Ang Asul Na Buntot ni Aquano

By Kuya_Soju

135K 3.8K 466

(COMPLETED/ BOYXBOY STORY!) Si AQUANO ay isang sireno na nabibilang sa Unda-e o mga dugong bughaw sa Aquatika... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN

CHAPTER NINE

8.6K 309 37
By Kuya_Soju

CHAPTER NINE

"MOMMY AIDA?!" Halos hindi makapaniwalang bulalas ni Andru nang makita niya sa may pintuan ang kanyang mommy. Ang buong akala niya kasi ay hindi ito makakapunta sa kanyang graduation dahil sa ayon dito ay busy ito sa trabaho nito at hindi ito pwedeng umabsent. Pero mukhang dahilan lang nito iyon para masorpresa siya sa araw na ito.

Nangingilid ang mga luha na nilapitan niya ang kanyang mommy at buong higpit na niyakap ito. Isang taon din kasi silang nagkita at kahit naman madalas siya nitong sermunan noon ay na-miss niya talaga ito ng sobra.

"I am so proud of you, Andru!" sabi sa kanya ni Mommy Aida habang hinahaplos ang likod niya. "Ang sabi ko sa'yo noon ay tapusin mo lang nag high school mo pero look at you... Gagraduate ka with honors! Salamat, anak. Maraming salamat!" Alam niyang naiiyak na rin ito tulad niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan sa mukha ang ina. "Dahil this time, ayokong biguin kayo, mommy."

"Kaya nga proud na proud ako sa'yo. Teka, may kasama nga pala ako," sabay kindat ng mommy niya.

Napakunot ng noo si Andru ngunit napalitan iyon ng malapad na ngiti nang makita niyang nakatayo si Theo sa may pintuan. Sinugod niya ito ng yakap. "Dude!!!" tangi niyang naisigaw.

"Ano ba, dude! Hindi naman halatang na-miss mo ako!" Natatawang sambit ni Theo.

"Gago ka! Ang tagal kaya nating hindi nagkita!" aniya at hinila niya ito papasok. "Ano, kumusta? Paano ka nakasama dito kay mommy? Graduating ka rin, 'di ba?"

"Tapos na ang graduation namin. Ayun, pasang-awa," tumawa pa ito. "Sa pagmamahal ko na lang sa'yo kaya ako nandito!"

-----***-----

MASAYANG-MASAYA si Andru hanggang sa matapos ang graduation ceremony. Ang Mommy Aida at Lola Fe niya ang umakyat sa stage kasama niya. Pagkauwi nila sa bahay ay nasorpresa siya nang may madatnan siyang mga handang pagkain. Iyon pala ay nagpa-catering ang kanyang mommy. Halos lahat ng kanilang kapitbahay ay naroon upang kumain at batiin siya sa kanyang pagtatapos sa high school.

"Hindi nakakapagsisi na sumama ako dito kay Tita Aida," ani Theo sa kanya habang kumakain na sila.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Eh, kasi ang daming foods. Masasarap pa!"

"Gago ka talaga!" natatawa niyang turan kay Theo na sinundan niya ng pagbatok nito.

"Andru, dalhin mo nga itong pagkain kina Jojo at nahihiyang pumunta dito," sabay abot ni Lola Fe sa kanya ng pinggan na may spaghetti, lumpiang gulay at sandwich.

"Okey po, 'La," aniya at kinuha na niya dito ang pinggan.

Nagpaalam muna siya kay Theo upang pumunta kina Jojo. Naglakad lang siya papunta doon dahil malapit lang naman. Pagkabigay niya kay Jojo ng pagkain ay umalis na rin siya. Pabalik na siya nang bahay nila nang makita niya ang malaking bato na nasa dagat. Napatigil siya sa paglalakad at may lungkot na pinagmasdan ang batong iyon. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng kalungkutan ng sandaling iyon.

