Living with my Enemies (Boys...

By deuxauteurs

2.4M 65.8K 7.7K

[Finished] [Under Revision] Four girls and four boys na hindi mag kasundo.. Na walang ibang ginawa kung h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter [2]
Chapter [3] - "Sleep Over"
Chapter [4] - "Truth or Dare"
Chapter [5] - "Meet The Boys"
Chapter [6] - " Ipis "
Chapter [7] - "School"
Chapter [8] - "Ms.Sungit and Mr. Yabang"
Chapter [9] - "Knight Shining Armor"
Chapter [10] - "Pat and Pat" (AMALAYER day?)
Chapter [11] -"Princess and Prince"
Chapter [12] - "Thanks GOD It's Friday"
Chapter [13] - "Saturday Malling"
Chapter [14] - "Stalker"
Chapter [15] - "Boys VS Girls"
Chapter [16] - "Church"
Chapter [17] - "War"
Chapter [18 Part 1] - "Ground Floor/Library"
Chapter [18 Part 2] - " Canteen/Classroom"
Chapter [19] - "Parking Lot part 1"
Chapter [20] - "Parking Lot part 2"
Chapter [21] - "Principal Office"
Chapter [22] - "War nanaman?"
Chapter [23] - "They Know The Principal"
Chapter [24] - "Childhood Bestfriends"
Chapter [25] - "Living with them"
Chapter [26] - "Grocery" (Max and Matthew's Pov) [ONLY]
Chapter [27] - "Forehead kiss" (Patrick and Patty's Pov)
Chapter [28] - "Jeepney"
Chapter [29] - "Real or Fake?"
Chapter [30] - "Selos?"
Chapter [31] - "Bike/Knock-Knock/Mind Reader/Bubble Gum"
Chapter [32] - "The Ex is Back o.O"
Chapter [33] - "Secret Mission"
Chapter [34] - "Concern Sila Eh"
Chapter [35] - "Mahal naman pala eh."
Chapter [36] - "Forgiveness"
Who wants to be?
Note!
Chapter [37] - "The Contest"
Chapter [38] - "Intrams (part1)"
Chapter [39] - "Intrams (part2)"
Chapter [40] - "Intrams(part3)"
Chapter [41] - "Untitled"
Chapter [42] - "OTW"
Please Read
Chapter [43] - "At the Beach"
Chapter [44] - "Expectations leads to disapointments"
Chapter [45] - "Heartache"
Chapter [46] - "Fallin' for you"
Chapter [47] - "I've decided"
Chapter [48] - "Basta I love you.."
Special Chapter - James' POV
Special Chapter - "QueenJP"
PARA SA AYAW NG STORY NA TO.
Chapter [49] - "Horror?"
Chapter [50] - "Denied"
Chapter [51] - Max's... Confession?
NOTE
Chapter [52] - "She had tears"
Chapter [53] - "The Bad boy returns"
Chapter [54] - "Bad boy VS Mr. Epal"
Chapter [55] - "The Aches, and Their Hearts"
Chapter [56] - "A new Beginning"
Chapter [57] - "Patrick is sick"
Author's NOTE
Author's Note
Chapter [58] - "She needs me"
Chapter [59] - "The Start"
Chapter [61] - "A day with her"
Chapter [62] - "Confused"
Chapter [63] - "A boring week of Patty"
Chapter [64] - "The Confession"
Chapter [65] - "Boss Babe"
Chapter [66] - "The Jealous Patty"
Chapter [67] - "Patty's Story"
Chapter [68] - "Reconciliation"
Chapter [69] - "Huwag ng ipilit"
Chapter [70] - "Happy Hearts"
Epilogue

Chapter [60] - "Unfamiliar Feeling"

521 18 18
By deuxauteurs

Patrick's POV



"What?" Naka-ngising tanong ni Matthew. "Come on, Pat! Para yan lang!"



Natatawa pa si gago. Baka ano isipin nung Patty na yon. Isipin pa niya na gusto ko siya, feelingera pa naman yon. Aish! Nako naman! "Why do you look so frustrated? Lagi mo naman siyang inaasar ng ganyan diba? What's new?" sabi niya habang paupo sa couch sa tapat ko. He has a point. Pero kasi. . . . . hays.



"Bakit ano nangyari?" Nagtatakang tanong ng mag pinsan dahil naging abala sila sa pagpili ng movie. Hindi ko sila pinansin, hindi rin pinansin ni Matthew. Diretsong nakatingin pa rin siya sa mga mata ko.



I gritted my teeth. Napipikon na naman ako kay Matthew, pero mas lalo na sa sarili ko. Bakit hindi ko siya masagot? May punto naman talaga siya ah? Patrick anuena. "Hindi ka na ba sanay asarin si Patty nang ganyan?"



"Tss, wala kang pakialam" Sabi ko sabay tayo. Tanginang to, ang daming tanong. Ako nga sa sarili ko hindi ko maintindihan eh.



"O baka kasi yung pang aasar mo... nagiging totoo na?" Mabilis ko siyang nilingon ng nakakunot ang noo habang magkasalubong ang kilay. Nakita ko siyang hawak hawak niya ang labi niya at ngumingisi na parang kambing.



