Living with my Enemies (Boys...

By deuxauteurs

2.4M 65.8K 7.7K

[Finished] [Under Revision] Four girls and four boys na hindi mag kasundo.. Na walang ibang ginawa kung h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter [2]
Chapter [3] - "Sleep Over"
Chapter [4] - "Truth or Dare"
Chapter [5] - "Meet The Boys"
Chapter [6] - " Ipis "
Chapter [7] - "School"
Chapter [8] - "Ms.Sungit and Mr. Yabang"
Chapter [9] - "Knight Shining Armor"
Chapter [10] - "Pat and Pat" (AMALAYER day?)
Chapter [11] -"Princess and Prince"
Chapter [12] - "Thanks GOD It's Friday"
Chapter [13] - "Saturday Malling"
Chapter [14] - "Stalker"
Chapter [15] - "Boys VS Girls"
Chapter [16] - "Church"
Chapter [17] - "War"
Chapter [18 Part 1] - "Ground Floor/Library"
Chapter [18 Part 2] - " Canteen/Classroom"
Chapter [19] - "Parking Lot part 1"
Chapter [20] - "Parking Lot part 2"
Chapter [21] - "Principal Office"
Chapter [22] - "War nanaman?"
Chapter [23] - "They Know The Principal"
Chapter [24] - "Childhood Bestfriends"
Chapter [25] - "Living with them"
Chapter [26] - "Grocery" (Max and Matthew's Pov) [ONLY]
Chapter [27] - "Forehead kiss" (Patrick and Patty's Pov)
Chapter [28] - "Jeepney"
Chapter [29] - "Real or Fake?"
Chapter [30] - "Selos?"
Chapter [31] - "Bike/Knock-Knock/Mind Reader/Bubble Gum"
Chapter [32] - "The Ex is Back o.O"
Chapter [33] - "Secret Mission"
Chapter [34] - "Concern Sila Eh"
Chapter [35] - "Mahal naman pala eh."
Chapter [36] - "Forgiveness"
Who wants to be?
Note!
Chapter [37] - "The Contest"
Chapter [38] - "Intrams (part1)"
Chapter [39] - "Intrams (part2)"
Chapter [40] - "Intrams(part3)"
Chapter [41] - "Untitled"
Chapter [42] - "OTW"
Please Read
Chapter [43] - "At the Beach"
Chapter [44] - "Expectations leads to disapointments"
Chapter [45] - "Heartache"
Chapter [46] - "Fallin' for you"
Chapter [47] - "I've decided"
Chapter [48] - "Basta I love you.."
Special Chapter - James' POV
Special Chapter - "QueenJP"
PARA SA AYAW NG STORY NA TO.
Chapter [49] - "Horror?"
Chapter [50] - "Denied"
Chapter [51] - Max's... Confession?
NOTE
Chapter [52] - "She had tears"
Chapter [53] - "The Bad boy returns"
Chapter [54] - "Bad boy VS Mr. Epal"
Chapter [55] - "The Aches, and Their Hearts"
Chapter [56] - "A new Beginning"
Chapter [57] - "Patrick is sick"
Author's NOTE
Author's Note
Chapter [58] - "She needs me"
Chapter [59] - "The Start"
Chapter [60] - "Unfamiliar Feeling"
Chapter [61] - "A day with her"
Chapter [63] - "A boring week of Patty"
Chapter [64] - "The Confession"
Chapter [65] - "Boss Babe"
Chapter [66] - "The Jealous Patty"
Chapter [67] - "Patty's Story"
Chapter [68] - "Reconciliation"
Chapter [69] - "Huwag ng ipilit"
Chapter [70] - "Happy Hearts"
Epilogue

Chapter [62] - "Confused"

450 18 30
By deuxauteurs

Patty and Patrick in the photo!

---






Patty's POV



"Patrick bilisan mo naman!" Sabi ko sa kanya na pabagal bagal bumaba ng sasakyan. Kung pwede lang iwan 'to iniwan ko na 'to! Kaso nahihiya akong ako lang papasok mag isa, mamaya sigawan ako bigla ng prof namin. Hindi pwede yun no! Gusto ko mapahiya rin si Starfish



"Bakit ka ba nagmamadali, eh late ka na rin naman" Sabi niya paglabas ng sasakyan. Tinignan ko ang wristwatch ko. 7:58 na. Tsk!


"Oh diba? Wag na tayo pumasok sa first period, mabuti pa mag almusal na lang tayo sa canteen" Sabi niya at nagsimula ng maglakad. Ano ba yan, may point siya!


Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa canteen. "Pag yun si Miss nag biglaang pa quiz after discussion, ikaw sisisihin ko ah!" Sabi ko, tinawanan niya lang ang banta ko.



"Ate, fries and spag nga para sa napakagwapong ako. Ikaw Pating?" Sabi niya sa tapat ng counter, sabay tingin sakin. I just rolled my eyes.


"Cordon bleu, and iced tea Miss" Sabi ko at tumalikod na para maghanap ng upuan


"Hoy Pating! Bayad mo!" Sigaw ni Patrick.


"Ikaw magbayad, schedule mo ngayon diba? Di ka nagluto eh" Sabi ko at naupo


"Duga" Bulong niya.


Makalipas ang ilang minuto naupo na si Patrick sa tapat ko at binigay sakin ang order ko, "Here's your order madame!" Masiglang sabi niya


"Kanina ka pa! Wag ka ngang ngumingiti, ayokong masaya ka" sabi ko sabay irap sa kanya.


"Okay madame!" Nakangiting sagot niya. Nabibwisit ako ah!


Nagsimula na kaming kumain, infairness, ang tahimik naming dalawa ngayon. Pero tuluyang nabasag ang katahimikan ng may biglang sumulpot.


"Patty?" Sabi ng isang lalaki, pag lingon ko ay si Seth.


"Seth? Ikaw pala" Agad akong nag punas ng tissue sa bibig ko. "Anong ginagawa mo dito?"


Si Seth ay kababata ko since grade 1 ako, naging mag schoolmate kami mula grade 1 hanggang 6. Well, we're not really close. I don't really like guys since iniwan ako ng dad ko. Pero idk what's up with him bakit kung makipag usap sakin ay akala mo may pangako kaming mag friends kami to infinity and beyond. Pero syempre ayaw kong masamain, wala naman ginagawang masama yung tao.


