Call Me Daddy (Awesomely Comp...

By HolyCarbonara

491K 7.4K 741

Ni minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimi... More

Call Me Daddy
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
Epilogue
Thank you!

32

4.9K 94 4
By HolyCarbonara

Nara

Dalawang linggo pa ang nagdaan na hindi man lang kami halos lumalabas ng unit. Oo, lumalabas kami pero para bumili lang ng pagkain o minsan ay para mag-swimming sa pool ng building pero hanggang ganuon lang kami.

Nababagot ako kasi para kaming naka-quarantine. Minsan nga, napapaisip ako kapag nakikita ko si Travis na nakahilata lang habang kumakain ng kung ano-anong junk foods. Halos hindi na nga rin siya nag-wo-workout talaga.

Hindi naman sa gusto ko maging fit lang siya dahil katawan niya pa rin naman iyan. Ang sa akin lang, nag-aalala ako dahil para na siyang batugan nang nakarating kami rito sa Manila. Ibang-iba siya ngayon kaysa sa nakasanayan ko.

Ako naman, may ilang interview akong dinaluhan nitong isang araw. Ang sabi, tatawagan raw ako. Ayokong umasa kasi kapag ganuon ang sinasabi ng mga employer, malaki ang chance na hindi ka na tawagan. Gusto ko pa man rin magtrabaho dahil ayoko namang sumandal nang sumandal kay Travis pagdating sa mga gastusin.

Dala ko naman ang mga kailangan kong credentials para sa pag-a-apply kaya hindi ko na problema ito. Talagang iyong tatanggap lang sa akin ang iniisip ko sa ngayon.

Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang marinig ko ang mahinang paghilik ni Travis. Nakahiga siya sa sofa habang nakaunan sa mga hita ko. Ang laptop naman sa harap namin, patuloy pa rin sa pag-pe-play ng video.

Sinubukan kong kuhanin ito na hindi ginigising si Travis at masaya ako't nagawa ko naman. Ipinatong ko ito sa armrest at pinatay iyong movie. Naghanap ako ng trabaho online, preferably as a teacher pero wala pa rin available.

Maingat akong umalis sa pagkakaupo at inalalayan ang ulo ni Travis para maihiga ng maayos saka ako pumunta sa kwarto para halungkatin ang maleta ko. Naalala ko kasi iyong dating modelling job na ini-offer sa akin ng mga lalakeng sinadya ako noon sa probinsiya.

Halos mawalan na ako ng pag-asa dahil hindi ko ito makita pero nang buksan ko ang pouch na pinaglalagyan ko ng salamin ko, nakita ko rito ang calling card na ibinigay sa akin. Hindi ko na matandaan kung anong pangalan ng dalawang iyon. Gusto ko sanang sila ang makausap para at least kilala ako ng makakausap ko pero kung hindi, wala naman akong magagawa.

Lumabas akong hawak ang card at pumunta sa salas dahil naruon ang landline. Ilang ring lang ang narinig ko nang tawagan ko ito dahil biglang may sumagot sa kabilang linya.

"H-Hi. Good morning." bungad ko rito.

"Myoui fashion line. This is Melanie. May I know who I'm speaking with?"

"This is Nara po. Nara Figueroa. I was scouted by two guys, I think a month ago. Sorry but I forgot their names. They said that if I'm interested to be a model, I just need to contact this number."

"Hold on." Nawala siya sa kabilang linya kaya umupo muna ako sa sahig para hintayin siya. Umabot ng ilang minuto ang itinagal niya bago ko siya narinig muli. "I'm back, Ms. Figueroa. Thank you for waiting. Can you drop by the office tomorrow? I just got a confirmation that they did got in touch with you."

"Tomorrow...?" Napatingin ako kay Travis. Tulog pa rin ito.

Kung bukas, dapat ngayon palang ay makapagpaalam na ako sa kaniya kasi baka maghanap siya kung mawala ako bigla. Siguro magpapahatid na rin ako kasi hindi ko kabisado rito. Sana lang ay alam niya kung saan ang lugar na kailangan ko puntahan.