"Alam mo tol? Yung sinasabi mo, yung ginigiit mo, walang punto. Kami ni Patty? Imposible kami-"


"Posible, Pat. Nahulog ka nga eh"


"Wag mong pangunahan ang nararamdaman ko." Madiin kong sabi sakanya.



Nagsasalitan lang ng tingin samin ang mag pinsan na akala mo isa kaming napakalaking puzzle na ang hirap buuin. Tss.


"Ang torpe mo" sabi niya sakin ng walang pagkurap. Na para ba akong suspek sa isang krimen na siguradong sigurado siyang guilty ako sa nangyari.


"Hindi lang ako katulad mo na hindi sinisigurado ang nararamdaman kaya pinipiling saktan at ipahiya ang isang babae." Nagsalubong ang kilay niya, here comes the bad booooy. "Why? Did I stepped on your ego?" I smirked when I saw his jaw clenched. We stared to each other for a minute.


"Woooh init dito" Sabi ni Prince.


"Hot kasi ako, gago" Sabi ni Andrew.



Maya maya pa tinapik ni Prince si Matthew sa balikat.



"Tama na yan, saan pa mapunta yan" Si Andrew ulit.


"Fine" Tumango tango si Matthew na halatang ayaw patulan ang mga sinasabi ko. "Well... Gusto ko lang naman kasi malaman kung gusto mo siya. So kung hindi, at halata naman sa sinasabi mong wala kang nararamdaman para sakanya, then thanks. I'll proceed to my plan."


Naningkit ang singkit kong mga mata. "What plan?"


"There's a guy who wants to meet Patty. And.." nagkibit balikat siya, "Well, hmm, I will introduce him to Patty in... some other time, maybe? I don't know yet" Hindi pa siya sure sa mga sinasabi niya, huh? Sa lagay na yan?



"O..okay. Good for her" Sabi ko na lang bago tumalikod ng tuluyan.



"Sino yan?" Rinig ko pang tanong ng dalawa kay Matthew kung sino ang ipapakilala niya kay Patty. I don't give a damn.


"Well, his name is Chase" that's the last sentence I heard from Matthew.





Chase, huh? What is he? A trash? Tss.









Nag punta ako sa kusina para kumuha ng tubig at dumiretso na sa garden. Sobrang peaceful dito pag ganitong hapon. Mahangin, hindi masyadong tirik ang araw. Nag gagalawan ang mga bulaklak at dahon. I sighed. Bumagabag sakin ang mga bagay na hindi ko dapat iniisip.



It is true that I don't want to be Matthew. I don't want to adapt his way of loving. I know I am his friend and I shouldn't judging him because I know how much he love Max, but... he still failed her just because of his confusion.



Nasaktan niya si Max. Nadisappoint. I know that's part of their love. But of course, I'm not him, Patty is not Max. We have different story. I don't want to be the reason of Patty's pain. I don't want to be the reason why she's hurt and crying. She's been carrying pain for years for god's sake!



I don't want to give her false hopes. Hindi ko naman kasi alam kung ano yung nararamdaman ko. I've never been in love! I've never been attracted to girls! This feeling is so unfamiliar to me. Paano ko siya icoconsider na love? I don't even know what is love and how to love! Aish.



Pag ba masaya ka sakanya, love na yun? Masaya ako kala Prince, love ko ba siya? How will I know if this love is Eros, not Philios? Or just Philios not Eros? What if this is normal tapos sinabi ko kay Patty na gusto ko siya pero hindi pala? Iiyak ba siya? Masasaktan siya? Teka bakit ba siya iiyak? Mahal niya ba ako?



Asa ka pa, Patrick. Ayaw nga sayo ng tao hanggang panaginip.



Ang dami kong what ifs. Hindi ba pag nag mahal wala dapat what ifs? Dapat sure ka? So hindi pa love to? Oo hindi pa. Hindi pa love to. Talaga ba? Oo, sigurado ako. Maybe she's just special because she's a friend of mine. Friend? Hindi nga ata ako tinuturing kaibigan ng babaeng yon. I sighed.



Natulala ako ng ilang sandali, hindi ko na napansin ang oras.



"Remember when you told me that I should go and get Max?" Nabigla ako sa nagsalita. Napatingin ako kay Matthew.



"What about that?" Naiirita kong tanong. Tinitigan niya lang ako. Puta mainlove pa sakin to eh!



"Wala" Natatawang sagot niya at natulala na rin.


Hindi ko alam gaano pa ang tinagal ng pagkakatulala namin bago siya nagsalita ulit. "Naalala mo ba nung gabing sinabi mo sakin na puntahan ko si Max?" Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. "Sabi mo sakin nun, I love you Patty. What do you mean by that?"




Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Naalala ko na naman yung gabing yun. Hindi ko rin alam bakit ko sinabi yun eh hindi ko naman gusto si Patty. Hindi talaga? Hindi.



"Ewan, nabaliw lang" Natatawa kong sinabi pero nakasimangot lang siya sakin.



"Ano ba yun Matt? Parang gago" Sabi ko.



"Hindi mo ba talaga gusto si Patty?" Tanong niya.



"Bakit mo ba pinipilit yan pre? Dahil kami na lang ni Patty ang hindi magjowa kaya pinupush mo? Hindi naman namin kailangan sumunod sa yapak niyo" natatawang sabi ko.



