A Forbidden Affair (Guieco Cl...

By LovieNot

34.9K 1.7K 206

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... More

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION

CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN

569 53 12
By LovieNot

"Oh, shit! Help her! Please save her!"
Umaalingawngaw iyon sa aking pandinig. Wala na akong makita pa at pakiramdam ko ay mauubusan na din ako ng hininga.

"Marci! Marci! Wake up!"

"My God! What happened to her?"

"What's going on?"

Naramdaman ko ang pagdapo ng kung anong malambot sa bibig ko. Pakiramdam ko ay dinudugtongan niyon ang aking hiningang nagbabadyang mawala na talaga. May kung anong pwersa rin na dumapo sa tiyan dahilan para maisuka ko lahat ng tubig na aking nainom.

Tuluyan akong nakahinga nang maluwag.

"Ell,"  panggigising pa sa akin ng pamilyar na boses.

Nanatili akong nakapikit. Ayokong buksan ang aking mga mata, ayokong maniwala na naman sa emosyon na posibleng nakabalandra sa kanyang mukha na naiguguhit ko na sa aking kukuti.

"Marci, gising ka na ba?" boses iyon ni Percylla.

"Tabi. Hindi niya kayo kailangan," galit na asik ni Gabriella.

Nararamdaman niya na naman kaya ang sakit na mayroon ako ngayon? Of course, yes.

"Jin, please ikaw na ang magbuhat sa kambal ko. Dadalhin natin siya sa flat niya. Kendra call Xandria, papuntahin mo siya sa flat ni Ate Marci mo."

"Sige po, Ate Silang."

"Silang ka pa diyan! Wala ako sa mood!" bulyaw niya pa sa isa.

Masuwerte pa rin ako sa kambal ko. Sa ganitong sitwasyon. Siya ang mas nakakaalam sa nararamdaman ko.

"Sorry, Ate Gab."

"Ako na ang magbubuhat sa kaniya. Sa clinic siya dalhin, 'wag sa flat."

"No, Ashmer! Ang masusunod. Jin, please?" pakiusap niya pa sa isa.

"Huwag sa flat," may diing na asik din ni Ashmer.

"O siya sa clinic kung sa clinic, mga punyeta!"

"Briel, relax, okay? Pahinga lang ang kailangan ng kambal mo," malumanay na saad ni Jinro.

Naramdaman ko ang pag-angat ko sa sahig. Tila ba wala na akong lakas na natira pa.

"Marci... My god!" rinig ko pa na angil ni Gab.

Ilang minuto pa ay nakalapat ulit ang likod ko sa bed. Alam kong hindi niya talaga ako ipapadala sa clinic dahil first of all, allergy ako sa gano'ng mga lugar. Feeling ko ay 'di ako safe sa kahit na anong medical facilities, eh. Kaya nga rin my private doctor kami mula kabataan namin. Sa bahay lang kami ginagamot kapag may sakit.

"Labas ka na muna, Jin. Papalitan ko lang ng damit si Marci. Si Xandria nga pala, nasaan?"

"Sige, baka papunta na rin iyon dito."

"Yeah, thank you."

"Walang anuman, Silang, ilibre mo na lang ako."

"Oo na, haduf 'to!"

Narinig ko ang pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na si Jin. Pinilit kong imulat ang mga mata ko.

"Lock the door, please?" utos ko sa kaniya.

Marahan siyang tumango at sinunod ako.
Bumangon ako at dahan-dahang bumaba ng bed ko dahil basa ako. Agad naman na inalalayan niya ako.

"Ayos ka na ba, Marciella?"

"No," tipid kong saad.

Hindi naman ako makakapagsinungaling sa kaniya. Useless lang ang pagpapanggap ko sa kaniya.

Nagpalit ako ng damit habang siya ay pinalitan naman ang bedsheet kong nabasa. After niyang mapalitan ay naupo na kami.

