The Ex

By TipsyArchitect

204K 4.7K 270

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

The Ex
Heads Up!
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Author's Note

30

3.3K 84 0
By TipsyArchitect

Chapter 30

Nasa garden na kami nun. Abala sina Elmo at PJ sa pagkkwentuhan sa may treehouse at kami naman nina Sarah at Anneth ay nakaupo sa mga bench dito. Si Manang Sol ay umalis para naman magsimba.

"Sarah..." untag ko. Timingin sa akin si Sarah saka pa ngumiti. "Bakit pala isasabay yung binyag ni Jericho sa birthday niya?" tanong ko.

"Ah. Kasi, gusto ko sana pagtuntong niya ng 3 months ay nabinyagan na siya. Kaya lang si PJ gusto niya isabay na lang daw sa birthday para isang handaan na lang." aniya. Tumango naman ako. "Kayo ni Elmo? Bakit di pa kayo kasal? Kwento sa akin ng asawa ko, mahigit sampung taon na daw kayong magboyfriend."

"Hahaha. Si PJ talaga makwento masyado." sabi ko. "Busy pa kami ni Elmo sa mga trabaho namin eh. Ewan ko. Siguro di pa ngayon yung year namin para ikasal."

"Pero grabe no? Sampung taon..."

"Sinabi mo pa. Alam mo nakakatuwa nga sila eh. Simula noon hanggang ngayon, hindi nagbabago yung pagmamahal nila sa isa't isa. Parang palagi silang bagong magboyfriend-girlfriend." sabi naman ni Anneth.

"Grabe ka naman samen, Neth! Hahahaha."

"Totoo kaya ate! Alam mo yung mga tingin niyo sa isa't isa? Nako! Nakakakilig kaya. Halatang mahal na mahal niyo ni Kuya Elmo yung isa't isa." sabi niya pa.

"Oo nga. Kaninang kumakain tayo naobserbahan ko rin sa inyo yun. Ang cute niyo nga eh. Hindi niyo mahuli-huli yung titig ng isa't isa. Na parang naiilang kayo na kinikilig sa tuwing tumititig kayo sa isa't isa." sabi naman ni Sarah.

Napalingon ako kanila Elmo at PJ na abala ngayon sa pakikipaglaro kay Jericho sa treehouse. Nakakatuwang pagmasdan si Elmo na aliw na aliw sa bata. Seeing him enjoying himself as he played with kids is like seeing him become a father. A great father to be specific.

"Ang sabi nila kapag mahilig daw sa bata ang lalaki, magiging mabuting ama daw siya. Si PJ, sobrang hilig sa bata niyan. Nung magboyfriend pa lang kami, sa tuwing may mga kumakain na isang pamilya sa restaurant na pinagttrabauhan namin, palagi niyang binibigyan ng pansin yung mga bata. May libreng dessert lagi lalo na kapag nakikipaglaro yung bata sa kanya. Kaya nung nalaman niyang buntis ako? Kung pwede lang ipaalam niya hanggang Malacañang, gagawin niya dahil sa sobrang saya niya."

"Ikaw Ate Julie? Di mo pa ba naiisip na magkaanak kayo ni Kuya Elmo?" tanong ni Anneth.

"Naisip na rin. Gusto ko nga kamukhang-kamukha ni Elmo yung magiging baby namin eh. Lalo na yung mata niya tsaka yung buhok." sagot ko. Lumingon sa amin si Elmo habang karga niya si Jericho at kumaway sila sa amin. Ngumiti naman ako sa kanya at kumaway rin.

"Hey. What are you girls up to?" tanong niya nang makalapit sa amin. Iminwestra ni Jericho ang kamay niya sa akin kaya naman kinuha ko siya kay Elmo at pinanggigilan.

"We were just talking about how you and PJ look cute with Echo." sabi ko. Ngumiti siya saka humalik sa sintido ko.

"Gusto mo na din ba magkaron ng baby?" tanong niya. Namula ang pisngi ko saka ako napaiwas ng tingin sa kanya at nilaro na lang si Echo.

"Gusto syempre. Kaya lang gusto ko magkakababy tayo kapag di na tayo parehas busy sa trabaho. Lalo ka na. Napakarami mong out of towns. Ako naman stressed din. Sabi nila mahirap daw magkababy kapag stressed."

"Tama. Yan ang sinabi sa akin ng OB ko nun. Bawal din mastress kapag nabuntis ka na. Kaya kung balak niyo na talaga magkaanak, siguro mas mainam nga kung wala na kayong masyadong iniisip. Isa pa, mas mabibigyan niyo ng atensyon ang bata kapag di na kayo busy pareho." ani Sarah.