"Hinatid ko lang yung sister ko, dito kasi siya nags-school" Sabay smile niya sakin

"Oh! Si Almira?" tanong ko


"Yes" sabi niya sabay tingin sa wrist watch niya, "Need ko na pala umalis Patty, may class pa ako"


"Oki, ingat!" Sabi ko ng nakangiti


"See you around" Sabi niya bago tuluyang umalis, bumaling naman ako sa kasama ko dito na sinusundan ng tingin si Seth.


"Sino ba talaga yung Orangutan na yun?" Tanong ni Patrick


"Ah, childhood friend" Sabi ko at kumain na lang ulit


"And your boyfriend?" Tanong niya ng nakataas ang kilay


"Hindi, baka sayo" Sabi ko na lang, wala kong gana makipaglokohan dito


"As far as I remember, you don't like boys befor-"


"Til' now" Sabi ko sabay irap


"Okay, hanggang ngayon, how come he became your friend?" sabi niya at sumubo ng spag niya


"Sabi niya eh" Sabi ko sa kanya at kumain ulit


"Dahil lang sinabi niya? Tss. Kaya ka ba nagpayakap noon sa kanya nung nasa park kayo? Dahil sabi niya?" Nakabusangot na tanong ni Patrick na malayo ang tingin


Imbes sagutin ang tanong niya ay napatanong din ako "Paano mo nalaman?"


"Patty wag ka ngang bastos sagutin mo na lang yung tanong ko" Iritang sabi niya


"Nandun ka sa park nung gabing yun?" Tanong ko na hindi nagpapatinag


"Patty ang bastos mo. Bahala ka na nga" Tumayo siya pero hinablot ko siya para mapaupo ulit. Anong problema nito?


"Hindi niya sinabing mag yakap kami. Niyakap na lang niya ako nung nakita niyang hindi ako okay" Sagot ko sa tanong niya. Tumango naman siya nang hindi nakatingin sakin at ngumuso. "Tanong ko naman ang sasagutin mo, pinuntahan mo ba ako sa park nung gabing yun?"


Unti unti siyang tumango. "Bakit hindi mo ako nilapitan?" Tanong ko, mabilis siyang bumaling sakin ng magkasalubong ang kilay


"Bakit kita lalapitan eh may kayakapan ka! Ayoko namang istorbohin kayo!" Sigaw niya. Anong sinisigaw ng impaktong to


"Sana nilapitan mo ako, alam mo namang ikaw yung hinihintay ko!" Sabi ko


"Hindi ko alam! Lobat ako nung nag text ka, hindi ko alam na hinihintay mo ako. Nakita lang kita sa park dahil hinahanap kita. Anong oras na wala ka pa.. nag... aalala ako" pahina ng pahina ang boses niya habang nag iiwas ng tingin sakin


Natahimik na lang ako ng ilang saglit pero tumingin siya sakin ulit "Alam mo ba yun ha? Na nag aalala ako? Syempre hindi, kasama mo si seth-siritsit! Busy ka nun! Nakakainis ka Patty, aish! Ayoko na ngang naaalala yun eh!" Di ko na inintindi pinagsasabi niya.


I am pre-occupied on what happened that night.







Flashback




"Alis na po ako tita, ate Chelsea" sabi ko kala tita dahil anong oras na. Nag enjoy kami masyado ni ate Chelsea sa panonood.



"Hintayin mo na si Patrick, hija. Sabay na kayong umuwi" Sabi ni Tita.



"Ay hindi na po, pupuntahan ko pa po kasi si Mommy sa mall, birthday niya po ngayon eh" Sabi ko.



Tumili bigla si Tita, "OMG! OO NGA! Pakisabi sa Mom mo, happy birthday! I really miss her na talaga!"



Natawa naman ako kay Tita. Oo nga pala no. Childhood friends pala sila ni Mommy.


Ang dami pang naging bilin ni tita, at marami pa siyang gusto iparating kay Mommy bago ako tuluyang makaalis.


Naupo ako sa restaurant na pagkikitaan namin ni Mommy, and I am surprised na wala pa siya doon. Fine, I'll just wait for you Mom. You're always late. Ugh!


Mga 20 minutes na akong naghihintay when I decided to call Mom, but she rejected my call! What the hell? I sighed and texted her.


To: Mommy

Mom, I'm already here. Where are you?


Natigil ako sa pag c-cellphone ng may dumating na isang family sa katapat na table ko. I can't see the lady and the man seating in front of me kasi nakatalikod sila sa akin. But I can clearly see the old Man infront of them. Hey, Dad. I want to greet him but nah, I won't do that infront of his family. Hindi ko ipapahiya yung sarili ko. Hinding hindi.


I called Mommy for how many times to keep myself busy. And finally she answered her phone!


"Mom!" Sabi ko agad nung sinagot niya ang tawag. Ang dami ko gustong sabihin pero Mom lang ang lumabas sa bibig ko. Nagbblurred na rin ang paningin ko


"Hey sweetie, I'm sorry I can't come. Over time ako tonight, nakakainis yung boss ko! Ghaaad!" Sabi ni Mommy.


"But we need to celebrate your birthday" Mahinang sabi ko, pinipigilan ang sariling mag salita ng kung ano man.


"I know darling, but I'm really sorry. We still have meeting to do-Y-yeah I will-Baby magmi-meeting na kami" sabi ni mommy.


"But I miss you, Mom" Nabasag na ang boses ko.


"I know anak, and I miss you too, but I really have to go.. I'm sorry" Sabi niya.


"Mom-" naputol ang sasabihin ko ng pinatay niya na ang call. "I need you" bulong ko na lang sa sarili ko.


I sighed.


"Dad, I'll just go to washroom" Sabi nung babaeng nakatalikod sa harap ko. Tumango naman si daddy.. niya.


Inayos ko ang gamit ko para makaalis na ako dito, pero nahagip ko ang tingin ng magaling kong Ama. He looked at me straight in my eyes.


I picked up my things and went out of that restaurant.


Tears pooled my eyes... and I can't stop it from falling.




End of flashback






That night, I was so sad and broke. Binalot na naman ako ng pakiramdam ng pagiging mag isa. My mom was always busy with her work. I always take care of myself everytime I'm sick or something. Lagi siyang wala, but I can't hate her just because of that. Ayos lang. Kinaya ko naman. It pains me, but I understand.