"Hindi kita pinupush, nagtatanong lang. Hindi ako magtatanong kung wala naman akong nakikita o nararamdaman" Ang daldal din ng gagong to eh, dami ebas. Tumayo siya at mukhang maglalakad na papasok, pero nagsalita ako na nagpatigil sakanya



"Kung ano man ang nakikita at nararamdaman mo, kalimutan mo na yan" Kasi ako... Kailangan ko na atang kalimutan at isantabi ang lahat ng 'to.



Tumingala na lang ako at tinignan ang langit na nagiging kulay kahel na.






Patty's POV



"I really love this shade!" Tili ko habang hawak ang isang lipstick.



"That's too dark for you," Sabay hablot ni Max sa lipstick na hawak ko. "This color is perfect!" Sabay abot niya sakin ng bago.


"You sure? Parang mas bet ko na kasi mag dark lipstick, you know. Maiba naman" sabi ko sabay pout.



"I'm sure bitch, but still your choice. Magagamit mo naman ang dark lipstick for your upcoming attire sa mga parties or what. Ikaw pa, your so kikay!" Suporta ni Max.


"Matagal pa ba yan?" Inip na sabi ni Juls. Napangisi naman si Alex.



"Ito na nga ho, Princess" Sabi ko pero inirapan lang ako ni Juls. Pikon naman neto!



After kumain we decided to go shopping! Alam mo na, namiss ko rin kasi talaga sila! Kaso mukhang hindi bet ni Juls ang mga pinuntahan namin. Si Alex keri lang naman kaso hindi nagsasalita, napipe na. Buti andito si Max omg!



Nakapila na kami ng biglang may sumingit sa harap namin. "OUCH!" Maarteng sambit ni Max. Kahit kailan talaga.




"Tss, why? Do you have a problem?" Mataray na tanong niya kay Max. This girl look familiar!



"What a fucking bitch!" Bulong ni Max, well I am not sure if it is really bulong kasi rinig na rinig ata hanggang dun sa cashier.



"What did you say?" Sabay lingon ng babae samin.



"A fucking bitch?" Ulit pa ni Max. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Deym, Max.



"What is happening here?" Biglang litaw ng isang lalaki.



"Chase?" sabi ni Max.



"Max?" Sabi nung Chase. Ano na ba next dito? Iyakan na ba? Akala mo mag tito na hindi nagkita ng matagal e. I laughed at my own thought.



"You know him kuya?" Sabi ni fucking bitch.


"Y-yeah" Nauutal na sabi nung Chase sabay tingin sakin. Oh bakit ako, wala nga akong ambag sa away nila Max at ni bitch.



"What happened here, Charice?" Ulit ng kuya niya.



"Tinawag akong bitch ng babaeng to!" Sabay turo kay Max sa pagmumukha. Nanlaki agad ang mata ko kaya hinablot ko ang daliri niya.


"Stop pointing your dirty finger on my friend's gorgeous face!" May diin kong sabi sakanya sabay tulak sa daliri niya.



"What the hell?" Sigaw niya.



"Charice, that's enough!" Sigaw nung Chase na naging dahilan para pagtinginan kami. "My apologies, ladies" Sabi nito sa amin.. sabay titig sa mata ko. Kitang kita ko naman na halos mag hysterical ang kapatid niya.



"Apology accepted. But try give your sister a proper education in values, I can clearly see that she doesn't have one" Sabi ko at tumalikod na, ganun din naman sila Alex pagtapos nila tignan ang magkapatid mula ulo hanggang paa.



Lumingon ulit ako dahil may nakalimutan akong sabihin, dahil mukhang wala ng balak magsalita si Max sa pagkakagulat, ano ba kinagugulat neto? "And by the way, ever heard the word manners? Try to find it here, then buy it. Para naman magkaroon ka" Sabi ko sabay flips hair.












"Ni hindi ko man lang nabili yung lipstick na napili ko!"



Rant ako ng rant sa sasakyan habang pauwi. Pero si Max, nganga pa rin. Hindi nagsasalita. Eh dapat nga siya mas may sabihin kasi hindi ko naman away yun, pero syempre dahil sissy kami at nahurt si Max syempre gulo ko na rin kaya gigil na gigil ako hanggang ngayon.



"Maski ako naiinis din kanina eh. Hindi ko na nga pinatulan kanina kasi mukha lang bata, baka umiyak" sabi ni juls habang nagddrive.



Narinig ko naman si Alex na ngumisi sa passenger seat. "Atleast her brother was nice"


Napanguso ako doon. "Yeah, shookt nga ako at nag sorry" natatawang sabi ko sabay tingin kay Max.



"Hey, you okay?" sabi ko. "Kanina ka pa mukhang tanga dyan"


"Pakyu" sagot na lang ni Max.



"Teka kilala mo pala yun, Max?" sabi ni Juls



"A-ah, oo. Isa siya sa pinag awayan namin ni Matthew noon." Pailing iling na sabi niya habang nakangisi, kinikilig pa ata ang gaga sa away nila ni Matt. "But we're good"









Dumating na kami sa bahay at nag park. Bumaba agad ako dahil excited ako at walang Patrick. Alam ko kasi na kala Andrew siya eh.