Pero teka. Kung tama ang pagkakaalala ko, ayaw niya akong palapitin duon sa recruiter na pumunta sa bahay namin. Siguro ililihin ko na lang. Para naman ito sa amin. Kailangan ko ng trabaho para makapag-ipon at isa pa, hindi birong pera ang makukuha ko kung legit ang modelling na ini-o-offer sa akin.

"Yes. Are you available tomorrow?"

"I'll have to check with my boyfriend. Can I call you back for the address if ever I get a nod from him?"

"That's perfectly fine. I'll keep our line available and wait for your call."

"Thank you so much." Ibinaba ko na ang tawag matapos magpaalam saka ako lumapit kay Travis. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin patungkol sa plano ko pero hindi niya dapat malaman na sa iisang agency na pinagtatrabahuhan ng lalakeng pumunta sa amin ang punta ko.

Pumunta ako sa veranda para mag-isip kung paano ko ba itutuloy ang ipapakiusap ko. Ilang minuto na ang iginugugol ko pero wala pa rin ako maisip nang biglang may yumakap mula sa likuran ko. Tinaniman niya ako ng halik sa sintido saka hinigpitan pa ng kaonti ang pagkakayakap sa akin.

"Have you eaten lunch yet?"

"Hindi pa. Hinihintay kitang magising." Nilingon ko siya't tinaniman ng halik sa pisngi.

"I thought I told you to talk speak in English? Hindi ba nga't nag-pa-practice ka for your job? This is what we agreed on, right?"

Parang kanina lang nag-English ako sa telepono. Feeling ko, okay naman kahit kinakain ako ng kaba kanina.

"Sorry. Hindi lang kasi talaga—" Pinakita niya na naman iyong gigil expression niya kapag nag-ta-Tagalog ako kaya bumuga ako ng hangin. "Okay. Sorry. I'm just not used to it."

"You'll be. Just keep on using English while you talk."

"Can I at least speak Tagalog when I'm outside?"

"Fine. C'mon. Kain na—" Humarap ako bigla sa kaniya. "Okay. Sorry. Let's go eat." matawa-tawang sinabi niya. Bumitaw na siya sa pagkakayakap saka ako hinawakan sa kamay at hinila papasok.

Habang kumakain, tahimik lang ako dahil iniisip ko kung paano ko ipapaalam sa kaniya ang plano ko. Hindi naman siguro masama na malaman niyang modelling ang papasukan ko habang wala pa akong nakukuhang trabaho bilang teacher, hindi ba? Hindi naman ako titigil sa paghahanap kahit pa model na ako, kung matanggap man.

Hindi rin naman ako tatanggap ng offers kung sakaling bulgaran ang ipapasuot sa akin. Pakiramdam ko kasi, hindi matutuwa si Travis. Normally naman, hindi gusto ng mga lalake na nabubulgar ang katawan ng girlfriend nila, hindi ba? Hindi ko alam kung ganuon ang boyfriend ko pero mas maigi nang sundin ang nakaugalian para iwas sa gulo.

Bahala na.

"Travis?" mahinang pagkuha ko sa atensyon niya habang nilalaro ng tinidor ko ang meatball sa plato.

"Yes, Love?"

"Puwede mo ba ako samahan bukas? Kahit ihatid mo lang ako."

"English, Love. But where are you going?"

Bumagsak bigla ang magkabilang balikat ko dahil sa naalala ko. "Shoot. I just remembered. We don't have a car." matawa-tawang sinabi ko saka ko tinusok ng tinidor ang meatball. "Forget it."

"Is it far?"

"I'm not sure. I didn't get the address. It's for a job, if you're wondering."

"I can have my bike delivered here."

"It's okay. I'll just commute."

"Don't you want me to drop you off?"

"I can manage."

Humaba pa ang diskusyon namin dahil pinipilit niya ako na magpahatid sa kaniya. Sinasabi ko nga na nakakahiya pero binibirahan niya lang ako na boyfriend ko siya kaya hindi dapat ako mahiya. Pero siyempre, sa huli, siya rin ang sumuko pero bilang kapalit, dapat ay may pasalubong ako sa kaniya.