Isa na yata sa pinakamahirap na parte ng buhay ay ang tanggapin at intindihin ang isang bagay kahit na makakasakit sa atin. Ang yakapin nang buong buo ang bagay na maaaring pumatay sa atin.


I sighed and shrugged.


"Patty... I'm here" Nagulat ako sa sinabi ni Patrick sa harap ko. Nakalimutan kong nandito nga pala siya. Naramdaman ko ang pag punas niya sa luha ko.


Hindi ko napansin na umiiyak na ako!


"I'm sorry kung wala ako nung gabing yun, but I promise, everytime na kailangan mo ako, lilipad ako papunta sayo" Sabi niya.


"Naalala mo nung sinabi ko dati, nung unang beses tayong magkita? Sa garden ng school?" Marahan niyang sabi habang hawak niya ang pisngi ko.


"I'm not superman, nor batman. But I can be your man, magpakailanman" sabi niya sabay ngiti.


Natawa ako ng bahagya. Naalala ko yun nung Amalayer day. Hinampas ko siya sa braso ngayon na ikinatawa niya.


"Punasan mo sipon mo, tumutulo na, hanggang luha lang kaya kong punasan eh, kadiri na pag sipon Patty" Asar niya pa.


Gago talaga 'to. Hindi na nagseryoso!








Patrick's POV



"Goodbye and thank you Mrs. Morales!" Rinig namin ni Patty na sigaw ng mga kaklase namin sa loob.


"Lalabas na si Mrs. Morales," Sabi ko kay Patty habang tinitignan si Ma'am sa bintana na mukhang palabas na. "Pasok dali!" Sabi ko agad ng humakbang palabas si Ma'am.


O diba, hindi kami nagtagpo. Tawa ako ng tawa sa mukha ni Patty ng makitang gulat siya sa pagkakatulak ko sa kanya papasok. Nagulat na lang ako ng hinampas niya ako sa likod. "Aray!"


"Muntik na akong madapa, nawawala poise ko!" Sigaw niya sabay diretso sa upuan niya.


"Hoy bakit ngayon lang kayo?" Max.


"Kaya nga, saan kayo galing? Juls


"Sana sinabi niyong magpapalate kayo para ako rin nag palate" Andrew. Bigla siyang hinampas ni Alex "Biro lang e"


"Wala dyan lang sa canteen, late na kami ng mga 30 minutes eh, kaya di na kami pumasok" Sabi ko sabay upo


Subject na ni Ms. Sanchez ngayon at mukhang wala pa rin siya. Sana hindi na siya pumasok, nakakatamad makinig!



Pero mukhang hindi ata ako malakas kay Lord nang biglang dumating si Miss Sanchez na nagpatahimik sa buong klase. Hay nako!


"Good morning class. Sorry I'm late, pinatawag ako sa office. Before we start our last lesson for this quarter, gusto ko lang sabihin sainyo na ifinalize niyo before Feb 13 lahat ng kakailanganin sa mga booths niyo. Kasi on Feb 12, ang magiging recollection niyo. Attendance is a must. Yun ang magiging clearance niyo sa akin. Alam kong malayo pa pero ayokong ma-hassle, kaya sinasabi ko na hanggat maaga pa. So yun lang. Let's proceed to our lesson"


Recollection, ano ginagawa dun? Pinapaiyak lang naman mga tao doon eh. Hay nako. Daming alam. Makaidlip na nga lang.









Nagising na lang ako ng magpaalam si Miss Sanchez sa buong klase. Kakaiba rin, hindi ako napansin ah. Hahaha.



Lumipas ang ilang oras hanggang sa marinig ko na ang pinaka aasam asam kong uwian. Agad agad akong nagligpit ng gamit kahit di pa nagdidismissed si panot. Kaya naman ng paglabas niya, ay ready to go na rin ako.



"Tara na, Patty" yaya ko kay Patty



"Anong tara na? May groupings ako no!" Sabi niya.


"Ano? Saan? Bakit?" Tanong ko ng sunod sunod


"Eh may groupings nga daw pare, wag ka ng sumali, makatanong ka hindi ka naman boyfriend" Pag-eepal ni Matthew. Kahit kailan to papansin talaga.


"Hindi talaga, ang pangit niyan eh" Sabi ni Patty. "May mali sa ginawang tally ng kagroup ka, need namin ulitin yung data analysis"


"Ah" Yun lang nasagot ko.


"Ge na babye" Sabi niya at umalis agad kasama ang mga kagrupo niya, napakamot ako ng ulo.


"Tara, Pat!" Sabi ni Prince sabay akbay sakin na tinanggal ko rin naman


"Saan naman?" Naupo na lang ako sa pagkakabwiset ko


"Shot, shot, shot" Sabi niya.



"Juls oh" Turo ko kay Juls na may kausap din naman na mukhang kagroup niya din


"Ays lang" Sagot niya mukhang ayos lang talaga. Cool.


"Eh si Andrew, Lex?" tanong ko kay Alex.


"K lang" sagot niya dahil mukhang busy pa siya sa laptop niya. Mukhang wala ring pake 'to sa boyfriend niya. Kawawang Andrew, wala kasing pakinabang.


Tumingin ako kay Matt at ngumiti, "Pass, may lakad kami ni Max" Sabi ni Matt.


"Meron?" Nagtatakang tanong ni Max, hinarap siya bigla ni Matthew. "Ay oo, meron"


"Problema niyo, mukha kayong tanga" sabi ko


"Wala sige bye" sagot nung dalawa at umalis na


"Yang dalawa nung nakaraan pa yan, may pinag-uusapan na di namin maintindihan" pagdaldal ni pareng Prince


"Ano kaya yun?" Nakahawak pa sa baba si Andrew na akala mo nag iisip.


"Wag ka na mag isip, hindi bagay" Sabi ko


"Gago!" Andrew.



Nandito kami ngayon kala Prince, nagjajamming sa kwarto niya. Si Prince ang may hawak ng gitara. Si Andrew naman ay nagb-beatbox. Ako naman? Tamang kain lang ng chichirya. Wala akong talent, wag na kayo magtaka.


"Hindi pa ba kayo ni Patty?" sabi ni Andrew



"Hindi, bakit magiging kami?" Sabi ko habang kumakain



"Wala lang, halata namang gusto mo siya, gusto ka niya, bakit ayaw niyo?"



