Beyond Time

بواسطة Vanessa_Manunulat

850K 11.9K 436

Erotic time travel. Not for the faint of heart. SPG. For adults only. المزيد

Introduction
Knox and Concepcion
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33

Chapter 21

14.4K 271 5
بواسطة Vanessa_Manunulat

Dahil hindi pa masyadong madilim sa labas ay hindi na nag-abalang magsindi ng lampara si Concepcion. Mabilis lang naman siyang maliligo. Sa labas ng bahay ay mayroong batalan, kung saan ay mayroong balon. Dalawa ang balon na para sa bahay at parehong malinis. Moderno na rin ang kanilang sistema sa banyo, katulad sa Inglatera. Hindi hahalo sa balon ang daming mula sa banyo. Iyon lang, ang modernong inidoro ay nasa labas ng bahay dahil hindi na pinagalaw pa ng kanyang ama ang antigong bahay nila.

Minadali niya ang paliligo. Hindi siya normal na naliligo sa labas ng bahay pero wala siyang balak mag-igib para sa kanyang bisita. Kung gusto man nitong maligo ay wala nang tubig sa itaas at hindi siya hangal para ipag-igib pa ito.

Hindi pa man siya tapos ay narinig na niya ang tinig ng lalaki. "I have to take a dump."

"Shhh!" aniya mula sa loob ng batalan, kahit halos tiyak na wala nang makakakita pa o makakarinig sa lalaki.

"Nobody's here."

"Basta't doon ka lang sa loob."

"Pero saan ako magbabawas? Kailangan kong mag-banyo." Bakas sa tinig ng lalaki ang iritasyon. Ito pa ang nairita.

Natigilan si Concepcion. Wala siyang balak maglinis ng pinagdumihan ng lalaki na siyang mangyayari kung sa loob ng bahay ito magbabawas dahil nasa labas ang modernong inidoro. Ginagamit lang niya iyon kapag sa gitna ng gabi siya nangailangang magbanyo. Hindi nakakatuwang maglinis ng ganoong uri ng inidoro, iyong sinasalo din sa ilalim ang dumi, sabihin pang porselana na rin naman ang pangsalo, hindi tulad ng sinauna na kahoy.

"May banyo sa tabi nitong batalan. Hintayin mo akong magbantay bago ka lumabas ng bahay," aniya, minadali na ang paliligo. Buwisit talagang lalaki, abala sa lahat ng kanyang ginagawa!

Lumabas na rin siya nang matapos maligo at nagmamadaling bumalik sa bahay. Nakaladlad pa ang kanyang basa at mahabang buhok, isang bagay na hindi niya ginagawa sa harap ng lalaki.

Bahagya siyang nailang dahil ang suot niyang roba ay hindi mahaba at abot lamang isang dangkal mula sa kanyang bukong-bukong. Pakiramdam niya ay wala siyang saplot. Pero parang walang anuman sa lalaki. Parang ni hindi ito apektado, gayong ang iba ay siguradong baka hindi na magkamayaw sa pagtingin.

Sumilip siya sa pinto at pinagala ang tingin sa paligid. Papadilim na at alam niyang ilang minuto pa ay nakalatag na ang dilim. Mula sa malayo, siguradong wala nang natatanawan sa kinaroroonan nila.

"Diyan ka pupunta, nandiyan ang banyo."

"Paano ko makikita ang gagawin ko sa loob?"

Napabuga na lang siya, saka sinabi, "Mayroong lampara sa loob." Kumuha siya posporo sa loob ng bahay at inabot sa lalaki. "Marunong ka bang gumamit niyan?"

Tumango ito at tumuloy na sa loob. Hindi mapakali si Concepcion habang naghihintay. Mayamaya ay narinig niya ang lalaki, "There's no more fucking water. I'm getting pretty tired of this shit."

"May tubig sa batalan, sa tabi mismo niyan."

"This is fucking frustrating."

Lumabas ang lalaki sa banyo nang nakahubad, bitbit ang damit, walang pakialam sa lahat, saka tumuloy sa batalan. Bahagyang lumiwanag doon, senyales na nagsindi ng lampara ang lalaki. Hindi pa nagtagal ay narinig niya ang paglagaslas ng tubig. Maaksaya ang lalaki sa tubig, siguro ay sanay ito sa ganoon.

Mayamaya ay lumabas itong wala pa ring saplot, bitbit ulit ang pinagdamitan, saka pumasok sa bahay. Gigil na gigil na naman si Concepcion.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

403K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
176K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...