"Why did you do that, Marciella? Are you insane, huh? Magpapakamatay ka sa gano'ng paraan? Sana sinabi mo na lang sa akin at ako na ang kusang bumaril sa iyo!" sermon niya sa akin.

Natawa naman ako. Ngayon feeling matanda naman ang isang ito.

"Tawa ka pa diyan! Alam mo bang kulang na lang din ay lunurin ko sina Percy at Ashmer kanina, ha? Alam ko na sila ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan."

Hindi naman na ako nakaimik. Tama siya eh, as usual.

"Isusumbong talaga kita kay Mom! Lagot ka talaga!"

"Sana 'di mo na lang ako tinulungan kung isusumbong mo lang din naman!" asik ko at inirapan siya.

"Eh di sa akin ka lang umirap, makita ko lang talaga na mang-irap ka sa iba, lagot ka sa akin."

Napakuyom ako dahil sa ala-alang iyon.

"Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nagkakaganiyan ka, Marcie! Kung nasasaktan ka bakit di mo na lang sabihin kay Percy?"

"Para ano pa Gab? Para kaawaan? Para magmakaawa na 'wag kunin sa akin ang taong mahal ko? I will never do that."

"Ewan ko sa 'yo, ang taas ng pride mo."

"Iyan na lang ang meron ako, Gab."

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. Kusa iyong nagsilaglag. Nanunuot sa buto ko ang sakit na namamayani sa sistema ko.

"Marci? Don't tell me... Don't tell me, you..."

"Yes, Gab.  I did. I gave up my everything to h-him."

Napapiyok ako. Tumayo si Gab at hinilot pa ang noo niya. Alam kong hindi siya makapaniwala sa nagawa ko dahil ako ito. Ako si Marciella na hindi basta-bastang bumibigay sa kahit na anong bagay. Pero anong magagawa ko? Biktima lang din naman ako ng haduf na pagmamahal na iyan.

"Marci... Bakit... Paanong... My God!" umiiyak niya na ring asik. "Bakit mo isinuko ang sarili mo, Bal? Bakit mo hinayaang matalo sa larong ito, ah? Hindi ganiyan ang Marci na kilala ko. Bal, what happened to you?"

Hindi ako makasagot dahil wala naman akong maisasagot. Hikbi naming magkapatid ang tanging nangingibabaw sa loob ng kuwarto ko. Kung may tao man sa labas ay hindi naman nila kami maririnig kahit magsigawan pa kami dito.

"Ako na ang pinakatangang babae sa mundong ibabaw, hindi ba?"

"Bal..."

"Of course, ako na nga.  Huwag mo akong gayahin, Gabriella. 'Wag na' wag. Protect yourself from everything and from everyone here."

Lumapit siya akin at niyakap ako. Umiyak kami pareho sa balikat ng isa't-isa.

"Ang s-sakit, Gab. Ang sakit. Please, tulungan mo ako na m-mawala ito, p-please?" pakiusap ko pa.

Mas bumigat ang pakiramdam ko, mas dama ko na ang sakit na matagal ko nang binabalewala.

"Kung p-puwede lang Marci, kung puwede lang. Kung magagawa ko lang kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ay gagawin ko Bal. Pero I'm s-sorry, hindi ko alam kung paano."

Tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha namin. Marahan na hinahaplos niya ang aking likuran. Sa katauhan ni Gab, nakahanap ako ng sandalan sa mga panahong ito. Well, tuwing nagkakaganito ako.

Sino nga ulit ang kaibigan ko? Hindi ba siya dapat ang karamay ko sa oras na ito? But of course, hindi puwede. Napakasakit isipin at sabihin na isa siya sa dahilan ng pagtangis ko ngayon.

Hindi ako galit ni nagtatampo sa 'yo, Percy. Pero isa lang ang alam ko sa oras na ito... May magbabago na sa pagiging magkaibigan natin. Kahit hindi man natin sadyain iyon.

