THE BADBOY'S FIRST KISS

Af jhuennstorm

361K 12.9K 1.4K

let's find out the story. Mere

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 8

11K 441 28
Af jhuennstorm

[Aika]

"Anong meron sa inyong dalawa ni Aika?" Diretsang tanong ni Mama kay Ryuuji

Sinundo naman kasi ako ni Ryuuji para pumasok sa school, nagiging usap-usapan na rin ako ng mga tsismosa kong kapitbahay dahil si Ryuuji ang nagsusundo at naghahatid sa'kin.

"Mama, magkaibigan lang kami ni Ryuuji." Lumalabi kong sagot.

Tiningnan ko si Ryuuji na nakatingin kay Mama at nakangiti. Inakbayan ako ni Ryuuji at hinila palapit sa kaniya, para akong matatae dahil sa ginawa niya, mas lalo kasing maghihinala si Mama sa'min kahit wala naman talagang dapat paghinalaan.

"We're good friends po."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya atleast nagsasabi siya ng totoo.

"Sabi ko sa inyo eh, friends lang kaming dalawa."

"Mabuti naman kung ganoon, wag ka munang mag-aasawa anak. Kailangan mo munang magtapos ng pag-aaral."

"Asawa agad Mama?" Tumingin ako kay Ryuuji at sumenyas ako na aalis na kaming dalawa. "Mama, aalis na po kami." Humalik ako sa pisngi ni Mama bago umalis.

"Aika."

Huminto ako at lumingon kay Mama. "Bakit Ma?"

"Pero kung siya rin naman ang mapapangasawa mo pwede na rin," pagkatapos ngumiti si Mama.

"Mama, magtatapos muna ako ng pag-aaral." Tumalikod ako at sumunod kay Ryuuji.

"Yung Mama mo masyadong istrikto sa'yo." Ani Ryuuji nang nasa kotse kami.

"Gusto kasi niyang makapagtapos ako ng pag-aaral bago magkaroon ng boyfriend."

"Malaki pala talaga ang pagkakaiba ng mga mayayaman at mahihirap na estudyante."

Tumingin ako sa kaniya. "Bakit naman?"

"Kami kasi hindi naman pinagbabawalan na magkaroon ng girlfriend samantalang kayo kailangan magtapos ng pag-aaral bago mag-boyfriend."

"Kayo kasi kahit mag-asawa ng maaga pwede ninyong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aasawa ng hindi nahihirapan sa financial. Kami kapag maagang nag-asawa siguradong hindi na kami makakapagtapos ng pag-aaral."

"Paano kung katulad kong mayaman ang maging boyfriend mo papayag ba ang mama mo?" kumindat pa siya sa'kin.

"T-Teka? Bakit mo naman sinama ang sarili mo?."

"Ginawa ko lang example ang sarili ko dahil ako kasi ang perfect na mayaman at gwapo."

Inirapan ko siya. "Assuming ka naman. Hindi kita gusto."

"Wag kang mag-alala hindi rin kita gusto ang pangit mo kaya."

"Tse! Ang ganda ko kaya ilang beses akong naging muse noong high school ako."

Tumawa si Ryuuji. "Bulag sila."

"Tse! Palibhasa gwapo."

Tumawa si Ryuuji. "Inamin mo na rin na gwapo ako."

"Tse!"

Pagkatapos hindi ko na siya muling kinausap.

Pagdating namin sa School nakita ko si Fujima at Dan Carly na naghihintay sa'ming dalawa. Nakasuot sila ng uniform ngunit wala silang dalang gamit.

Nakangiti sila habang nakatingin sa'ming dalawa.

"Kanina pa namin kayo hinihintay." Tumingin si Fujima sa'kin. Hi, Aika!"

"Aika, sinabi ni Ryuuji na manlilibre ka raw mamaya."

"H-Ha?" Tumingin ako kay Ryuuji.

"Di'ba sinabi mo na ililibre mo ako kaya sinama ko na sila." Nakangisi pa ito.

"Pero—

"Hindi pala gusto ni Aika na ilibre kami." Malungkot na sabi ni Dan.

"Sige na ililibre ko kayo pero ako ang mamimili kung saan ko kayo ililibre."

"Baka lason ang ipakain mo sa'min." Ani Ryuuji.

"Bakit kumakain ka ba ng lason? Kung kumakain ka pwede naman."

"Psh...siguraduhin mo lang na mabubusog kami. Let's go!" Sabi niya sa dalawa at umalis na silang tatlo.

