganun ang reaction ng groupong iyon," sabi naman ni Lexi.

"Allen, diba sabi nila nilusob kayo sa gabi ng birthday ng Lola mo? Kilala mo ba ang sumugod sa inyo?" tanong ni Sky.

"Wala pa rin talaga akong maalala tungkol sa bagay na 'yan pero sabi ni Lolo ang Merean clan daw ang sumugod," sagot ko.

"Merean clan ang sumugod sakanila noong nakaraan, tapos ngayon, itong organization na hindi natin alam kung sino o ano ang target nila."

"Mag-iingat nalang tayong lahat," sabi ni Pyro.

Tapos na namin iniligpit ang mga gamit. Nakapagdecision na rin kami na magpahinga na sa taas. Dumeretso na ako sa kwarto ko, isinirado ko ang pinto at kinuha ang tablet ko. May dalawang message doon, galing kay Jon at Mayer. Ang tagal kong hindi nakamessage sa kanila.

From: Jon.
Allen! Kamusta na? Grabe ang training na sinapit namin. Parang mamamatay na ata ako sa pagod. But, anyways, sabi nila lalabas kami minsan sa bayan para gumawa ng missions. Ang saya nun! Sayang hindi ka namin nakakasama ngayon. Sinabihan ako ni Mayer tungkol sa seal. Sana nakakagamit ka na ng magic ngayon. Sa susunod nating pagkikita, ipakita mo sa akin ang magic mo!
P.s. ingat ka lagi diyan.

Nagsend naman ako ng reply kay Jon, pagkatapos tiningnan ko kung ano ang mensahe ni Mayer.

From: Mayer.
Kamusta? Nagsisimula na kayo sa pagkuha ng missions? Well, kami rin, by squad. Kasama ko si Jon, tapos sina Elaida, Peachy, Markson, at Jolly. Kukuha kami sa una naming mission sa labas ng bayan. Sana magkrus ang ating landas habang kumukuha tayo ng missions. Ingat ka palagi.
P.s. see you when I see you

Nagreply naman ako. Pagkatapos ay ipinasok ko sa drawer ang tablet. Pumikit na ako para matulog.

Nagising ako dahil sa hapdi ng lalamunan ko, nauuhaw ako. Ano bang nangyayari sa akin? Tumayo ako at naglakad pababa. Malinaw naman paningin ko kahit medyo madilim. Pagdating ko sa kusina uminom kaagad ako ng tubig. Nakalimang baso ako, ganun ako kauhaw. Ano ba 'to—

"Aray!"

"Allen?!" bumukas ang ilaw, nakita ko si Frost na hawak ang switch.

Ang sakit ng kamay ko, nakita kong may namumuong yelo doon. Ang lamig! Hindi na mararamdaman ang kamay ko dahil sa lamig. Lumapit kaagad si Frost at hinakawan ang yelo, ilang saglit na tunaw ito.

"Ano bang ginagawa mo dito sa kusina?"

"Umiinom ako ng tubig dahil nauuhaw ako, nakalimang baso ako."

"Uhaw na uhaw?"

"Ewan ko, nanakit lalamunan ko."

Nilagyan ko muna ng tubig ang pitsel bago ibinalik sa refrigerator. Hinugasan ko rin ang baso.

"Binuksan mo sana ang ilaw kung nandito ka sa baba. Akala ko may magnanakaw sa loob."

"Eh, nakikita ko naman kahit walang ilaw."

"Wala ka namang dalang flashlight, gumamit ka ng magic?"

"Hindi rin."

Napakunot ang noo ni Frost dahil sa sagot ko. Lumapit si Frost sa switch at pinatay ang ilaw habang nakatayo ako sa kusina.

"Oh, bakit mo pinatay?" tanong ko.

"Ilang daliri ang nakataas sa kaliwang kamay ko ngayon?" tanong niya.

Napakunot ang noo ko dahil sa tanong ni Frost. Bakit niya tinatanong 'yan?

"Tatlo."

"Ito?"

"Lima."