"Sino ba sila para saktan ka nang ganito? Bakit sa lahat ng tao sa mundong ito ay ikaw pa ang nasaktan ng ganito?" Bakas sa pananalita ng kakambal ko ang galit.

"Dahil baka... Baka ito ang tadhana ko, Gab."

"Haduf na tadhana 'yan! Bakit ikaw pa ang napiling biktimahin? Masama na kung masama Marci pero sana... Sana 'di na lang natin nakilala at tinanggap pa sa buhay si Percylla. Sana hindi mo na lang siya kinaibigan! Nandito naman ako eh, puwede mo naman akong maging best friend, eh. Hindi mo na sana kailangag magparaya at piliin ang kasiyahan niya kaysa sa sarili mong kasiyahan!"

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. "Gab. Huwag kang mag-isip ng ganiyan, okay? Best friend din naman kita."

"Hindi mo ako best friend, sinabi mong isa lang ang best friend mo at si Percy iyon."
Bakas na naman sa tono niya ang tampo. Tila ba pinipiga ang puso ko dahil doon.

"I'm sorry, Gab. Sinabi ko lang naman iyon para asarin ka. Saka walang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan, Gab. Choice ko ito. Walang may kasalanan si Percy o si... siya."

"Zsss! Wala nga ba, Marci? Ang hirap kasi sa 'yo masyado kang mapagparaya. Ikaw ang pinakamagaling na agent but you don't know how to fight for your own happiness. Hindi naman masamang maging selfish minsan, eh. Hindi naman masamang ipaglaban ang bagay o tao na nakakapagpasaya sa 'yo. Pero sa nangyaring ito, 'wag na 'wag mo ng hahayaan ulit na masaktan ka niya. "

Tumango lang ako at kumalas na sa kanya. Ngumiti ako, pilit na ngiti.

"Salamat," sambit ko.

"I don't need your fake smile, Marciella. Tigilan mo ako diyan at baka masumbong na talaga kita kila Mom. Patay 'yang Ashmer na 'yan kay Dad. Baka 'yong GC ay naging G na lang," supladita niyang saad.

"Gab! Don't do that!"

"I know, I know, I know! Pero 'wag na 'wag talagang sagarin ng boss natin ang pasensiya ko, Marciella. Sinasabi ko sa 'yo. Pasasabugin ko ang camp na ito."

"Yabang mo, Silang. Lumabas ka na nga," asik ko at sumampa na sa kama ko at nahiga.

"Hindi mo na ba kailangan si Xandria?"

"Hindi ko kailangan ang kahit na sinong health personnel," makapikit ko ng sambit. Sounds bitter pero parang gano'n na nga.

"Okay. Labas na ako. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka, ah? Where's your phone?"

"Nasa drawer. Why?"

"Don't use GC sim. Papalitan ko, ha? Saka block na natin 'tong mga epal..."

"Gab," nananaway kong saad.

Kahit papano ay kailangan ko pa rin ng contact sa kanila dahil nga hindi ko pa rin mababago ang katotohanang member ako ng GC.

Sabi nga nila trabaho lang, walang personalan.

Narinig ko ang buntonghininga niya.

"Lift your head, baby, don't be scared. Of the things that could go wrong along the way."

Napabangon naman ako. "You do music, Gabriella?" nagugulat ko pang tanong. Ang alam ko kasi ay ako lang ang mahilig at marunong kumanta. Hinding-hindi ko siya naririnig noon na kumanta dahil sintunado daw siya.

Pero ang gandang boses niya, ang lamig, ang sarap sa tenga. Parang nakakawala ng pagod kapag narinig mo.

Nakangiting tumango siya. Di ko mapigilang maluha dahil sa rebelasyong ito. Pero mas naantig ako sa kanta niya.

"Baby, you don't have to worry. 'Coz there ain't no need to hurry. No one ever said that there's an easy way."