Dire-diretso ako sa gate nang masulyapan ko ang isang nakatulalang lalaki. Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan siya. Hawak niya ang ilalim ng kanyang nguso habang nakatingin sa malayo. Medyo mapungay ang mga mata niyang akala mo ay guhit na lang. Ngayon ko lang siya natitigan ng medyo kaaya aya ang lagay. His lean body with broad shoulders. Ang perpekto niyang ilong, ang magandang ukit ng labi niya at.. Aray naman!



"Ano ba paharang harang ka dyan! Pumasok ka na nga!" Sigaw ni Juls sakin. Napatingin agad ako kay Patrick pero parang hindi niya kami nadidinig. May sariling mundo ata ang kolokoy.


Nag patuloy na ako sa pag pasok sa gate kahit ramdam ko ang nawiwirduhan na tingin nila Juls. Nang malapit na ako kay boi tulala, napatingin siya agad at nanlaki ang mata pero agad ding nakabawi.


"Kung minamalas ka nga naman" parinig ko sakanya.


"Wag mo ako simulan PATing ah" sabi niya ng nakabusangot. Problema ba nito?



Tumabi ako sakanya pero umusog agad siya. Ang gagang to. "Baka mahawa ako sayo e" sabi niya agad ng napansin ang pagtataka ko sa pag usog niya. Mahawa? Ano ba sakit ko? Kagandahan?



"Hindi ka mahahawa ng pagiging tao ko. Habang buhay ka ng unggoy" sabi ko na lang at nilabas ang chocolate na binili ko kanina at agad binuksan. Tinignan ko siyang nakatingin sa ginagawa ko pero agad din nag iwas ng tingin. Problema nito?



Kinain ko sa harap niya yung chocolate. "Ang sarap talaga neto!" Pag paparinig ko. Sumimangot siya at hinablot ang chocolate sa kamay ko.



"Hoy! Akin na nga yan!" Sigaw ko sakanya. Balak ko lang siyang inggitin pero ang gago, snatcher ata nung past life niya.



"Akin 'to!" Sigaw ni Patrick mula sa kabilang parte ng garden. Anong tinatakbo neto. Kala naman niya hahabulin ko siya, mahaggard pa ko no!



"Pag hindi sayo, wag mong angkinin Patrick! Ipaubaya mo na lang sa iba!" Sigaw ni Andrew galing sa hindi ko alam. Kailan pa dumating dito 'to?



"Kung wala kang balak panagutan, wag mo ng simulan" Isa pang gatong ng pinsan niyang si Prince. Ano ba 'tong mga 'to? Kabute?


Sumimangot si Patrick at iniabot sakin ang chocolate. "Oh" sabi niya. Napataas kilay ko sa paglapit niya at agad tumayo para hablutin yung chocolate, pero agad niya itong binawi. Naramdaman ko agad ang pagkakamali ko tapak na naging dahilan ng pagkaka out of balance ko. Naramdaman ko na lang ang pag bagsak ko sa mga pebbles. Shit!


"Patty!" Sigaw ni Max.



"Boom tanga" Si Juls naman. Sinamaan ko siya ng tingin pero natakpan ang pagtingin ko sakanya ng agad lumuhod sa Patrick sa harap ko. Tanginang to tatawa pa 'to.


"Oh ano?" Singhal ko sa kanya habang pinapagpag ang tuhod ko. Ang sakit talaga huhu. Ngumiwi siya at hindi ako pinansin, tinignan niya nalang ang sugat ko. "Papansin ka kasi" sabi ko.



"Tanga ka lang talaga" Sabi niya sakin kaya sinuntok ko siya sa pisngi. "Aray naman Patty!" Reklamo niya.


"Ang sakit nun ah! I-kiss mo to!" Sabi niya ng nakanguso at tinuro ang sinapak ko



"Ikiskis kita sa pader, nang gigigil ako sayo" sabi ko habang sinusubukan tumayo.



"Tss" Sabi ni Patrick na naunahan ako sa pag tayo at...



"Kyaaah!" Tili ko sa biglaan kong pag angat sa lupa. Wala akong powers ha. Binuhat kasi ako ni starfish. "Bitawan mo nga ako, nadudumihan ako!" Yung chocolate kasi dumikit na sa damit ko! Damn this guy.



"Manahimik ka nga kahit ngayon lang! Kala mo ba napakagaan mo?"



"Sino ba nag sabi sayong buhatin mo ako? Alis nga!" Sabi ko at nagpumiglas



"Wag kang malikot, Patty bibitawan kita makikita mo" Sabi niya habang paakyat kami sa hagdan pero di ako nagpatinag. "Ah ganon?" Naramdaman kong bibitawan niya nga ako, ang gagong to!



Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak ko sa leeg niya. Narinig ko ang pag ngisi niya. "Baby, masyado kang napapahigpit ng kapit sakin, baka ang sunod niyan i-kiss mo ako bigla ah" Sabi niya ng napansin na magkalapit ang mukha namin. Sinampal ko agad siya.



"Saan ka ba pinaglihi? Sa habagat?" tanong ko.



"Masakit na Patty ha! Nakakarami ka na" Sabi niya. "Ginagalit mo siguro ako para halikan ka" sabi niya at nilapag na ako sa kama.



