A Forbidden Affair (Guieco Cl...

By LovieNot

34.9K 1.7K 206

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... More

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION

CHAPTER 10- COMFORT ZONE

577 55 2
By LovieNot


"Pre! Nasaan ang kambal mo?"

Nakakunot-noo ko namang siniringan ng tingin si Jinro. Sakit din sa panga ng isang ito, eh.

"Ay, sorry, sorry. Beautiful Marci. Nasaan si Silang?" tanong niya pa ulit sa 'kin.

Kunwari ay 'di ko na narinig, itinutok ko na lang ang paningin ko sa libro na binabasa ko.

Nasa benches lang ako ngayon at nagpapalamig ng ulo.

"Marci, Marci, Marci! Pansinin mo naman ako!" aniya na naman sabay kalabit sa 'kin na parang bata.

Buwisit! Bagay talaga sila ng buwisit ko ring kapatid.

Pabagsak ko na ibinaba ang aking libro.

Pansinin kasi papansin naman talaga!

"Hindi ako ang hanapan ng mga nawawalang haduf," asik ko.

Napanguso naman ito. Hindi pa rin kami nagpapansinan ng Gabriella na iyon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ibinuking niya ang dark secret ko kay Ashmer.

Mula noong birthday ni Mom ay wala na akong kinakausap pa sa kanila. Palagi lang akong nasa flat after ng klase. Hindi na rin ako kumakain sa DH namin. Nagluluto na lang ako.

Gano'n ako magalit. Wala ni isa man sa kanila ang kinakausap ko. Buti na nga lang at humupa na ang inis ko sa dalawa. Nagkampihan, eh.

Hindi ko rin maintindihan itong kambal ko, minsan ay pinapalayo niya ako kay Ash pero minsan din wagas naman kung ipagtulakan ako. Nakakabanas.

"Eh? Hindi naman haduf 'yong kambal mo, eh."

Napakamot na talaga ako sa pisngi ko at tumayo na. "Hindi ko alam kung nasaan. Baka bumalik na sa sinapupunan ng mommy," malamya kong saad.

Humagalpak pa ng tawa ang baliw. Lumipat ako sa ibang upuan. Malayo kay Jinro. Nakakasakit ng panga eh.

"Hi, Marci Baby."

Parang gusto kong punitin ang ilang pahina ng libro ko dahil sa inis.

Bakit ba ayaw nila akong lubayan, lord?

"Stop calling me 'baby' Lovimer! Sasapakin na talaga kita."

Tumawa naman siya. "High blood mo ngayon, ah? Dahil ba hindi mo nakikita si you know who."

Nanliit ang mga mata ko at sinipa siya. Sapol iyon sa tuhod kaya na out of balance siya.

Mabuti nga! Kakainis. Paisyu na naman!

Tinalikuran ko ang buwisit na lalaki para lang ding makasalubong ang ngiting-ngiting Kenya.

Kung minamalas ka nga naman! Bakit puro Guieco ang nakikita ko?

Baka kasi Marci nasa Guieco Clan Camp ka?

Yeah, right whatever! Mga haduf nga pala talaga sila!

"Marci, my pwend, punta ka raw sa office ng kuya kong sungit."

Ito na yata ang pinaka-bad news ko na narinig sa araw na ito. Tuluyang nawala ang emosyon na natitira pa sana sa mukha ko.

"Bakit daw?"

"I don't know, my pwend. Malay ko ba kung may usapan kayo," nang-aasar ang tono niya.

"Usapan? Kami?" inosente kong tanong.

Wala akong balak na gatungan ang pang-aalaska niya sa akin kasi honestly, kaunti na lang at sasabog na ako.

Mga haduf!

"Yeah, kayo. Hindi naman puwedeng kami? C'mon, Marci, bakit ba ang init ng ulo mo?"

"Alam mo naman pala, ginagatungan mo pa."