"Gusto niya ako?" Napastraight ako sa pagkakaupo



"Oo naman halatang halata kaya, diba Prince?" Sabi ni Andrew



"Oo, gusto ka niyang patayin minsan" Prince



"Gago" sabi ko at irap, mga gwapo lang ang pwedeng umirap mehn.



Nagpatuloy lang sila sa ginagawa nila, at ako rin naman sa ginagawa ko. Gusto ko daw si Patty? Malay ko. Paano ba kasi malalaman pag gusto mo ang isang tao? Tangina, bakit kasi hindi pa ako nagkakagirlfriend. Tss.




Speaking of may girlfriend. Itong dalawa pala meron no?



"Hoy, paano ba malalaman pag gusto mo ang isang tao?" Tanong ko sa dalawa, nagkatinginan sila at sabay naningkit ang mga mata paharap sa akin. Parang kambal ampucha



Binitawan ni Prince ang gitara at iniwan naman ni Andrew ang beatbox. Lumapit sila sakin. Mukhang seryoso mga 'to ah.



"Ako, personally ah, hindi ko alam talaga. Basta ang alam ko lang para bang gumagaan ang pakiramdam mo pagkasama mo yung tao" Andrew


"Omsim pare, yung para bang hindi mo alam na panget na pala ang nangyayari dahil natatabunan ito ng kaligayahan na nararamdaman mo" Prince


"Yun bang gusto mo siya lagi kasama, at ayaw mo siyang makikitang malungkot"


"Ayaw mo siyang umiiyak dahil para kang pinapatay"


"Tama, yun bang hangga't maaari dapat nakangiti lang siya"


"At gagawin mo ang lahat ng magagawa mo mapangiti lang siya"



Nagtinginan yung dalawa. "Tangina mo para kang bakla" sabi ni Andrew sabay layo kay Prince



"Oh gago, sino kaya" Sabi ni Prince.



Nagtalo pa ang dalawang bakla. Hay nako. Ang korni ng mga 'to. Pero totoo kaya yun? Kasi kung ganon, ibig sabihin gusto ko na si Patty? Kasi ayaw ko siyang nasasaktan, ayaw kong nalulungkot siya, gusto ko siya lagi kasama. Aish erase erase! Parang sira naman!



"Alam mo Pat, kahit hindi mo sabihin nakikita namin na naguguluhan ka na. Pero hanggat maaga dapat alam mo na" Andrew


"Kaya nga, kasi baka maunahan ka pa ng iba. Ang sakit kaya sa dibdib pag nakita mong pwede siya mapunta sa iba" Nakasimangot na sabi ni Prince



Nanahimik na lang ako. Siguro nga dapat malaman ko talaga nararamdaman ko. Tss.



"Alam mo, magbasketball na lang tayo. Text mo na si Matthew, Pat. Sabihin mo 2v2"











Mga 6 pm umuwi na ako sa bahay at wala akong naabutan na Patty dun. Mukhang may problema nga sa research nila ah. Kung nagkamali ang data analysis nila, mukhang pati ang result and interpretation magbabago. Sayang naman pala yung pinagkaabalahan niya kagabi. Tsk tsk.


Kumuha na ako ng pwedeng mailuto sa ref at nagsimulang magluto, syempre. Alangan naman kainin ko agad, readers naman! Sa talino kong to, ano kala niyo sakin? Bale?


Nang matapos akong magluto at kumain, hinugasan ko na agad ang mga ginamit ko tsaka umakyat sa kwarto ko. 7:38 PM na pala wala pa rin si Patty. Tagal huh.


Nag online ako sa laptop para tignan kung nakaonline ba si Patty. Kaso hindi pala kami friends sa fb! Oh edi wag.


Nagstatus ako. Hindi ako pala status pero nabobored talaga ako.



よくわかりません



Marunong akong mag Japanese kasi ang lolo ko ay Hapon. Doon kami tumira sa kanya sa Japan dati hanggang mag grade 3 ako.


Wala pang 2 minutes ang dami agad nag like and love react. Umabot agad sa 49 in just a minute. Gwapo ko talaga.


Chelsea Franklin : Yoku wakarimasen? why?



Hindi ko na lang pinansin si Ate nang biglang magpop-out yung gc namin nila Matthew.



Habagat: May pa japanese pa ang gago

Pakboi: Ginoogle ko pa ampucha, minsan na lang magstatus alien words pa

Sama ng loob: You're confused, Pat? Bakit?




Si Matthew na lang may matinong tanong, pakiramdam ko pa kalokohan. Sineen ko na lang sila. Nagchat ulit si Matthew.



Sama ng loob: Try mo 'to para di ka maconfuse, mang chat ka dyan ng mga strangers, hanap ka kausap mo



Talk-hang app? Ano ba 'to? Gagong Matthew to. Masumbong nga kay Max sa susunod.



Binuksan ko yung site at nakita ang malaking logo na may tag line pa na...




Let's talk, then hang-out! TALK-HANG!



Nagsimula akong maghanap ng matinong makakausap. Cinlick ko ang love guru. Makahingi nga ng advice.



Rick: Love guru, may isang babae kasi akong pinoproblema ngayon


Rick ang nilagay kong name para hindi talaga


LG: Bago mo problemahin ang isang babae, isipin mo kung pinoproblema ka rin ba niya.



Tang----wala naman palang kwentang kausap to eh. Aish. Patience Patrick!




Rick: Hindi ko nga ho alam e. Naguguluhan ako, twing nakikita ko siya naiinis ako. Pero natutuwa ako pag siya naman ang naiinis. Pag wala siya, naiinis ako. Pag hindi ko siya nakakasama pakiramdam ko ang pangit ng mundo. Sakit ko na ata ang pang iinis sakanya. Normal lang ba yun na mainis ka pag wala yung taong naiinis mo? Kasi diba. Pakiramdam ko nasanay lang akong bwisitin siya, kaya ang boring pag wala siya. Basta love guru. Naiirita ako sa babaeng yon. Masyadong mabunganga.




Sinend ko ang pagkanda haba haba kong sinabi. Para akong hinihingal dito kahit di naman ako nagsasalita.



LG: Isa lang ang ibig sabihin niyan. In love ka sa taong yun!



Ano daw?




