Midnight Angels: The War

By SinisterSnow

347K 16.2K 6.8K

[COMPLETE] "Welcome to the war." [Team Alpha: Second Generation Part 2] More

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Special #1
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Special #2
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Special #3
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Special #4
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter
Epilogue
Special Scenarios
NOTE

Chapter 20

5K 228 87
By SinisterSnow

'Under the Stars'


Bagsak na sina Audin, Wilder at Ash sa sahig habang nakaupo naman 'yung iba dun sa resting area. They were sweating like hell maliban kay Blu na kumukuha ng tubig para sa team. Nakatayo lang din si Reed sa gilid at nakatingin kina Audin.


"What are your bodies made of at bakit parang hindi kayo napapagod?"
Tanong ni Wilder kina Reed. Tumingin lang si Reed sa kanya. "Pagod rin ako." Tipid nitong sagot at tsaka tumingin muli sa unahan.

"Pagod? 'Yang mukhang 'yan? Tangina!" Reklamo ni Wilder pero napahawak agad siya sa bibig niya nung tinapunan siya ni Reed ng panyo. "Bibig mo. Kaya kung anu-anong sinasabi ni Audin. Sayo niya pala naririnig lahat." Suway ni Reed sa kanya.

Napaawang nalang ang bibig ni Wilder at tiningnan si Audin na umupo at tinanggap ang tubig na binigay sa kanya ni Blu. At dahil nagmamadali siyang uminom ay nabasa 'yung t-shirt niya.


"Hmm, you're still a kid after all."
Nakangiting sambit ni Blu at binigyan ng face towel si Audin.


Binaling naman ni Zia ang tingin niya sa mga AQROs na natumba at tsaka sila tumingin kay Lucas na parang walang balak tumigil. They've been training for hours at pagod na silang lahat pero kanina pa hindi tumitigil si Lucas.


"What the hell?! Gaano ka ba ka heartbroken, ha?!"
Inis na tanong ni Archer nung muntik na siyang matamaan ng isang AQRO sa sinipa ni Lucas. "Shut up, birdie." 'Yun lang ang sinabi ni Lucas kaya napairap nalang si Archer.


"Lahat ba ng kinaiinisan mo, pinapangalanan mong hayop?"
Tanong ni Atlas sa kanya kaya tumingin si Lucas sa kanya. "What? You want me to call you doggy?" Sumbat nito kaya susugod na sana si Atlas pero pinigilan na siya ni Xy.

Magsasalita rin sana si Ash pero pati siya ay pinigilan narin ni Xy.


"Oh, 'wag ka nang sumabat pa. Baka tawagin ka pa niyang butiki."
Hindi alam nina Wilder kung matatawa ba sila o hindi dahil sa mukha ni Ash dahil sa sinabi ni Xy. "What the hell, Wen?" May halong inis na tanong ni Ash sa kanya.

Xy just snickered.


"Hayaan niyo muna si Lucas."
Sabi niya sa team at nagkibit-balikat nalang sina Audin tsaka humiga muli.


Pinagpapawisan narin si Zia kaya umalis muna siya para magpalit ng damit. May locker room na sa training site nila ay may shower narin dito. There are two cubicles para sa kanilang dalawa ni Shinshi at open space naman 'yung shower ng mga lalake.

Binuksan ni Zia ang locker niya at tsaka kumuha ng damit.


Pumasok siya sa isang cubicle at tsaka na hinubad ang t-shirt niyang basa na sa pawis. She also changed into her sports bra at sinuot na ang bago niyang damit pero napailing siya nung maramdaman niyang parang may kakaiba sa paligid.


"Zia! Break's over!"
Rinig niyang sigaw ni Sir Jez kaya binalewala nalang niya ang naramdaman niya't lumabas na at sumali sa training.



✥✥

"Sa canteen ba ulit tayo kakain?" Tanong ni Audin nung makalabas na silang lahat sa training site.

