SWIPE HELP GONE WRONG - COMPL...

By WeirdyGurl

186K 10.1K 7.1K

Naniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right si... More

Teaser
START
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Adorable End
DIRECTOR'S CUT EP1
DIRECTOR'S CUT EP 2
DIRECTOR'S CUT EP 3
DIRECTOR'S CUT EP 4
DIRECTOR'S CUT EP 5
DIRECTOR'S CUT EP 7

DIRECTOR'S CUT EP 6

3.6K 213 227
By WeirdyGurl

ALT'S GROWING FEELINGS

"How to get the girl in your dreams?" basa ko title sa librong hawak.

Parang sumakit yata bigla ang sentido ko sa nabasa. Why am I holding this book in the first place? Dumaan lang naman ako ng bookstore dahil may hinahanap akong cooking book. Wala akong masyadong magawa sa bahay. Aside from working out ay puro luto lang naman ang ginagawa ko.

This doesn't make sense.

Ibinalik ko ang libro sa shelves at umalis na. Pero sa hindi malamang dahilan, I stepped back at walang tingin-tinging kinuha ang librong 'yon at ipinasok sa basket na hawak. Damn it, Alt. You're seriously out of your fucking mind.

I sat down at the edge of the bed habang pinapatuyo ng tuwalya ang basang buhok. Bumaba ang tingin ko sa librong binili. Ipinatong ko 'yon sa itaas ng bedside table kanina. Inabot ko 'yon at hinayaan ang tuwalya sa ulo. Binuklat ko ang unang page ng libro.

STEP UP YOUR GAME

HERE ARE FIVE TIPS OF GETTING YOUR DREAM GIRL'S ATTENTION

COMPLIMENT & PRAISE HER NO MATTER HOW BIG OR SMALL HER ACHIEVEMENTS GIFT HER THINGS SHE LIKES AVOID MAKING HER MAD GREET HER IN THE MORNING, LUNCH AND EVENING SMILE WHEN YOU SEE HER

Lahat naman nang tips ginawa ko noon kay Bria pero wala namang nangyari. Umuwi pa rin akong talunan. Applicable din ba 'to sa babaeng 'yon? Masyado pa namang bipolar ang 'sang 'yon.

Iko-compliment ko, sasabihan akong, may lagnat ka ba? Mamatay ka na ba?

Magbibigay akong regalo, pagduduhan pa ako.

Kung 'di ko naman gagalitin, 'di naman ako papansinin.

Binabati ko naman, iniirapan ako.

Smiling?

I'm not used to that. I guess I'll have to skip the last tip... for now.

Tinignan ko muna ang ibang mga nakasulat sa libro. I wasn't happy about the whole content. Nagsayang lang yata ako ng pera. This is bullshit. These don't apply to me.

"A waste of time." I pulled the first drawer of the bedside cabinet and placed the book inside. Matutulog na lang ako. Dami ko pang iniisip puro naman walang kwenta.

Akala ko makakatulog agad ako pero lumipas na lang yata ang halos isang oras nakatitig lang ako sa kisame. Fuck! I'm losing my mind. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit ba lagi na lang ang mukha niya ang nasa isip ko? Hindi ba pwedeng 'yong duguang babae sa huling horror movie na pinanonood ko kagabi? Or the gore scene in that massacre movie I watched earlier? I'm okay with anything as long as it doesn't contain Scroll's face.

Marahas akong huminga sabay abot ng cell phone sa miseta. Bumangon ako at inihilig ang likod sa headboard ng kama.

I check my photo gallery and realized I have a lot of stolen photos of her. I gulp. Tang'na, Alt. Anong nangyayari sa'yo? Mas malala ka ngayon kumpara noong baliw ka kay Bria. You've never resorted to such things. You patiently waited. Pero bakit mukha kang tanga ngayon?

Mariin kong ipinikit ang mga mata.

Parang ngayon totoo na talagang sumasakit na ang ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga pinaggagawa ko nitong mga nakaraang araw - linggo na rin yata.

Ayoko nang mag-isip.

Ayoko na.

Matutulog na ako.

Asar sa sarili na humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot. 



"Scroll –" hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin dahil nilagpasan lang ako ni Scroll. She saw me but she seem like in a rush. Nilingon ko siya at hinantay na mawala sa paningin ko. Marahas akong bumuntonghininga sabay angat ng iced coffee na binili ko para sa kanya.

