Please Love me( Book 1)

By SweeTTabooH

445K 9.6K 200

The bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tr... More

Prologue:
chapter one:
chapter two:
chapter three:
chapter four:
chapter five:
chapter six:
chapter seven:
chapter eight:
chapter nine:
chapter ten:
chapter eleven:
chapter twelve:
chapter thirteen:
chapte fourteen:
chapter fifteen:
chapter sixteen:
chapter seventeen:
chapter eighteen:
chapter nineteen:
chapter twenty:
chapter twentyone:
chapter twentytwo:
chapter twentyfour:
chapter twentyfive:
chapter twentysix:
chapter twentyseven:
chapter twentyeight:
chapter twentynine:
chapter thirty:
chapter thirtyone:
chapter thirtytwo:
chapter thirthythree:
chapter thirtyfour:
chapter thirtyfive:
chapter thirtysix:
chapter thirtyseven:
chapter thirtyeight:
chapter thirtynine:
chapter fourty
EPILOGUE:
A/N:
Announcement!!!

chapter twentythree:

8.2K 213 7
By SweeTTabooH

Masama ang pakiramdam ko ng umuwi ako ng bahay agad nga akong nagbihis at nahiga sa kama. Hindi kase ma-alis sa isip ko si Enzo at Monica. I hate it! baket ganito? ang hirap eh,gusto ko ako lang ang gumagawa nun kay Enzo. Kahit babaero siya alam kong walang nakakalapit sa kanya ng ganun.

Dahil hindi ako makatulog ay naisipan kong mag Facebook ng nabuksan ko na ito ay nakita ko yung mga kaganapan sa school kanina. I smiled bitterly when I saw Enzo changed his display picture.

Sila ni Monica ang nasa picture naka-akbay si Enzo kay Monica habang si Monica ay nakahalik sa pisngi niya. Dahil sa nakita ko hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko.

Comments:

Sydney Villafuerte: who is she?

Enzo Marvie Martinez: soon to be my girl :)

Sydney Villafuerte: No!

Sunshine Andrea Rodriguez: I second demotion..

Maico Ian Flores: Mga epal!

Zion Drake Mercado: Ok yan :)

Enzo Marvie Martinez: What the fuck Zi??

Zion Drake Mercado : ginusto mo yan ulol :p

Kahit umiiyak ako ay hindi ko mapigilan mapangiti si Sunny talga oh.. at si Sydney, kahit nasa Singapore na siya gusto pa din niya si Enzo.

Maaga akong gumising. Yung totoo hindi talaga ako masyado nakatulog. Tutal foundation week pa ng school hindi nalang muna siguro ako papasok.
Nagbihis nalang ako dahil naisipan kong pumunta nalang muna sa Flavours.

Natigilan ako ng makita ko si Enzo na kausap si mommy at katawanan niya pa. Napairap ako sa isip. Bumalik yung kirot na naramdaman ko kagabi. Pumasok ako sa loob ng hindi nililingon si Enzo agad akong humalik sa pisngi ni mommy at naupo sa sulok.

"Morning Pat..."masayang bati ni Enzo.

Huminga ako ng malalim at seryso siyang tinignan. Hindi ba niya nahahalata na ayoko siya makausap?

"Morning.." walang ganang sabi ko kaya naman kumunot ang noo niya.

"what?" Tinaasan ko siya ng kilay. Paano nama titig na titig siya sa akin.

"Umiyak kaba?"nag-iwas ako ng tingin kase naman titig na titig pa din siya sa akin.

"Baket naman ako iiyak? may patay ba?" umirap ako sa kanya at nagiwas ng tingin. Jusko!ngaun ko lang nakita na maga pala talaga ang mata ko.

Umalis siya agad sa harap ko kaya nagkibit balikat ako. Mabuti naman. Nagdecide ako na magbasa nalang sa Wattpad tutal naman wala akong gagawin dito. Tsaka buti pa sa wattpad kahit anong mangyari may forever. Eh kami?forever na masasaktan forever na babaliwalain forever na aasa.

"Here.."napapitlag ako ng bumalik si Enzo tas may dala siyang dalawang baso ng icecream ,isang strawberry at isang chocolate.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng palihim, gumaan kase ng kaonti ang pakiramdam ko. Alam na alam talaga ni Enzo kung paano ako mapapangiti kapag malungkot ako.

Hinawakan ni Enzo ang kamay ko at hinila ako pasakay ng sasakyan niya.

"San tayo?"naguguluhang tanong ko basta basta nalang kasing nanghihila.

Natatakot kasi ako sa sagot niya. Natatakot akona baka Monica na naman ang gawin namen ngaun.

Monica!

Monica!

Monica!

Damn it!it made me sick..

"Sa Hill Top.."tumingin siya sa akin at tsaka ngiti. I feel relief. Salamat naman at alang Monica ngaun.

"Ano gagawin naten dun?diba malayo yun?"seryosong tanong ko.

"Yup! Gusto ko lang kase makasama ka.. gusto ko yung tayong dalawa lang Tricia.."ngumiti siya sa akin kaya natigilan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang hindi ako makahinga. Tsaka tinawag niya akong Tricia.. Nababaliw ako seyo Enzo!one moment binabalewala ako. Then bigla nalang ipaparamdam sa akin na mahalaga ako. ngumiti ako ng mapait. Kung iisipin ala naman problema kay Enzo eh. Ako mismo ang may problema kase nahulog ako. Nangarap kase ako kaya palagi nalang ang sakit ng bagsak ko.