"Pagkain na naman?" Natatawang tanong ni Reed sa kanya. Audin just giggled.


"May niluluto raw sina Mommy kaya pupunta tayo sa village."
Sagot ni Wilder habang nakaakbay siya kina Ash at Xy. Humikab lang si Archer na nasa tabi ni Xy at inakbayan narin ito pero hinampas lang ni Xy ang braso ni Archer.


"Aray! Bakit ba?"
Inis na tanong ni Archer kay Xy.


"'Wag mo ngang inaakbayan 'yang kapatid ko. Diyan kay Reed ka umakbay."
Napairap nalang si Archer at umakbay nalang kay Reed na hindi naman umangal at pumasok na sila sa dorm para magbihis ng bagong damit.

Matapos nilang magbihis ay dumiretso na silang lahat sa Alpha village.


"Si Dolly?"
Tanong kaagad ni Xy pagdating nila sa Alpha Mansion.


"Kararating mo lang tapos babae kaagad hanap mo?"
May halong inis na tanong ni Walter sa kanya pero nagkibit-balikat lang si Xy at nilibot ang tingin sa paligid at nung makita niya si Dolly na tumutulong sa pagluluto ay ngumiti siya kaagad at nilapitan ito.


"Sana lahat may inuuwiang jowa, diba?"
Tanong ni Wilder at sumalampak nalang sa sofa.


"Ligawan mo na kasi si Alice."
Pabirong sabi ni Archer sa kanya kaya palihim na tumingin si Shinshi sa dalawa. "Ayoko sa mangkukulam." Diretsong sagot ni Wilder kaya tinapunan siya ni Zia ng unan.


"Hey, she's not a witch. She's a charm-caster at hindi ka niya type, diba?"
Napa-oh nalang ang team nila dahil sa sinabi ni Zia. Napangiwi kaagad si Wilder at niyakap 'yung unan na binato ni Zia sa kanya. "Tingnan niyo, pati pinakamamahal kong pinsan nahawa na sa ugali niyong napakasama!" Sumbat ni Wilder sa team niya na tinawanan lang siya.


"Sorry~"
Mahinang sambit ni Zia nung marealize niya 'yung sinabi niya.


"Nahawa ka na talaga sa kanila. Ayoko narin sa 'yo."
Pagmumukmok ni Wilder kaya tinakpan na nina Reed at Atlas ng panyo ang mukha niya habang hawak-hawak naman ni Ash ang mga kamay niya. They were teasing Wilder for him not to sulk anymore.

Natawa nalang sina Walter habang nakatingin sa kanila.


Matapos nilang guluhin ni Wilder dun sa sofa at tinawag na sila ni Xin para kumain. Kinarga naman kaagad ni Reed si Audin na naglalaro ng monopoly dun sa carpet at tsaka siya pinaupo harap ng dining table.


"Alam mo, pre, pwede ka nang mag-asawa."
Agad na tiningnan ni Reed ng masama si Wilder dahil sa sinabi nito. Mahina namang natawa ang Team Alpha. "What about the crystal? Hindi ka ba nasasaktan tuwing lumalapit ka kay Audin?" Tanong ni Joshua kay Reed.


"It's fine."
Tipid na sagot nito at tumango-tango nalang ang team.


"Teka, bakit kulang kayo? Nasan si Lucas?"
Tanong ni Dolly habang naglalapag siya ng pagkain sa mesa. Napatingin naman ang lahat kay Zia. "T-Teka, ba't ako?" Naguguluhan niyang tanong.


"Bunbun, ba't ka pa naghahanap ng ibang lalake, nandito naman ako."
"Tumahimik ka nga, Xy."


No one took notice of the bickering between Xy and Dolly at napalingon nalang silang lahat sa pinto nung bumukas ito at pumasok sina Celise.