Huminga ako ng malalim at pagkatapos tiningnan ko ang laman ng pitaka ko. Six hundred pesos lang ang pera ko pagkatapos tatlo pa silang ililibre ko.

"Bahala na nga!" Pumasok na ako sa classroom namin.

Naging abala ang isip ko kung saan ko sila pwedeng ilibre na mabubusog sila. Hanggang sa dumating ang oras ng lunch break. Bago pa ako makalabas ng classroom namin nakita ko si Ryuuji na nakaabang sa'kin.

"Kanina pa naghihintay sila Fujima at Dan."

"Sorry, tumagal ng discussion ni Maam."

Pagdating namin sa parking area may van ng naka-park doon. Hindi ko sana sisilipin ngunit bumukas ang pinto ng van at lumabas doon si Fujima.

"Tara na! Sumakay na kayo."

Agad kaming sumakay sa likod. Si Fujima ang driver at katabi niya si Dan kami ni Ryuuji ang magkatabi sa likod.

"Saan mo kami ililibre." Tanong ni Ryuuji.

"Saan ko nga ba sila ililibre."

"Mag-isip ka na Aika dahil gusto ko full meal." Ani Ryuuji

"Full meal? Alam ko na kung saan!"
Lumiwag ang mukha ko ng maka-isip ako ng lugar.

"Saan?" Kunot-noong tanong ni Ryuuji.

"Sa palengke, doon sa pwesto namin sa palengke."

"Baka magkasakit kami sa kakainin natin." Ani Ryuuji.

"Kung ayaw ninyo edi wag! Masarap magluto si Mama marami siyang customer," sabay irap ko sa kanila.

"Wag na tayong mapili guys. Subukan natin ang sinasabi ni Aika." Tumingin sa'kin si Dan at kumindat sa'kin.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Kilala ko na ang dalawang kaibigan ni Ryuuji. Mahilig sa babae lagi ko silang nakikita na iba-iba ang kasama.

"Sige, pero kapag sumakit tiyan namin ikaw mananagot." Warning ni Ryuuji.

"Kapag sumakit tiyan mo kaartehan mo na 'yon, ang tagal ng karinderiya namin sa palengke wala pang nagreklamo dahil sumakit ang tiyan."

"Psh... Ang dami mong sinasabi." Ani Ryuuji.

Nakatingin sa'min ang mga tindera nang pumunta kami sa pwesto ni Mama. Mabuti na lang at medyo maaga pa ng pumunta kami wala pang gaanong customer.

Lumapit ako kay Mama. "Mama, dito kami kakain."

Tumingin si Mama sa tatlo. "Mga kaklase mo?"

"Mga kaibigan ko po sila. Gusto po nilang matikman ang luto mo, pinagmalaki ko sa kanila ang luto ninyo."

"Ganoon ba, sige na asikasuhin mo na sila, ano bang gusto nilang kainin?"

Pumili ako ng ulam na, sinigang na baboy, inihaw na pork chop, laing, ginataang tulingan, kanin at softdrinks.

Kami ni Mama ang nagserve sa kanila ng pagkain. Inilagay namin sa table nila ang pagkain.

"Masarap 'yan kumain na kayo," sabi ko ng mailagay ko na lahat ang pagkain.

"Mukhang masarap siya tingnan." Ani Fujima.

"Masarap talaga 'yan," pagyayabang ko.

"Ikaw hindi ka kakain?" Ani Ryuuji.

"Kakain ako siyempre sasabay ako kay Mama."

"Aika, sabayan mo na sila sa pagkain."

"Oo nga Aika, sabayan mo na kami." Ani Dan.

Tumango ako at umupo sa katabi ni Ryuuji. Naglagay ako ng kanin sa plato ko at ulam at kumain na ako. Napansin kong nakatingin sa akin ang tatlo. "Ano ipagsusubo ko pa kayo? Kumain na kayo."

"Hindi lang kami makapaniwala na matakaw ka pa lang kumain." Ani Fujima.

"Tikman ninyo kasi ang luto ni Mama para malaman ninyo kung gaano kasarap."

Nagsimula na silang kumain tatlo. Pinanood ko silan habang nilalasahan ang mga ulam. Pagkatapos sunod-sunod na ang naging pagsubo nila.

"Masarap noh?"

Tumango silang tatlo. "The best ito." Ani Dan Carly.

Ngumiti ako sa kanilang tatlo. Si Ryuuji tahimik lang na kumakain, hindi siya nagsasalita pero napapansin kong napapadami na rin ang kain niya. Naka-dalawang cup na rice silang tatlo ng matapos.