"Sigurado ka bang nakikita mo ang kamay ko?"

"Oo, nakikita ko."

"Nakapikit ako o nakamulat ang mata ko?"

"Nakapikit."

Binuksan ni Frost ang ilaw. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang noo niya.

"May lagnat ka ba?"

"Ikaw nga dapat tinatanong ko niyan, e!"

"Ikaw nga 'tong weirdo. Bakit mo tinatanong ang mga bagay na 'yon?" tanong ko at tinanggal ang kamay ko sa noo niya.

"Allen, nakapatay ang ilaw, walang buwan ngayon at walang ilaw sa labas, patay din ang ilaw sa itaas. Sige, ipaliwanag mo kung bakit mo nakikita ang mga bagay-bagay kahit walang ilaw?"

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi ni Frost.

"Sure? Nakapatay ang ilaw sa labas?"

"Oo nga," sagot niya.

Nabigla ako ng hinawakan ni Frost ang magkabila kong pisngi. Napalunok ako dahil ang lapit ng mukha niya. Tinititigan niya ang mukha ko.

"Fr-Frost?"

"Allen, anong normal eye color mo?"

"Brown.. Bakit?"

Kinakabahan ako dahil sa tanong niya. Hindi kaya—

"Kumurap ka," utos niya, ginawa ko kaagad.

"Ulit," kumurap ako ulit.

"Matulog ka na," sabay bitaw ng mukha ko.

"Bakit?"

"Nothing, akala ko nagbago ang kulay ang mata mo, baka pagod lang ako," sabay akyat sa taas.

Umakyat na rin ako at dumretso sa kwarto ko. Isinirado ko ang pinto. Pumunta ako sa harapan ng salamin, kumurap ako ng ilaw beses.

"Ano..."

Naging dilaw ang dalawa kong mata. Mabagal ang hininga ko. Kumurap ako, dilaw pa rin. Kumurap na ako ng ilang beses pero ganun pa rin! Hindi pa rin nagbabago ang kulay ng mga mata ko. Shit.

Itulog ko nalang kaya to? Baka imahisnasyon ko lang 'to. Humiga na ako at pumikit.

———

Narinig kong may kumatok. Napabangon ako, bubuksan ko na sana ang pinto ng naalala ko ang mga mata ko. Pumunta ako sa harapan ng salamin.

"Allen?" tawag ni Frost.

"Bakit?"

"Breakfast."

"Bababa na ako."

Ano bang gagawin ko?! Kumurap ako ng ilang beses ayaw pa rin! Baka tulog pa rin ako at panaginip 'to?! Kinurot ko sarili ko—

"Aray."

Kinuha ko ang shades ko sa bag at isinuot. Bumaba na ako naabutan kong inaayos nila ang lamesa.

"Oh? Anong nangyari sa'yo, Allen?" tanong ni Lexi.

"Wala, trip ko lang," sagot ko sabay upo, nakita kong napakunot ang noo ni Frost.

"Where'e the sun boy?" tanong ni Pyro.

"Before eating, let's sing happy birthday to Allen!" masayang sabi ni Luna.

Napangiti ako at nakisabay sa kanta, pagkatapos ay kumain na kami. Kinakabahan ako habang kumakain, palihim kong sinusulyapan si Frost. Nakatingin siya sa akin habang kumakain.

"Take your shades. Hindi mainit sa loob," saway niya sa akin.

"Hayaan mo na ang birthday boy, Frost," pagkampi ni Pyro sa akin.

Pagkatapos naming kumain, iniligpit na namin ang mga plato. Kami ni Frost ang naghuhugas ng mga plato. Si Pyro naman ang nagpupunas sa mesa. Habang naghuhugas ako ng plato, medyo nadudulas ang shades kaya minsan inaayos ko 'to.

"Nahihirapan ka ba sa paghugas? Take off your shades."

"Ayoko."

Aayusin ko sana ng mabilis itong tinanggal ni Frost. Agad kong pinikit ang mata ko, pinagpapawisan ako dahil sa kaba. Pinatay ko ang tubig. Tumingin ako sa direksyon ni Frost.