"Asa ka pa, baho baho ng hininga mo e" Sabi ko at nilibot ang mata sa paligid. Nandito pala ako sa kwarto niya, or nila nung boys dati.



Nilapit niya ang mukha niya sakin, "Talaga ba?" Sabi niya. Ngayon lang ako nailang talaga sa kanya dahil sa sobrang lapit niya. "Sinasabi mo lang yan para i-kiss kita eh." Hindi ako makasagot sa kakapalan ng mukha niya.


"You wanna taste my lips, Patty?" Sabi niya ng diretso sa mata ko. Napaawang ang labi ko, ugh!!! Feeling!! Napansin kong namula ang pisngi niya bago siya tuluyang lumayo at tumalikod. Nag simula na siyang magkalkal sa drawer, "Nevermind, ayoko i-kiss ka"



"Kala mo naman gusto ko i-kiss ka? Ang dami dami pwedeng halikan diyan eh, feeling" sabi ko. Humarap siya sakin ng nakakunot noo at may dala ng betadine at bulak.



"Oh talaga, sino? Si Chase?" Sabi niya. Nagtaka agad ako.


"Sinong Chase?" Sabi ko.


"Wala!" Bugnot na tugon niya. Problema mo ghOrl?



Nanahimik na kami at sinimulan niya ng mag lagay ng betadine sa bulak. Inagaw ko naman yun pero inilag niya.



"Akin na, ako na! Kaya ko!"



"Wag na, Patty. Ako na. Kasalanan ko diba? Tss" Sabi niya. Inirapan ko na lang siya at tinignan ang sugat kong dumudugo. Medyo malaki pala amputek. Tumutulo pa ang dugo. Huwa huhu. Paano na ako mag shoshorts? Mag s-swimsuit? Pag naka dress paano na? Naiinis ako!


"Aray!" Sabi ni gunggong. "Para saan yon?" Nagtataka niyang tanong sa suntok ko.


"Nakakabwisit ka kasi! Paano na ako magshoshort neto? Or skirt? Or dress? Or swimsuit! Myghad! Pag ito nag peklat babalik kita sa pinanggalingan mo"



Tinitigan niya ako na parang di makapaniwala at biglang tumawa. "Si Miss Bianca ka na?" Natatawang tanong niya. "Lakas ng tama mo e"




Inirapan ko na lang siya pero nag salita siya ulit. "Hindi mo naman kailangan mag suot ng ganun. Dapat partner sa mukha mo lagi, yung babagay sayo. Mga suotang disente, kahit mukha mo parang na aksidente" Hinampas ko siya agad sa sinabi niya.




"Nasa impyerno na ba ako? Demonyo kasi tong kausap ko" Banat ko.




"Kahit ako si Satanas?" Natatawang sagot niya.




"Halata nga" sabi ko na lang ng may biglang nag bukas ng pinto.


"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Alex, nasa likod naman niya ang jowa niyang pinaglihi din sa habagat.


"Ang arte kasi ng kaibigan mo" Sagot ni Patrick. Pumasok naman ng diretso si Andrew at nilibot ang mata sa buong kwarto. Pero napatigil siya ng tinignan ang kamang inuupuan namin. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin kay Alex habang tinuturo ang kama. Nagtaka naman si Alex at tuluyang pumasok. Nagkatinginan kami ni Patrick.


"May topak kaibigan mo e no?" Sabi ko kay Pat.



"O M G" Sabi ni Andrew. "Pat anong ibig sabihin neto?!" Sabay turo niya sa kamang may dugo.

Huh?



"Gago!" Sinipa siya ni Patrick. Humagalpak naman sa tawa si Andrew. Nang ayaw tumigil sa pag tawa ni gunggong number 2 hinampas na siya ni Alex at sinamaan ng tingin. "Sorry sorry" sabi ni Andrew habang nag pupunas pa ng mata, problema neto?


"Baba at kakain na" Sabi ni Alex bago lumabas.


"Baba na ha, baba" Sabi ni Andrew bago sumunod kay Alex.




Patrick's POV


"Si Patrick maghuhugas!" Sigaw ni PATing



"Bakit ako?!"


"Schedule mo ngayon diba?!" Pagtataray niya.


"Oo nga! Pero ang dami neto!" Ang usapan saming dalawa lang. Bakit ba kasi nandito tong mga to? Tsss!


"Si Pat pala mag huhugas e, ayaw ko na ng basong to, nainuman ko na to e!" Sigaw ng gagong si Prince at tumayo para kumuha ng panibagong baso.


"Ako din, sabay mo ako" Sabi ni Juls.



"Gusto ko pa mag extra rice pero gamit na plato ko, kuha ka nga dyan plato Prince! Pasabay! Tsaka kutsara na rin!" Gatong ni Andrew. Epal shit!




"Mag papa ice cream ako" sabi ni Alex. Naps 'yuuuun' naman ang mga siraulo



"Madami daming baso to!" Aliw na aliw na sabi ni Matthew



Napabaling ako kay Max, "Oh may idadagdag ka pa?" Sabi ko at pinaningkitan siya ng mata.




"Uh, magluluto ako ng fries! Pahiram pan ha!" Napa facepalm ako. Bakit ba nagtanong pa ako? Nakakainis!