"Aquano..." Kusang lumabas iyon sa kanyang bibig. Pabulong lamang ngunit punung-puno ng emosyon. Hindi na napigilan ni Andru ang pagpatak ng kanyang luha.

Maraming alaala nila ni Aquano ang biglang nagbalik sa kanyang isipan. Iyong iniligtas siya nito hanggang sa dinalhan at pinakain niya ito ng kung anu-anong pagkain. At nang magkaroon ito ng paa. Napakasaya nila noon. Napakarami nilang alaala na binuo.

Pinahid ni Andru ng kanyang palad ang luha sa mata niya. Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti. "Atleast, kahit na sa maikling panahon lang kita nakasama ay marami akong masasaya at magagandang aalahanin sa'yo, Aquano. Tama ka nga, wala sa haba o tagal ng nagkasama tayo. Iyon ay nasa kung naging masaya ba tayo sa panahon na tayo ay nagkasama. Salamat, Aquano..." mahina niyang sabi.

Kinapa niya ang Obus sa bulsa sa kanyang pantalon. Palagi niya iyong dala upang manatiling buhay ang alaala ni Aquano. Inilabas niya iyon at tiningnan. Sa loob ng isang taon na nasa kanya iyon ay hindi niya iyon isinuot kahit minsan. Hindi niya alam pero nang oras na iyon ay isinuot niya ang kwintas na nagbibigay ng paa kay Aquano.

Labis siyang nagulat nang pagsuot niya ng Obus ay biglang nanginig ang kanyang mga binti. Nabuwal siya at napaupo sa buhangin. Nahihindik na napatingin siya sa kanyang paa. Nagliliwanag iyon at unti-unting nagdidikit! Tumindi ang liwanag at nang mawala iyon ay namangha siya nang makita niyang nagkaroon siya ng buntot ng isang sireno! Kulay orange iyon at makintab.

"S-sireno na ako?" hindi makapaniwalang bulalas ni Andru. Namamangha na iginalaw niya ang kanyang buntot.

Tiningnan at hinawakan niya ang Obus. Ibig sabihin ay ito ang epekto nito sa isang tao na magsusuot nito-magiging isang sirena o sireno.

Muli siyang napatingin sa dagat. "Siguro ay ito na ang pagkakataon para magkita tayong muli, Aquano. Kung noon, ikaw ang pumunta sa mundo ko... ngayon naman ay ako ang pupunta sa mundo mo..." aniya at hinubad na niya ang kanyang suot na damit at gumapang papunta sa tubig.

Nang nasa tubig na siya ay naglangoy na siya pailalim. Sumisid siya at labis siyang namangha nang malaman niyang nakakahinga at nakakapagsalita siya sa ilalim ng tubig.

Lumangoy siya nang lumangoy. Tuwang-tuwa siyang nakisabay sa paglalangoy ng makukulay na mga isda. Parang bata na naglaro siya sa mga corals doon. Nang mapagod na ay huminto muna siya.

"Paano ako makakapunta sa sa Aquatika kung hindi ko naman alam ang papunta doon?" aniya habang kakamot-kamot sa ulo.

'Bahala na nga!' At muli siyang lumangoy ng walang patutunguhan. Binilisan pa niya ang paglangoy at dahil sa bilis niya ay isang balyena ang kanyang nabangga.

"Mag-ingat ka naman, sireno!" inis na turan sa kanya ng balyena.

'Ha? Pati salita ng balyena ay naiintindihan ko! Cool!' Manghang sabi niya sa sarili.

"Naku, pasensiya ka na, balyena. Nagmamadali kasi ako..." paghingi niya ng paumanhin dito.

Inirapan lang siya nito. "Sa susunod kasi, magdahan-dahan ka!"

Naisip ni Andru na tanungin ang naturang balyena tungkol sa Aquatika. "Ako nga pala si Andru. Hinahanap ko kasi ang Aquatika. Alam mo ba kung paano ang papunta doon?"