"Ang sarap! Busog na busog ako." Ani Fujima hawak-hawak pa niya ang tiyan.

"Magkano lahat ang nakain natin?" Ani Ryuuji.

"Mga six hundred pesos lang ang nakain nating apat."

"Wow! Ang mura naman, ang dami na  nating nakain pero six hundred pesos lang?" Ani Dan.

Tumango ako. "Mura na masarap pa."

"May kinikita pa ba ang Mama mo sa mura ng tinda ninyo?" Ani Fujima.

"Yes, meron din naman sakto lang sa
Pang araw-araw na gastusin namin. Kapag walang pasok tumutulong ako kag Mama sa pagtitinda."

"Madami mga lalaki ang bumibili rito?" Nakakunot-noo pa si Ryuuji.

"Siyempre, lahat welcome rito basta may pangbayad."

"Bakit hindi kayo maghired ng tao, bakit kailangan mong tumulong pa?" Ani Ryuuji.

Tumaasa ang kilay ko. "Ano naman masama?"

Ngumiti si Fujima. "Ang masama ayaw ni Ryuuji na ipakita ka sa ibang lalaki nagseselos siya."

Tumawa si Dan Carly. "Nagseselos siya."

Tiningnan ko si Ryuuji. Hindi siya makatingin sa'kin ng diretso habang asar-asar siya sa dalawa niyang kaibigan.

"Ako naman napagtripan ninyo!" Inis na sabi ni Ryuuji.

"Jelous si Ryuuji Ha-ha-ha!" Pang-aasar ni Fujima.

Tumayo si Ryuuji. "Bumalik na tayo sa school." Nauna siyang naglakad palabas.

"Mauna na kayo magpapaalam lang ako kay Mama."

Sumunod ang dalawa kay Ryuuji ako naman ay lumapit kay Mama.  "Mama bayad po nila."

"Anak, ibalik mo sa kanila ang bayad nakakahiya."

"Mama, tanggapin mo na po."

Ayokong sabihin kay Mama na galing sa'kin ang pera. Gusto ko kasing bayaran ang kinain namin para naman may pang dagdag siya sa kikitain niya.

"Anak, saka na lang sila magbayad kapag bumalik sila."

"Pero... Mama."

Ngumiti si Mama. "Natutuwa ako dahil may kaibigan ka na. Sabihin mo next time na bumalik sila rito magbabayad na sila."

"Sige po, babalik na kami sa school."

"Ingat kayo anak."

"Salamat po."

Pagkatapos sumunod na ako sa tatlo. Bumalik kami sa school.

"Class! Sino ang may gusto sa inyong sumali sa mga sports ng school?" Ani ng professor namin.

"Anong open?"

"Open ang Volleyball, ang cheerings Squad, basketball, soccer at magkakaroon din ng Binibing Eastberg."

Nakikinig ako sa sinasabi ng professor namin ngunit hindi ako nakikihalubilo sa kanila. Hindi kasi ako interesado sa mga sport.

"Si Aika Miketsukami ang ilaban natin sa binibini." Narinig kong sabi ng kaklase ko.

Tumingin ako sa kanila. "Hindi ako interesado kayo na lang."

Lumapit sa'kin ang professor namin at iba kong kaklase pinalibutan nila ako.

"Aika, sumali ka na sayang naman 'yon malaki din ang prize may trip to boracay two person. Sayang naman 'yon full tuition pa."

"Scholar na po ako."

"Yes, scholar ka pero kapag hindi mo na maintain ang grades mo mawawala sa'yo ang scholar mo. Atleast kapag nanalo ka full tuition ka, at kapag hindi mo na maintain ang scholar mo magagamit mo pa rin ang full tuition ng isang taon. Pwede mo rin siya i-refund kung talagang consistent nag pagiging scholar mo ng buong taon."

"Aika, tutulungan ka namin." Ani ng mga kaklase ko.

"Pag-iisipan ko po."

"Wag mo na pag-isipan dahil ililista na kita mamaya." Ani Professor ko.

"Pero Ma'am..."

"Class, makakaasa ba ako na tutulungan ninyo si Aika?"

"Yes, Maam!" Sigaw nila.

Natampal ko ang mukha ko. Wala pala akong pagpipilian. Hindi pa naman ako sanay makihalubilo sa tao.

"Hayss! Paano na."

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1M 81.7K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...
Brave Hearts Af HN🥀

Teenage Fiktion

1.9M 93.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...