"Ibalik mo ang shades."

"No, not unless bubuksan mo ang mata mo."

"Frost."

"Allen."

"Ibalik mo."

"What's going on here? Frost? Anong ginawa mo kay Allen?" rinig kong sabi ni Luna.

"Its none of your business," sagot ni Frost. "Allen, seryoso ako," natatakot ako sa boses ni Frost.

"Ano ba ang problema mo kay Allen?!" tanong ni Luna, halatang naiirita.

"Hey, hey, hey, anong nangyayari dito?" rinig kong tanong ni Sky.

"Ayaw ibalik ni Frost ang shades ko."

"He needs to open his eyes."

"Bakit? Anong meron sa mata ni Allen?" tanong ni Lexi.

"Wala. Gusto ko magshades," sagot ko.

"Frost, ibalik mo—" naputol ang sinasabi ni Pyro dahil sa sinabi ni Frost.

"Allen, imulat mo ang mga mata mo kung ayaw mong tusukin ko ng yelo ang mga mata mo!"

"Hey, watch your words, Frost!" saway ni Luna.

"Masakit ba mata mo, Allen?" tanong ni Lexi.

Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay, pinatay ko ito at tiningnan si Frost habang nakapikit.

"Hindi ko ito imumulat hanggang hindi mo ibabalik ang shades ko."

"Hindi ko ibabalik ang shades mo."

"Okay," tinalikuran ko siya.

Inextend ko ang kamay ko upang malaman kong nasaan ang dingding, pupunta ako sa kwarto.

"Allen, ayos ka lang ba?" tanong ni Pyro, ramdam kong nasa kaliwang gilid siya.

"Hmm, ayos lang."

Hindi ko alam kung nasaan sila, successful akong nakapunta sa may hagdan. Nakailang hakbang na ako iminulat ko ng konti ang mga mata ko at mabilis na tumakbo sa kwarto. Mabilis kong inilock iyon.

Tiningnan ko sarili ko sa salamin. Hindi pa rin nag-iiba ang kulay. Ano bang nangyayari sa akin? Nauuhaw na naman ako. Shit naman. Bakit ba kasi kinuha ni Frost ang shades ko.

Kinuha ko tablet ko, magmemessage ako kay Ate Elliah. Sakto, may message si Arthur.

From: Arthur.
Punta kayo sa mansion. Dalhin mo mga kasama sa dorm. Just a gathering, not a party. Any attire will do, sabi ni Lolo.

Hindi ako nagreply kay Arthur. Ano bang gagawin ko? Natatakot ako kay Frost. Hays. Binuksan ko ang pinto ko, walang tao sa labas.

"Lexi!" tawag ko.

"Bakit?!" sagot niya habang nasa baba.

"Pupunta tayong lahat sa mansion mamaya. Any attire will do."

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon, isinirado ko ang pinto at nilock 'yon. Napahiga ako sa kama, ano bang gagawin ko?! Maliligo muna ako habang nasa baba pa sila.

———

Nasa kwarto ako ngayon, nakasuot ako ng white longsleeves at blue pedal shorts. Ano bang gagawin ko sa matang 'to?! Its already 4pm! 5pm dapat nandoon na ako sa mansion.

"Allen," sabay katok ng pinto, si Frost pala.

"Bakit?"

"4pm na, pupunta na tayo sa mansion, heto shades mo, I'm sorry," narinig ko ang yabag ng paa niya palayo ng kwarto ko.

Agad kong binuksan ang pinto at kinuha ang shades ko at isinuot 'yon. Bumaba na ako at naabutan ko silang lahat sa baba.

"Ikaw kasi, killjoy," sabi ni Luna kay Frost.

Hindi na umimik si Frost.

"Tara na," sabi ni Sky.

Bumyahe na kami papunta sa mansion, pagdating namin doon, sinalubong kami kaagad ni Austern at Astro, as usual niyakap ako kaagad ni Austern habang si Astro ay nakapoker face. Binati nila ako ng happy birthday.