"Andru? Palagi kong naririnig ang pangalan na iyan kay Aquano! Pero ang tinutukoy niyang Andru ay isang taga-lupa at walang buntot na tulad mo-"

"Kilala mo si Aquano?" Nanlalaki ang mga mata na tanong niya.

"Oo! Kaibigan ko siya, eh."

"Kung ganoon, nasaan siya?"

"Nasa Aquatika. Teka, sino ka ba?"

"A-ako ang Andru na sinasabi niya sa iyo. Ako ang taong iyon! Naging sireno lang ako dahil dito sa Obus!"

"Ang Obus!" bulalas ng balyena.

"Parang awa mo na balyena. Dalhin mo ako kay Aquano. Gustung-gusto ko na siyang makita..."

Napansin niya ang biglang paglungkot ng balyena. "Hindi yata maaari ang iyong nais, taga-lupa. Matagal nang bihag ni Reyna Amafura si Aquano kasama ang kanyang ina at ama..." anito.

"A-ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Andru.

"Halos isang taon na ang nakakaraan nang magkasakit ang Haring Pirano at Reyna Alona, sila ang magulang ni Andru. Sinamantala ni Reyna Amafura ang pagkakataong iyon. Pinakita niya sa mamamayan ng Aquatika na hindi na kayang mamuno ng hari at reyna. Sa boto na rin ng mga sireno at sirena at dahil wala si Andru ay siya na ang namuno sa buong Aquatika. Inutusan ako ni Reyna Amafura na pabalikin si Aquano sa Aquatika. Sinabi niya na kapag hindi ko iyon nagawa ay papatayin niya ang aking ina. Sa takot ko ay nagsinungaling ako kay Aquano. Sinabi kong may sakit ang mga magulang niya. Bumalik siya sa Aquatika pero ikinulong lang siya ni Reyna Amafura kasama nina Haring Pirano at Reyna Alona..." mahabang kwento ng balyena.

Muling napaiyak si Andru sa nalaman. Hindi pala sinadya ni Aquano na hindi bumalik. Kaya pala hindi ito makabalik ay dahil nakakulong ito sa Aquatika.

"Balyena, pwede mo ba akong dalhin kay Aquano?" pakiusap niya.

"Tawagin mo na lang akong 'Tabalon'. Ngunit para ano?"

"Ililigtas ko siya, Tabalon. Pati na rin ang ama at ina niya."

"Ngunit mapanganib, Andru. Malupit si Reyna Amafura. Lahat nga ng sireno at sirena sa Aquatika ay nagsisisi dahil sa pagtalaga nila dito bilang bagang mamumuno. Malupit ito at walang puso!"

"Wala akong pakialam! Ililigtas ko siya..."

Natigilan si Tabalon at matiim na tiningnan siya. Maya maya ay huminga ito ng malalim. "Sige... Sasamahan kita sa Aquatika. At hindi lang basta sasamahan dahil tutulungan kita sa balak mong iligtas si Aquano!"

Sa labis na tuwa ni Andru ay nayakap niya sa Tabalon. "Thank you, Tabalon! Thank you! Thank you!" aniya pa.

"You're welcome, Andru!"

Nakakunot ang noo na napatingin siya kay Tabalon. "Ha? Paano mo nalaman ang salitang iyon?" tanong niya.

"Itinuro sa akin ni Aquano. Lets go?" sabay kindat pa sa kanya ng balyena.

-----***-----

"ANG tawag sa hawak na baston ni Reyna Amafura ay 'Talea'. Doon nanggagaling ang kanyang kapangyarihan. Noon ay si Haring Pirano ang may-ari niyon... Ang Talea ang lamang ang makakapagbukas sa kulungan ni Aquano..." sabi sa kanya ni Tabalon.

Nasa malaking bulwagan sila sa kaharian ng Aquatika. Pasimple nilang tinitingnan si Reyna Amafura habang taas noong nakaupo ito sa trono nito.

"Kung ganoon, kailangan nating makuha sa Amafura na iyan ang Talea."