"Silang naman, eh." Pinahid ko ang mga luha kong nagsisilaglag na naman. Pinalakpakan ko pa siya nang matapos niyang kantahin ang buong kantang 'yon.

"Ang galing ko, 'di ba?" ngiti-ngiti niya pang saad.

"Halika nga," yaya ko sa kaniya. Lumapit naman siya at naupo sa bed. Niyakap ko siya. "Ang suwerte ko dahil naging kambal kita," bulong ko ssaka kumalas sa kaniya.

"In love ka na sa akin Marciella Del Pilar? Kinantahan lang kita, yuck ka!" tila nandidiri niya pang saad. Hinampas ko siya ng unan. Tumawa lang ang haduf.

"Ewan ko sa 'yo!" natatawa kong saad.

"Oh, 'di ba? At least, napatawa kita. O siya, alis na ako, ah? Ililibre ko pa 'yong ugok na bumuhat sa 'yo papunta rito."

"Sus," nang-aasar kong saad.

"Marciella! Sumbong na talaga kita kila Mom!" angil niya. Tumawa naman ako.

"Oo na, umalis ka na nga."

"Bye, Del Pilar! I love you!"

"Love you, Silang." Napanguso naman siya. "I love you, haduf ito! Lock the door," ulit ko. Tumawa siya saka nag-flying kiss pa bago lumabas.

Napabuntonghininga ako. Kumuha ako ng libro at inabala ang sarili sa pagbabasa.

Wala ni isa mang agents ang naglakas loob na bulabogin ako sa flat ko. Mas mabuti na rin ang gano'n. Iwas intriga. Nahihiya rin akong lumabas. Alam ko namang 'di nila ako huhusgahan pero nahihiya pa rin ako.

Wala akong nagawa kundi ang magkulong sa lungga ko. Umikot lang ang mundo mo sa kusina, sala, kuwarto, shower room, sa pagbabasa, pagluluto, pagkain at pagtulog.

Huli na nang namalayan kong tatlong araw na pala akong hindi lumalabas. At sa loob ng mga araw na iyon ay hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa labas. Baka nga kahit lusubin na kami ng PC ay wala pa rin akong kamalay-malay.

Kaya naman the next day ay maaga pa akong gumising saka naligo. Lumabas ng flat at dumiretso sa DH. Napangiwi pa ako ng meron ng malaking poster na nakabalandra sa harap ng DH.

KAHADUF DH? What the heck?

Walang imik na pumasok ako.

"Hey, Marci! Welcome back, my pwend! Mabuti naman at lumabas ka na, ngayon na ang alis namin ni Sweetie dito, eh," saad ni Kens.

"Saan ang punta niyo?"

"South Korea, dadalawin 'yong former chairman."

Napatango naman ako. "Ingat," tipid kong saad. Pagpihit ko papunta sanang counter ay agad na bumungad ang mukha ng lalaking ayaw ko nang makita pa. Humarap ulit ako kay Kenya.

"Bakit?" tanong niya pa sa akin.

"Isama mo na 'yong kapatid mo at huwag mo ng pabalikin dito," seryoso kong saad. Nangungunot pa 'yong noo ko. Bahagya pa siyang napanganga sabay hagalpak ng tawa.

"Kuya!" tumatawa niya pang tawag sa kapatid niya. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Kenya? Ingay mo," asik ng isa na nasa bandang likuran ko pa.

"Sama ka?" usisa niya.

"Saan?" balik-tanong ng abnormal niyang kuya.

"Sa South Korea." Tawang-tawa pa rin ang bruha.

"Anong gagawin ko doon?"

"Baka daw gusto mong sumali sa BTS or Exo."

"Crazy."

Nang makaupo na sa kabilang table ang boss ay saka na ako pumunta sa counter.

"Bal!" sigaw ni Gab na nasa loob ng kitchen with Jinro.

"Uy, anong ginagawa mo diyan?"

"Tinutulungan si Jinro na magluto," inosente niya pang saad.

