The Camp: He's A Secret Agent...

By MsButterfly

8M 123K 4.9K

Now a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookst... More

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)
CHAPTER 1 ~ Coffee ~
CHAPTER 2 ~ Alien ~
CHAPTER 3 ~ Ang Planet Ni Craige ~
CHAPTER 4 ~ Never Fall ~
CHAPTER 5 ~ Humor ~
CHAPTER 6 ~ Planet Chumurereng ~
CHAPTER 8 ~ Mug ~
CHAPTER 9 ~ HD ~
CHAPTER 10 ~ Si Superman at Si Darna ~
CHAPTER 11 ~ MABUHAY! ~
CHAPTER 12 ~ Bite ~
CHAPTER 13 ~ Aff! ~
CHAPTER 14 ~ Aff Aff ~
CHAPTER 15 ~ Ignite ~
CHAPTER 16 ~ Protect ~
CHAPTER 17 ~ Peace Of Mind ~
CHAPTER 18 ~ SAVE ME FROM TEMPTATION~
CHAPTER 19 ~ OMHAYGOLAY! ~
CHAPTER 20 ~ His ~
CHAPTER 21 ~ Carbonara ng Distracted ~
CHAPTER 22 ~ Big Show ~
CHAPTER 23 ~ Sweet ~
CHAPTER 24 ~ Words I Can't Say ~
CHAPTER 25 ~ Ducky ~
CHAPTER 26 ~ Singko ~
CHAPTER 27 ~ I'm Not Done Yet ~
CHAPTER 28 ~ Baby ~
CHAPTER 29 ~ Cake ~
CHAPTER 30 ~ Soon ~
CHAPTER 31 ~ Mine ~
CHAPTER 32 ~ Uh Oh ~
CHAPTER 33 ~ Don't Disturb XD ~
CHAPTER 34 ~ Maybe ~
CHAPTER 35 ~ Threige ~
CHAPTER 36 ~ Jollibee ~
CHAPTER 37 ~ Surprises ~
CHAPTER 38 ~ The Obvious ~
CHAPTER 39 ~ Tracker ~
CHAPTER 40 ~ Ava's Mistake ~
CHAPTER 41 ~ Athena ~
CHAPTER 42 ~ Ooohlala! ~
CHAPTER 43 ~ Shadows ~
CHAPTER 44 ~ Don't Let Go ~
CHAPTER 45 ~ Later ~
CHAPTER 46 ~ Off Limits ~
CHAPTER 47 ~ Bonggacious! ~
CHAPTER 48 ~ Fish Cake? ~
CHAPTER 49 ~ Wedding ~
EPILOGUE

CHAPTER 7 ~ Tom Cruise ~

165K 2.6K 136
By MsButterfly

CHAPTER 7

 

 

ALTHEA'S POV

Tinitignan ko yung repleksyon ko sa salamin. Nandito pa kami sa The Camp pero paalis na kami papunta sa company ni Parker. I mean paalis na ako dahil ang atat na si Boss, Sir, Among tunay ay iniwan na ako. Dala niya na yung mga damit na dadalin ko dahil may nahanap na siyang lugar na tutuluyan namin malapit sa office ni Parker.

Babalik na lang daw kami sa The Camp kapag friday. Kinakabahan kasi akong mag stay-in. Ayokong iwan si Adonis. Though payag siyang mag stay kaila Fierce ayoko naman masanay siya na wala ako. Baka akalain niya pa ni ne-neglect ko siya.

Pinaliwanag ko sa kaniya kahapon na may importante ako na kailangan kong gawin. Mukang relectant siya kahapon pero napapayag ko naman. But I dont want to leave him for too long kaya every friday babalik kami.

Bumalik yung diwa ko sa suot ko. Medyo mababa ang neckline non pero pang bussiness attire naman. Pinabayaan lang ako ni Craige kahapon pumili ng pumili ng damit habang may binabasa siya na kung anong magazine sa gilid nung boutique na pinasukan namin.

Akala ko nga ako ang magbabayad..pero mukang gusto niyang magbawas ng tumpok-tumpok niyang kayaman kaya naisipan niyang ilibre ako kahapon.

Ibig lang sabihin non gumagana pa ang pagiging tao niya. Hindi pa siya complete na kalahi ni E.T...siguro kaya siya nandito sa planetang earth dahil tinakwil siya ng mga taga Plane Chumurereng.

Hindi na daw kasi kaya ng mga gwapong bitter don ang sobrang ka-bitteran ni Craige sa mundo.

"Maganda ka na..mamaya mabasag pa yang salamin."

Lumingon ako sa pinto at napangisi lang ako ng makita ko don si Fierce na nakatayo. I flip my hair at nag beautiful eyes ako sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako at ibinato ng unan na nahagip niya na madali ko namang naiwasan.