Rick: Ako inlove don?


LG: OO! Mukhang hindi ka matahimik lag wala siya, mukhang hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, walang duda yan kaTalk-Hang! Mahal mo nga siya!





Ano bang pinagsasabi neto?!




Rick: HINDI KO SIYA MAHAL. NAGMAMARUNONG KA PA DYAN HINDI KA NAMAN NAKAKATULONG. IREREPORT KO TONG SITE NIYO. PEKE KANG LOVE GURU KA!




Napatayo ako sa upuan ko sa sobrang badtrip tsaka dinuro duro ang laptop ko.




"HINDI SABI! SCAM KA! GUNGGONG KA!" Sigaw ko.




"ANO SUMAGOT KA? PAG NAKITA KITA SAPAKAN TAYO! SINUNGALING!"



Naubos yung energy ko kakasigaw sa laptop, tss. Inexit ko na lang at pinatay ang laptop ko. Nakakabwisit talaga!



Lumabas na ako at tumambay sa sala. Mukhang wala pa rin si Patty ah. Alas-otso na. Nagpout ako at sinubukang mag focus sa pinapanood.



Hays. Matext na nga lang si Patty.



To: Patty

Hoy. Uuwi ka pa ba?



After 16 minutes and 9 seconds nagreply naman siya.




From: Patty

Oo malamang!




Tss.




To: Patty

Dito ka ba kakain? Para alam ko kung magluluto ako!



After 10 minutes




From: Patty

Hindi na leche, kumain na kami, nanlibre yung classmate natin na si Wade. Oo nga pala, check mo nga yung paper dyan sa may sala naiwan ko. Papicturan tapos send mo sakin.




To: Patty

Sino si Wade?




Nagreply naman siya agad.



From: Patty

Kaklase nga natin. Dali send mo na




To: Patty

May kaklase ba tayong Wade?



From: Patty

Oo nga tangina! I-send mo na ng makauwi na ako!




Agad ko namang hinanap yung sinasabi niya para makauwi na rin siya, at agad kong sinend. Ba yan, sayang sa load kung dito ko sa text isesend yung picture. Sabihin ko kaya sa messenger? Para i add niya ako. He-he. Wag na nga. Tss! Sinend ko na lang pero hindi na siya nag reply.


Tinext ko ulit siya after 5 minutes.



To: Patty

Oh, nasend ko na ah! Di ka pa ba uuwi?



From: Patty
./.




Luh. Hay nako!





9:30 nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon agad ako at nakita si Patty.



"Hinatid ka ni Wade?" tanong ko agad




"Hindi! Bakit ako ihahatid nun, syempre yung jowa niya ihahatid niya" Sabi niya habang nagtatanggal ng sandals niya.


"Eh? Dapat tinext mo ako para nasundo kita, balak ko pa naman bumili ng ice cream sa labas"



"Sana nagkusa ka, diba" Sabay irap niya sa akin at dumiretso siya sa upuan para makinood.


Napatayo naman ako agad ng maalala ang sinabi ni Love Guru. Tinignan ako ni Patty ng nagtataka.



"Umalis ka nga Patty, doon ka manood sa library!" Sabi ko



"Ayoko, dito na lang ako. Papili ng movie ah" sabi niya


Inagaw ko naman agad yung remote. "Ano bang problema mo?" sigaw niya



"Umalis ka na, mabobored ka dyan, documentary yan, kailangan ko gawan ng reaction paper!" sigaw ko at lumayo pa lalo sa kanya



"Saang subject?" Nagtatakang tanong niya



"Basta! Alis na!" Sabi ko. Nagbugnot naman siya patayo tsaka binangga ako sa kinatatayuan ko.


"Damot!" sabi niya ng dumiretso sa taas at binalibag ang pinto niya. Whoooo!





Patty's POV



Pumasok ako sa kwarto at agad tinext si Alex.




To: Sungit

Alelelelex!! May reaction paper ba tayong assignment?



Wala pang isang minuto nagreply siya agad.



From: Sungit

Nah. Y?



To: Sungit

Ah, wala langggg!



Kita mo na yung Patrick na yun! Napakadamot lang talaga! Tss! Nakakainis talaga siya.



Maya maya nag ring ang phone ko at sinagot agad. "Mom?" bored kong sabi



"I miss you baby!" masiglang sabi niya



"Miss you too, mom" sabi ko habang pagod na tinignan ang cellphone ko tsaka ni loud-speak para makapagpalit na ako ng damit.



"You okay? Where are you?" Tanong niya


"I'm fine, I just got home from our research groupings. 'bout you?"


"Well, I got promoted!"


Nanlaki ang mata ko at nangiti, masaya para sa achievement ni mommy.


"Wow! Congrats, Mommy!"


"Thank you baby. Let's bond us soon pagbalik ko from our meeting. Out of town kasi yun eh" sabi niya.


"Sure mommy"


"Okay, you need to rest na. I love you!"


"I love you, mom" sabi ko at pinatay na ang tawag.


Nagtoothbrush na ako at nahiga.


Ito ang pinaka ayaw kong parte ng araw. Yung gabi kung saan bubuhos yung lahat ng iniisip mo. I am physically tired, pero mukhang go na go pa rin ang utak ko mag overthink. I sighed.


Napapaisip ako kanina sa sinabi ni Kimbelea, groupmate ko, girlfriend ni Wade na classmate namin.


"I thought you two are officially together! Halata kasi sayong gustong gusto mo siya"


Napasapo ako sa mukha ko. Gusto ko ba si Patrick? Hays. That's so impossible! Pero napapansin ng iba yun, how come na hindi ko alam?


Ang dami ko ng iniisip, at ang dami kong problema, may time pa ba akong mag overthink sa feelings ko kay Patrick? Ni-hindi ko na nga iniisip mga dapat kong maramdaman sa sobrang daming dapat gawin.


Tsaka wala akong panahon sa mga lalaki. Yan talaga ang itinatak ko sa isip since my dad left us. Pakiramdam ko iiwan din ako. I've seen my mom how broken and destroyed she is when my Dad left us. Matindi magmahal si Mommy.. O baka matindi lang talaga ang love.


Bata palang ako itinatak ko sa isip ko na I don't like to be my mommy. Ayokong maging siya. Ayokong maging mahina. Kaya pinangako ko sa sarili ko na I will never waste my life and time for someone. I am not capable of loving. I will never be.