Dali-dali akong pumasok sa loob at hinila ang buhok niya at kinaladkad siya papalabas ng kusina. Naagaw naman namin ang atensiyon ng lahat.

"Aray ko naman, Del Pilar. Anong problema mo ba?"

"Bakit nasa kusina ka? Alila ka ba rito, ah? Sa bahay nga 'di ka makapagluto, eh."

"Uy Marci, tumutulong naman ako, ah? Saka naka-duty kami ngayon, may sahod kami."

Mas lalong nangunot ang noo ko. "Sahod? O siya ipagluto mo ako sa flat ko at sasahuran kita, Silang," seryosong saad ko.

Narinig ko pang tumawa na naman si Kenya habang ang iba ay parang na stress sa eksena naming magkapatid.

"Times three?" hamon niya sa akin.

"Times ten," seryoso ko pa ring saad. "O baka gusto mong bilhin ko ang DH na ito para gawin kang cook?" panghahamon ko pa. Napanganga naman ang lahat.

"What's going on?" rinig kong tanong ni Percy na kakapasok pa lang.

"Gawin mong cashier si Percylla, deal," balik hamon niya sa akin. Nang-aasar pa ang tono.

"Cashier? Here? No way," angil ni Percy.

"Ayaw mo? Waitress?" asar niya na naman sa isa.

"Waitress? C'mon, Gabriella, hindi ako naging photographer para maging waitress lang," may halong inis na saad ng isa. "Saka ano bang ganap? Bakit ang init ng ulo ninyong magkapatid?"

Blangko ang ekspresyon na tinitigan ko si Percy. Nakita kong napalunok pa ito.

"Hindi ka na dapat nagsalita," asik ko habang direktang nakatingin sa mga mata niya.

"I'm s-sorry, Marci," paumanhin niya pa.

Tumayo si Ashmer at hinapit ang baywang niya. Hindi ako nag-iwas ng tingin kahit pa may dumadamba sa dibdib ko. Ang sakit-sakit.  Pinigilan kong ipakita sa kanila ang pamamasa ng aking mga mata.

Hindi ngayon, Marciella. Huwag ngayon.

"Bal," rinig kong sambit ni Gab.

"Enough." Isang salita na galing sa boss namin na siyang nagpatigil sa amin.

"Yeah, right.  Enough," sarkastikong kong saad at hinarap si Gab. "Uuwi tayo sa bahay."

"May mission ako bukas."

"Bukas pa 'yon, Gab. Uuwi ka o itatakwil kita?"

Napalunok naman siya. "Oo na, zsss. Init ng ulo. Kumain ka na nga lang, gutom lang 'yan, Del Pilar." Akmang babalik siya sa kusina.

"Sabing 'wag kang papasok sa loob."

"What's wrong, Marciella? Nasa duty ang kapatid mo, hindi naman siya inaalila kung 'yan ang nasa isip mo."

Hinarap ko naman ang haduf na lalaking nagsalitang iyon.

"Walang babaeng Prime Agent ang nakatoka sa kusina maliban na lang kung may okasyon, Ashmer Guieco. Malamang binigyan mo ng permiso ang matigas ang ulong kapatid kong ito dahilan para makapag-duty siya sa loob. Eh, kung ang kapatid mo kaya ang pagduty-hin ko sa loob, ha? Tingnan natin kung ano ang mararamdaman mo!"

Napasipol pa si Kenya habang si Dailann ay nasa tabi niya na rin.

"No way," angil ng chairman.

"Quiet," saway naman ni Kens sa asawa.

"Bal, tama na. Ginusto ko namang mag-duty dito, eh," saway sa 'kin ng haduf kong kapatid.

"Bakit?" matigas ang tono kong usisa sa kaniya pero di siya sumagot. "Tinatanong kita, Gabriella. Bakit?"

"A punishment," pag-aamin niya pa. Natawa ako ng pagak. Sinasabi na nga ba, eh. Tama ang nasa isip ko.