Nang makabalik si Manang Sol mula sa simbahan ay nagpaalam na rin kami ni Elmo. Maggagabi na and we still have work tomorrow. May meeting pa naman si Elmo bukas ng umaga kaya kailangan na talaga naming makauwi.

"Did you have fun?" he asked. He held my hand and placed it on his lap as he drives.

"Yeah I did. Namiss ko yung magkapatid. And I also enjoyed talking to Sarah. Isama mo pa si Echo na super gwapong bata." sagot ko.

"I'm glad you had fun." he said and kissed the back of my hand.

"You looked like you had fun yourself." sabi ko naman and glanced at him. He smiled and nodded as he took a quick glance at me too.

"I did. I got to spend my Sunday with you, I saw our childhood friends again, I ate Manang Sol's special Kare-Kare and I had fun running after Jericho. It's perfect." he beamed.

"Hahahaha. You're gonna be a great dad, asawa. I can imagine it already." sabi ko sa kanya.

"Really?" he asked. "Then I guess we should have our own baby."

"Ha. Ha. Very funny. Alam mo namang we're both busy with work no. Di pa ngayon." sabi ko.

"But I want to be a daddy already."

"You will be. But we don't have to rush things, asawa. Tsaka I think it would be best if we get married first."

"Then let's get married tomorrow!" he suggested as he laughed. I narrowed my eyes at him and he just kissed my hand. "Just kidding. I want us to enjoy each other first. Pagdadamot muna kita kay baby."

"Ayan. Diyan magaling. Sa panlalandi." irap ko.

"Seriously. Gusto ko if ever we get married, after a year or two pa tayo magkakababy. I want you all for myself first, asawa."

"I'm all yours from the very start, Elmo." I told him. He smiled and nodded.

"I know that." he said.

"What if unexpected na mabuntis ako? Remember I'm moving in with you next week. And kilala kita. Paano kung yun nga? Mabuntis ako." he again kissed my hand several times and placed it against his cheek before he answered me.

"If you ever get pregnant then so be it. It's a blessing, asawa. And if God wants us to have him/her this early then all we have to do is to be happy." aniya. "I know you'll be a great mommy."

I smiled. Sometimes Elmo can be childish and selfish but most of the time he's that Elmo who would do everything, give everything and be everything just so he could make me happy. And I love him so much because of that.

"We're gonna be awesome parents, asawa. I swear." he said afterwards.

Nang makarating kami sa bahay ay naabutan kong nasa garden sina Maqui at Patrick. Mukhang gumala silang dalawa dahil parehas silang nakapang-alis pa rin. Siguro kasama nila sina Jared kanina.

"Ay umuwi pa ang lola mo." ani Patrick nang makapasok kami ni Elmo. "Kala ko ba girl lilipat ka na sa baler ni Elmo ha?"

"Next week pa siya lilipat, Pat." si Elmo ang sumagot.

"Ay? Wit pa today? Nubayan. Sabi ko pa naman kay Hilda Coronel na akiz na ang o-occupy ng kamaneching mo, inday." sabi niya saken.

"Sino si Hilda Coronel? Artista yun diba?" pagtataka ni Elmo.

"Asawa, si Patrick ang kausap natin. Lahat ng artista sa mundo nagamit na niya sa bawat sentence niya. I swear. Kahit ata panahon ni McArthur na artista kilala niya eh." sabi ko kay Elmo.

"True! Feeling ko nga past life ng baklang to artista eh." ani Maqui.

"Ay! May chance, Frencheska Mae. Infairness bakla ha? Wit ka brady tonight!" ani Patrick. "Siguro kaya madrama rin ako sa life kasi past life ko nga artista." nangingising sambit niya.

"Or baka may relative kang artista!" gatong nanaman ni Maqui.

"Chrue!" ani Patrick at nag-apir pa sila. "Oh. Anetch pa ang balak ng lovers in Paris? Whole day na magkasama wiz pa balak maghiwalay ng slight? Uwi-uwi na Elmo. Gabi na." taas-kilay na sabi niya kay Elmo.

"Hahahaha. Bilis magtaray bakla ha?" sabi ko naman.

"Wag mo sirain ang drama ko, Julie Anne. Ginagaya ko si Jaclyn Jose." aniya. "Osige na Elmo. Vamos!"

Tumawa na lang si Elmo saka tumango sa kanya.