"I already told you. This wouldn't work for you," kausap ko sa lalagyan ng iced coffee.

"Hoy, Alt!" Bumaling ako sa tumawag sa'kin. It was Crosoft. "Nakita mo si Scroll?"

I nodded. "May lakad yata ang 'sang 'yon. Mukhang nagmamadali."

"Talaga? Bakit 'di nagpapaalam sa'kin ang babaeng 'yon? Tsk. Hindi talaga marunong gumalang sa boss 'yang si Scroll. Babawasan ko nga sahod nun ng 1k." Napansin naman nito ang hawak kong iced coffee at hot chocolate sa mga kamay ko. "Kailan ka pa natutong magkape?" may pagtataka nitong tanong sa'kin.

"Sa'yo na." Inabot ko sa kanya ang iced coffee. "Hindi naman pala masarap."

"Adik ka ba? 'Di ka naman talaga nagkakape."

"Huwag ka nang magtanong. Magpasalamat ka na lang. Ang dami mo pang sinasabi." Iniwan ko na siya.

"Bakit ang highblood natin ngayon, brad? May dalaw ka ba?"

"Wala."

"Thank you sa libreng kape!" tumatawang sagot nito sa akin. "Nga pala, sa susunod 'yong caramel machiatto naman. Inform lang kita in case gusto mo ulit magsayang ng pera!"

"You're welcome!"

"Tinikman mo ba talaga 'to? Bakit wala 'tong bawas?!"




"I'll be out for a while, kuya," paalam ni Skip.

Kakabukas ko pa lang ng ref sa kusina para kumuha ng bottled water. Maaga akong gumising para makapag-jogging sa labas. It was Sunday, wala akong trabaho. This is the only day na nakakapag-work-out ako.

"Where are you going?" tanong ko pagkatapos uminom.

"Magkikita kami ni Scroll." Kumunot ang noo ko. Kailan pa sila naging close ng babaeng 'yon? "To catch up, alam mo na." 

Yeah, they're both passionate in their field. I couldn't relate, wala akong pakialam sa kung anong fashion. I'm okay with a pair of shirts and jeans. I don't need to trouble myself for that. It saves me more time. 

Tumango-tango lang ako. "Okay." Itinapon ko sa trash bin ang wala nang lamang plastic bottle at tinungo ang hagdan nang marinig kong bumalik si Skip.

"Kuya, favor, 'di ka naman busy ngayon 'di ba?"

Nilingon ko siya mula sa mga balikat. "Busy ako."

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Anong gagawin mo?"

"Matutulog... buong araw?"

"Do it later, be my driver –"

"Ayoko. Mag-taxi ka na lang." Aakyat na sana ako nang hawakan ako ni Skip sa isang braso. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Hindi ako lalabas ng bahay," I said firmly.

"Minsan lang ako nandito, ayaw mo pa akong samahan. If only I can use my driver's license here I would no longer trouble you."

"Ayoko."

"Sige na!"

Humawak na ako sa bulestre ng hagdan dahil hinihila na ako ni Skip pababa.

"Ayoko nga. Tinatamad akong lumabas."

"Uuwi naman tayo agad. Magkikita lang kami ni Scroll."

"Problema ko ba 'yon? Mag-taxi ka."

"Ayoko nga!"

"Skip!"

"Alt!"




"Bilisan mo. May gagawin pa ako sa bahay," bored kong paalala kay Skip. Ano pa bang magagawa ko? 'Di pagbigyan. Nakaparada ang kotse ko sa harap ng Emari. "Maghahanap muna ako ng parking area."

"I saw a mall around here. Umikot ka lang muna."

"Ikaw magbayad ng gasolina ko. Mas mayaman ka pa sa'kin na loko ka."

Tinawanan lang niya ako. "I'll treat you to dinner later." Tinanggal nito ang seatbelt at lumabas ng kotse. Ibinaba ko ang salamin ng kotse para masilip ang kapatid. "I'll call you when I'm done."

"Isang oras lang, Skip."

"Two hours."

"Fine."

"Thanks."

Pumasok na ito sa Emari at hanggang sunod ng tingin na lang ang ginawa ko. I saw him and Scroll hugged each other inside the boutique through the glass panel wall.

