A Forbidden Affair (Guieco Cl...

By LovieNot

40.2K 1.9K 258

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... More

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION
CHAPTER 33- FORBIDDEN LOVE
CHAPTER 34- FIGHT FOR LOVE
CHAPTER 35- WRONG TIMING
CHAPTER 36- OBSESSION
CHAPTER 37- HER LETTER

CHAPTER 13- SYNTAX ERROR

678 48 7
By LovieNot

I leaned against the mahogany tree as its leaves gently fell to the ground, with my notepad in hand, just sitting on one of the benches.

I simply wanted to reflect on the events that have unfolded in my life over the past 11 years.

I couldn't help but wonder, had I told Ash back then that I had feelings for him, would he still have pursued Percy? If I had confessed my emotions, revealing more than just friendship, could we have arrived at a point where secret meetings, hidden affections, and covert flirting became our reality?

I shook my head in frustration. Why are these thoughts plaguing my mind?

So, what am I to Ash now? We've both confessed our love for each other, yet we remain apart.

What if I hadn't pressured him to choose Percy? What if I had allowed him to choose me of his own accord?

Our situation is incredibly complicated. No official labels, but the feelings between us are crystal clear. We can't have labels due to the complexity of our circumstances.

It's a mess.

Sabi nila, mahihirapan ka lang naman daw kapag palagi mong sinasalungat ang takbo ng buhay o kaya ang gusto ng tadhana. Kaya ba ako nahihirapan dahil sinasalungat ko ang kapalaran naming tatlo?

"Marci!" biglang sigaw ni Kenshane  sa likuran ko.

"Haduf! You scared me! Bakit ba nang gugulat ka?" naaasar kong saad. 

Tumawa lang ang bruha. "Ang seryoso mo na naman, ah? Si Percy ay nakauwi na pala, hinahanap ka kanina."

"Really? Good to hear. Nasaan siya?" kaswal kong tanong

Akala ko ba na extend ang conference nila? Kung sabagay, mas mabuti na rin na nakauwi siya para makapagpahinga naman siya kahit papano. Masyadong workaholic, eh.

Kusang kumawala ang  aking marahas na singhap. Hindi ko alam kung bakit nanghihinayang ako sa isipang hindi na matutuloy ang pag e-stroll namin mamaya ng bossungit na iyon dahil nandito na ang nagmamay-ari talaga sa kaniya.

Well, 'di naman masakit, slight lang naman.

Talaga ba Marci? Hindi masakit?

Yeah, whatever. Nagtatanong pa, eh.

"Nasa flat ni Boss, papasok kasi siya ng magkita kami."

Bahagya naman akong natigilan.

Shit, bakit may kirot na naman akong nararamdaman?

"Gano'n ba?" Pinilit kong maging normal lang ang tono ko.

"Yeah." Pinakatitigan niya pa ako.

"Bakit?" alangang tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko.

She sighed and looked up before speaking, "There are things that really can't work, like they say, brought together but not destined. Loving each other, but at the end of the day, you'll still go your separate ways. Mismatched. Grammatically incorrect. Repelled. Syntax error. Many things happen like that."

Indeed, there really is no forever. Or maybe it's just us who don't have it.

"But Marci, there are also things that need a fight to become possible. Love is a debate. Rule number one: don't let competitors ruin your defense. Know and strengthen your stance. If it's wrong for them, then prove your points. If you feel like you're in a bad catch, then do your best to be in a good one."

Nakatulala lang ako kay Shane habang sinasabi ang mga iyon. Heto na naman at nag-transform na naman sa pagiging makata ang isang ito.

But she's right. Love is a debate. There are always two sides, the positive and the negative. Each person on both sides has their own moment and place to substantiate their arguments.

Wait! Major in Filipino nga pala ako, medyo nosebleed ako doon.

"What I am trying to say is... You are currently in a challenging debate with Percy. Your subject is Kuya Ashmer, and you're on the negative side while she's on the positive side. You have only a short time to prove yourselves. Now, the question is... How will you win this battle, knowing that you're on the negative side?"

Nilingon niya ako at pinakatitigan, hinihintay ang aking sagot .

Hindi ko na nga maitatago ang sitwasyon namin sa aming mga kasamahan, unti-unti na nilang napapansin, nalalaman at hindi magtatagal ay makakarating na din ito kay Percy.

Bahagya rin akong napatingala at nag-isip. Paano nga ba? Paano ko nga ba ipapanalo ang laban kung sa una palang ay nasa negatibong posisyon na ako?

Muli akong humigit ng malalim na hininga.