"Nasa Carthus po siya. Kasama si Chloe." Sagot ni Celise na kararating lang kasama ang ama at ina niya. Milo bought desserts for them habang may dala-dala namang Jezzy Chicken si Lorisse. Hindi nalang sila nagtanong pa at kumain na.

Matapos kumain ay napagdesisyunan nilang tumambay muna sa sala dahil nakikipaglaro na naman ng Uno cards si Hoshi kina Audin habang umuwi naman si Wilder sa kanilang bahay at sinabing matutulog na ito.


Some of the member of Team Alpha went to the field at nagtayo ng tent habang tinutulungan naman ni Zia ang Tito Matthew niya sa paghuhugas ng pinggan.

"'Yan, kaya hindi ka pa nag-aasawa kasi ginagawa ka nang katulong dito.. po." Sambit ni Xy at naglapag pa ng baso dun sa sink. Winisikan lang siya ng tubig ni Matthew para umalis na. Mahina lang natawa si Zia.


"Seriously, Tito, aren't you planning on getting married?"
Tanong ni Zia sa kanya. Matthew paused for a minute and huffed out a breath. "I had two chances. The first one isn't mine and the second one, pinakawalan ko siya." Saglit na kumunot ang noo ni Zia dahil sa sinabi nito.


"Teka, ito po ba 'yung sinasabi ni Tito Walter na babaeng nakilala mo po sa UHT?"
Tanong ni Zia. Mahina namang tumango si Matthew.


"Her name is Zelle."
Sandaling natigilan si Zia dahil sa sinabi ng Tito Matthew niya.


"I was blinded by the idea that I could only love one person all my life. I focused my attention on that person pero hindi ko napansin na nasa tabi ko lang pala si Zelle. I know how the mind works because I'm a guardian but I forgot that I am not a single bit familiar with how the heart works its wonders."
Matthew said, smiling.


"My mind was on someone else but little did I know, my heart starting beating for her. To the lady I never focused my attention to."
Tinapos na ni Matthew ang paghuhugas niya at pinunasan na ang mga kamay niya't tiningnan si Zia.


"We shouldn't focus on what we know and what we think we feel. We focus on this."
He said, pointing at his chest where his heart beats.


"My chance at this thing called love is already over, so I'm passing my chances to you. Bata ka pa, Zia. You'll figure out what your heart wants, soon. Follow it and make decisions you know you'll never regret."
Nakangiting sabi ng Tito Matthew niya sa kanya at ginulo ang buhok niya.

Zia joined her team in the living room.


"Kaya hindi rin nag-aasawa 'tong isang 'to."
Sambit ni Matthew at tinuro si Hoshi na nakikipaglaro sa bata. Hoshi didn't even listen to him at tinawanan pa si Audin na natalo na naman. "Tsk! Paano ba kasi laruin 'to?" Inis na tanong ni Audin at inayos na ang mga cards.

Zia checked her breathing as she was looking at everyone.

"Oh, akala ko ba matutulog ka na?" Tanong ni Xy kay Wilder na kararating lang at may dala pang unan at halata ngang inaantok na ito. "Dito na ako matutulog." Aniya at humiga nalang sa carpet.

"Umuwi ka na nga." Sabi ni Ash sa kanya pero lumingo-lingo lang si Wilder.


"Ayoko. Ginagawa nina Dad 'yung kapatid ko kaya dito na muna ako."
Agad na natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Wilder.


Pati si Reed na natutulog na sana ay nagising narin at tsaka tinanggal ang panyong nakatakip sa mukha niya tsaka tiningnan si Wilder.


"Wilder! Hindi mo naman kailangan sabihin 'yun. I-It's a private thing."
Nauutal na sabi ni Xy kaya tiningnan kaagad siya ni Dolly at palihim itong kinindatanan kaya nag-iwas nalang ng tingin si Xy habang namumula ang tenga niya.

Ash just rolled his eyes after seeing them.


"Pinapauwi niyo kasi ako!"
Inis na sabi ni Wilder at inayos ang pagkakahiga niya.


