The Ex

By TipsyArchitect

204K 4.7K 270

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

The Ex
Heads Up!
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Author's Note

38

3.3K 79 0
By TipsyArchitect

Chapter 38

Elmo stayed. Pero hindi siya nagtagal. He went home at around 2am. Ayaw pa sana niya and was pleading me na payagan siyang magstay overnight dito sa Caliraya pero sabi ko bawal dahil nga baka mapagalitan ako ni ma'am. Kahit pa sabihin na nagbayad si Elmo for his own accommodation, ayoko pa rin namang isipin ni ma'am na nilulubos ko yung pagiging girlfriend ng taong nagpataas sa sales namin. Nakakahiya.

Pabalik na sana ako sa kwarto namin when I saw Daryl by the pool area. Nakaupo siya sa edge ng pool at nakababad ang paa.

"Daryl?" untag ko. Nag-angat siya ng tingin saka matamlay na ngumiti sa akin. "Bakit gising ka pa?"

"Can't sleep eh." kibit-balikat na sabi niya. "Elmo left?"

Nagulat ako dahil alam pala niyang andito si Elmo. Bigla naman akong kinabahan kasi baka isumbong niya ako kay ma'am.

"Don't worry, Julie. Wala akong balak sabihin kay tita yan. Hahaha. Chillax." sabi niya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. "Matutulog ka na ba?"

"Hindi pa ko inaantok eh." sabi ko. He patted the space next to him and so I sat down. "Maingay ba si Nate matulog kaya andito ka? Hahahaha." biro ko.

He chuckled as he shook his head.

"Hindi naman. He was snoring alright. Pero hindi malakas to the point na papatayin ko na siya gamit ang unan manahimik lang. Hahahaha. Tsaka naiintindihan ko naman kung bakit naghihilik ang mga tao. Siguro pagod yun." aniya.

Tumango naman ako and we both became quiet. Hindi naman awkward silence. Nakakatuwa nga dahil kahit di pa kami ganun katagal na magkaibigan ni Daryl at kahit pa nung una ay umamin siyang may gusto siya sa akin ay hindi naman kami nailang sa isa't isa. Siguro dahil na rin parehas na kaming matured mag-isip kaya ganun.

"Alam mo, nakakatuwa yung boyfriend mo." biglang sabi niya. Napalingon ako sa kanya at nagtaas pa ng isang kilay. "Kasi gingawa niya lahat masiguro lang na okay ka na talaga."

"Yeah. He's stubborn like that. Kahit ilang beses ko siyang pagsabihan na wag na pumunta dahil di naman na kailangan ay pupunta pa rin siya. Pero alam mo, natutuwa ako sa pagiging ganun niya. It's those little things that he does that makes me feel more loved." he smiled and nodded.

"Yeah."

"Ikaw ba? Ganyan ka ba sa girlfriend mo?" I asked him.

"Oo naman. Lalo na sa ex kong si Shane." sabi niya. Nakita ko kung paano nawala ang kinang sa mata niya at animo'y napalitan ito ng lungkot.

"Uhm... If you don't mind. Pwede ko bang malaman yung kwento niyo?" tanong ko. He looked at me and smiled sadly before he nodded. Tapos ay muli siyang tumingin sa kawalan and started telling me their story.

"Si Shane, nakilala ko yan sa isang gig namin nung college. Sa Metrowalk. We were part of the show there and she was at the bar they owned. Actually ayaw niya sa akin at first. Syempre. Diba nga ang isip ng tao, kapag kasama ka sa banda babaero ka? So yun. Ayaw niya kasi sabi niya hindi naman ako seryoso. But I proved her wrong. I pursued her. I talked to her family. Basta ginawa ko lahat to win her. Hanggang sa yun. Napanatag siya sa akin. We became friends hanggang sa yun. Naging kami." kwento niya.

"How long were you together?"

"We've been together for 4 years. It was the happiest years in my life. Hindi ko naisip na may ganun palang klaseng kasiyahan." aniya.