Gabi na nang makatawag ulit ako sa dapat ko tawagan at kinaumagahan, isinuot ko pinakapaborito kong jeans na binili ni Travis at pinarisan ito ng sneakers at white t-shirt na may maliit na pizza sa dibdib. Dinala ko na rin ang mga papeles ko just in case. Sa totoo nga lang, hindi ako sigurado sa mga dapat ko dalahin dahil una, nakalimutan ko itanong sa nakausap ko at pangalawa, wala akong ideya sa mga kailangan para maging modelo.

Siya na ang nag-book ng taxi dahil wala raw siyang tiwala sa mga taxi driver ngayon na de-metro. Nang dumating ito, hinatid niya ako hanggang sa makasakay ako. Mukhang nagulat pa iyong driver nang makita ako nito. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kaniya ng matagal kasi panaka-naka niya akong tinitignan sa rearview mirror habang umaandar ang sasakyan.

"Kuya, may problema po ba?" tanong ko rito dahil umaatake na naman ang paranoia ko. Hindi ko kasi mapigilan na isiping posibleng kidnapper ito dahil sa ginagawa nitong pagtingin sa akin.

"W-Wala naman po. Kumusta po kayo?"

"Uhhh... ayos naman po. Kayo ho?"

Kailangan ko maging mabait sa kaniya kahit natatakot ako. Baka kasi magbago isip niya kung kikidnapin niya man ako.

"Alam niyo, ma'am, idol na idol kayo ng anak ko. Sabi niya nga, paglaki niya, gusto niya maging tulad mo."

"Po? Idol?"

"Modelo po kayo, hindi ba? Kumpleto nga ng anak ko halos lahat ng magazine na may picture niyo." Tumawa saka iniliko ang sasakyan. "Hindi ko nga alam kung obsess na ba siya sa iyo o ano pero hindi po ba't maganda ang may hinahangaan tayo kasi sa ganuon naman nagsisimula mangarap ang mga tao?"

Hindi na ako sumagot at nginitian na lang siya. Mabuti at nakaramdam siya na wala ako sa mood makipag-usap. Hindi ko naman intension na maging bastos. Madali lang rin na klaruhing hindi ako ang taong inaakala niya. Oo, madali sabihin pero alam kong magdududa siya dahil kamukha ko talaga ang tinutukoy niya.

Mukhang hindi ako matatahimik rito sa Manila dahil sa pagiging magkamukha namin ni Daniella. Taxi driver pa nga lang itong nakakasalamuha ko, pamilyar na kaagad sa mukha ng babaeng iyon. Ano pa kaya sa pangpublikong lugar?

Hindi naman kasi biro ang popularidad nito. Marami na siyang projects na nahawakan; mula shoots, commercial at marunong rin ito kumanta. Sino ba naman ang hindi hahanga rito? Nakakatawa nga kasi gusto ko lang maging lowkey pero dahil mukhang mayroon ako, mukhang iingay ang pangalan ko. Pero kapag itinuloy ko naman ang pagmomodelo, talagang iingay ang pangalan ko, hindi ba? Lalo na kapag lumabas ang litrato ko. Siyempre, magtataka ang mga tao dahil may kamukha ang idolo nila.

Parang mali yata ang desisyon kong ito pero kung ito ang paraan para kumita habang wala pa akong nakukuhang trabaho, papatusin ko na ito. Ayoko kasi ng pakiramdam na halos lahat iniaasa ko kay Travis. Oo, binibigyan niya ako ng pera bilang katulong dahil naninilbihan kami nina Lola sa pamilya niya pero maituturing pa ba akong katulong gayong wala ako halos ginagawa sa unit tapos girlfriend niya pa ako?

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa destinasyon namin dahil sa rami ng iniisip ko. Nagpaalam ako't bumaba kaagad ng kotse at tumayo sa harap ng isang building. Hindi ko alam kung ilang palapag mayroon ito pero mataas ito at mukhang pangmayaman ang lahat ng nasa loob.

Napatingin ako saglit sa suot ko saka bumuntong-hininga. Hindi ko naman kasi akalain na malaking building pala ito. Sana pala nagsuot ako ng sobrang pormal. Pero sabagay, wala nga pala ako nuon. Nahihiya man, naglakad ako palapit rito. Ininspeksyon ako saglit ng guard, na mukhang nagulat habang nakatingin sa akin.

