HIWA SA DANGAL

By florforthought

807 20 11

Natuklasan ni Evelita ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang Ate Marie at hindi niya akalaing sasapitin ri... More

P R O L O G O
Chapter One
Chapter Three
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter Two

85 2 0
By florforthought

TAHIMIK siyang nagbabasa sa library nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya.

Nang mag-angat siya ng tingin, ang nahagip ng kanyang mga mata ay isang lalaking matangkad, na ang unang-unang mapapansin ay ang mga mata nitong tila laging nakatawa.

Nakangiti ang lalaki. Nakasuot ng puting puti. Tingin niya, isang medical student.

"Miss Evelita Vales?"

"Yes?" May pagtataka sa kanyang mukha. "Kilala mo ako?"

"Matagal na." Nakangiti pa rin ito pati mga mata.

"By the way, I'm Ricardo Moreno." Iniabot nito ang kamay.

Parang wala sa sariling kinamayan niya ang lalaki. Lumuwang ang ngiti nito at agad naupo sa kanyang tabi.

"Hindi ka naman pala masungit na gaya ng kuwento ng iba."

"M-May nagsabi sa iyong masungit ako?"

"Yeah! Ang tagal ko na sanang gustong makilala ka. Ang kaso, may feedback nga ako na you don't easily talk to strangers. And besides, guwardiyado ka raw ng tatay mo."

"Yeah. That's true. Hatid-sundo nga ako ng papa ko kaya hindi talaga ako puwedeng makipag-usap kahit na kanino. Magagalit 'yon kapag nakita ako."

"Hindi naman niya tayo nakikita ngayon."

Napangiti siya sa kaprangkahan at kalakasan ng loob ng lalaki. At di man niya aminin, lihim siyang humahanga sa hitsura nito.

Guwapo sa madaling sabi. Tipong boy-next-door. Para na niyang nakita ang katauhan ni Tonton Gutierrez sa lalaking ito. Mukhang very sweet. Parang gentleman. Mga katangiang siya yatang naging dahilan kung bakit hindi niya magawang pagsungitan ito.

At may isang bagay siyang napuna. Parang may napukaw na damdamin ang lalaking ito na hindi niya kayang ipaliwanag pa.

"Puwede bang friends na tayo, simula ngayon?" Nang-aakit ang mga ngiti ni Ricardo.

"S-sure."

Hindi niya maubos maisip kung bakit siya napapayag ngunit naubos ang oras niya sa library nang hindi niya namamalayan.

Enjoy kasi siyang nakikipag-usap kay Ricardo. Si Ricardo na naging very vocal sa pagbubukas ng sarili.

Nasabi na nitong lahat-lahat ang mga personal na bagay hinggil dito. Ang tatay nito, isang doktor ng baga at puso kaya iyon rin ang kursong kinuha nito dahil gusto raw nitong tularan ang ama.

Ang ina naman nito, isang dermatologist kaya wala raw itong problema sa skin problems. Ang dalawang kapatid na nakatatanda na pawang babae, may mga asawa na at sa Amerika na naninirahan. Mga nurses ang mga kapatid nito na nag-abroad nang makatapos at doon na rin nakakita ng mapapangasawa.

"Now its your turn. Gusto kong malaman ang maraming bagay tungkol sa iyo.

"B-bakit?" atubili niyang tanong.

"I want us to be closer to each other."

"Wala naman akong masasabi sa iyo tungkol sa aking sarili. Maliban sa education ang course na kinukuha ko, nothing so special about me."

"Wala kang kapatid? How about your father? Your mother? I want myself to be familiar with them.

Napakunot-noo siya. Tila gustong mainis. Pakiwari niya, parang gusto dominahin ng lalaking ito. Ngunit ang inis niya ay naitago lamang niya sa sarili at hindi magawang maibulalas sa harap ng lalaki.

"Don't get me wrong." Wari ay nababasa nito ang kanyang iniisip. "Interesado lang talaga akong makilala ka nang husto."

"Puwede ko bang malaman kung bakit?" Pormal siya nang magtanong.