"You're right, Shane. Love is like a debate. Therefore, even if you're on the negative side, as long as you justify yourself, provide logical arguments, and stand firmly in your beliefs, you'll keep winning." I sighed, meeting her gaze. "One more thing, you should follow what your heart says, not what your mind thinks. Because at the end of the day, it's always the feelings that count, not the thoughts you have," I added.

Tama nga ba ang sinabi ko?  O baka... Puro salita lang ako pero hindi ko naman ginagawa dahil ang totoo, ayaw kong manalo sa larong ito dahil hindi ko rin naman magawang talonin si Percy.

I love Ash as much as Percy. Ang hirap mamili. Sobra.

Nagising ang diwa ko ng pumalakpak si Shane. Napangiwi na lang ako.

"Nice answer. Pang Miss Universe. Well, mauna na ako. Nasa DH na si Faller my loves, my honey, my hubby, my sweetie, my mercury, venus and earth, ang aking iniirog, iniibig, inaasam-asam tapos hindi naman ako mahal," tila kilig na kilig niya pang sambit.

Natawa na lang ako sa huling apat na salitang binitawan niya.  Haduf talaga! Believe din naman ako sa tatag ng loob ng isang ito eh.

"Saklap ng aking buhay pag-ibig, Marci. Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Nagkakamali ka! Pero nah! Whatever, akin lang si Faller, akin lang siya. Maharot nga ulit ang isang iyon."

"Zsss! Landi! Hindi ka ba napapagod?"

"Marci, baby, kapag mahal mo hinding-hindi ka mapapagod. Saka feeling ko talaga kaunting kembot na lang mailalayo ko na siya sa Eliza niya, eh."

"O siya, umalis ka na!"

"Ayaw mong sumama? Tara na sa DH, ang rinig ko ililibre tayong lahat ni Lovimer dahil siya na naman ang naka-duty sa kitchen. Hindi mababawasan ang allowance natin this day! Dali na!" aniya pa sabay hila sa akin.

Bakit ba ang hilig mangaladkad ng mga tao dito? Mga haduf talaga. Saka allowance? Zsss! Bata ba siya?

Pero totoo naman. Dahil kuripot ang founder ng GC ay hindi libre ang pagkain namin sa DH. Nagbabayad kami tuwing end of the month na. Ayos lang naman sa amin iyon. No problem.

No problem dahil si Boss naman ang nagbabayad ng sa 'kin. Stubborn ang isang iyon kaya hinahayaan ko na lang, mayaman naman siya, eh. Hindi ko alam kung alam ba iyon ni Percylla.

"Welcome to GC dinning hall mga ka-haduf! Enjoy your stay here! Laging pakakatandaan, si Lovimer ang pinakagwapong chief ng bayan!" mayabang pang saad ni Mer sabay kindat sa akin.

"Anong pauso 'yan?" nakangiwi ko pang tanong. Bakit kailangan may pa-welcome words dito?

"Well, uso ang introduction sa DH ng RAO eh. Tsaka 'yong name ng DH nila ay Churchi ba 'yon? Basta, 'di ba ang cool? Kaya naman meron din tayo. Haduf DH with your guwapong chief. What do you think, Crystal, my bes?" tanong niya pa sa kakapasok pa lang din na dalaga. Umismid pa muna ito bago nagsalita.

"Zsss! Guwapo? Saan banda? Manahimik ka nga! Huwag mo kaming igaya doon sa mga bulag mong fans na nagaguwapuhan kuno sa 'yo, 'no? Mas bet ko si Xandreik or Wyndel kaysa sa 'yo! Bakit ka nga ba nasali sa banda nina XJ?" supalpal sa kanya ni Crystal. 

"Akin si Xandreik!" singit ni Jeannie na loyal fan ni XJ.

"Aray ko naman mga bebe. Bakit ba guwapong-guwapo kayo kay XJ?  Ouch, di naman masakit, ah? Mas guwapo naman ako doon dahil ako ang unang iniluwal sa Mother Earth."

"Saan nga banda? Patingin." Bakas ang iritasyon sa tono ng pananalita ni Crys.

"Sa mukha, bessy, sa mukha. Saan pa ba? Di naman pwedeng sa puwet, 'di ba? Well, unless nakita mo na 'yong puwet ko," malokong saad ng isa. Haduf talaga.

"Puwet mo? Oo kitang-kita ko, ano pa nga bang kaibahan ng puwet mo sa mukha mo? Look a like, duh?"

Nagsihagalpakan naman ang mga agent na nandidito. Nailing na lang ako. Mga haduf talaga.