"Nakita ko 'yun ah."
Sabi ni Ash at tinuro sina Xy at Dolly. Kumunot naman ang noo ni Zia habang nakikinig sa kanila. "Akala ko ba hindi ka gagaya kay Tito Seth?" Tanong ni Wilder nung maintindihan niya ang sinasabi ni Ash.


"Akala ko ba matutulog ka na?!"
Sumbat ni Xy sa kanya.


"Eyy~ ba't namumula ka? Dude! Seriously?!"
Natatawang tanong ni Wilder na may halo pang excitement at tsaka siya tumayo. Zia was still confused habang wala namang pakialam sina Audin at tinutulungan naman siya ni Archer na mandaya.

Xy just covered his face with his hands.


"Tumigil nga kayo."
Aniya pero mas lalo siyang tinukso nina Wilder. Nasa gilid lang din si Blu, stealing glances from Zia who was still confused at what was happening.


"Tita Xin! Parang maaga po yata kayong magkakaapo—ahh! Tulong!"
Sigaw ni Wilder habang pinapasok na siya nina Xy at Ash dun sa freezer.


"Hoy! Ang iingay niyo! Natutulog na sina Addie."
Suway ni Seth sa kanila na kakababa lang. Agad namang kumawala si Wilder at nakangiting humarap sa Tito Seth niya.

"Tito Seth, ngayon ko lang narealize na ang galing mo po talagang leader." Kumunot kaagad ang noo ni Seth dahil sa mga pinagsasabi ni Wilder. "Biruin niyo po, pati mga secret attacks niyo nalaman ni Xy—aray!" Pinagpapalo na ni Xy ng tsinelas si Wilder at binalot ng kumot para tumahimik.

Seth just crossed his arms and looked at them habang bumababa narin si Jayden tsaka sumandal sa railings ng hagdanan at tiningnan sila.

"Anong meron?" Tanong ni Addie na nagising na dahil sa ingay nina Wilder.


"Lumandi si Xy. Ginaya si Seth."
Agad na sagot ni Jayden kaya parang mababali na ang leeg ni Seth dahil sa bilis ng paglingon niya kay Jayden at tsaka naman tiningnan si Xy at pinandilatan ito. "Ang landi talaga ng batang 'to." Seth said under his breath.


"Matagal na 'yang malandi."
Jayden said and huffed out a laugh tsaka tiningnan ang team na nagkakagulo.


With Archer helping Audin to cheat on Hoshi. Ash and Xy wrapping Wilder up in a blanket. Zia's confused face. Reed and Blu's relaxed expression. Atlas and Shinshi's annoyed look. They were a mess.

But they make the house livelier.

"With this view, hindi ko alam kung okay lang ba talaga na ilagay sa mga kamay nila ang realm." Sambit ni Seth habang nakatingin kina Xy. Xin and Jun came close to them and also looked at the mess they made.

Tumigil nalang si Hoshi sa paglalaro at tsaka na lumapit kina Jayden.


"Ampunin mo 'yung Archer na 'yun. Pwede mong maging anak 'yun. Parang ikaw lang, kung mandaya, wagas."
Agad na natawa ang team dahil sa sinabi ni Hoshi. Xin just took her brother's hand and pulled him to the side.


"Are you sure about this?"
Tanong niya rito at pasimple lang tumango si Hoshi.


"I think it's time."
Nagkatinginan kaagad silang lahat dahil sa sinabi ni Hoshi. Seth breathed out and moved closer to Addie to caress her belly. He then kissed her cheeks at hinawakan naman ni Addie ang pisngi niya.


"Hey, it's okay. Maiintindihan naman siguro nina Zia."
Aniya. Tumingin narin si Seth sa iba pero kumunot ang noo nung wala si Walter. "Nasan ba si Walter?" Tanong niya.