Tinalikuran ko na siya. Wala akong balak na makipagkita sa lalaking iyon. Busy ako, marami akong gagawin. Hectic ang schedule ko sa araw na ito.

Magluluto ako, kakain, magbabasa at matutulog tapos pagkagising ay magluluto ulit, kakain at magbabasa pagkatapos ay matutulog ulit. See? Busy. Ako.

Dire-diretso ako sa flat ko. Napakunot-noo na naman ako dahil sa nakaawang pa nang bahagya ang pintuan.

Tahimik na pumasok at nakiramdam. May tao, nararamdaman ko.

I bluntly declared, "Come out and get lost, whoever you are, before I lose my patience with you! I'm not in the mood for your nonsense!"

Lumabas mula sa kusina ang haduf na Gabriella. May fried chicken pang bitbit at ngumunguya-nguya pa.

God! Parang bata talaga! Sumasakit ang panga ko sa kaniya.

"Hi, Ate Marci," pa-cute niya pang saad.

"Magkambal tayo. Sabay tayong nabuo though nauna akong ipanganak dahil hindi naman puwedeng magsabay tayong lumabas sa ano ni Mom. Huwag mo akong ina-ate-ate! Buwisit ka!"

Nanlaki naman ang mga mata niya pagkuwa'y umaktong parang nasaktan sa sinabi ko at tila ba paiyak na.

"Ang sama mo naman, Marciella! Sumbong kita kay Mom na binibuwisit-buwisit mo ako!"

"Go, gusto mo samahan pa kita, eh," seryoso ko ng saad at sinamaan siya ng tingin. Nakita kong napalunok pa siya.

"Joke lang! Ito naman, 'di na mabiro. Dinala ko lang naman dito ang mga librong binili ko," aniya sabay nguso sa dalawang box na bandang nasa glass cabinet ko.

"Sinabi ko bang bilhan mo ako?" pagsusuplada ko pa pero may kung anong excitement akong nararamdaman.

Alam na alam talaga ng bruhang ito ang kahinaan ko at 'yon ang ikinakainis ko.

"Hindi. Bawal ba ang voluntarism ngayon? Saka nagpromise ako na bibilhan kita nong araw na sinamahan mo ako sa office ni Ashmer, 'di ba?"

"Ah, yeah, oo nga pala," sarkastikong asik ko.

"Zsss! Saka ang isang box naman para don sa..." Napataas-kilay naman ako. "Doon sa..." putol niya na naman sa sasabihin niya.

"Bakit ayaw mong ituloy?"

"Itutuloy na nga! Huwag ka ngang intrimida, kailangan may pa-surprise effect eh."

Nyawa talaga! Haduf! Surprise effect pa nga eh alam ko naman na ang gusto niyang sabihin, eh.

"Doon sa pagsabi ko kay Kuya Ashmer na Ashell 'yong name ng favorite car mo."

Nanliit na naman ang mata ko. Parang nabuhay ulit ang inis ko sa kanya. Nakahalukipkip ko na siyang hinarap.

"At bakit kuya na naman ang tawag mo sa kanya?!

"Eh? Ate kita..."

Inambahan ko siya ng suntok pero nakalayo agad siya. "Tigilan mo na ako, Silang! Sisilaban ko na talaga ang masikip mong flat dito!"

"Hindi na nga! Hindi na mabiro," natatawa niya pang saad. "Saka anong masikip? Ang mahalaga Marciella, nakakahinga pa naman ako. Kaysa naman sa iyo, malapad pero tingting lang naman ang nakatira," pahinang-pahina niyang sambit.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata. "Anong tingting?!"

"Ha? Anong tingting? Wala akong sinasabi Marciella ah?"

"Sinabi mo iyon, Gabriella!"

"Nabibingi ka lang, Marci. Hindi mo lang nakita si..."

"Sino?"

"Si Ash... Aray!" angil niya ng batukan ko na talaga. "Si Ashell sasabihin ko eh!"

Asus! Palusot, hindi iyon ang nababasa ko sa isipan niya!