"Sana lahat niyayakap na masaya," I said out of the blue.

Isinarado ko ulit ang bintana at pinaandar ang kotse. Maghahanap na lang muna ako ng tatambayan. Bigla akong nagutom. Saan kaya pwedeng kumain ng matatamis na hindi ako magkaka-diabetes.

I can sense bitterness in you Alt Flores.

Pati ba naman kapatid mo?

Fuck this!




I totally dooze off. Hindi ko sigurado pero mukhang kanina pa ako nakatulog sa loob ng coffee shop na nakita ko malapit lang sa Emari. Kung hindi pa siguro na untog ang ulo ko sa pader sa kanan ko ay 'di pa ako magigising.

Naalimpungatang kinapa ko ang earbud sa dalawang tenga. Ang kanang tenga ko na lang kasi ang merong music. Wala na 'yong isa. I let out a long yawn habang ibinabalik ang isang earbud sa isang tenga ko.

"I like you Skip."

Napakurap-kurap ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon mula sa likod ko. Hindi ko na rin naibalik ang isang earbud dahil na curious na ako. The backrest of each seats in the coffee shop is unusually tall from the normal seats. Matangkad ako pero kalahati lang ng ulo ko ang makikita ng mga taong nasa likod ko.

So they wouldn't notice I'm here.

"Scroll –"

"Don't worry. Alam ko naman." Tumawa si Scroll. "Sinabi ko lang sa'yo para no regrets. Saka crush lang naman e."

"Alam mo totoo talaga ang sabi ni Crosoft tungkol sa'yo. Loka-loka ka."

Tawang-tawa si Scroll. "Oy, 'di naman. Straightforward lang talaga ako. Kapag gusto ko 'yong isang tao sinasabi ko talaga. It's the same when I hate a person. Sinasabi ko rin."

"So sinabi mo na kay kuya na hindi mo siya gusto?"

"Alam na niya. Lagi kaya kaming nag-aaway. Ewan ko sa 'sang 'yon. Daming problema sa mundo. Dinadawit pa ako."

"It's actually interesting. It's very rare to see my brother that extremely mad and annoyed. Sa haba ng pasensiya nun, you wouldn't see him budge one bit. That's why I wonder why you hate each other so much. What's with you at napapanipis mo ang pasensiya ng 'sang 'yon?"

"Lahat na lang kasi ng ginagawa ko, mali sa kanya. Nakakainis. Hindi ko naman siya inaano."

"Hmm, that's interesting. He's never that nosy."

"Pero may times naman na okay kami. May times din na hindi. Mas madalas na hindi, actually."

"Curious lang, just a thought lang naman. What's the possibility that you'll end up liking my brother, Scroll?"

"Never."

Hindi niya naman talaga pinag-isipan man lang.

"Sure ka?" ni Skip. "Baka kainin mo lang din 'yang sinabi mo. You didn't even have second thoughts. Never agad ang sagot."

"Wala lang. Hindi ko lang talaga ma-imagine na kami ni Alt. Actually, hindi ko talaga siya type."

I already expected that from her. Pero iba pala 'yong personal mo 'yong marinig mula sa kanya. I feel kind of disappointed.

"Well, may mga ganoon naman talaga."

"For me lang naman, ha? I'm hundred percent sure na may babaeng bet ang kagaya niya. I just don't see us in any romantic relationship. Hindi yata kami magki-click. Wala yata kaming spark."

"Actually, you look cute together. Maybe you're not just aware of it."

"Hay naku! Don't tell me, na brainwash ka na rin ni Crosoft –"

Hindi ko na pinakinggan ang sunod na mga pinag-usapan nila. Ibinalik ko ang natanggal na earbud sa tenga at nilakasan ang volume ng kanta saka isinuot ang hood ng jacket sa ulo.

Scroll doesn't like me.

That really hurts.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 214 25
Mara Afable finds it tough to entertain new people in her life after realizing she only has few months to live. *** Mara Afable has been fighting the...
8.6K 402 47
Heaven Eranista, a high school student who experienced a lot of heartbreak from cheaters, wants to take revenge on those who have hurt her-men in gen...
265K 16.2K 43
2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very muc...
208K 11.5K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.