"Ewan ko ba sa inyo..hindi ba kayo magkapatid ni Paige? though mas muka talaga siyang manika ikaw naman mukang idol mo si barbie. Hindi ka nga lang anoxeric katulad niya."

"Namumuri ka ba o nang-iinsulto? Muka talagang manika si Paige. Napagkakamalan pa nga yong manika. Bilib din ako sa power niyang hindi suntukin lahat ng biglang hahawakan na lang siya sa muka. At ako naman, maganda lang talaga ako."-me

Nag flip na naman ako ng buhok na ikinatawa niya lang.

Kinuha ko na yung black shoulder bag ko at isinukbit ko na sa balikat ko. Lumabas na kami ni Fierce at dumiretso kami sa living room.

Bago ko matawag si Adonis may parang ipo-ipo na tumakbo palapit sakin.

Napalunok ako ng makita kosi Adonis na nakayakap sakin at mukang pinipigilan niyang umiyak. Kung hindi lang talaga kailangan nunca na umalis ako.

Tumalungko ako para magkapantay ang muka namin. 

"Babalik naman ako. Saglit lang akong mawawala..saka kasama mo naman si Hermes eh."-me

Hindi siya sumagot at nakayakap lang siya sakin. Hindi si Adonis yung tipo ng bata na clingy at showy..kaya alam kong pinipigilan niya yung sarili niya para hindi niya ako pigilan.

pero hindi naman ako pwedeng umalis kung hindi niya ako gustong umalis.

"Ganto na lang..papadalan kita ng phone mamaya kay Tita Fierce mo..tapos palalagay natin don yung number ko lang para makakausap mo ako. Saglit lang naman ang four days a week..lagi naman kitang tatawagan. Tapos pwede din tayong mag chat."

tumango siya.

Tumingin ako kay Fierce at tinanguhan niya lang ako.

"Charge sa akin. Kahit anong phone."-me

"Sure thing."-fierce

Ginulo ko yung buhok ni Adonis at lumabas na ako. Kinawayan ko siya bago ako pumasok sa sasakyan na gagamitin ko. Pinaandar ko na yon bago pa ako hindi makaalis kapag umiyak si Adonis.

Binuksan ko yung radio ng nasa labas na ako ng The Camp. Napangiti ako ng may tumugtog na Frech song. Shadows Of Ourselves. Kahit hindi naman sexy ang meaning non..basta french yung kanta na se-sexyhan ako.

Kumekembot-kembot na nag drive ako habang sinasabay ko yung ulo ko at katawan sa beat ng music. Wala na akong pakialam kahit na kita ako sa labas. May automatic tinter kasi tong kotse ko. Porsche 911 turbo, red as my bloody red painted fingernails, na inupgrade nila andreige noon. Lahat naman halos ng mga sasakyan ng mga agents may ginawa sila andreige.

At dahil tinatamad akong pindutin ang malapit na button para mag darken ang tint..hinayaan ko na lang siya.

Napangiti ako ng makita kong pinapanood ako nung mga tao sa jeep sa harap ko. Lalo na ng mga lalake. Typical Male Interest. Na kahit naghuhumerantado na ang mga girlfriends nila sige parin sila ng titig.

tsk tsk.

Tapos ikakatwiran nila 'lalake lang ako.'

as if its an acceptable reason.

-__-

Pinabayaan ko na alng sila. Gusto kong sumayaw dahil mamaya kailangan ko ng maging seryoso...ng slight. Syempre hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na to para inisin ang aking pinakatatangi-tangi na Boss, Sir, Among Tunay na kalahi ni E.T. phone homeee! E.T. phone homeee!

Anyway..natanggap kami kay Parker. Not that it surprise me. Since pareho naman kaming nakatapos ni Craige. At syempre ginawan na naman nila Craige ng kung ano-anong bias thingy para matanggap kami.

Ang papel namin ay assistant slash bodyguard na walang gagawin kundi sundan ang amo namin. Sa ganon maprotektahan namin siya lalo na nalaman naming may anak pala siya sa ibang babae na lalake. Sooner or later madidiscover din yon ng kung sino mang killer na yon.

Yung mga kaibigan niya wala ng balak mag-anak muna. Sila Young may dalawang anak na babae, Sila Hayes isa, Sila Harris dalawa din, at si Torres wala pa. Mukang kinakabahan din diya na mag-asawa at magkaron ulit ng anak..lalo na kung mamatay lang din ang anak na yon.

...

...

Huminto ako sa tapat ng Parker Holdings. Pumarada ako at bumaba. Wlang pagmamadali na pumasok ako habang tumatakbo pa sa isip ko yung kanta kanina.