Naramdaman kong pabigat na ng pabigat ang mata ko hanggang sa unti-unti ko ng naramdaman ang paghatak sa akin ng antok.












Mabilis na lumipas ang mga oras, at napansin ko na naman ang pagtapos ng klase sa araw ng Biyernes.


"Patty, para wala na tayong iisipin this weekend, baka pwedeng mag overnight tayo mamaya? Revision na lang naman ng 5 chapters. Sorry I know masyadong abala but I want to finish this as soon as possible" Sabi ni Carrie na nerd sa akin. Ito yung kaagaw ni Alex sa pagiging first dito sa room, and sa buong batch din. Kaya I understand if she really this pressured.


"Okay, no prob" sagot ko na lang at inayos na ang gamit ko. Lumingon ako sa likod para sabihin kay Patrick na hindi ako sasabay kaso pagtingin ko tulog ang panget. Kanina pa to tulog sa klase, di niya namalayan na uwian na.


Sinaway agad ako ni Matthew at inilingan. Tinignan ko sila Prince ng nakakunot ang noo ko, pero nagtawanan lang sila ni Matthew. Maya maya pa pinaalis ni Andrew mga kaklase ko ng tahimik para hindi magising si Patrick. Mukhang balak nilang iwan si Patrick dito mag isa. Mga siraulo talaga.


"Hiii Lexyyyy, hatid mo naman ako sa bahay!" Sabi ko ng nakasmile


"What?" Tanong niya


"Kay Patrick oh" Sabi ni Juls sabay turo sa classroom na pinagiwanan namin kay Patrick.


"Eh tulog eh, ayokong maging basag trip. Masabihan pa ako ng kj" Sabi ko at humarap kay Alex, "Sige na Alex, need ko kumuha ng damit, may overnight kami mamaya"


"Overnight para saan?" Max


"Research" Malungkot na sabi ko.


"Ah tapos na kami dyan e" Sabi nila. Huwa sanaooool!


"Lexy haaa" kulit ko kay Alex


"K"


Kay Alex ako nagpahatid kasi may lakad ulit si Matthew and Max, habang magrereview naman sa library sila Juls and Prince.


Nang papunta kami sa parking lot, tinext ko si Patrick na may overnight ako ngayon at mag order na lang siya dahil hindi ko siya mapagluluto. Yehey! Nakatakas!



To: Patrick

Hoy lalaki, hindi ako uuwi ah. May overnight kami kala Carrie the nerd. Magluto ka nalang dyan o kaya magpadeliver ka! Bye!



Sumakay na kami ni Alex sa kotse niya at umalis. Buti na lang andito si Alex.




"Sa bahay niyo ba talaga? O dun sa tinutuluyan mo ngayon?" Alex.


"Sa tinutuluyan ko syempre, nandun laptop ko!" sagot ko


"A'right, tss" Alex.



Hirap ng walang kotse. Buti na lang busilak ang puso ni Alex. Hmm... Pakuha ko na kaya kotse ko sa bahay sa driver namin? Kaso kasi pinagbawal ni Ms. Bianca sa parents namin na hanggat di kami nakakabalik sa bahay, walang mababalik samin na pag-aari namin. Kotse lang ni Patrick pinayagan niya, ang daya!


Habang on the way kami ni Alex sa ay naring ang phone ko. Tumatawag si Patrick the Starfish!


"Yes, why?" Mataray na sagot ko


"Bakit hindi ka uuwi?" Salubong niya agad


"May gagawin nga kami sa research!"


"Nasan ka ngayon?"


"Pauwi sa bahay"



Bigla nalang naputol ang tawag. Problema ng lalaki na yon? Siraulo talaga.










"Thank you, Lexy! Pagpalain ka nawa ng ating Diyos!" Sabi ko kay Alex nang makarating kami sa bahay. Tinawanan niya lang ako at bumaba na ako.


Agad akong dumiretso sa kusina para mag saing sa rice cooker, alam mo naman yung isa kong palamunin dito, reklamador!


Pagtapos kong maglagay ng bigas sa rice cooker, dumiretso ako sa kwarto at kumuha ng mga gamit. Nilagay ko rin sa bag ang laptop ko.



From: Carrie

Patty, 3 pm ha. Ingat.




Chineck ko ang oras. Omg! It's already 2! Agad agad akong bumaba at kinuha na ang bag ko. Sa aking pagbaba, nakita ko ang lalaking panget na naka-abang sa akin sa hagdan. Mukhang paakyat sana siya.



"Alis na ako ah!" Paalam ko at naglakad na pero hinarang niya ako.



"Anong aalis, teka Patty, paano ako? Sinong maglilinis ng pinagkainan ko?" Tanong niya



"Edi hugasan mo na lang muna, o kaya kung tamad ka hintayin mo pag uwi ko bukas, ako maghuhugas! Tabi nga!" sabi ko pero binlock na naman niya ang dadaanan ko.



"Eh paano yung kakainin ko?" Sabi niya



"Sabi ko diba mag order ka nalang! Babawi ako sa susunod!" Sabi ko at humakbang ulit pero hinarangan niya na naman



"Eh paano yung ano, kanin, oo. Paano yon?" Isa na lang mapapafacepalm na ako sa lalaking to.


"Jusko, Patrick ha! Hindi ko na kinakaya pinagsasabi mo! Yung kanin nasa rice cooker, sasandukin mo na lang!" Sabi ko na pagod na pagod na makipagtalo sa mokong na to!


"P-pero-" Haharangan na naman nya yung daanan ko kaya nagstep siya pa left, pero napansin ko agad yun kaya dumiretso ako sa right at nagtatatakbo. "PATTY!" Sigaw niya pero tumakbo pa rin ako



"Babawi akooooo! Babyeeee!" Sigaw ko pabalik. Hay kakapagod takasan yung panget na yon.


Pag labas ko ng subdi, agad akong pumara ng taxi. Whooo salamat at nakatakas ako! "Kuya sa Southville Village po" sabi ko at sumandal na para magpahinga.






Patrick's POV



Nandito ako sa sala habang nanonood mag isa.



"Yung babaeng yun talaga nakakainis" Sabi ko ng nakasimangot habang kinakausap ang aking sarili.