"Nga pala, mga kasama ko sa dorm, si Frost, nagkakilala na kayo. Ito si Lexi, si Luna, si Pyro then si Sky."

"Cool! I'm Austern, kambal ko pala si Astro," pakilala niya.

"Doon tayo sa pool area doon hinanda ang mga pagkain, papunta pa sina Ate Felice at Ate Ashia. Wala pa rin ang iba. Pero nandiyan sina Ate Elliah at Ate Anastacia at Ate Therese, tumutulong sila sa paghahanda sa mga pagkain. Si Arthur natutulog sa kwarto," paliwanag ni Austern habang papasok kami sa bahay.

"Ang ganda ng mansion niyo," komento ni Luna.

"Its not our mansion, sa Lolo namin 'to," sagot ni Astro. Naku—

"Astro, ayusin mo nga 'yang pagsagot mo, mahiya ka sa mga bisita," saway ni Austern.

"Duh," at umuna na sa amin papunta sa pool area.

"Pagpasensyahan mo na ang kambal ko, ganun talaga ugali nun," sabi ni Astro kay Luna.

Pagdating namin sa pool area merong mga bandaritas, merong long table na nilalagyan na ng pagkain, buffet area. Meron ding dalawang long table at may round tables naman na goodbfor six persons. May konting balloons at may lanterns na nakasabit sa mga puno na nandito.

"Ang ganda," komento ni Lexi.

"Umupo muna kayo doon, kumuha kayo ng snacks," sabi ko sakanila. Bago pa makaupo si Frost tinawag ko siya.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik."

"Ayos lang ako. Sorry."

"Hindi, sorry din."

Magsasalita sana siya ng may umakbay sa akin. Para akong naging estatwa nang makita ko kung sino ang umakbay sa akin.

"Kamusta ka, Allen?"

"Ayos lang po, Ate Ann-An-Annisa," humiwalay siya ng akbay sa akin, napahinga naman ako ng maluwag.

"17 ka na pero natatakot ka pa rin sa akin, grow up," sabi ni Ate Annisa at mahinang tinapik ang balikat ko. "Nasa mesa ang regalo namin para sa'yo. Utos ni Lolo na magbibigay kami ng mga regalo para sa'yo. Well, kahit hindi e utos ni Lolo gagawin pa rin namin, matagal ka kayang nawala, anyways, enjoy your day," sabay lakad palayo ni Ate Annisa.

Napatingin ako sa mesa na sinasabi ni Ate Annisa at lumapit doon. May pitong kahon na doon. May kulay blue at pink, tiningnan ko kung kanino galing.

From: beautiful Ate Alisa :*
Happy birthday Allen!

Fr: Annisa
HBD Allen

Kay Ate Alisa ang blue tapos yung pink galing kay Ate Annisa. May purple na box, galing kay Ate Therese, tapos yung isa kay Ate Anastacia may orange na ribbon. May medium sized box na nandoon galing kina Austern at Astro.

"Kuya! Nandito ka na pala!" napatingin ako kay Arthur, dala niya ang isang paperbag.

"Hindi ko na wrap ang regalo ko, hindi kasi ako marunong kaya nasa paperbag nalang," sabi ni Arthur sabay lapag ng paperbag sa mesa.

"Punta tayo sa mesa," yaya ko sakanya.

"Kukuha muna ako ng wafers!" sabay lakad papunta sa buffet area. Snacks pa ang nandoon.

Umupo na ako sa mesa, katabi ko si Pyro tapos si Sky, kaharap namin sina Frost. Kumuha sila ng snacks, nag-aaway naman sina Austern at at Astro habang papasok sa mansion. Pumipili pa siya ng pagkain si Arthur.

"Ilan ang kapatid mo, Allen?" tanong ni Luna.

"Uh, apat kami, si Kuya Jandro, si Ate Elliah, tapos si Arthur," sagot ko.

"Oh, apat pala kayo magkakapatid," komento niya.