"Punishment? For?" naiirita kong saad.

"Dahil... mamaya ko na sasabihin."

"Ngayon na nang marinig at malaman ng lahat ng PA na nandidito. Mukhang may nakakalimot ng batas ng clan na ito, eh."

"Dahil... Dinala kita sa flat mo instead na sa clinic or agent hospital. Nagsinungaling din ako na umuwi ka na hindi naman. Nalaman ni... Boss kagabi na nasa flat ka lang dahil tumawag sa kaniya ang Mom at kinamusta ka dahil sa hindi ka nila makontak."

I felt a sense of unease at what I heard. "Is that a good enough reason to punish you?"

"Yes. Because what if something bad happened to you, Marciella?" Ashmer replied, devoid of emotion or concern.

I clenched my fists and shot him a stern look. "What's it to you?" I retorted.

"Aren't your parents going to blame us if something happens to you?"

"And what do you think? Am I foolish enough to let something bad happen to me?"

"Yes. You nearly drowned, Marciella, remember?"

Nakakabinging katahimikan ang namayani.

"Hon, tama na, please?" usal ni Percy.

"Nagpapaliwanag lang ako Cylla para maintindihan niya na ang kapatid niya ang nagbabayad ng kalokohang ginawa niya."

"...kalokohang ginawa niya."

Muling nang manhid ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Pilit kong kinalma ang sarili ko para 'wag nang makabitiw ng masasamang salita. Galit ako at the same time ay nasasaktan.

"Hindi sanay si Gabriella sa kusina. Sensitive siya sa maiinit na lugar. Hindi siya puwedeng magtagal sa kusina lalo pa at sunod-sunod ang order na dapat lutuin. Bawiin mo ang parusa sa kaniya o kaya ay iba na lang ang ibigay mo," may halong pagpapakumbaba at pakiusap ko pang saad.

"No. Hindi ko na puwedeng bawiin iyon, alam mo 'yan."

"Nakikiusap ako."

"I'm sorry, Marciella. Rules are rules."

Haduf talaga.

"Bakit nasa kusina si Jin?" baling ko ulit kay Gab.

"Nadamay siya."

"Ilang days ang pagduduty mo rito?"

"One week."

Napatango ako. "Tutal ako naman ang may kasalanan ng lahat, ako na lang ang parusahan niyo. Ako na ang magdu-duty dito."

"Hindi ka puwede, Bal..."

"Hindi ko hinihingi ang permisyon mo," asik ko pa.

"Bal..."

"Tigilan mo ako, Gabriella. Gusto mo bang mapaaga ang pagkamatay mo, ha?! Sabihin mong oo at ako na ang papatay sa 'yo sa harapan nila! Do you want me to kill you right now? Righ here?! Just spill it, Gabriella Perrer!" singhal ko na talaga dahil sobrang naiirita na ako.

Muling namuo ang tensiyon. Napapalunok pa ang lahat. Wala ni isa man ang naglakas-loob na magsalita. Maya-maya ay tumayo si Lovimer.

"Dalawa tayo, Marciella. Wala naman din akong ganap this week. Pahinga muna ng band namin," presenta pa nito.

"Huwag na." Pumasok ako sa kusina. "Labas," utos ko kay Jin.

"Beautiful Marci..."

"Huwag mo kong ma-beautiful, beautiful diyan dahil hindi maganda ang mood ko ngayon."

"Tutulungan..."

"Lalabas ka o ikaw ang lulutuin ko at ipakain sa mga haduf?"

Halata namang nasindak ito sa sinabi ko.
Kumakamot sa ulong lumabas ito. Tinapunan ko ng tingin si Handy na nakilala umano ni Kens sa Legazpi at ipanasok niya rito sa GC.

Nag a-undergo na rin ng training ang isang ito at nagkataon na siya ang dishwasher ngayon. Pati si Grey na pinsan ni Jeannie ay siniringan ko rin ng tingin.