"Sus, Gabriella! Baka nakakalimutan mo, papunta ka palang, pabalik na ako!"

"O siya, Marciella Perrer, ikaw na talaga. Alis na ako, ha? Sorry ulit, kambal, I love you. Huwag na huwag mo na ring ipagkakalat na jowa ko ang ugok na iyon! Lalo na kina Tita Alexander!"

Inirapan pa talaga ako bago lumabas. Nailing na lang ako saka natawa. Abnormal talaga ang Silang na 'yon. Tsk.

Sa nasabi ko ay busy ako dahil matutulog ako kaya naman nahiga na ako sa sofa at ipinikit ko na ang mga mata ko.

Pero hindi pa man tuluyang nakatulog ay may buwisit na pumindot ng bell ko. Padabog na tumayo ako at padarag din na binuksan ko ang pinto.

"What the hell? Bakit ba ang kulit ninyo..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang isinubo ng haduf na lalaking nasa harapan ko ang isang buong cookies.

Sinamaan ko siya ng tingin at no choice kundi ang nguyain ang pagkain nasa bunganga ko na.

Nyawa ka talaga, Ashmer Guieco!

"Tabi at papasok ako."

Bahagya niya pa akong hinawi at pumasok na nga. Naiiling na pumasok na lang din ako at dumiretso sa kitchen at uminom ng tubig. Bumalik ako sa sala at prente na siyang nakahiga sa sofa.

"Hoy! Bumangon ka diyan! Hindi ka ba busy at nandidito ka na naman namemerwisyo sa lungga ko?"

Bakit ba ang kulit ng lalaking ito? Hindi ba napoproseso ng utak niya ang mga pinagsasabi ko sa kaniya? Hindi niya ba iyon naiintindihan? Nakakasakit ng panga ang lalaking ito.

"Ashmer!"

"Hmm?"

"Bumangon ka nga diyan!"

"Bakit ba, Marciella? Matutulog ang tao, eh."

"Tao ka pala? Bakit hindi mo naiintindihan na bawal ka sa flat ko, okay?"

"Bakit?"

Aba'y buwisit ngang tunay! Nagtanong pa daw ba? Jusko! Sarap tadyakan!

Tadyankan mo, Marci! Tinadyakan mo nga si Lovimer, eh.

Huwag na nga lang. Sayang naman ng lakas ko.

Sabihin mo hindi mo siya kayang saktan.

Bakit ba pati utak ko ay haduf na rin?

Sabihin mo, Marci matagal ka ng haduf. Tanggapin mo na lang.

"Buwisit!" naisigaw ko na talaga. Napabalikwas naman siya ng bangon.

Zsss! Sigaw lang pala katapat nito, eh.

"Makasigaw naman 'to."

"Hindi ka kasi nakikinig sa akin!"

"Eh, ano bang problema kung nandito ako sa flat mo? Dati naman ay madalas naman talaga ako dito, 'di ba? Kahit hindi pa man kami ni Cylla, nandidito na ang tambayan ko," kalmadong saad niya.

Napakamot na talaga ako sa noo ko. Totoo naman ang sinabi niya. Madalas nga siyang nandidito noon dahil sa wala siyang ka-close bukod sa akin dahil nga napakasungit.

Pero, duh? Iba na ngayon, 'no? May isyu kami sa isa't-isa saka isa pa, isa siyang mapanganib na tukso. Period.

"Iba ang noon sa ngayon, Ash. Kaya get lost na at matutulog din ako."

"Matulog ka. May kuwarto ka naman, ah? Hindi naman tayong puwedeng magtabi."

Nanginit naman ang mukha ko sa sinabi niya. "Gags ka talaga!"

"Gags you too."

"Feeling mo naman tatabihan talaga kita, 'no?"

"Baka sakali lang naman." Nang-aasar talaga ang lalaking ito! "Tsaka anong pinagkaiba ng noon at ngayon, Marciella? Friend tayo noon at gano'n din naman ngayon. Huwag kang nag-o-overthink."