"Parang malaki pamilya niyo, Allen," komento ni Pyro.

"Malaki nga, madami akong pinsan."

"Malapit naman loob mo sa mga pinsan mo?" tanong ni Sky.

"Uh, close ako kay Austern at Astro kahit masungit 'yon minsan. Natatakot ako kay Ate Annisa. Nahh, hindi lang kay Ate Annisa, natatakot din ako sa iba ko pang pinsan."

"Sina Austern at Astro lang kaedad natin?" tanong ni Lexi, tinanguan ko lang siya.

"Bakit hindi sila sa academy nag-aral?" bulong ni Luna.

"Ayaw ni Sir Thunder na matulad sila kay Allen na nawala. Kaya pinaghomeschool niya sina Austern," sagot ni Frost.

"Eh? Ang boring ng homeschool."

"Its for protection," sabay na sabi namin ni Frost.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo, tumingin ako sa ibang direction. Saktong nakita ko si Kuya Jandro, kasama si Kuya Eduward. Halatang galing pa sila sa office dahil sa suot nila. Tumakbo kaagad si Kuya Jandro papunta pwesto namin.

"Allen!" napatayo ako niyakap ako ni Kuya.

"Ang tagal nating hindi nagkita! Mabuti nalang nakauwi ka ngayon! Alam mo bang plano sana ni Lolo na gawing grande ang party mo? Mabuti nalang at nakumbinsi namin ni Arthur na simple lang," binitawan ako ni Kuya at ngumiti siya.

"Kukunin ko muna regalo ko para sa'yo. Magbibihis din ako," napatingin siya kina Frost. "Enjoy the party later."

"Thank you, po," sabay na sabay nilang sabi.

Umalis na si Kuya Jandro, sabay sila ni Kuya Eduward na pumasok sa mansion.

"Kamukha mo Kuya mo Allen," komento ni Lexi.

"Parang ang layo naman," sabi naman ni Luna.

Ilang saglit pa ay dumating na mga Uncle at Aunty ko. Pati sina Mom at Dad, sinalubong ko sila ng yakap. Ipinakilala ko muna sina Frost sa Mom at Dad ko, pati sa mga Uncles at Aunties ko. Pagdating ni Lolo agad na umupo sa kanya-kanyang mesa. Magkakasama sina Aunty, Uncle, Mom, Dad sa isang long table, pati si Lolo kasama. Nakaupo naman sa isang round table sina Ate Elliah kasama ang mga pinsan naming mga babae, sa kabila naman ay sina Kuya Jandro, kasama sina Kuya Eduward, Kuya Erule, Kuya Allecke.

Kasama namin sa mesa namin sina Austern at Astro, katabi ko si Arthur. Kumanta muna sila ng 'Happy Birthday', lumapit ako doon sa cake ko upang hipan ang mga kandila. Pagkatapos ay kumain na kami. Nagkwekwentuhan lang kami habang kumakain. Nagkakasundo naman kaming lahat sa table namin. Biglang nilagyan ni Arthur ng strawberry ang plato ko.

"Oh? Saan 'to galing?" tanong ko sakanya.

"Maraming strawberries doon sa mesa. Kukuha pa ako," sabi niya sabay tayo.

"Ang cute ng kapatid mo, Allen," komento ni Luna.

"Magkaedad lang sila ni Lauren?" tanong ni Frost.

"Hmmm, magkaedad lang."

"Hindi siya papasok sa academy next year?"

"Hindi ko pa alam, si Lolo kasi ang nagdedesisyon, kuha muna ako ng iced tea," paalam ko sakanila at tumayo na.

Lumapit ako sa buffet table, kinuha ko ang pitsel na naglalaman ng iced tea. Uminom na ako ng may naramdaman akong nakatayo sa gilid ko, paglingon ko si Kuya Allecke.

"Oh, Kuya, ikaw pala.."

"Pakiabot ng pitsel," sabi niya, agad ko naman inabot. "Thanks, happy birthday by the way."