"Yeah. Minsan akala natin yung happiness natin pag mag-isa tayo, yun na lang yun. Pero kapag nakilala natin yung isang tao na nagpabago sa buhay natin, maiisip natin that there is happiness beyond what we thought was the happiest." sabi ko.

"Yes. Pero kapag sobrang masaya ka na magugulat ka na lang na binabawi na sayo yung kasiyahan mo." sabi niya and I again saw how his eyes became sad. "I loved Shane so much. I was even planning on asking her to marry me. Pero wala eh. Things happened."

Hindi na ako nagtanong pa. Hahayaan ko na lang na siya na mismo ang magkwento.

"She fell out of love. Sabi niya nagising na lang siya one day na ayaw na niya." malungkot na kwento niya.

"I'm sorry..." sabi ko. He smiled as he shook his head.

"It's been 2 years but I can't seem to move on. Minsan nakikita ko pa rin siya sa bar nila. I want to talk to her. I want her back. Pero wala eh. She's happy with someone already. And that someone's not me." hinawakan ko siya sa balikat and he just nodded. "Mahal ko pa rin siya pero may iba na siyang mahal."

"Dar, alam ko mahirap magmove on. I've been there. And I guess I'm stuck dahil si Elmo pa rin ang binalikan ko. Pero alam mo, it's the only thing that we can do to feel better. Kasi kung hindi tayo magmmove on, mapag-iiwanan tayo. Siya may iba na tapos ikaw siya pa rin ang mahal mo? That's not fair. Pero wala eh. Diba ganyan sa love? Unfair talaga. Maraming clichés sa love."

"Yeah. Alam ko namang kailangan ko na magmove on. I mean it's been 2 years already. Hindi na ata fair para sa sarili ko to." aniya. "Thanks Julie ha? Kasi finally may nakinig sa mga hinaing ko."

"We're friends, Dar. And friends listen to each other." sabi ko naman.

"Yeah." nakangiting sabi niya. "Tara na. Maaga pa seminar niyo bukas. Hatid na kita sa kwarto niyo."

Naglakad na kami ni Daryl pabalik sa mga kwarto and stopped in front of our bedroom door.

"Good night, Julie. Thank you uli." sabi niya.

"You're welcome. Thanks din sa paghatid. Good night, Dar." sabi ko.

"Wow, naisipan niya pang matulog." sabi ni Maqui. Sakto kasing pagpasok ko sa kwarto ay siya namang kalalabas niya lang galing bathroom. "Anong ginawa mo sa clubhouse?"

"Elmo was there." tipid na sagot ko. Nanlaki ang mata niya saka pa siya natawa.

"Hahahaha. Ibang klase talaga yang boyfriend mo no? Di talaga nakikinig." iiling-iling na sabi niya. "So he's staying overnight?" she asked.

"No. I told him to go home."

"Huh? Bakit naman?"

"Nakakahiya kay ma'am. Baka isipin niyang namimihasa na ako." sagot ko. "Daryl saw us though."

"Weh?! What did he say?"

"Wala. Sabi naman niya di niya sasabihin kay ma'am na nagpunta si Elmo eh." tumango si Maqui saka na muling humiga sa kama niya.

Gusto kong ikwento kay Maq yung mga kinwento sa akin ni Daryl pero parang hindi naman tama. Parang invasion of privacy na yun? Kasi sa akin lang naman niya kinwento eh. Pero bestfriend ko si Maqui. Hay.

"Maq?" tawag ko.

"Hm?"

"Kapag ang isang tao may mahal pero di na siya mahal nung taong yun, anong dapat gawin?" tanong ko.

Tumagilid siya saka niya ako matamang tinitigan.

"Hindi mo na ba mahal si Elmo?" she asked.

"Huh? Hindi ako! Basta napaisip lang kasi ako. I love Elmo okay? You know that. Pero kanina kasi nung naglalakad ako pabalik dito bigla lang sumagi sa isip ko yun."