"Sigurado ka?"

"Eh, 'di ba, ang sabi mo iyon lang ang makakapagbukas sa kulungan ni Aquano. Kaya kukunin natin iyon."

"Pero paano?"

Nag-isip sandali si Andru. Maya maya ay ibinulong niya kay Tabalon ang kanyang naiisip na plano.

"Waaah! Ayoko! Baka mapahamak ako!" tutol agad ni Tabalon matapos niya itong bulungan.

"Ano ka ba naman, Tabalon? Ikaw lang ang pwedeng gumawa ng sinabi ko sa'yo. Ang laki-laki mo pero duwag ka! Saka para naman ito kay Aquano, sa magulang niya at sa buong Aquatika. Gagawin natin ito para maibalik kina Haring Pirano at Reyna Alona ang pamumuno dito!" giit ni Andru.

Natahimik si Tabalon. Tila nag-iisip. Tumingin ito sa kanya at tumango. "S-sige na nga. Para kay Aquano at sa Aquatika!"

"Para kay Aquano at sa Aquatika!" ulit pa niya. "Sige na, humanda ka na, Tabalon. Kapag tinapik kita sa palikpik mo ay alam mo na ang gagawin mo, ha?"

"Sige..." ramdam pa rin ni Andru ang kaba sa boses ni Tabalon. Pero walang mangyayari kung paghahariin nito nag takot. Kailangan na nilang kumilos bago pa mahuli ang lahat.

Pumwesto na si Tabalon paharap kay Amafura. "Mag-iingat ka, Tabalon," paalala niya dito na sinagot lang nito nang tango.

Nang tapikin niya sa palikpik si Tabalon ay bumwelo na ito at mabilis na lumangoy papunta sa kinaroroonan ni Amafura. Habang siya ay nakasunod naman dito. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Amafura nang makita nitong tinutumbok ni Tabalon ang kinaroroonan nito. Mas binilisan pa ni Tabalon ang paglangoy at nang makalapit na ito sa target nila ay bigla nitong dinaganan si Amafura. Nawasak ang trono nito at nabitiwan nito ang Talea.

"Ano ba, Tabalon?! Umalis ka sa aking ibabaw! Humanda ka sa aking balyena ka!" Galit na galit ni Amafura na sa laki ni Tabalon ay tanging ulo lang nito ang nakaligtas sa pagdagan dito ng balyena.

"Andru, ang Talea! Madali!" sigaw ni Tabalon sa kanya.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Andru, agad niyang kinuha ang Talea. "Saan ko pupuntahan si Aquano?"

"Diretsuhin mo ang daan sa iyong kaliwa! Bilisan mo!"

"Salamat!" at lumangoy na siya sa daang sinabi nito.

"Traydor ka, Tabalon! Humanda ka s akin!!!" narinig pa niyang sigaw ni Amafura.

Lumangoy nang lumangoy si Andru. May kasiyahan sa kanyang puso dahil malapit na niyang makitang muli si Aquano. Nang marating niya ang dulo ay may nakita siya doong kulungan na ang rehas ay yari sa matitibay na bato. Hindi niya maiwasan ang hindi maiyak nang makita niya si Aquano na nakahiga sa buhangin katabi ang ama at ina nito. Tila tulog ang tatlo. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Napansin rin niya na namayat si Aquano. Hindi na ito tulad ng dati na puno ng muscles ang katawan.

Lumapit siya sa kulungan. "Aquano..." tawag niya dito.

Agad na nagising si Aquano at nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Gad itong lumangoy palapit sa kanya. "A-andru!" naiiyak na bulalas nito.

Hindi nila alintana ang rehas na pumapagitan sa kanilang dalawa. Ang nais lang nila ay mapagmasdan ang mukha ng bawat isa na kaytagal nilang hindi nakita.

"'Andito na ako, Aquano. Ililigtas kita!" Mas bumilis ang pagbalong ng kanyang luha. Hinaplos niya ang pisngi nito at ganoon din ang ginawa nito sa kanya.