"Friend tayo noon at gano'n din naman ngayon."

Ahh yeah, right. Whatever.

"Hindi lahat ng friend ay puwedeng papasukin sa pamamahay, Ashmer!"

"Flat naman ito, Ell."

Pilosopo! Kakaasar na talaga siya. Pagsamahin ko nga ito at si Gab at itapon sa Mamachuchu-ek-ek Planet na sinasabi nina Tito Edrick at Tita Lex. Baka sakaling magsitino na sila.

"Kahit na, babae ka at lalaki ako. Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga makakakita sa atin, ha?"

"Sarado naman ang pinto. Naka-lock pa nga," malamya niyang saad.

"Buwisit ka talaga! Dami mong sagot eh, 'no? Patapon na lang kaya kita sa Mamachuchu-ek-ke Planet?"

Napakunot-noo naman siya habang nakasiring ng tingin sa akin.

"Mamachuchu-ek-ek, what?" natatawa niya ng saad.

"Forget it..."

"Sounds familiar, parang narinig ko na 'yan somewhere. Is that planet really exist?"

Ako pa raw ba ang tinanong at bakit mukhang interesado pa siya? Nakakasakit ng panga!

"Huwag mo ng alamin! Saka, 'wag mong nililiko ang usapan, lumabas ka na."

"Bakit ba inaaway mo na naman ako? Makikitulog lang, eh. Napakadamot."

Ayan na naman po ang pabebeng version ng bossungit. Mukhang wala na nga akong magagawa para palayasin siya rito. It's either ako ang lalabas o siya. Ayaw niya kaya ako na lang. Naglakad na ako papunta sa pinto.

"Saan ang punta mo?"

"Lalabas, hiyang-hiya naman kasi ako sa 'yo, Bossungit! Ako na mag-a-adjust. Dito ka sa flat ko at doon naman ako sa flat mo para fair."

Pagkasabi ko niyon ay agad na lumabas na ako. Narinig ko pang may sinasabi siya pero 'di ko na maintindihan pa.

Dumiretso ako sa flat niya. Good thing ay same passcode pa rin pala ang gamit niya kaya nakapasok ako.

Dumiretso ako sa kitchen at naghanap ng makakain. Mabuti na lang talaga meron akong nahagilap.

Puno ng stocks ang refrigerator niya, ah? Ayaw talagang magutom. Well, kailan lang ba hindi puno ang ref niya?

Pagkatapos kong kumain ay sa sala na muna niya ako. Ayaw ko namang pumasok sa kuwarto niya.

Naghanap ako ng something na puwedeng basahin at hindi naman ako nabigo dahil pareho kaming may collection ng mga libro.

Maya-maya pa ay tuluyan ng nilamong ng antok ang sistema ko.

Nagising ako nang may marinig ko ang pagbukas ng pinto niya. Napatingin ako sa wall clock, mahigit isang oras din pala akong nakatulog.

"Ashmer, I'm here. Pumasok na ako, ah?"

Kumalabog bigla ang dibdib ko dahil sa boses na iyon. Imbes na magtago ay nanatili akong nakapikit mata at tila ba na stroke dahil sa kaba.

It's Percylla. Anong sasabihin ko?

"Marci? Anong ginagawa ng isang ito dito? Where's Ash?" rinig ko pa na saad niya.

Kumilos ako at kunwaring nagising dahil sa ingay na nililikha niya.

"Oh, I'm sorry kung nagising kita."

Bahagya pang nakakunot ang kaniyang noo na tila ba nagtataka kung bakit nandito ako.

"No, it's fine. I'm sorry if nakatulog ako dito. Nasa flat ko kasi si Ashmer kanina at gusto niyang matulog doon. Hindi naman na ako nakatanggi pa kaya dito na lang muna ako," pagpapakatotoo ko pa. Ayaw kong dagdagan pa ang kasalanan ko sa kaniya.