"Y-Yes po, Ma'am M-Marciella?" nauutal pang usisa ni Handy.

"Both of you, get out of here. Ayaw ko ng may nakakagulo sa akin."

Marahan silang tumango at lumabas na.
Dumungaw ako sa bandang counter, sa pinagpu-pull-out-an ng food.

"No one from the Prime Agents should eat outside. If I find out that you dined elsewhere, prepare your resignation letters and leave this clan. That goes for both Seniors and Juniors," I warned them.

Dahil leader ako ng Prime Agents ay may karapatan din akong mang-kick-out ng mga agents sa GC. Iyon ang malaking advantage ng titulong mayroon ako. I have my own set of rules.

Baka kasi isahan nila ako eh, or should I say niya at hindi nila. Baka hindi niya pakainin ang mga agent dito. Useless ang pagiging instant cook ko sa buong linggo.

Itinali ko na ang buhok ko at nagsimulang magluto. Mukhang lahat nga ay dito kumain sa DH namin kaya halos walang humpay ang paglulutong ginawa ko sa loob ng tatlong oras.

Nang matapos na silang lahat mag-umagahan ay ang mga hugasin na naman ang inatupag ko. Mas gusto kong mag-isa lang ako sa kusinang ito. Kung sa normal na sukatan ay sakto lang ang lawak ng DH kitchen pero dahil nga sanay ako na malalapad at malalawak na lugar ay nasisikipan pa rin ako dito. That's the reason why pinalabas ko ang dapat na assistant at dishwasher dito.

Tanghalian at maging hapunan ay nanatili ako sa DH. Lumabas lang ako nang ayos na ang lahat.

Naramdaman ko ang hilo pero iniinda ko iyon. Naglakad-lakad pa muna ako sa camp dahil sa hindi pa naman ako inaantok. Maliwanag ang buwan kaya naman masarap tumambay sa garden. Pero hindi na ako tumambay pa.

Nang maramdaman ko na ang pagod ay saka na ako naglakad papunta sa flat ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kuwarto ay bagsak ang katawan ko sa kama. Ni 'di ko na nagawa pang maligo dahil nilamon na ng antok ang sistema ko.

Nagising lang ako dahil malakas na tunog ng alarm clock ko. Kahit tinatamad at nanakit ang katawan ko ay pinilit kong bumangon at naligo. Pagkatapos ay agad na pumunta ako DH.

"Good morning, Ma'am," bati sa akin ni Handy. Tinanguan ko lang siya. Bahagya pa akong natigilan ng makita si Ashmer Guieco, ang lalaking naging dahilan ng paghihirap kong ito.

Nakasandal siya sa wall ng kitchen na tila ba may hinihintay. Napasinghap pa ako bago naglakad papunta sa gawi niya. Malamang ay madadaanan ko siya dahil nasa may pintuan lang siya.

"Marciella."

"Yes?" I responded disinterestedly.

"Good morning," he greeted. My face remained blank.

"What's so good about the morning then?" I retorted.

"One day was enough since you took on all the tasks here yesterday."

I understood his point.

"One week, that's what Gab said."

"But..."

"Rules are rules. And can you please stop bothering me? Get out of my life, Ashmer, because I.Dont.Need.You. Get it?"

He didn't say a word. I was about to enter when he grabbed my hand. Kaagad ko siyang naitulak at binawi ang kamay ko.

Tama na, Ashmer. Tama na!

"Quit playing with me because I am done playing with you as well. You're not a loss for me. I guess I never really loved you." I said it in a normal tone, but my heart felt like it was about to explode from the pain.

"Marciella, I know you're angry..."

"Angry? Why would I be? I'm not angry." I forced myself not to say his name. "I am not mad at you, believe me. Please don't complicate things further. Just be happy with her, and I'll be happy with him as well."

He seemed taken aback by what I said. "With h-him? With whom?"

Saktong pumasok si Lovimer.