"Hm... Siguro ang dapat na lang gawin is to let the person go. Mahirap din kasi yung mahal mo nga siya pero di ka na niya mahal. Yung pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa bagay na alam mong hindi na sayo? Masakit yun eh. Masakit sa inyong dalawa." tumango ako saka yumakap sa unan ko. "Is this Daryl?" she asked afterwards.

"Ha?"

"Wala lang. Sabi mo kasi hindi naman ikaw yung nakakaexperience nun eh. So I guess it's Daryl since siya ang huling kasama mo."

Hindi ako kumibo pero kalaunan ay marahan akong tumango. What's the point of hiding it diba? Maqui sensed it already.

"Akala ko ba wala na siyang girlfriend?" she asked.

"Yeah. Wala na nga. Pero..."

"Mahal pa siya nung girl?" tanong niya.

"More like, mahal pa niya yung girl kahit 2 years na ang nakalipas." sagot ko.

"So parang ikaw lang pala yan. And parang si ma'am. Mga hindi makamove on. Ang masaklap lang is that you got your guy back but they didn't have theirs back. Tama ba?" aniya.

"Yes."

"Well, he has to let her go. Minsan kasi letting go doesn't mean you're letting her go because you've been hurt and that you don't love her anymore. Minsan, letting go means you want to become a better person and that she was just some mistake in your life."

Last day na namin sa Caliraya and it's time for our presentation. Natatawa kami kasi halatang hindi prepared lahat. Yung group nila Chad naging comedy lang dahil tawa sila nang tawa. Yung group naman nina Brenda madaming hindi sabay-sabay. Kaya tuloy kami natatawa na dahil baka ganun din ang mangyari sa amin.

"Alright! Last group na tayo." sabi ng facilitator. "Daryl's group!"

Nagpalakpakan na lahat at maririnig pa ang pang-aasar nina Chad sa amin. Mga baliw talaga.

Nagplay na ang song and we started dancing. Sumasabay-sabay pa sa kanta yung iba at pasimpleng pumapalakpak kasabay ng beat ang iba. Nakakatuwa dahil walang nagkamali sa amin. Siguro dahil madadali lang talaga ang steps kaya nasundan agad at nakabisado. Isa pa, magaling magturo si Daryl.

"Okay. The winning team will receive Php30,000 cash plus Php5,000 worth gift certificate at Rustan's." sabi ni Ma'am Clarisa.

"Ohmygosh. Shopping galore tayiz pag-uwi!" bulong ni Patrick sa amin. Tumawa naman kami ni Maqui saka tumango.

"The team that earned a total of 45 points out of 50 points is no other than... TEAM DARYL!!!" nagpalakpakan ang lahat at sama-sama naman kaming nagpunta sa harapan para kuning ang prize at medals.

"Grabe. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nanalo sa mga ganitong contest." sabi ni Reg. Nasa bus na uli kami nun and pauwi na ng Manila. Hindi pa rin sila makagetover sa pagkapanalo namin. Nakakatuwa.

"Ay nako girl. Wititit ka ba sumasali sa mga contests nung kabataan mo?" tanong ni Patrick.

"Wala naman akong matandaan na may contests nung highschool ako eh." sabi niya.

"Ay. Waley to. Tanders na." sabi nanaman ni Patrick. Tumawa kami nina Maqui at Essa at sinapak naman ni Reg si Patrick. "Aray! Cariño brutal ka ha?! Kaloka to!"

Nagpatuloy sila sa pag-aasaran samantalang hinayaan ko na lang sila at nagtuon na lang ng pansin sa phone ko. May makulit kasing message nang message eh.

Mister ❤️:

Matagal pa ba kayo? Naiinip na ko. 😫

Me:

SLEX na asawa. Will you calm down? 😆

Mister ❤️:

Miss na kasi kita. I'm here already. Ang dami na naming napagkwentuhan ng guard niyo dito.

"Oh. Baliw-baliwan ka nanaman diyan." sabi ni Maqui sa akin. "Clingy ha?"