Pagtapos dumating ng ice cream at ang fries na niluto ni Max, lahat kami dumiretso sa library para pag usapan yung pagpaplano sa event daw na inassign sa kanila sa love month.


"Naisip ko kasi Max dapat may bago, kasi diba parang yearly lagi na lang ang sineserve ay fries, nachos, and other foods na pang pick-a pick-a. Parang hindi naman tayo naiba nun sa ibang batches, and for sure yun din ang ibebenta ng ibang section" Paliwanag ni Juls.


"Yeah, in that case, possible na humina ang benta natin" Mahabang tugon ni Alex.



Napatango tango si Max, at ang iba pa. About food booth ang pinaguusapan namin ngayon kasi yun ang pinaka matrabaho sa mga na assign sa kanila.



"Tama, baka hindi pa bumalik ang puhunan pag nagkataon" Seryosong saad ni Prince. Wow si gago, serious! Pfft...



"E-eh, paano? Hindi naman ako marunong magluto!" Natatarantang sabi ni Max.


"Kaya nga may member diba? Duh" Patty. Inirapan naman siya ni Max.


"I can help you" Offer ni Matthew.



"No. No. No." Paulit ulit na sabi ni Alex. Minsan na lang mag salita paulit ulit pa. "We're not even sure if magkagroup kayo"


Mag bubunutan pa kasi bukas para daw fair sa buong class. May point naman.


"Basta Max, mag hanap or magresearch ka na ng food na unique and masarap yet affordable. Wag din yung too complicated para magawa ng maayos" Sabi ni Juls. Tumango naman si Max.


"Sa kissing booth naman tayo, any suggestions?" Alex



Nagtaas ng kamay si Patty, "Ihilera ang mga lalaking to" sabay turo samin nila Matthew.



"Bakit kami?" Tanong ko.



"O bakit ayaw mo? Diba gwapong gwapo ka naman sa sarili mo, edi manghalik ka doon" Sabi naman ni Patty



"Wag na lang, baka maging suki ka pa" Sagot ko


"Hindi ko sasayang oras at pera ko kung ikaw lang din tss"



"Baka bilhin mo ang kiss booth masolo lang ako ah?" nakangising banat ko


"Ehem" ubo nung anim



"Can we now proceed?" Tanong ni Alex.



Nagbelat nalang si Patty at nginiwian ko siya. Tss!



"Gawin nalang nating parang Auction" suggestion ulit ni Patty. Mga naiisip talaga neto, di ko alam kung pang tao.


"What?" Natatawang tanong ni Alex



"Ihilera lahat ng lalaki sa section natin, tapos bidding! Kung sino may pinakamataas na offer yun ang makaka-kiss sa pisngi! Pisngi lang naman eh!" Pagpupumilit ni Patty.



"Bakit kaming mga lalaki, bakit hindi nalang kayo?" Sabi ko. "Diba?" Tingin ko kala Andrew na sigurado akong a-agree.


"No way"

"Ekis"

"Hello no"



Sagot nung tatlo. Oo nga pala putspa! Jowa nga pala nila mga ghOrls dito. Tss. Ba yan, la ako kakampi.



"Alam mo Patty hindi natin pwede gawin yan eh. Baka mapagalitan tayo nyan. Paano kung magkagulo ang mga haliparot para lang sa mga lalaki. Parang hindi mo naman kilala mga babae sa school" Sabi ni Juls.


"Kaya nga" Agree ni Max.



"Ganito na lang, pwede nating ipasok yung idea ni Patty pero hindi siya kiss. Kumbaga ang grand prize sa raffle, yun ang magiging bidding. Yun ang pasabog. Yun ang aabangan." Alex.


"Haba sis ah" Max.



"Whatever" Alex



"Paano naman?" Tanong ni Andrew


"Gagawin pa rin natin ang normal na kissing booth. Kung sino ang mga guy na mapupunta sa group ng kissing booth, sila yung babayaran, sila yung pagpipilian na mahalikan. Parang same kay Patty pero ang pinagkaiba hindi ito lahat ng lalaki sa section natin at hindi ito ibibid. Kung sino lang maging member sila lang pwede i-kiss. Yung sa sinasabi ko naman, maglilist tayo ng mga names ng boys natin na SINGLE, boys sa buong section to ah? And lahat ng girls na gusto sila maka-date or makiss, babayaran nila yung name nung guy hanggang umabot sa nomination. Tsaka ibibid" explain na napakahaba ni Alex.


"Minsan ka nalang mag salita ng mahaba, hindi ko pa magets" Sabi ko na pinagtawanan ng lahat.



"Tss. Example, nakalist sa isang paper lahat ng name ng mga lalaki na single sa section natin. And pag ang isang girl bet na makapasok ka sa next round, need bayaran yung name mo. Ang limang may pinakamaraming bayad, sila yung ididisplay sa harap ng kissing booth dun magsstart ang bidding. Ang may pinakamalaking offer, idedate niya yung babaeng nanalo" Sabi ulit ni Alex. Nag tanguan kami lahat. Maganda, pero bakit mga single lang?!


"Dapat pati mga may jowa!" Reklamo ko


"Asa" Natatawang sagot ni Alex. Napakaduga!


Nag proceed naman sila sa Jail Booth. Nagtawanan pa sa gusto ni Juls na banatan ang sino mang lumabag sa batas.