"Sabihin mong totoo ang lahat ng ito, Andru? Sabihin mo sa akin na hindi ito isang panaginip lamang..."

"Totoo ito, Aquano... Naging sireno ako dahil sa Obus! Mabuti na lamang at nakita ko si Tabalon. Siya ang nagsabi sa akin ng nangyari sa'yo. Akala ko ay iniwan mo na ako, Aquano. Akala ko ay hindi na tayo magkikita pa!"

"Patawarin mo ako, Andru. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na bumalik sa piling mo..."

Maya maya ay nakita niyang lumapit sa kanila ang ama at ina ni Aquano.

"Sino siya, Aquano?" tanong ng ama nito na sigurado siyang si Haring Pirano.

"Amang Hari, Inang Reyna... Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo si Andru-ang taga-lupang nagpatibok sa king puso. Siya ang dahilan ng pagsuway ko sa inyo noon at pagkuha ng Obus," pagpapakilala ni Andru sa kanya sa mga magulang nito.

Bahagyang yumukod si Andru. "Ikinagagalak ko po kayong makilala."

"Ikaw pala ang madalas na ikweto sa amin ng aming anak... Palagi niyang sinasabi sa amin kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa. Pero bakit may buntot siya?" tanong ni Reyna Alona.

"Dahil iyon sa Obus, Inang Reyna..."

"Ang mabuti pa ay mamaya na tayo mag-usap," ani Andru. Tumingin siya kay Haring Pirano at inabot dito ang Talea. "Sa tulong po ni Tabalon ay nakuha ko ang Talea, Haring Pirano. Heto na po... Makakalaya na kayo mula kay Amafura."

Agad na kinuha sa kanya ni Haring Pirano ang Talea. "Maraming salamat, Andru. Tunay nga ang sinabi ni Aquano na hindi lahat ng tao ay masama. Napakabuti mo!" anito pa sa kanya.

Magsasalita pa sana si Andru nang may biglang humablot sa kanyang buhok mula sa kanya likuran.

"Isa ka palang taga-lupa! Hindi ako makakapayag na magtagumpay ka!" Si Amafura pala. Iniikot nito ang braso nito sa kanyang leeg para hindi siya makagalaw.

"A-ano ba?! Bitiwan mo ako!" aniya.

"Hindi ako tanga para gawin iyon! Mabuti na lamang at nakatakas ako sa balyenang iyon!"

"Pakawalan mo siya, Aer Amafura!" sigaw naman ni Aquano.

Biglang hinawakan ni Amafura ang Obus na suot niya. "Papakawalan ko lamang ang taga-lupang ito kung ibabalik niyo sa akin ang Talea!"

"Hinding-hindi na ako makakapayag na mapasaiyong muli ang Talea, Amafura!" sigaw ni haring Pirano.

"Sige, 'wag niyong ibigay sa akin! Sisirain ko ang Obus na suot ng taong ito! Tingnan ko lang kung kaya niyong makita na unti-unting nawawalan ng hininga ang taong ito!" at malakas na tumawa si Amafura.

Nababahala na nagkatinginan sila ni Aquano.

ITUTULOY!

SUSUNOD NA ANG HULING KABANATA! ABANGAN ANG PAGTATAPOS!

Continue Reading

You'll Also Like

34.1K 2.2K 64
Pangako.....gaano mo ba katagal mapapangatawanan ito? Dalawang pangako, Dalawang pag-ibig. Dalawang pangakong isinilid sa dalawang boteng babasagin...
100K 1.7K 39
Sa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay...
23.9K 957 9
(Sin #1) "I've committed the deadliest sin. Will Lord ever forgive me?"
130K 1.3K 11
Ako yung maingay na tao... Siya ang tahimik... Ako yung makalat... Siya ang masinop... Ako ang nakulit... Siya ang seryoso... Nahirap ako...