"Tell me about it. Kanina pa nangungulit yan. Since this morning nagtetext na siya na excited na daw siyang pauwi na tayo. Parang tanga lang." sabi ko naman. Tumawa siya saka pa umiling. "Ikaw? Nagtext ba?" tanong ko.

"Sino?" pagtataka naman niya.

"Sus. Kunyari ka pa bes. Eh kaninang nagbbreakfast tayo di mo malubayan yang phone mo and you're even smiling." sabi ko and even smiled sheepishly. Umirap siya saka pa ako binatukan.

"Chismosa!" aniya. Tumawa naman ako saka pa niyakap ang braso niya. "Julie Anne!"

"Ayiie Maqui! Kwento na dali!" pilit ko.

"Ayoko!" tanggi niya pero nakangiti siya.

"Eeeeh! Dali na bes! Kwento! Kwento!"

"Titigilan mo ba ko kapag hindi ako nagkwento?" tanong niya.

"Obviously, hindi. Hahahaha! Kwento na kasi bes!"

"Alright! Alright! Magkkwento na." sabi niya.

"Yehey!!!" bulalas ko. Okay. I'm like a kid but the hell diba? Lovelife ng bestfriend ko to. Kung kinikilig siya mas kinikilig ako para sa kanya.

"Tangina parang bata, Julie Anne!" iritang sabi niya.

"Puta, magkwento ka na kasi!" sabi ko naman. Tumawa siya saka ako kinurot sa braso. "Aray!"

"Minumura mo ko ha?!"

"Oo! Bagal mo magkwento eh." sabi ko naman.

"Leche!" aniya. "Ito na magkkwento na!"

Pinanuod ko siyang humugot ng malalim na buntong-hininga saka siya tumingin sa akin at ngumiti.

"He's going to pick me up at the office later." simula niya. "Sabi niya magluluto daw siya for me."

"So pupunta ka sa bahay niya?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Dapat na ba? Parang ang bilis kasi we just started going out tapos pupunta agad ako dun?"

"Nukaba. Hindi naman mabilis unless may mangyari sa inyo." sabi ko.

"Fuck you! Bunganga mo ha?!"

"Oh ngayon ikaw ang nagsasabi saken niyan?"

"Ewan ko sayo. And you really think bibigay ako ng ganun na lang?! Grabe ka!" sabi pa niya. Tumawa lang naman ako saka siya tinignan ng nakakaloko. "Titingin ka ng ganyan o tutuloy ko pa yung kwento?"

"Hahahaha. Fine, fine. Ano na?"

"Well yun na nga. Magluluto daw siya. Sabi ko nga nakakahiya pero he insisted. He even told me na andun yung kapatid niya and wants to meet me."

"Aww! This is it, Maq! Ipapakilala ka sa kapatid. Then after that sa parents na. I think Gino really likes you. Hindi ka naman kasi niya ipapakilala sa family niya if he thinks that you're not the long-term type eh."

Umirap siya pero nahuli ko ang pagngiti niya.

"Nakakatakot kaya." sabi niya. Tumingin ako sa kanya and she was biting her bottom lip. "Paano kung masaktan ako? Paano kung hindi naman pala siya seryoso? Paano kung h--" tinakpan ko ang bibig niya saka siya tinignan ng masama.

"Bes, kasama ng love ang pain. If you're not ready to get hurt, to be stupid and to be blind, then you're not ready to love."

Continue Reading

You'll Also Like

36K 758 51
A Thomas Torres and Ara Galang fan fiction which involves love, happiness, sadness, pain, triumphs and most important of all, MARRIAGE. :)
584K 5.1K 7
**💜Full story available on Dreame💜** Follow me there @ Ingrid de la Torre "The CEO has a secret... his Secret Wife." Nazaron Altieri was only force...
233K 2.5K 13
A rich, spoiled brat and daddy's girl, siya si Arabella Santana, the sole heiress of Don Armando Santana, A billionaire magnate. What Arabella wan...
25.6K 173 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...