"You're so special for me." Prangka ang sagot.

Nakatitig ito sa kanya. Mga titig na parang humihigop sa kanyang kabuuan. Biglang tumunog ang bell. At agad siyang nagpaalam kay Ricardo. At bago pa ito nakapag-react, nakalabas na siya ng library.

"Uy, nakita ko 'yon."

Si Cora. Isang kaeskuwela na nakasabay niya sa paglabas.

"Alin?" Patay-malisyang tanong niya.

"'Yung kausap mong pogi."

"Si Ricardo?"

"Oo. Siya nga at wala nang iba. Ang suwerte mo, Evy. Ang daming babaing malokah-lokah sa paghanga sa lalaking 'yon pero hindi naman pinapansin ng loko! Tapos sa iyo, siya pa ang nagpakilala."

"Ang kulit nga, e."

"Bakit?" "Tanong nang tanong tungkol sa akin.

"Oh, my!" Kinikilig ang kausap. "Ikaw nga ang nakabihag sa puso ng isnaberong 'yon."

"Isnabero ba 'yon?"

"Sobra. Parang ikaw. Lagi lang nakatutok ang mga mata niyan sa libro. Sabi nga sa iyo, no pansin ang mga babae 'no."

Nagkibit-balikat lamang siya. Sinarili ang tuwang nararamdaman sa mga sinasabi ng kausap. Pero biglang nahalinhan ng lungkot ang tuwang iyon nang maalala niya ang ama.

Tiyak na hindi magugustuhan ng kanyang papa na malamang may lalaki nang aali-aligid sa kanya. Ilang lalaki na ang nagtangkang pormahan siya sa bahay. Si Vic. Si Homer. Pawang mga classmates niya noong second year college pa lang siya. Pero nang makita ng kanyang papa na nakabuntot sa kanya, pinagsalitaan ang mga iyon.

Magmula noon, wala nang nagtangkang lumapit pa sa kanya. Ang naririnig nga niyang tukso sa kanya ay "Papa's girl."

Magdaraan daw sa ibabaw ng bangkay ng kanyang papa ang sinumang magtangkang kausapin siya.Nakakatawa sa iba at maaaring simpleng biro lang sa kanila, ngunit sa kanya ay isang kasiraan iyon.

At maaaring ilang araw lamang at lalayo na rin sa kanya ang Ricardo Morenong 'yon dahil sa kanyang papa.

Lihim siyang nalungkot sa isiping iyon. Lungkot na biglang napalis nang oras na ng uwian at makita si Ricardo na nakaabang sa kanyang daraanan.

"Hi!" bati nito.

"Hindi ka pa umuuwi?"

"Hinihintay kita."

"Susunduin ako ng papa ko."

"Di bale. Hihintayin ko na lang na dumating siya at nang makilala ko."

Kinabahan siya. Pero lalo siyang humanga kay Ricardo sa lakas ng loob nito.

Nalimutan niya tuloy na maaaring magalit ang kanyang papa kapag nakita siyang may kausap na lalaki. Naupo pa siya sa tabi ni Ricardo sa isang bench na malapit sa daraanan ng kotse ng kanyang papa kapag iyon ay pumapasok na sa loob ng campus.

Maraming students ang nakakita sa kanila. At maraming babae ang nakita niyang parang naiinggit sa kanya. Marahil, nagtataka ang mga iyon dahil first time siyang nakitang nakaupo sa isang bench na may kausap na lalaki.

"Now, habang naghihintay tayo sa papa mo, puwede ko bang malaman kung ilan kayong magkakapatid?"

"Ang kulit mo talaga." Hindi na inis ang nararamdaman niya katulad kanina.

"Well, para matahimik ka na, sasabihin ko na ang gusto mong malaman"

Bumago ng puwesto si Ricardo. Nakapangalumbaba itong tumitig sa kanyang mukha. Handang-handa ng makinig sa mga sasabihin niya.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago iniwasan ang tingin ni Ricardo.