"Hoy, Crystal na hindi naman babasagin pero napakarupok din naman,  mas gwapo ako kaysa doon sa crush mo, 'no? Sino nga ulit 'yon, ah? JB?"

"JB?!" sabay-sabay naming tanong nina Kenshane.

Nakita kong namula naman si Crystal at umiwas ng tingin sa amin.  Hmmm... Smell something fishy.

"JB? You mean, si Sir JB?" usisa pa ni Gab na tila ba di makapaniwala.

"Huwag nga kayong maniwala sa abnormal na 'to! Paisyu ka lang talaga!"

"Totoo naman iyon 'no? Ang kaso nga ay hindi ikaw ang gusto niyon kundi si Marci Baby. Kawawa ka naman. Kawawa."

Napangiwi naman ako. Daot talaga ang lalaking ito. Kawawa rin ang magiging katadhana nito. Parang lahat ng bagay ay laro-laro lang sa kanya eh. Sana makatagpo siya ng babaeng mahilig ding makipaglaro.

"Tama," saad ko. Lahat sila ay napatingin sa akin.  "Tama ka Crys, paisyu nga ang isang ito," dugtong ko. Nagtawanan na naman.

"Saka, hoy! Lovimerienda time, 'yong niluluto mo, sunog na! Galaw-galaw, 'wag puro dada!" singhal ni Jeannie.

"Ay! Oo nga! Mga haduf kayo!" pabakla niya pang saad at nagkukumahog na pumasok sa kitchen.

Nagtawanan na naman kami. Minsan nakakawala rin ng stress ang lalaking iyon, eh.

"Mapapaaga ang registration natin nito sa Senior Citizen dahil sa kahadufan ni Lovimer. Ang sakit sa bagang," angil ni Crystal.

"Pero totoo nga, Crys? Crush mo si Sir JB, ah? Ikaw ha?" pang-aalaska naman ni Shane.

"Hindi, ah!" tanggi nito.

"Aminin, ang sinungaling tutubuan ng pigsa sa puwet," dagdag ni Gab.

"Hindi nga, kahit bulutong pa tumubo wala akong aaminin."

"Sabi mo 'yan, ah? Magpaparaya naman kasi si Kambal. Sanay 'yan magparaya. Hindi ba, Marciella?"

Pinanlakihan ko naman ng mata si Gab. Ang daldal talaga. "Ewan ko sa 'yo. Nasaan si Jin at hindi mo kasama?"

Umirap naman siya dahil sa tanong ko. "May date 'yon saka kailangan ba kasama ko siya palagi?"

"Hindi naman. Nagtatanong lang."

"Ay sina Boss, andiyan na," saad ni Jeannie saka nagsibalik na sila sa kanilang mga puwesto. Ayaw kasi ni Ash ng magulo kami rito.

"Good morning everyone, how's life?" masiglang bati ni Percy sa amin. Blooming pa rin ang dating nito kahit na kakarating pa lang galing sa mahabang business trip. "Good morning, Marciella, I missed you."

"I missed you too. Mabuti naman at nakabalik ka na."

"Ah, yeah. Nakaka-stress ang nagdaang linggo, eh. I needed to see Ashmer para mawala stress ko," pabiro niya pang saad. Pinigilan ko namang magpakita ng kahit anong emosyon sa aking mukha. "Dito na muna kami sa kabila."

Ngumiti lang ako sa kanila. Nasa kaharap ko na mesa sila naupo. Ramdam ko ang titig ni Ashmer pero binalewala ko lang iyon kasi the moment na sinalubong ko iyon ay mahihirapan na akong bawiin ang paningin ko sa kaniya.

"Uy, ayaw mo bang kumain? Kuha ka na ng pagkain doon," untag sa akin ni Shane.

"Wala akong ganang kumain. Ikaw lang naman itong nangangaladkad na lang bigla."

"You should eat."

"Parang ikaw may pagkain, ah? Nasaan na? Invisible ba?" natatawa kong saad.

"Well, unfortunately wala rin akong gana. Tingnan mo nga 'yong isa diyan, tutok na tutok sa cellphone. I know na ka-chat or text niya na naman si Eliza. Hindi naman maganda ang babaeng iyon. Mas sexy pa rin naman ako at matalino. Mas mabait siya sa akin pero hindi naman din ako maldita, sakto lang. Mabango siya pero mas mabango ako. Naku! Ang sakit sa tiyan ng babaeng iyon."

"Love is a debate," pang-aasar ko sa kaniya. Napairap naman siya.