Unti-unti namang sumilay sa labi niya ang ngiti.

"Ashmer told me na comfort zone niya rin talaga ang flat mo, just like us. Kaya siguro mas gusto niyang matulog doon. Well, thank you at pinagbigyan mo siya. Wala kasing maayos na tulog 'yon mula noong isang araw dahil sa maraming pinapaasikaso sa kaniya si Tito Zeus."

Gano'n naman pala. Bahagya tuloy akong na konsensiya.

"Eh, ayaw ko rin talagang pumayag kanina pero nagpupumilit siya."

"Bakit naman ayaw mo?"

Napasinghap naman ako. "Alam mo naman sigurong maiisyu ang mga kasamahan natin Percy, 'di ba?"

Natawa naman siya. "Let them be, alright? I trust you and Ashmer, it's fine. Plus, you're friends, and honestly, I've seen from the start that Ashmer is only comfortable with you, so don't think of anything strange, Marci."

Why does she have so much trust in me? I don't feel worthy of her trust, but I'm doing my best to become deserving, and that's what matters.

"Yeah, you're right."

"Favor naman Marci?"

"What is it?"

"Nangako kasi ako kay Ashmer na lulutuan ko siya ngayong gabi kaso nga may event akong dadaluhan."

Mukhang alam ko na ang takbo ng usapan na ito, ah? Bakit ba sadyang mapaglaro ang tadhana?

"And then?"

"Puwede bang ikaw na muna ang magluto for him? Nasa kitchen na 'yong mga pinamili kong dapat lutuin, ikaw na ang bahala sa mga 'yon, please?" pakiusap niya pa.

"Fine," sumusuko kong saad. Ngumiti naman siya ng malapad.

"Yes! Thank you, Marciella. So, alis na ako, ah? Pakisabi na lang sa kaniya na 'yon nga, may event akong pupuntahan."

Tumango na lang ako. Hinalikan niya pa ako sa pisngi bago tuluyang umalis. Nahiga na lang ako ulit pero 'di na ako nakatulog pa. Padilim na rin naman kaya kumilos na ako.

"Damn this life!" maktol ko pa.

Binilisan ko na lang ang kilos para sakaling dumating man ang bossungit na 'yon ay tapos na ako. Makakaalis agad ako.

Bakit ba ang tagal umuwi ng isang iyon? May balak ba siyang doon na tumira sa flat ko? O baka napahimbing ang tulog.

Zsss. Bahala nga siya. Pakialam mo ba, Marci?

Minuto pa ang lumipas at narinig ko na ang pagbukas ng main door. Mukhang nandito na siya. Well, kaunti na lang din naman at matatapos na ako. Sinilip ko siya sa sala pero wala naman. Baka nasa kuwarto niya na.

Sana 'di niya malaman na nandidito pa ako sa kitchen niya para naman malaya akong makaalis dito pagkatapos kong magluto.

"Oh? I thought, matutulog ka lang dito, ipinagluto mo pa pala ako."

Bahagya pa akong napapitlag. Nang-aasar na naman ang tono niya. Nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata ko dahil shirtless pa ang haduf.

"Ano ba? Magbihis ka nga!" asik ko sa kanuya at ibinalik na ang tingin sa niluluto ko.

"Ang init eh," aniya pa pero halata namang nang-aasar lang talaga.

"Zsss! Epal ka lang kamu. Si Percy nga pala, may event na pinuntahan."

"Na naman? Bakit hindi nagsabi sa akin?"

"Pinapasabi niya nga."

"Bakit ba nakatalikod ka?" angil niya pa.

Duh? Anong gusto niya? Harapin ko siya at titigan ang baka hubad niyang... Shit! Nevermind.

"Nagluluto ako, 'di mo ba nakikita?"

"Hindi naman agad 'yan..."

"Tumigil ka nga, magbihis ka na muna doon."