"Salamat."

"Nakikita mo ba ang paligid, Allen?"

"Bakit?"

"Nakashades ka, gabi na. Wala ng araw. You should take it off."

Hindi ako nakakilos kaagad dahil sa sinabi ni Kuya Allecke. Napalunok ako ng ilang beses.

"Uh, mamaya na lang."

Aalis na sana ako ng dumating si Ate Alisa sa harapan ko, may dala siyang plato. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Kanina ka pa nakashades pagdating mo, ah. Tanggalin mo kaya 'yan," sabi ni Ate Alisa sa akin.

Bakit ba ang shades ko ang pinagtutulungan nila?!

"Mamaya nalang," sabay lakad ko palayo.

Habang pabalik ako mesa namin, hinarangan ako ni Ate Annisa. Ano naman ang problema nito?

"Bakit?"

"Naguguluhan ako, bakit nakashades ka ngayon e gabi na?"

Magkapatid nga silang tatlo ni Kuya Allecke! Napalunok ako dahil sa kaba. Umaatras ako ng ilang hakbang, patuloy naman si Ate Annisa sa paglakad papunta sa akin.

"Tanggalin mo nga shades mo," sabi niya.

"Ma-mamaya nalang, Ate Annisa," sabi ko at aalis na sana ng hinarangan naman niya ako.

"May problema ba ang mata mo o ano? Gabi na at nag shashades ka," masungit na sabi niya. "Tanggalin mo o ako ang tatanggal?"

"Mamaya nalang—" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan ni Ate Annisa ang shades ko, dahilan na hawakan ko rin.

"Take it off."

"Ayoko!"

"Tanggalin mo nga!"

"Ayoko, Ate Annisa!"

Nabigla ako ng natanggal ni Ate Annisa ang shades ko dahilan para umatras ako. Narinig ko pang tinawag niya ako pero huli na ng nahulog ako sa swimming pool.

"Annisa, what have you done?!" rinig kong sigaw ni Ate Theresse.

Lumangoy ako papunta sa gilid. Umahon ako, nilapitan ako ni Kuya Jandro, inabutan ako ni Kuya Eduward ng towel.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kuya Jandro.

Tumango lang ako, nakita kong pinapagalitan ni Ate Theresse at Kuya Allecke si Ate Annisa. Linapitan ako ni Mom at Dad, lumapit sina Lexi, tinanong din kung ayos lang ba ako. Pinaupo nila ako at tinanong kung anong nangyari.

"Pilit na tinanggal ni Ate Annisa ang shades ko."

"Annisa, magsorry ka kay Allen," rinig kong sabi ni Allecke.

"It was an accident!"

"Kasalanan mo pa rin!"

"Annisa, stop being a brat," rinig kong sabi ni Aunty Alicia.

May tumayo sa harapan ko, sapatos pa lang, alam kong si Ate Annisa. Tinawag niya ako, dahilan para tingnan ko siya. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya. Para akong nahulog ulit sa swimming pool dahil sa sinabi niya.

"Allen's eyes are bright yellow!" sagot ni Ate Annisa.

———

Author's note:

Hey guys! How's this chapter? Hihihi more surprises ahead! Enjoy reading guys :)

Vote . Comment . Share .

Continue Reading

You'll Also Like

336K 8.8K 71
To new Readers: Huwag po ninyong unahing basahin ang last chapter. Please lang.. MAHALAGANG PAALALA: Ang istoryang ito ay maraming typos (Typographic...
32.3K 1.2K 58
Panu kong malalaman niyo na hindi pala kayu ordinaryo? Panu kong malalaman niyo na may mga kapangyarihan pala kayu? Ano magiging reaction niyo? Matat...
525K 11.8K 37
Fantasia de Academia is a well-known school of magic. It is known as one of the most extensive, most prestigious, and most respected schools in the e...
4.8K 260 48
Estella Sullivan grew up in an incomplete family but despite that she was contented with just her mother and her friends whom she treated as her real...
Wattpad App - Unlock exclusive features