"Ang papa ko, isang government employee. Sa BIR siya nagtatrabaho bilang examiner. Ang mama ko, just plain housewife. Sa Sikatuna Village kami nakatira. That's all."

Napaunat sa pagkakaupo si Ricardo.

"'Yun lang?!" Parang hindi ito nasiyahan sa kanyang pagpapakilala.

"Ano pa ba ang gusto mong malaman?"

"Solong anak ka ba?"

"Hindi," diretsong sagot niya.

"Ilan ang kapatid mo?"

"Isa. Pero patay na."

"Patay na?"

"Oo. Nag-suicide."

"Nag-suicide?" Pormal niyang hinarap ang kausap.

"Kung itatanong mo sa akin kung bakit nag-suicide, I'm sorry, maski ako hindi ko alam kung bakit."

Pagkasabi noon ay tumayo na siya.

Sumunod si Ricardo.

"Saan ka pupunta?"

"Aabangan ko na ang papa ko."

"Nag-uusap pa tayo, a."

"Wala namang magandang pag-uusapan tungkol sa akin."

Nagulat siya nang hawakan ni Ricardo ang kanyang kamay at hilahin siyang pabalik sa bench. Gusto niyang bawiin ang kamay ngunit ang hatid na kiliti ng hawak ni Ricardo ay tila kay-hirap tanggihan.

Hawak pa rin ni Ricardo ang kamay niya nang sila ay makaupong muli sa bench.

"Everything about you is interesting to me. Gusto kong malaman mo na talagang desidido akong magkalapit tayo, Evy. And I want it to be forever."

Gusto niyang kiligin sa sinasabi ng kaharap ngunit bigla ang kanyang pamumutla nang makita ang kanyang papa na umiibis sa kotse at papalapit sa kanila.

Madilim na madilim ang mukha ng kanyang papa. Bakas ang galit. At hindi niya namalayan na nakahawak pa rin sa kamay niya si Ricardo. Biglang tinabig ng kanyang papa ang kamay ni Ricardo at hinila siya patayo.

"Pasok sa kotse!" matigas na utos nito.

Hindi siya nakakibo. Magkahalong takota hiya ang nararamdaman niya.

"Ikaw, lalake," harap ng kanyang papa kay Ricardo. "...huwag mong tuksuhin ang anak ko. Wala pa sa isip niyan ang mga ipinagpapapasok mo sa utak niya!"

"Sir, wala naman ho kaming masamang ginagawa ni Evy. Nag-uusap lang ho kami."

"Hindi niya kailangan ng kausap. Kaming dalawa lang ay marami nang puwedeng pag-usapan."

Hindi natigatig si Ricardo sa tinuran ng kaharap.

"Sir, sa ayaw at sa gusto ninyo, maliligawan at makakausap ng lalaki ang anak ninyo. Lalo pa nga at isang napakagandang babae na tulad ni Evy." Inilipat ni Ricardo ang tingin sa kanya pagkasabi niyon.

Nakita niyang nagtagis ang bagang ng kanyang ama.

"Wala akong panahong makipagtalo sa iyo, lalake!"

Pagkasabi noon ay mahigpit na hinila siya ng ama papunta sa kotse. Halos pakaladkad. Panay ang lingon niya kay Ricardo. Napauunawa.

At least, may isang lalaki na nagmatapang at nakahandang harapin ang kanyang papa.

GALIT na galit ang kanyang papa sa loob ng kotse.

"Ayoko nang makikitang nakikipag-usap ka sa lalaking 'yon. Evy!"

"M-mabait naman si Ricardo, 'Pa..."

"Mabait pala sa iyo 'yong lalaking nanghahawak ng kamay, ha?!"

Matalim na pinukol siya ng tingin ng ama.

"Ingatan mo ang sarili mo, Evy. Hindi ka puwedeng maangkin ng iba. Anak kita. Anak kita!"

Pagkasabi noon ay pinaharurot ng kanyang papa ang kotse.

At siya naman ay pinag-isip ng mga huling tinuran nito.

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
125K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
1M 28.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...