"'Wag mo nang isturbuhin 'yun."
Baxter said and then looked at the kids. Nakatingin lang si Zia sa kanila at alam na nilang naririnig sila ni Zia kahit nasa sofa ito at ang ingay nina Xy.


Jun beckoned her at tumayo naman si Zia tsaka dahan-dahang lumapit sa mga magulang niya. Xin brought her into a hug at tsaka na tinawag nina Seth sina Xy. Pinalabas nila ang mga 'to at dun lang nila nakita ang tent na ginawa ng Team Alpha.

Nasa barbeque area naman si Celise, tinutulungan ang ina niya sa pagi-grill ng steak at potatoes. Tumulong naman kaagad si Blu sa kanila.

"Woah! Tito, anong meron?" Excited na tanong ni Wilder.


"May pag-uusapan tayo mamaya. At tsaka pagod kayo sa training, so it's right for us to treat you into something like this. Have fun."
Nakangiting sagot ni Seth kaya nagliwanag agad ang mukha ni Wilder at tsaka nagtatatakbo sa field na pinuno ni Dino ng floating light bulbs, giving the place a yellow-orange-like glow.


"Cool! The best ka talaga, tol!"
Sigaw ni Wilder kaya nawala kaagad ang ngiti sa labi ni Seth.


"On second thought, bumalik ka dito."
Xy just laughed at them. Tumingin-tingin naman si Reed sa paligid.


Atlas was already dragged down by the baby wolves. Mahina lang natawa si Shinshi sa kanya habang nakahiga na siya sa at dinadaganan siya ng mga baby wolves.

Audin was already running around the place habang umupo naman sina Archer dun sa gilid at kumuha naman ng wine si Jayden dun sa mesa tsaka nilapitan si Archer.

"Do you drink?" Pasimpleng tanong ni Jayden sa kanya kaya nakatanggap kaagad siya ng palo mula kay Joshua. "He's only nineteen, Jay!" Suway ni Joshua pero nagkibit-balikat lang si Archer at tsaka tinanggap ang wine glass.

Napasapo nalang si Joshua sa mukha niya at napailing.


"Pizza's here!"
Napatingin ang iba sa back door ng mansion nung dumating na sina Miu at Dolly na umalis kanina. Agad na tumayo sina Hoshi at Xy tsaka tinulungan 'yung dalawa.


"Oh, teka lang."
Sambit ni Hoshi at pinahinto si Miu tsaka kinuha ang isang pilik mata na nasa pisngi nito. Hoshi then made one of his cheeky smiles and showed Miu the fallen lash. "Make a wish." Aniya kaya napangiti nalang si Miu.

Sina Xy at Dolly nalang ang nagdala ng pizza sa mesa at hinayaan na 'yung dalawa. Dumating narin si Walter na umiinom pa ng energy drink.

"Si Keya?" Tanong ni Xin habang binibigyan ng chocolate drink si Audin.


"Pinagod ko."
Sagot nito at kumindat pa kaya hinawakan kaagad nina Wolfie at Matthew ang magkabilang braso niya't ikinulong siya sa garahe.

"Lumabas ka kapag matino na utak mo!" Inis na sabi ni Matthew sa kanya at binalikan na 'yung iba.

"Late na ba kami?" Napalingon na naman silang lahat sa back door nung dumating sina Chloe na may dala-dalang strawberries. Nasa likuran naman nila si Lucas na nakahoddie ng itim at may headset na nakasalpak sa tenga niya.

Dumiretso lang si Lucas sa open tent at umupo doon.


"Ba't ang daming pagkain? Sana hindi na tayo nagdinne—"
Sinalpakan agad ni Baxter ng pagkain ang bibig ni Wilder na kakawala lang mula kay Seth.


"Hmm, we're gathering like this. Hindi na ako mabibigla kapag may announcement sila mamaya."
Sambit ni Reed na nasa tabi lang ni Zia. Hindi sumagot si Zia at tumingin lang sa pamilya niya. "Reed?" She called and Reed just hummed to answer.