"Dapat tricky mga rules eh!" Matthew



"Kaya nga, para marami mahuli, marami mag pyansa! O edi may pang jollibee pa tayo" Sagot ni Prince


"May naisip na ko!" Natatawang sabi ni Andrew. Kalokohan to.


"Ang makitang walang ka holding hands na naglalakad sa field huhulihin! Pero pag wala na sa field pwede na magbitaw!" Tado talaga.



"Siraulo ka ba? Lahat ng food booth nasa field!" Sagot ni Matthew


"Ano naman? Malay mo makahanap pa sila ng love of their life sa rule na to!"


"Paano yung mga gutom na aber?"


"Problema na nila yon!"



Tarantadong Andrew talaga. Ilang minuto pa silang nag talo pero nakumbinsi niya rin si Matthew ng may ibinulong itong si Andrew sakanya. Ano kaya yun, gusto ko rin malaman kung kalokohan!


"Mag set tayo ng rule para naman di naaapi ang mga single!" Suggestion ko.


"Like what?" Alex asked.


"Magkaroon tayo ng color coding! Ang mag jowa dapat naka red. Ang single, nakawhite. Pag nakitang mag isa ang mga naka red, hanapan ng ebidensya na may jowa talaga sila! Picture o kahit ano. Pag wala, edi ikulong! Para pag balik nung jowa, magulat siya nawawala na bebe niya" Natatawa kong sabi


"Tama tama! Akalain mo yun, may utak ka rin pala" Patty.


"Nagpapalakas ka ba sakin kaya ka umaagree?" I asked her.


"Single kasi ako kaya ako umo-oo" sabay irap sakin.


"Ano pa?" Tanong nila Juls


"Ang sinomang tumili habang nakasakay sa roller coaster, ikukulong" suggestion ni Andrew.


"Ang sino mang walang ngipin sa harap ikukulong" Dagdag ko


"Mas maganda kung ikulong yung may mga merong ngipin" Gatong ni Matthew


"Sino man ang may buhok sa kili-kili, ikukulong, kailangan i-wax bago makalaya" sabi ni Prince.


Dumami pa ang mga suggestion na kalokohan bago nag proceed sa Marriage Booth.


"Marriage booth is marriage booth, wala na dapat pang i-arte doon" Sabi ni Patty.


"Maganda syempre kung may twist" Singit ni Max.


"What if, magpakasal sila sa random person. You know... to a stranger?" Alex suggested. Si Alex lang ata may matinong ambag.


"And how?" Max.


"Sa food booth mo Max, mag lagay tayo ng number sa drink na maiisip mo. Kunwari I got number 2, and someone got the same number, need namin magpakasal. Para lang sa mga gusto makahanap ng match to ha. Hindi sapilitan" Alex


"What if kung kailan nandun na sila, they refused? Kahit sabihin pa na gusto nila mahanap match nila, kung umayaw sila that moment, paano yun?" Juls


"Edi ikulong" Nagtawanan kami sa sagot ni Alex.


Natapos ang usapan namin ng mga alas-onse ng gabi, at napagpasyahan ng anim na dito na sila magpapalipas ng gabi. Buti na lang at laging handa ang mga lalaking kaibigan ko. Palibhasa laging pinapalayas sa kanila kaya may damit sa mga kotse. Ang mga babae naman ay mukhang manghihiram lang ng damit kay Patty dahil si Juls lang ang may extrang damit. Siya lang ata may dalang kotse sa kanila. Mabuti na lang wash day bukas.


Agad agad naman kaming nakatulog pagkatapos ng napakahabang araw.













Kinabukasan, bumangon agad ako pagkatunog ng alarm ko. Naabutan kong tulog na tulog ang tatlo, nakanganga pa ang mag pinsan. Si Matthew naman ay nakadapa sa taas ng double deck.


"Mga gago bangon na" Antok kong sabi habang kinukusot ang mata ko.



"Hoy deputa" Sabi ko ng sinipa ako ni Matthew. Sinuntok ko ang pwet niya. Dapa ka pa dyan ah.



Nakita kong bumangon naman si Prince at nagkusot ng mata. Dumilat naman ng tuluyan ang nakatagilid sa tapat namin na si Matthew, kasabay ng malakas na paghilik ni Andrew. Nagkatinginan kami nila Prince at Matt.



Nababasa ang nasa isip ng bawat isa, tumalon agad si Matthew mula sa taas at si Prince naman kumuha ng kumot.



"1... 2...3" Bilang ko ng mahina sabay balot namin sa ulo ni Andrew ng kumot.



"pUt4+$"5$8!!" Sigaw ni Andrew sa ilalim ng kumot


"Alien pala lahi niyo Prince, di mo sinabi" -Matthew



"pUt4+$"5$8 ka rin" sabi ni Prince.



"Papakawalan kita kung i-kikiss mo ko!" sigaw ko ng natatawa



"TabshshngInaMo" sabi ni Andrew na parang mamamatay na.



Tawa kami ng tawa ng nagdesisyon kami pakawalan si kupal. Pinagsusuntok niya kami pag tapos pero tawa pa rin kami ng tawa. Natigil na lang kami ng biglang may nag bukas ng pinto.