Sorry, Mer but I have to use you over this jerk.

"With Lovimer. I'm sorry na itinago ko rin sa 'yo."

Alam kong narinig ako ni Mer at ipinapanalangin ko sa lahat ng santa at santo na nakarinig din sa akin na makisama ito sa akin.

"With m-my cousin?" Parang hindi talaga siya makapaniwala.

"Yes, bro," sang-ayon ni Mer nang makalapit na sa amin. Inakbayan niya pa ako.

Bilis ng pick-up ng isang ito, ah? Haduf din talaga.

"Pinagbigyan na kita pero 'di mo pa rin naman pala talaga mahal si Marciella. Oras na para bawiin ko na ulit siya. May Percy ka, may Marci ako, patas na tayo."

Kung nasa normal lang sana kami na pag-uusap ay baka may kasunod naman na bunghalit na tawa ang sinabi niyang iyon.

"So, please, Ash. Maging mature na tayo. Tama na ang laro. Panahon na para magseryoso tayo sa isang relasyon."

Hindi na siya umimik pa sa halip ay tumalikod siya at lumabas ng DH. Napasandal ako sa pinto habang ang haduf ay nakahinga nang maluwag.

"Kinabahan ako, Marci baby, haduf ka! Bakit ako pa ang pinili mo? Dahil mas guwapo ba ako sa pinsan ko? Dahil ba mas macho ako? Alam ko naman 'yon pero you know, takot akong masuntukan niyon."

Natawa lang ako. "Huwag ka ng magreklamo diyan, kasalanan mo dahil ikaw ang sumulpot sa gitna ng pag-uusap namin. So, sorry, boyfriend na kita," pang-aasar ko sa kaniya.

"Ano ba 'yan? Hindi na ako makakapagporma niyan. Dami pa namang magagandang dilag sa GC mall ngayon," maktol niya pa.

Nailing na lang ako. This is why safe ako sa lalaking ito. Walang chance na magkahulugan kami ng loob.

"Puwede naman basta huwag ka lang magpapahalata sa nyawa mong pinsan at baka mabuking agad ako. Tulungan mo na rin ako rito," ani ko sabay pasok.

"Akala ko ba ayaw mo ng tulong?"

"Boyfriend na kita at girlfriend mo na ako kaya dapat lang na magtulungan tayo."

Napakamot pa siya sa ulo.

"Ay, oo nga pala. Weird. Girlfriend kita pero hindi mo naman ako gusto saka hindi naman kita niligawan," parang naguguhan niya talagang saad 

Natawa ulit ako sa kaniya. Slow talaga.

"Gano'n na uso ngayon," tipid kong saad.

"O siya basta happy ka, nandito lang ako para pasiyahin ka o kahit sino sa inyo," seryoso niyang saad kaya napasiring ako ng tingin sa kanya. "Ano ba 'yan? Did I just say something impressive again?" inosente niyang tanong.

"Ewan ko sa 'yo!"

"Eh, kailan tayo magbi-break?"

Binatukan ko naman siya. "Atat na atat? May nililigawan ka ba?"

"Wala naman, nagtatanong lang, eh."

Napabuntonghininga ako. "Kapag kasal na sila," seryosong saad ko.

Natigilan naman siya at napatitig sa akin. Naramdaman ko ang sakit ulit sa kalooban ko. Kusang pumatak ang luha ko, 'di ko napigilan.

"Marci..."

"I'm fine, sorry. Ang drama ko."

Tumalikod ako sa kaniya at kinalma ulit ang sarili.

Kailan ba mawawala ang sakit sa sistema ko?

...
Vote. Comment. Follow.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1.8K 117 43
In a world where social status draws a line for them, she is a bossy senorita whose having affection for her servant. As fate takes an unexpected tur...
699K 15.1K 40
Status: Under Editing Start Posted: February 12, 2017 End: March 17, 2018 Obsessed, ruthlessly and dangerously man better known to her brother. Lahat...