Kaya habang naglalakad ako umiimbay yung balakang ko sa beat ng music sa utak ko. Making me look sexier..I think. Sa tingin ko naman maganda naman ang epek nung kanta sakin..

dahil hindi iilan ang napapatingin sakin.

"Hi, pwede ko bang makausap si Sir Mateo parker?"-me

Tumaas yung kilay nung receptionist. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis pero pinatalim ko yung mga mata ko...namutla yung receptionist at agad na ibinigay sakin yung direksyon.

Sumakay ako sa elevator.

Napangiti ako ng makalabas ako at ng makita ko ang pinakatatangi-tangi kong Boss, Sir, Among tunay na may kausap na lalaki. Napatingin siya sakin ng mapansin niyang hindi na siya sinasagot ng kausap niya dahil nakatingin sa direksyon ko.

'bonnga ka thea! pak na pak!'

Huminto ako sa tapat nila.

Tumikhim si Craige at pilit na binawi niya yung tingin sakin at ibinalik don sa lalake na kausap niya kanina. Napataas yung kilay ko. Mateo Parker.

Akalain mo yon...makalaglag underwear pala ang gwapo ng magiging boss namin ni Craige. Though mas gwapo sa paningin ko ang alien ko na boss..hindi maitatanggi na gwapo si Mr. Parker.

Ooooooozing with sex appeal din. Yung tipong magpapatirapa ka na lang sa harapan niya kapag nakita mo siya. Ngumiti siya sakin at muntik na akong himatayin.

sheyt! ang gwapo!

"You must be Avery."

Nakangiting tumango ako habang tulalang nakatingin sa look a like ni tom cruise na nasa harapan ko. Fine mas gwapo na siya kay Craige.

Kumurap-kurap ako ng kinamayan niya ako.

Pwede bang dito na lang ako magtrabaho forever and ever? kung mabubungaran ko ganito kagwapo hindi na ako aalis ng office kahit kailan. 

"Nice meeting you, pogi-..SIR! Nice meeting you sir!"-me

"Pasensiya na po kayo. May habbit kasi siya ng bigla na lang nawawala sa sarili niya."-craige

"Its okay..it looks cute."

Namula na ata ako mula ulo hanggang fingertoes ko sa sinabi niya. Ngumiti ako ng matamis hanggang igaya niya kami papunta sa office niya.

Susunod na sana ako sa kaniya para masilayan ko na ang napakagwapo niyang muka ng may maramdaman akong umistorbo sa pantasya ko at bigla na lang akong hinila.

"Makahila ka naman Sir, Boss, Among tunay, parang wala kang braso. Akin to excuse me."-me

"Nandito ka para magtrabaho. Hindi para magpacute."

"Ouchie! FYI, Sir, Boss, Among Tunay, kasama sa trabaho ko ang pagpapacute..dahil kung normal na empleyado ka kikiligin ka sa Boss mo na look alike si Tom Cruise na crush ng bayan noong unang panahon."

Sumimangot siya at parang gusto niya na akong sakalin. Ngumiti ako ng bitawan niya ako at halos tumakbo na ako papunta don sa office ni Boss Pogi.

Pumasok kami ni Craige don at umupo kami sa harapan ng lamesa niya.

"So you two can do martial arts, dojo, tai chi, taekwando-"

"Yes, Sir! I can cook too, maglinis ng bahay, mag re-decorate, at maging isang ulirang girlfriend."

Ngumiti lang siya sakin na parang naaliw siya sa pinagsasasabi ko. Infairness to him hindi siya katulad ng boss ko na nagmamaktol na sa tabi ko na walang sense of humor.

That means taga planet earth si Sir Mateo.

Hindi siya kalahi ng Boss, Sir, Among tunay ko na wala ni katiting na sense of humor. Nilingon ko si Craige at nginitian ko siya ng matamis.

"Sir Mateo."-me

"Yes?"

"Anong tawag sa mais na hindi magaing mag joke?"

"Corny?"

"Tumpak!"

Pumalakpak pa ako na ikinatawa ni Sir Mateo. Nilingon ko rin si Craige na masama na ang tingin sakin ngayon. Aba lulubusin ko na dahil nag e-enjoy ako.

"Eh Sir anong sinasabi ng mga isda kapag may reunion sila?"-me

"Isdayou?"

"Ay sir bongga ka!"

"You're funny..sa tingin ko mag e-enjoy ako habang nagtatrabaho ka sakin."

Parang lumipad ako sa sinabi niya at pumalakpak yung tenga ko. Napaangat lang ako ng tingin ng tumikhim si Craige at biglang hinawakan yung kamay ko.

Pilit na inaalis ko yon pero pinipigilan niya ako.