"Alright. I'll go home na. Tsaka I know you're tired na din." sabi ni Elmo sa akin.

"Tired daw, Frencheska Mae. I wonder..." narinig kong bulong ni Patrick.

"Sige na. Bukas na lang." sabi ko kay Elmo.

"Yes. Tomorrow, I'll pick you up after work." tumango ako. Hinalikan na niya ko at pagkatapos ay nagpaalam na kanila Maqui at Patrick.

"Tired, Frencheska Mae. Tired!" paulit-ulit na sabi ni Patrick habang si Maqui naman ay nagpipigil ng tawa. "Anetch kaya ang reason..." aniya pa sabay ngisi ng nakakaasar.

"Eww, Pat. Seaweed brain." irap ko. Umupo ako sa gitna nilang dalawa bago nagsalita ulit. "Galing kaming Pampanga because it's Manang Sol's birthday. Napagod ako kasi ang haba ng byahe tapos yung anak nung kababata naming si PJ napakahyper."

"Weh? May anak na si PJ?!" gulat na sabi ni Maqui. Kilala niya rin si PJ bilang bestfriend ko siya since bata kami and nakakasama namin siya kapag nandun sila PJ.

"Yup. Kasal na din sila nung girlfriend niya."

"Wow. Akalain mo yun?" nakangiting sabi ni Maqui.

"Oh bakit nanaman aber?" pagtataray ni Patrick. Talaga tong baklang to minsan di mo na magets ano ba talagang mood nito eh.

"Gaga may crush saken dati yun eh! Hahahahahahaha." ani Maqui. Tumawa ako nang maalala ko yun. Oo nga! PJ liked Maqui when we were kids. Kaya lang itong si Maqui, napakabalahura nun kaya ayun! Basted si PJ.

"Oh yeah! Naalala ko yun Maq! He used to like you when we were young." sabi ko.

"Eh anong nangyari? Shonget?" tanong ni Patrick.

"Gaga hindi! Gwapo nga yun eh. Kaya lang one of the boys ako dati. So basted siya."

"Ay?" ani Patrick. "Wala ka talagang kwenta."

"Hahaha. Ewan sayo bakla. Eh Jules, sino napangasawa niya?"

"Si Sarah. They work at the same restaurant and siguro dun na din nadevelop. Pretty siya and mabait."

"Nice. Pero naunahan nila kayo. Hahahaha." tumawa sila ni Patrick.

"Eh panong di mauunahan ang dami nilang hanash ni Elmo sa buhay! Hahahahahaha." gatong ni Patrick.

"Mga baliw!" sabi ko.

"Di ka nainggit, bes?" tanong ni Maqui. "Kasi may anak na sila tas kayo ni Elmo parang wala. Hanggang dyan pa din sa stage na yan." biglang seryosong sabi niya.

"Hindi. Di rin naman kasi kami nagmamadali eh."

"Weh? Si Elmo hindi?" di makapaniwalang tanong ni Patrick.

"Hahahaha. Well, he wants to pero gusto niya solohin daw muna ako eh. Soooo..."

"Damot!" sabay na sabi nila. Nagkibit-balikat naman ako.

"Pero ang cute niya kanina alam niyo ba yun? The way he plays with PJ's son? Grabe. It's as if seeing him play with his own son. You could really see his eyes sparkle."

"Eh ikaw?"

"What do you mean ako?" pagtataka ko.

"I mean, the way you describe Elmo. Parang sinasabi mong gusto na niyang magkaanak. Eh ikaw? Gusto mo na din ba?" tanong ni Maqui.

"I'm not getting any younger, Maq. If Elmo knocks me up then I'd be happy to be a mom already. Isa pa, gusto ko na rin ng may uuwian akong makulit na bata na tatawagin akong mommy."

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 259 24
Azrael Montefalco Point of view. Ang daming kong sakripisyong hinarap para lang makuha siya. Ilang beses niya akong tinulak pero kahit kailan ay hind...
14.8M 174K 34
(Xander Del Castillo's Love Story) "You were inlove,then you keep it as a SECRET. Wasn't it so HARD......and PAINFUL?" Amber did everything para lang...
242K 897 6
Jimena Benitez is inlove with Hunter Santilian---her twin sister's boyfriend. Kaya naman ng abandonahin ng kakambal ang binata at nagkaroon siya ng t...
2.2M 4.4K 5
WARNING: RATED SPG po. wag na kayong magugulat kung may mabasa kayong kakaiba neh? :)) pag ba kabit masamang babae agad? hindi ba pwedeng nagmahal l...