Nakarating kami sa Hill Top ng maghahapon na. Inikot ko ang paningin ko at di ko mapigilan mamangha. Huminto siya sa isang malaking puno. Sabay kaming lumabas kaya lalo akong namangha. Parang paraiso ang daming bulaklak at may mumunting huni ng ibon amg maririnig mo. Nasa top kase kami ng burol kaya kitang kita ang malawak at malinis na umaagos na tubig galing sa ilog.

"Ganda dito noh?" Nakatingin si Enzo sa akin kaya napangiti ako.

Pumunta si Enzo sa likod ng sasakyan niya at sinimulan ilabas ang basket mat utensil para sa pagkain at kung ano ano pa, na siya namang ikinalaglag ng panga ko.


"Hindi mo naman pinaghandaan ito?" Natatawang sabi ko sa kanya. Natawa naman siya kaya lumapit ako sa kanya at kinuha yung mat para ilatag.

"Di naman masyado.." natatawang sagot niya.

Panay ang tawa namin ni Enzo habang sinusubuan namen ang isa't isa. Hini nga namin namalayan na madilim na pala. Tanaw na tanaw mo ang liwanag ng buwan at bituin kaya hindi mo talaga mapipigilan mamangha.
Humiga kaming dalawa na magkadikit ang ulo at sabay tinanaw ang mga bituin.

"Falling star..." tumingin ako sa bulalakaw na itinuturo niya.

"Lets make a wish." Agad akong pumikit.

Hindi naman masama maniwala sa wish sa falling star diba?ala naman mawawala. Sa dami ng pwede ko hilingin hindi ko alam kung bakit ang hiniling ko ay sana dumating ang araw na mahalin din ako ni Enzo. Na sana ako naman ang mapansin niya. Na mahalin niya ako bilang si Patricia at hindi bilang bestfriend niya lang.

Pag katapos kong humiling ay dinilat ko ang mga mata ko. Halos mapalundag ako ng makita ko si Enzo na nakaupo na at titig na titig sa akin.

"Ano winish mo?"pilit akong ngumiti sa kanya. Kase naman titig na titig siya sa akin at napakaseryso pa niya. Umunat ako at naupo din pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Akin na lang yun noh.." umiral ako sa kanya.

Nakakabingin katahimikan until nagsalita si Enzo tas diretso niya akong tinignan sa aking mga mata kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Pat alam ko na alam mo na gago ako diba?" seryoso pa din sabi niya habang nakatingin sa akin kaya kumunot ang noo ko.

"Pero kahit gago ako.. at madaming babae sa huli ikaw pa din ang hinahanap ko.." lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Falling star ang bilis mo naman tupadin ng wish ko.

"Nag seselos ako pag may ibang tumitingin seyo,nagseselos ako pag may ibang nag papangiti seyo..."huminto siya saglit ang huminga ng malalim." Mahal kita.." literal na tumigil ang hininga ko sa sinabi niya. Totoo ba?

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit ako. Eto na yun Pat eh. nanginginig ako habang hinihintay na dumampi ang labi niya sa labi ko.

"Hahahaha!!!" Napadilat ako agad ng biglang humagalpak ng tawa si Enzo. nawala ang ngiti ko at titinitigan siya habang siya ay halos di na makahinga kakatawa.

"That was epic Pat.."  tawa pa din siya ng tawa. Nakatingin lang ako sa kanya. pakiramdam ko kase ay may kung ano na nagbara sa lalamunan ko.

"I knew it! kapag dinala ko si Monica dito at ginawa ko ito sasagutin niya ako.." nawala ang tawa niya ng mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanya at walang bakas ng tuwa! Ang sama niya!ginamit niya ko para mag experiment sa pagpapasagot niya kay Monica. Akala ko totoo! Akala ko seryoso siya. Agad umakyat ang dugo ko sa ulo!so this is all about Monica?pinagpraktisan niya lang ako?

PAK!!!!!!!

Mabilis lumipad ang palad ko sa pisngi niya. Ang sama sama niya..unti unti ng pumatak ang luha ko. Akala ko totoong mahal na niya ko!akala ko sinagot ng bulalakaw yung wish ko. Hindi pala.

"Ang sama mo Enzo!pinag practisan mo ako?" patuloy ang pag-agos ng luha ko kaya bigla naman siyang namutla.

"I'm sorry Pat.."halos wala ng lumabas na salita sa kanya. Umiling ako sa kanya at mabilis tumayo para sumakay sa sasakyan niya. Hinablot niya ako at biglang niyakap pero wala pa din akong reaksyon. Tangina! Ang saket eh. Sunod sunod ang patak ng luha ko na parang gripo.

"Sorry Pat.. sorry.."ramdam ko ang panginginig niya habang yakap niya ako. Gusto kong maawa at sabihin sa kanya na ok lang ang lahat pero hindi ko kaya ngau.. nasaktan talaga ako ng sobra sa ginawa niya.

Kinalas ko ang mga kamay niya na nakayakap sa akin. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at tinitigan ko siya habang walang pinapakitang emosyon.

"I want to go home.." tumalikod ako sa kanya at diretsong sumakay sa sasakyan niya..

Continue Reading

You'll Also Like

135K 2.3K 11
PUBLISHED: May 2009 This is my second approved PHR novel. Halos magkasabay lang itong napublish ng first novel ko. ^_^ So again, NO JUDGEMENT PLEASE...
35.7K 1.5K 54
❤NOT EDITED❤ Sa mga hindi pa po nakakaalam ito po ang First Story kung natapos dito sa wattpad kaya po marami pong mali at mga typo kayong ma eencoun...
312K 10.4K 77
Hindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay...
2.9K 48 7
BOYS LOVING BOYS #1 Matt doesn't really likes Norlan to be his best friend's boyfriend. Bukod kasi sa kilala niya na ito simula high school pa lang s...
Wattpad App - Unlock exclusive features