Tumingin sa mga kamay namin si Sir Mateo at ngumiti lang siya. I gritted my teeth...kakagatin ko na sana yung kamay ni Craige ng marinig ko yung mala-anghel na boses ni Sir Mateo.

"you two together?"

"NO-"-me

"Yes."-Craige

nalaglag yung panga ko sa sinabi niya.

Parang pinagsukluban ako ng langit at lupa. Lumingon ako kay Sir Mateo at nakangiti at tila naaaliw na nakatingin siya samin. Infairness to him..kahit na may pinoproblema siya mukang hindi niya nakakalimutang ngumiti.

Hindi katulad ng boss ko na walang sense of humor at panira sa pagpapacute ko sa boss ko na ka look alike ng long time crush ko.

"Kamuka mo si Tom Cruise, Sir."

natural na ata na taklesa ako kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko. Naramdaman ko na humigpit yung pagkakakapit sa kamay ko ni Craige.

"May nakapagsabi na nga sakin."-mateo

"Crush ko yon, Sir. Kaya mukang kahit hindi niyo na ako bayaran oks na oks na."

Tumawa lang siya at napailing. Sumandal siya sa swivel chair niya at napansin ko na nag relax na siya. Mukang tensyonado pala siya kanina...hinid ko lang masyadong napansin dahil naka focus ako sa gwapings face niya.

"Madali lang naman ang gagawin niyong dalawa. Just stay with me always kahit saan ako pumunta."-mateo

"Yes, Sir."-craige

Sumaludo ako.

nagulat ako ng dumukwang si Sir Mateo at ginulo yung buhok ko. Kung iba yon baka nasapak ko na dahil nagulo ang buhok ko na inayos ko pa mandin.

Pero dahil ka look alike niya ang crush ko okay narin.

Hindi ko na narinig yung mga iba pa niayng sinabi dahil busy na ako sa pagpapakilig sa sarili ko dahil hinawakan niya ako ng maramdaman ko na may halos kumaladkad sakin palabas.

"O, ikaw pala Boss, Sir, Among tunay. Anong maipaglilingkod ko?"-me

"I want your silence."

Hinila niya ako papunta sa isang office na katabi lang ng kay Sir Mateo. Pumasok kami sa loob at napataas ang kilay ko ng makita kong may dalawang desk don.

cool.

"Wow, office natin to?"-me

"Obviously."

"Sungit nito. Relax ka lang, Sir."

lumingon siya sakin at natameme ako ng makita kong masama ang tingin niya sakin. Pero deep inside natatawa ako sa itsura niya..

he look like a jealous boyfriend.

Kung hindi ko lang alam na hindi niya ako type baka nagduda pa ako na nagseselos siya. Nagbabaga yung mga tingin niya sakin eh.

"What?"-me

"You will not flirt with that guy again, understand?"

"Ammm...slight?"

"Althea!"

"Opo! Kaasar ka talaga Boss, Sir, Among tunay..alam mo bang long time crush ko si Tom Cruise."

"Mas gwapo si Chris Evans don!"

Napahagalpak ako ng tawa. Para narin niyang sinabi na mas gwapo siya kesa kay Sir Thea...because ka-look alike lang naman ng alien kong boss si yummylicious Chris Evans.

Napailing na lang ako.

"Sir diyan nagsisimula yan...yieeee!"-me

"Ang alin?"

"nag je-jelling jeling ka na. Alam kong maganda ako pero wag mo naman masyadong ipahalata na patay na patay ka sakin. Baka lumaki ang ulo ko niyan."

"You're not my type-"

"Whatever you say boss."

Nginisihan ko siya at umupo na ako sa pwesto ko. Kinikilig na umupo ako ng makitakongmaymagazine sa gilid na si Sir Mateo ang cover..

ang gwapo!

"Dont look at him!"

Kinuha ni Craige yung magazine at inilagay sa isang tabi. Tinaasan ko lang siya ng kilay ng tinignan niya ako ng masama. Parang gusto niya akong tunawin sa tingin.

"What?"-me

"Kung gusto mong tumingin sa gwapo bibigyan kita ng picture ko."

"Aba Sir..improving ka ha? nag jo-joke ka an."

"I'm not joking."

Tinitigan ko siya at napangiti ako.

...

...

seryoso nga ang boss ko.

picture?

why not coconut chocnut?

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 89.8K 35
Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kam...
3.8M 60.7K 38
Now a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. "The climax of the story? I wasn't...
3.1M 53.3K 36
(PUBLISHED BY LIB) My/His Secret Agent Boss, now a published book under LIB creatives. Php 129. Available at all Precious Pages branches, National Bo...
1.5M 75.3K 21
Ang Ikalawang Serye. A girl dying from Leukemia was given a chance to make a wish, and there she met a mysterious guy who would lead her as she enter...