"Malamang tumatakas lang yun sa gawain niya eh, papahirapan ko yun sa next schedule niya"




Hay nako! Chineck ko ang orasan sa sala at nakitang mag f-4pm palang. Ano ba yan ang bagal ng oras!


Tinawagan ko si Andrew, syempre kahit nababadtrip ako sa ginawa nila sakin na pag iwan kanina sa room kailangan ko pa rin siyang tawagan para hingan ng reviewer. Syempre baka ginawan siya ni Alex no! Exam pa naman na sa Monday.


"Oh ano?" Sabi niya.


"Sendan mo nga ako reviewer!" Utos ko.


"Wala nga eh! Sabi ni Alex bukas kami magrereview"


"Mambugbog ka sa school, hingan mo ng reviewer mga nerd don"


"Bakit hindi ikaw, ikaw naiwan sa school kanina e" sabi niya sabay halakhak. Binabaan ko na lang siya. Walang kwenta kausap.



Tumayo ako at pinatay ang movie na pinapanood ko. Ano kaya magandang gawin? aAaaA!! So boring!!!!



I sighed. Kinuha ko ang walis at nag walis walis. Pagkatapos ay sinimulan kong mag mop. Napanguso ako sa ginagawa ko. Tama ba 'to?


Pati mga bintana ay pinunasan ko, ganon din ang ginawa ko sa mga TV at iba pang furnitures. Maya maya pa ay nagpunta ako sa garden at nagdilig. Ginupit ko rin ang mga panget sa garden at pinilit magmarunong! Iniba ko rin ang arrangement ng mga paso. Hay!


Tagaktak ang pawis ko ng matapos ako sa garden. Sinunod ko namang kinuha ang mga electrick fan at tinanggal ang mga takip nito para hugasan. Masyadong maalikabok! Pwe!


Nang matapos ako sa lahat ng maisip kong gawin ay nahiga ako sa sala. "Woooh Patrick, di ko akalaing kahit gwapo napapagod din" sabi ko sa sarili ko. Tinignan ko ang oras at nakitang magse-seven pm na. Napaka tagal ng oras mehn!


Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Patty.


"ANO?!" Muntik ng mabasag ang eardrums ko sa sigaw niya


"Nagugutom na ako!" Sabi ko sa kanya


"Mag luto ka hindi yung ako ang inaabala mo!" sabi niya at binaba ang tawag.


Aba napaka sungit talaga!


Mga kalahating oras pa akong tumulala sa sala, bago ako nagpasyang magluto. Naglalakad na ako papuntang kusina ng biglang may nag doorbell, kaya imbes na sa kusina ako dumiretso, ay pumunta ako sa main door.



Shakey's delivery boy ang nadatnan ko sa pinto. "Ay sir, good evening po" Iniabot niya sa akin agad yung pagkain. Teka hindi naman ako umorder ah?


Sino.. Teka.. Si Patty siguro! Alam niya siguro na wala akong makain dito kaya nagkusa na siya, pero ang dami neto ah! Pero atleast, mabuti naman at nagkukusa siya. "Maraming salamat boss!" sabi ko at isinara na ang pinto pero hinarangan niya ito.


"Uhh, sir. Yung bayad po?"


"Huh?" tanong ko. Mukhang di pa nagsisink in sakin mga nangyayari.


"1,896 po sir" Nanlaki ang mata ko!


PATTY!







Dumiretso ako sa kusina pagtapos kong bayaran. Tinatawagan ko ngayon si Patty habang kinakalkal yung order. Dalawang box ng pizza, isang platter ng lasagña at may mga manok pa na may mojos! Nag abala pa siya sa milkshake ha!


"Oh?" Sagot nya.


"Ang dami naman neto!" sigaw ko


"Tama yan para manahimik ka dyan!" Sabi niya. "Tsaka pwede ba, magpasalamat ka na nga lang!"


"Magpasalamat, eh pera ko pinambayad ko?!"


"Okay lang yan, sige na Patpat! May tinatapos kami tawag ka ng tawag! Tirhan mo ako lasagña ah!" Sigaw nya sabay baba ng tawag. Tss


9:00 nang nag desisyon akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko para ipamigay tong isang box ng pizza. Wala naman kasi kakain eh. Matatambak lang. Tsaka busog na busog na ako. Sinama ko na rin yung mga manok. Iniwan ko yung lasagña kasi sabi ni Patty tirhan daw siya.


Nang may nakita akong isang grupo ng mga batang nangangalakal, hindi na ako nag isip pang iabot ang dala dala ko. Nagpasalamat naman ang mga ito kaya nginitian ko sila.


Pabalik na sana ako sa subdivision ng makita ko si Max sa isang convenience store na may kasamang lalaki. Aaminin kong medyo gwapo naman ang lalaki. Pero mas gwapo ako. Pero kung ako si Matthew at may pumoporma sa girlfriend ko na ganyan, isa yang malaking threat sa relasyon namin! Teka. Napakunot ang noo ko. Ganitong oras may kasamang lalaki si Max? Alam ba ni Matthew to?


Naghintay ako ng ilang minuto at hinanda ko na ang sariling tawagan si Matthew pero nagulat ako nung bigla siyang dumating sa tabi nila Max.


Bahagya akong natawa. Kung andito si Patty sasabihin nun ang dumi ng isip ko!


Umuwi na lang ako para makapagpahinga na.








Kinabukasan, nagising ako ng alas-otso ng umaga para i-check kung nakauwi na ba si Patty. Pero ni kahit anong bakas ni Patty sa bahay wala talaga. Hays.


Nagluto na ako ng agahan para sa sarili ko. Chineck ko ang phone ko kung may message ba doon si Patty pero wala. Tulog pa siguro. Ano oras kaya sila natulog kagabi? Hindi ko na siya nagawang i-text pag uwi ko dahil tulog agad ako. At kung itetext ko naman, ano naman sasabihin ko? Tss.


Ah! Alam ko na.



To: Lia

Lia, alam mo ba address nila Carrie?




Agad naman siyang nag reply hindi pa nakakaisang minuto.


From: Lia

Kavillage namin siya, southville village, paglagpas ng playground, yung may wood gate. Why?




Hindi ko na siya nireplyan. Hinintay ko mag 11:00 nang mag pasya akong maligo dahil wala pa ring text sa akin si Patty.






Patty's POV




"Grabe ang late na natin magising!" Natatawang sabi ni Tina na kagroup ko.