"Iyon na nga, Marci. Nasa positive side naman ako, lumalaban naman ako. Ipinaglalaban ko naman siya pero bakit gano'n? Hindi ako manalo-nalo, kainis!" asik niya pero alam mo 'yong sakit at lungkot ay mababasa mo pa rin sa mga mata niya.

Napakatatag ng babaeng ito. Since then ay palagi na siyang nakabuntot kay Faller pero hanggang ngayon ay wala pa rin yata sa vocabulary niya ang salitang sumuko.

Napadaku ang tingin ko kay Ash na nakatitig kay Percy. Parang bata itong excited na nagkukwento.

Unlike me, pasuko na talaga.

"Mababait naman 'yong nakasama ko doon," rinig ko pang saad ni Percy.

"Kumakain ka naman ba nang maayos doon? Baka naman hindi."

"Minsan wala akong ganang kumain pero kapag nagte-text ka ay nagkakaroon na."

"Good. Sana naman this week ay makapagpahinga ka na muna."

"Ah, yeah, rest week ko ngayon 'no? Kapagod din. Saka  gusto kitang makasama kaya wala na muna akong ganap sa linggong ito."

Napayuko na lang ako at napasinghap dahil sa sinabing iyon ni Percylla. Masaya ako na magkakapagpahinga siya pero aaminin kong hindi ako masaya na makakasama niya si Ashmer sa loob ng isang linggo.

Hindi na pala ako masaya sa set-up namin na 'to. Kailan pa ako naging madamot sa oras at atensiyon ni Ashmer? Bakit biglang naging ganito ako?

"Eat. Huwag puro kalokohan ang iniisip mo," boses iyon ni Faller at naglapag din ng tray ng pagkain para kay Shane.

Lihim akong napangiti. Mabuti pa ang isang ito at mukhang may improvement na ang panlalandi.

"Ah, mauna na muna ako, ha? May aasikasuhin pa pala ako," saad ko at saka tumayo na.

"Bal! Where to?"

Nilingon ko naman si Gab. "Sa labas lang."

"Kumain ka na ba?"

Napasinghap na naman ako ng pasimple.
"Yeah," tipid kong sagot at tuluyan ng lumabas.

Buong araw ay nagkulong lang ako sa flat ko. Kumain, nagbasa at natulog. Pero kahit anong abala ko sa sarili ko ay pumapasok pa rin talaga sa isip ko ang taong ayoko ng isipan pa.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagpalit ng damit. Napatingin ako sa aking kama pagkuwa'y napakuyom at napapikit na lang habang pilit na itinataboy ang ala-alang hindi ko na dapat inaalala pa.

Ang nangyari sa amin? Wala lang 'yon. Tama Marci, wala lang 'yon. Get over it.

Lumabas ako ng flat. Hapon na rin pala.

"Marciella."

Agad naman akong napalingon at napasinghap ng makita kung  sino ang tumawag sa akin..

"Ash, yes?" Feeling ko ay naging slow motion pa ang ginawa niyang paglapit sa akin. "Ash? Why? Magsalita ka nga," natatawa ko pang saad. Nakatitig lang kasi siya sa akin.

"I think... nagkamali tayo."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Pero nang maintindihan ko kung ano ang punto niya ay tumango na lang ako.

"Yeah, tama ka. Nagkamali nga tayo pero kaya pa namang itama ang lahat, Ash."

Siya naman ang napatango. "I'm sorry pero kagaya mo ay hindi ko rin pala kayang saktan si Percy."

Pero ako ay kaya mong saktan... na naman. But it's fine Ashmer, naiintindihan naman kita. Saka ito naman ang gusto ko.

"This is what I told you, Ash. Pero ayos lang. So, mauna na ako." Pagkasabi ko niyon ay walang lingong-likod na iniwan ko siya.

Ininda ko ang pakiramdam na namamayani sa sistema ko. Naglakad ako papuntang Practice Room. Naabutan ko pa si Xandria na nakikipagtuos sa mga punching bags.

"Oh? Did you end up here?" she inquired.

"I just wanted to break a sweat."

"Or perhaps you're looking to relieve some stress."

"Maybe, do I look really stressed?"

"Well, because Shane mentioned you're so serious, it does seem like you're more stressed now. Any issues?"

"Nope, just a bit bored with life."

"Why don't you go out with guys? Have some fun. You're at the right age now. Your uncle and aunt won't stop you anymore. Life is too short, Marciella; you should enjoy it."

I wish having fun was that simple. I wish being happy was that easy.

"Whatever, Dri. Dealing with guys is just a hassle."

"Really? Or is it because you just want to date one guy."

She playfully teased me, and I laughed it off.

"I don't want to date anyone, okay? Geez! You're just stressing me out even more."