"You'll stay with us, right? With the team?"
Tanong ni Zia kaya kunot-noo namang tumingin si Reed sa kanya.

"Oo naman." Agad nitong sagot. Zia smiled. "Is it your will this time? Hindi ka napipilitan?" Tanong ni Zia at agad namang lumingo-lingo si Reed.


"This team is all I got now."
Reed answered and Zia looked at him with a sweet smile stretching across her lips.

"Sinisiguro ko lang kasi kailangan ka namin. I think we'll be on our own now." Reed just looked at her with a slight smirk on his face. "Mas kailangan ka namin." Sagot ni Reed at huminga nalang ng malalim si Zia tsaka tumingin sa team.

The night was young, the team was having fun, drinking, eating, playing and laughing at their jokes. Gumawa ng bonfire sina Vernon at Duke habang pinapaliyab naman ito ni Ash. The sound of sweet laughter filled the place and Zia felt her heart grow fonder for everyone in her sight.


"Bakit ang tahimik mo? Nandiyan ka pa ba?"
Bulong niya sa sarili at hinawakan ang dibdib niya.


The voice in her heard had been silent for quite a while now. Even if she called it annoying, she just realized that the voice in her head gave her solutions to her problems. The voice in her head gave her comfort and a calm mind.

Zia's mind had been filled with works of evil, misery and regret at tanging ang boses na 'yun lang ang nagpapakalma sa kanya at nagliligtas sa kanya sa pahamak.


And now that it's silent, she felt lost once again.


"Alright, everyone. Gather up!"
Napatingin agad silang lahat kay Seth na nakatayo sa harap ng bonfire. Tumigil naman sina Wilder sa mga pinaggagawa nila at tsaka nilingon si Seth. Pinalabas narin nina Matthew si Walter dun sa garahe.

Team Alpha already huddled up near the fire at dahan-dahan namang lumapit sa kanila ang Midnight Angels. Lorisse, Celise, Chloe, Addie and Dolly stepped aside at hinayaan silang mag-usap.

"Ano pong meron?" Tanong ni Xy na tinulak pa si Blu palayo sa tabi ng upuan ni Zia at siya ang umupo doon. Hinila nalang ni Jun si Blu at pinaupo ito sa tabi niya.


"The team and I, we have something to tell you."
Saglit na kumunot ang noo ng team habang nanahimik naman sina Zia, Reed at Audin na parang alam na kung ano ang sasabihin nila.

The fun in the place died down at napalitan ito ng seryosong usapan kaya umayos na ng upo sina Audin tsaka nakinig ng maayos.


Unti-unti nang bumilis ang tibok ng puso nila habang nakatingin kay Seth na saglit pang tumingin sa Team Alpha. The team nodded at him, giving him the approval of whatever he has to say. Dahil doon ay tumikhim na si Seth tsaka tumingin sa bagong team.

He breathed out and said the words that he thought he'd never say in his entire lifetime.


"W-We.. I mean—"
The words were hard to say. Seth gathered up his courage and manned up.


He looked up to the sky. Under the stars and the cozy night, Seth said the words that no one wanted to hear.


"Special Combat Class Team Alpha is officially signing off as the protectors of the realm. We're retiring."





❅ Snow ❅

Continue Reading

You'll Also Like

550K 17.8K 160
Genre: Space, Doting, Farming, Time travel, Healing Synopsis: Xu Linyue from the 21st century crossing over with the heavenly space soul penetration...
299K 7.9K 24
Kira, the daughter of the sea. A girl, as fearless as a lion, strong, with the soul of a pirate and... A stolen heart. This is the story of a forbid...
35.8K 858 25
! COVER MADE BY ME! This is a story about mystery and a murder. two lovers but will they end up together? So come join me on this thriller rolar co...
257K 15.9K 45
Frank Iero liked to prove people wrong, he proved his family wrong by going to college, he proved his professors wrong by finishing it- but he has ne...