"Paano ba naman kasi anong petsa na tayo nakatulog kagabi" Sabi ni Valerie


"Pasensya na kayo kung nahassle kayo ha, gusto ko lamg talaga matapos agad" Sabi naman ni Carrie


Hindi na lang ako kumibo at nag smile na lang sa kanina para kunwaring interesado ako, kahit ang totoo di naman kami close ng mga to. Pero okay lang naman sila, sadyang hindi lang talaga ako nagdadaldal sa mga hindi ko ka close. Chineck ko ang orasan sa kwarto ni Carrie, 11:18 na pala. Sobrang late na nga namin magising.


"Tara na at mag brunch na tayo!" Sabi ni Carrie


"Yun oh, tara na Patty!" Naeexcite na sabi ni Kimbelea


"Okay" I smiled.


Nag start na kaming mag brunch nang nagtatawanan sa dining. Nakikisali naman ako sa tawanan kasi sobrang funny ni Wade at Exeqiuel, ang witty ng mga banat eh. Hahaha.



Hindi namin napansin na lumipas na ang oras 12:30 na. Masyado ata kaming nadala.


"Ma'am, may tao po sa labas, matangkad at pogi" sabi ng isang yaya nila Carrie


"Po? Sino?" Tanong nito


"Patrick Franklin daw po eh" nagtinginan lahat ng mga ka-member ko sakin. Anong ginagawa nun dito?


"Papasukin niyo po" sabi ni Carrie


"Ayaw nga po Ma'am eh, may susunduin lang daw po siya, si Ms. Patty daw po" napafacepalm ako na literal. Hay nako Patrick Franklin! Grr!


"A-ah, excuse me" sabi ko at hindi na hinintay ang approval nila, agad agad akong dumiretso sa labas.



"Anong ginagawa mo dito aber?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napakunot ang noo niya.


"Sinusundo ka" Sabi niya.


"Paano mo nalaman na dito ang bahay nila Carrie?"


"Kay Lia" Biglang naningkit ang mata ko


"Magkasama kayo ni Lia buong araw kahapon?" Tanong ko.


"Hindi no! Tinext ko lang siya, mamaya ka na magtanong Patty, nagugutom na ko, gusto ko mag drive thru. Kaya kunin mo na ang gamit mo para makaalis na tayo" Sabi niya pero pinaningkitan ko lang lalo siya. Tss!


Pumasok na ulit ako sa loob ng bahay nila Carrie at dumiretso sa dining. "Carrie, pasensya ka na ah, sinusund-" Nanlaki ang mata niya.


"Patty okay lang. Okay lang talaga. Sige na ayos lang, pasensya na" Sabi niya sakin. Hindi siguro siya sanay na nanghihingi ako ng pasensya. Hay bahala siya.


"Kunin ko lang gamit ko sa taas" sabi ko at umakyat.


Agad agad akong nag impake at bumaba ng tuluyan. Nagpaalam ako sakanila, at nagpasalamat na din. Paglabas ko, naabutan ko si Patrick na mukhang tangang naghihintay.



"Ang bagal ha"


Inirapan ko na lang siya at sumakay na sa sasakyan niya.


"Kailan pa kayo naging textmate ni Lia?" Tanong ko habang nagddrive siya



"Hindi kami textmate, tinext ko lang siya kanina kasi nga gusto ko malaman saan nakatira si Carrie" Bored niyang sagot



"Weh? Bakit ka may number niya?" Curious na ako.


"Tinext niya ako nung nakaraan, hindi ko nga alam saan niya napulot number ko eh"



"Baka pinamigay mo, ggss ka pa man din" Sabi ko at umayos ng upo.



Nung nag red light ay nag stop si Patrick at tumingin sa akin. "Kailan ka pa naging NBI?" Tanong niya ng natatawa. Hindi ko na lang pinansin.


Pag dating namin sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto para matulog. Jusko pagod na pagod ako!


"Patty! Review tayo mamaya pag gising mo ah" Sigaw ni Patrick sa akin.


"K dude, whatever" Sagot ko at nilasap na ang higaan ko. aAaAaa ang sayaaaa.



****

Hello! Sorry sa late na update, phone lang kasi ang gamit ko talaga ilang araw na. Kaya gabi na ako nakakapag update. Kaya nag decide ako na every other day nalang ang update. Sorry talaga huhu. Ayoko kasi nalilimit lang yung gusto ko mangyari sa isang chapter huhu. Sa Saturday na lang ulit yung update! Thank you sa support! Malapit lapit na ang ending! Keep safe, everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 264K 81
Married Life ( Male Pregnant ) " ငါေမာင့္ကိုခ်စ္တယ္ ဒါေပမယ့္ ငါ့မွာလည္းသည္းခံႏိုင္တဲ့အတိုင္းအတာဆိုတာ႐ွိတယ္ မင္းငါ့ကိုအရင္ေက်ာခိုင္းရင္ မင္းထားခဲ႔တဲ႔အ...
99.8K 4.2K 29
မိဘ သဘောတူထားတဲ့ လူကို မယူနိုင်ဘူးလို့ တစ်ထစ်ချ ပြောဆိုထားတဲ့ ကောင်လေးတစ်ယောက် မထင်မှတ်ဘဲ ချစ်မိသွားချိန် လယ်လောက်ထိ ဂျေဝင်ပြီး ဆိုးမလဲဆိုတာ ဖတ် ပေးက...
1.6M 143K 45
Straight စစ္​စစ္​လို႔ခံယူထားရာက​ေန သူငယ္​ခ်င္​း​ေကာင္​းမႈ​ေၾကာင္​့ Fundanshi ျဖစ္​ရာက ~ ​ေကာင္​​ေလး တစ္​​ေယာက္​ကို ျမင္​ျမင္​ခ်င္​း သ​ေဘာက်မိသြား​ေသာ...
43.4K 1.4K 64
[Unicode] ကျူးလစ်ပန်းအဝါရောင်လေးတွေရဲ့အဓိပ္ပါယ်က နေရောင်ခြည်လိုတောက်ပပြီးနွေးထွေးတဲ့အပြုံးလေးကိုရည်ညွှန်းသတဲ့။ [Zawgyi] ကျူးလစ်ပန်းအဝါရောင်လေးတွေရဲ့အ...