"Alright, alright. Your turn then."

Nang makalabas si Xandria ay sinimulan ko na ring makipagtuos sa punching bags.

Ibinuhos ko ang lahat ng hinanakit at sakit na nararamdaman ko sa bawat suntok na pinapakawalan ko. Hindi ko alintana kung ilang minuto o oras akong nagsusuntok lang. Nang makaramdam ako ng pagod ay tumigil na rin ako.

Pagkalabas ko sa PR ay nakita ko naman sina Percy and Ashmer na naglalakad-lakad lang sa Field. Magkahawak kamay at mukhang nag-aasaran pa. Kahit saang anggulo tingnan ay bagay na bagay silang dalawa.

Ngayon mo sabihin Marciella na hindi masakit. Yeah, hindi lang masakit, masakit na masakit.

Napasinghap na lang ako at iniwasang makita nila. Ayaw kong maging intruder sa moment nila. Dumaan lang ako ng flat ko at nagpalit ng sports bra at short. Sinapawan ko iyon ng towel at dumiretso na sa pool.  Ang pool na pinagtapatan nila ng kanilang nararamdaman para sa isa't-isa at yong pool na...

"Nasa pool tayo, 'di ba?"

"Hmm. And then?"

"Paano kung may makakita sa atin dito at isumbong tayo kay Percy? Kahit wala akong ginagawang masama, madadamay at madadamay ako sa kalandian mo Ashmer Guieco!"

"The door is closed."

Iyong feeling na kapag nandiyan si Percy ay nagmumukha akong extra sa paningin ng mga kasamahan namin. Nagmumukha akong kontra-bida. Hindi talaga natin matatalo ang mga legal na girlfriend o asawa.

Naaawa ako sa sarili ko pero ginusto ko naman ito, eh. Wala akong karapatang mag reklamo dahil una sa lahat ay ako naman ang nagpumilit na si Percy ang piliin niya. Choice ko ang masaktan para sa kasiyahan ng kaibigan ko.

Tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa bughaw na tubig. Naupo ako at isinawsaw ang mga paa ko habang pinagmamasdan ang reflection ko doon.

Ako pa ba ang Marciella na may prinsipyong sinusunod? Ako pa ba ang Marciella na pinalaki at inalagaan ng mga magulang ko nang maayos?

Bakit feeling ko ay hindi na? Bakit feeling ko ay ang dumi at makasalanan na ako? I hate these feelings though... pero ito ang katotohanan.

Hindi na ako ang dating Marciella. Love, pain and sadness changed me a lot.

Tinanggal ko ang towel at tuluyang nagpalamon sa tubig. Parang gusto kong lunurin ang sarili ko para maalis ang kasalanang nagawa ko sa kaibigan ko at the same time ay para mawala na sa sistema ko si Ashmer. Para matapos na ang lahat ng ito.

Ayaw ko na. Tama na. Suko na ako. Hindi ako kasing tatag ni Shane na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinusukuan si Faller o kaya ay kasing swerte ni Kenya dahil after ng matinding heartbreak niya ay agad siyang nakatagpo ng lalaking para talaga sa kanya.

Naramdaman kong nahihirapan na akong humiga at lumalabo na rin ang paningin ko. Sunod-sunod na nagsibalik sa kukuti ko ang masasakit na nangyari sa buhay ko.

Bigla na lang nagsibalikan sa aking ala-ala ang lahat. Iyong araw na feeling ko ay ni-reject niya ako. Iyong gabing nasaksihan ko kung paano naging sila. Mga taon na pinilit kong magparaya at maging masaya para sa kanila. Ang huling gabi na makasama siya. Ang araw na ipinagkaloob ko ang sarili ko sa kanya...

I am so stupid for giving up my everything to him. Pero bakit gano'n? Bakit wala akong maramdamang pagsisisi sa bagay na iyon?

"I love you, Ell."

Iyon na lang ang paulit-ulit na naririnig ko sa aking isipan dahil tuluyan ng nilamon ng dilim ang sistema ko.

Help me, help me, help me get over you.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 106 6
Saying "Goodbye" means hurting someones heart but it give a chance to someone to be happy :) Kilalanin natin si Ivan. Isang masungit na tao pero simu...
1.9K 91 17
Averina Perez hopes for the attention and love of Logan Bustamante. The basketball team captain and heartthrob of the engineering department. Her hig...
515K 12.5K 29
Status: Completed Posted: February 2, 2019 - February 27, 2020 Your enemy become lover? Matinding kalaban sa katalinuhan pero bobo naman sa pag-ibig...