Ramdam ko na hindi lang ito ang nakatingin sa akin habang nasa detector ako ng gate. Alam ko na maraming nakatingin sa akin kaya nagmadali ako't hinanap ang sinabi ng babaeng naghihintay sa akin sa lobby. Ang sabi, si Nathan raw ang maghihintay sa akin dahil ito ang nag-recruit sa akin noon. At dahil hindi ko ito makita dahil sa rami ng tao, pumunta ako sa receptionist.

Tinanong ko ito kung kilalan nito si Nathan Miguel Ocampo at kung nakita ba nito ang hinahanap ko. Aware ang receptionist na bisita ako ni Nathan kaya tinawagan niya ito sa landline sa gilid niya at ilang saglit lang nang dumating ang pakay ko.

"I'm happy to see you, Nara." nakangiting sinabi ni Nathan saka inilahad ang kamay. Sinuklian ko ang ngiti niya saka ko inabot ang kamay niya. "Halika." Bumitaw siya sa akin at iginiya ako papunta sa elevator.

As usual, maraming nakatingin sa akin habang bumubulong at alam ko kung bakit. Kahit ang ilang kasabay namin ay nakatingin sa akin. May isa pa nga na bumati sa akin at tinawag akong Daniella kaya para hindi naman marungisan ang tingin ng mga tao sa kamukha ko, nginitian ko ito ng bahagya.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na kami sa elevator. Unang bumungad sa akin ay ang steel-plated na signage kung anong floor ang kinatatayuan namin. Ang sabi rito ay 25th floor. Nang pumihit siya pakaliwa at naglakad, bumuntot kaagad ako.

Glass wall ang mga nadadaanan namin kaya nahahagip ng paningin ko ang ilang sumisilip habang naglalakad kami sa pasilyo. Nakarating kami sa isang malaking pintuan at ang kaliwang bahagi nito ang binuksan niya na hindi man lang kumakatok.

"Jasper." Nilapitan niya ang lalakeng natutulog sa lamesa at bahagyang inuga ang balikat nito. "Hoy, gising na."

Unti-unti naman nitong itinaas ang ulo habang nakasimangot saka siya tinignan ng masama. "I told you, I have this massive headache, Migs. Why'd you have to wake me up?"

"Lasenggo ka kasing gago ka."

"I'm still the son of the CEO so show some respect." Ginulo nito ang buhok saka pumikit at bumuntong-hininga. "Why are you here?"

"Because of her." Itinaas ni Nathan ang kamay niya saka ako itinuro.

Nagmulat ito ng mata saka sinundan ng tingin ang itinuturo niya. At alam kong hindi ito makapaniwala sa nakikita dahil nanglaki ang mga mata nito. "Daniella? What is she doing here?" galit na tanong nito kay Nathan. "You know she's an enemy, stupid bastard!"

"Bobo ka? Si Nara Figueroa iyan. Iyong kamukhang-kamukha ni Daniella."

"Nara? Nara... Nara... Nara..." Umakto ito na parang nag-iisip habang nakahawak sa baba at ang mga mata ay nakabaon sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit kita naging pinsang bobo ka. Nasa harap mo na, sinabi ko na pangalan, hindi mo pa makilala."

"Okay, I remember now. So now that she's here, what's the plan?"

"Plan is to hire her. Iyon naman ang gusto ni Tito, hindi ba? Tsk." Umiling siya saka binuksan ang drawer sa lamesa ng pinsan saka siya may hinugot rito. "Iyan. Ikaw gumawa niyan. Pirmahan mo na at nang masimulan mo na ang interview sa kaniya."

Hindi nito pinansin ang sinasabi ni Nathan at nilapitan ako habang salubong ng kilay. "She's too stiff. Dull. She's got the body but she doesn't know what to do with it." Napasinghap ako dahil nang mapunta siya sa likuran ko, hinila nila ang damit ko para humulma ito sa bewang ko. "Got some tummy... I don't know, Nathan. Are you sure about this?"