Hindi naman na siya umimik. Pumihit ako papaharap sa kinaroroonan niya at halos mapatalon ako sa gulat dahil nasa likuran ko na pala siya.

Naitakip ko ang dalawang kamay ko sa aking mata.

"Buwisit ka, Ash! Sisilaban ko talaga ang mga damit mo kapag hindi ka pa nagbihis diyan."

Tumawa naman siya. "Magbibihis na nga sabi ko."

Nakahinga ako nang maluwag nang lumabas na siya sa kusina. Nailing na lang ako at nakapa ang naghuhumirintado kong dibdib.

Hoy, heart 'wag naman masyadong malandi. Kalma lang tayo.

Para akong baliw na pinapaalalahanan na naman ang sarili ko.

Napapangiwing inihanda ko na lang ang hapag kainan nang matapos akong magluto at lumabas na ng kitchen.

Prente naman na siyang nakahiga sa sofa at binabasa ang librong inilabas ko pala kanina.

"Ready na ho kamahalan ang dinner mo. Aalis na ako."

Mabilis naman siyang tumayo at hinarangan agad ako.

"Sabayan mo na akong kumain."

"Hindi puwede, hahanapin ako ni Gab..."

"Kung ayaw mo, eh di dalhin mo na lang 'yong mga niluto mo, baka kasi wala ka lang gas kaya nakiluto ka rito," asik niya.

Awtom na nanliit ang mga mata ko. Ginaya pa nga ako ng nyawa.

"Gaya-gaya, Ash? Eh, kung dalhin ko nga lahat ng niluto ko tutal si Percy naman ang gumastos niyan?"

Napabusangot naman siya. "Dalhin mo, may paa naman ako para sumama sa 'yo, eh. Doon na lang ako makikikain sa flat mo. Good idea, isn't it?" saad niya sabay kindat pa sa akin.

Nasapo ko na lang ang aking noo.

"O siya! Kumain na lang tayo dito. Happy?"

Ngumiti naman siya sa akin saka dumukwang at ninakawan pa ako ng halik. Hindi agad ako nakapag-react dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Happy kiss 'yon," sambit niya at ngiting-ngiting naglakad papuntang kitchen.

He's unbelievable! Nyawa talaga.

Pero aminin, Marciella, pinakislap niya na naman ang bituin sa kisame. Kinikilig ka.

Fine! Masama ba? Pati yata butiki ay kikiligin sa haduf na 'to.

"Ell! Let's eat na, tama na ang kilig diyan, iki-kiss ulit kita mamaya," nang-aasar niya na namang patutsada.

Napayukom pa ako bago siya hinarap at naglalakad na pupuntang kitchen. Kakainis ang lalaking ito!

"Feeling mo talaga!" asik ko sabay irap.

"I like that."

"Like what?"

"Iyong way ng pang-iirap mo sa akin. Sa akin ka lang yata nang-iirap, ganiyan ka ba kapag kinikilig? Yeah, siyempre ganiyan nga," sagot niya pa sa sarili niyang tanong.

"Iniirapan ko rin si Lovimer, so kinikilig din pala ako sa kaniya?" sakay ko sa biro niya. Natawa ako ng samaan niya ako ng tingin.

"Eh di sa akin ka lang umirap, makita ko lang talaga na mang-irap ka sa iba, lagot ka sa akin."

Nanlaki naman ang mga mata ko. "You're unbelievable, Ash! Pati ba naman ang umirap ay pinagbabawal mo na? Nasaan ang kalayaan at hustisya dito sa kampong ito?"

"Ako nga lang ang puwede mong irapan, sa 'kin ka lang puwedeng kiligin."

At iniisip niya pa na kinikilig ako kapag nang-iirap? Zsss! Nyawa ngang talaga!

Vote. Comment. Follow.

Continue Reading

You'll Also Like

817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
16.3K 679 39
"It runs in the blood." That's the reason why Zefania Valencia grew up as an obese girl. Because her family has a history of obesity. But what makes...