"Kakain na" sabi ni Juls na bihis na bihis na. Nanlaki mata niya ng nakitang di pa kami bihis. Gulat sya eh. Kami din gulat na nakitang readyng ready na ata mga girls.



"Mas maganda ka pa sa umaga aking prinsesa!" Sabi ni Prince kay Juls sabay kiss sa pisngi nito. Tinulak naman siya agad ni Juls.


"Magtoothbrush ka nga muna bago ka maglandi" irap ni Juls. "Kayo dyan bilisan niyo na putspa, anong petsa na! Pagtatadyakan ko pa ba kayo?" sabi niya sabay balibag ng pinto.



"Kakatakot gerlpren mo e no?" Sabi ko nang magsimula ng magligpit ng higaan. Well lahat naman yata sila magkakaibigan nakakatakot. Tinawanan nalang ako ni Prince na parang kilig na kilig. Ampupu



"Tangina niyo!" sigaw ni Andrew bago kami inunahan sa banyo.





7 am nang makarating kami sa school. Sakto lang. 7:30 pa naman simula ng klase. Dumiretso na lang kami sa classroom at nakinig na sa napaka boring na discussion. Habang nagdidiscuss si Miss Sanchez, nakatitig ako sa likod ni Patty. Ano kaya magandang gawin? Hmm.



Pinatong ko ang dalawang paa ko sa likod ng upuan niya. Nang sumandal siya ay agad niyang naramdaman ang paa ko sa likod niya. Mabilis siyang lumingon sakin habang nanlilisik ang mga mata. Napalunok ako ng wala sa oras. Tangina nakakatakot!



"Ang aga aga ko starfish wag mo akong sinisimulan" pagbabanta niya, pero kunwari hindi pa rin ako natinag.



Nagulat ako ng bigla niyang nilusot ang daliri niya sa pantalon ko at hinatak ang mga buhok ko sa binti. "Puta!" sigaw ko.



Agad akong napatakip sa bibig sa lakas ng boses ko. Napabaling naman agad si Miss Sanchez sa banda ko. "Anong sabi mo Mr. Franklin?" Tanong niya sa akin.



"Uh, Puta.. I mean, PUT-A!! Uhm. Gusto ko lang po sabihin kay Patty na, uh, Patty, PUT A love in my heart" Sabi ko sabay smile kay ma'am. Ang sama naman ng tingin ni Patty sakin.



"Awiiiiit!" Sigawan ng mga kaklase ko kasama sil Matthew.




"Silence!" Sigaw ni Miss. "Sit down Mr. Franklin! At kung ano naman ang pinag uusapan niyo ni Ms. Parker, pwede ba sa labas na lang ng klase yan?!"



Naupo agad ako at tumango. Pag talikod ni Ma'am agad akong sinamaan ng tingin ni Patty. "Papansin ka" she mouthed. Nag belat lang ako.




Sa remaining time ni Miss Sanchez ginanap ang groupings para sa kung anong booth kami. Nang madistribute na lahat ng papers, ay agad agad na binuksan ng bawat isa ang mga papel. Unti unti ko ring binuksan ang akin at nakita ang nakasulat.


Kissing Booth



Lah? Ayoko dito! Pagkaguluhan pa ako ng mga babae at binabae eh. Tch. Agad akong lumingon sa likod ko nang makita ang nerd naming kaklase na si Evans na nakangisi.



"Kissing booth ka?" Tanong ko. Bigla naman siyang kinabahan at yumuko. Muntik pang malaglag ang salamin niya sa pagkakayuko at mabilis na umiling ng paulit ulit.



"Ge, palit tayo" sabi ko. Nag aalangan pa siya kaya pinandilatan ko siya. "Magpapalit tayo o uupakan kita?" Hindi ko naman ugali mang upak, hindi ako si Matthew. Pero wala eh, doon lang ata siya susunod.



Nagmamadali siyang i-abot sakin ang papel niya kaya hinagis ko sa kanya yung papel ko. Agad agad kong binuksan yung papel na iniabot niya.


Marriage booth


Not bad.





--------

Sorry sa late na pag update! Ang hirap mag update pag phone lang gamit. Sira laptop ko. Huhu. Anyways, I hope y'all enjoyed! Nakahabol ako sa pangako kong ngayon ako mag u-update. Hoho! God bless everyone! Keep safe and stay healthy!

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 263K 81
Married Life ( Male Pregnant ) " ငါေမာင့္ကိုခ်စ္တယ္ ဒါေပမယ့္ ငါ့မွာလည္းသည္းခံႏိုင္တဲ့အတိုင္းအတာဆိုတာ႐ွိတယ္ မင္းငါ့ကိုအရင္ေက်ာခိုင္းရင္ မင္းထားခဲ႔တဲ႔အ...
41.5K 1.3K 64
[Unicode] ကျူးလစ်ပန်းအဝါရောင်လေးတွေရဲ့အဓိပ္ပါယ်က နေရောင်ခြည်လိုတောက်ပပြီးနွေးထွေးတဲ့အပြုံးလေးကိုရည်ညွှန်းသတဲ့။ [Zawgyi] ကျူးလစ်ပန်းအဝါရောင်လေးတွေရဲ့အ...
19.7K 1K 23
Romance, teenage comedy , OC Unicode+Zawgyi