"Bobo. Hindi pa nagkakamali si Tito sa pagkuha sa mga model."

"Just look at her. She's so plain. Yeah, she's got an ass, bust and a beautiful face but that's it. She doesn't radiate an aura just like the other models." Lumapit siya kay Nathan at humalukipkip habang hindi pa rin iniaallis ang tingin sa akin. "Nandito na siya sa lagay na iyan pero wala akong maramdaman while, let's say, Daniella on the other hand... I don't know. Pictures or videos pa lang, masasabi kaagad na model."

"Tangina naman. Ang dami mong arte. Puwede ko naman siyang ipa-train."

"But she's too—"

"Sorry but can I say something?" Hindi sila nagsalita at halatang nagulat dahil bigla akong nagsalita. "I can't do this. Lait na lait buong pagkatao ko, eh."

"H-Hoy, Nara." Bago ako tuluyang makapihit patalikod, nahagip ko ang pagmamadali niya para mapuntahan ako at bago ko pa man mabuksan ang pintuan, nahawakan na ako nito sa pulso. "Look. Sobra manglait itong bobong ito pero nandito ka na, ituloy mo na. Akong bahala sa iyo." Pagkatingin ko sa kaniya, nilingon niya ang pinsan niya na nakatanga pa rin sa akin at mukhang hindi alam ang sasabihin. "Can you at least apologise?"

Natauhan ito at tumikhim bago nag-iwas ng tingin. "I was just saying the truth. What's wrong with that?"

"Alam mo, ang asshole mo pa ring gago ka." inis na sinabi ni Nathan bago ibinalik ang tingin sa akin. "Ako bahala sa application mo."

"Does she even have a portfolio? How can she apply as a model and not bring one? That's just ridiculous, Migs."

"Alam mo iyong ridiculous? Technically, boss kita pero heto't mas bobo ka pa mag-isip. Don't you know what she can do for us? For fuck's sake, she looks llike Daniella. Pangtapat natin ito sa kalaban and here you are spouting all these nonsensical bullshits."

"Nathan," pagkuha ko sa atensyon niya kaya napatingin ulit siya sa akin. "Okay lang."

"No, Nara. This company needs you to model for us. Huwag mo intindihin ang mga pinagsasasabi ng amo ko. Akong bahala."

"I appreciate it but no thanks." nakangiting sinabi ko sa kaniya saka ako kumalas sa pagkakahawak niya at tinignan ang pinsan niya. "I'll be going. Thanks."

Lumabas ako ng kwarto na sobrang bigat ng pakiramdam. Alam ko naman na hindi ako model material pero iyong ipamukha sa iyo ng harap-harapan habang may ibang tao? Nakakababa ng kumpiyansa.

Alam ko naman na marahas talaga sa corporate world, sa totoong mundo, pero bakit naman ganito ang mga bumubungad sa akin? Una, iyong mga paasang pinag-apply-an ko na ang sabi, tatawagan ako at pangalawa, heto't tinapak-tapakan ako.

Hindi ko naman makuhang magalit kasi may punto naman siya. Hindi ko tuloy maiwasang mapahawak sa tiyan ko. Medyo tumataba na kasi ako dahil sa rami ng pinapakain palagi sa akin ng boyfriend ko.

Saktong pagkapasok ko sa elevator, hinihingal na pumasok rin si Nathan at nginitian ako. "Hatid na kita."

Continue Reading

You'll Also Like

33K 211 25
ang story na ito ay patungkol na kung saan ang matalik na magkaibigan ay ang kalaguyo ng kanyang mahal ipapaglaban pa kaya nya ang pagmamahal nya ohh...
254K 4.3K 22
Magawa mo pakayang mahalin ang kaibigan mong gumahasa sayo At nag bunga ang kalapastanganan nya.
252K 3.5K 73
SA ISANG BASKETBALL TEAM, DI MAIIWASANG MARAMING GWAPO. TOP RULE SA TEAM "NO INCEST. KAPATID-KAPATID LANG TAYO" DAHIL PARA SA COACH NILA, AYUN ANG MO...
85.3K 401 23
These are collection of short stories where they will experience how love bites them. But like any bite, whether deep or shallow, it heals in time an...