The Playboy's Toy (Dangerous...

By kaizerKKYOS

63K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale More

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 03
TPT - 04
TPT - 05
TPT - 06
TPT - 07
TPT - 08
TPT - 09
TPT - 10
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 15
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 20
TPT - 21
TPT - 22
TPT - 23
TPT - 24
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 02

3.8K 189 10
By kaizerKKYOS


Alfred Tale Crosagne

* * * * *

M A R K

Nakatitig lamang ako sa pintuan habang walang tigil sa pag-iyak. Nanhahapdi na din ang aking mga mata sa tuwing dumadampi ang maliit kong kamay upang pigilan ang pag-agos ng aking mga luha pababa sa aking pisngi. Halos magunahan na ang pagsinok at ang aking paghinga dahil sa sobrang takot na lumulukob sa aking sarili.

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Basta nagising na lamang ako na nakakulong sa isang kwartong ito. Pinilit ko pang kalampagin ang malaking pinto nito pero hanggang sa mapagod na lamang ako ay walang nagbukas nito.

Tanging isang maliit na kama lamang ang laman nitong kwarto at maliit na cr. Tanaw ko mula sa bintana na gawa sa bakal ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Takot akong napasiksik sa sulok ng kwarto nang biglang bumukas ang pintuan. Mahigpit kong niyakap ang aking sarili nang sumungaw doon ang isang nakaitim na maskuladong lalaki. Masama lamang akong tiningnan nito. Nakakatakot siya. May bitbit itong plato at baso ng tubig na mabilis niyang inilapag sa sahig. Walang salita niyang nilisan ang kwarto.

Dahil sa gutom ay mabilis akong tumakbo at kinuha ang mga ito. Bumalik ako sa sulok at nakakamay na kinain ang pagkain na kanyang binigay. Para akong hinahabol ng kung ano dahil sa sobrang gutom.

Hindi ko na malalaman kung ilang araw na akong nakakulong dito. Tanging pagsigaw at pag-iyak lamang ang aking ginagawa habang naririto. Ngunit ilang beses ko nang sinusubukang makalabas dito at paulit-ulit na nabibigo ay hindi pa rin ako nawawalan ng pagasa na makakaalis ako sa lugar na 'to.

Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay nadinig kong muli ang pagbukas ng pinto ngunit hindi kagaya kanina ay dahan-dahan lamang ang pagbukas nito. Naalerto ako. Mariin na pinakatitigan kung sino ang tao.

"S-sino ka?" takot kong tanong dito.

Isa itong batang lalaki.

Dahan-dahang isinara nito ang pinto at humarap sa akin.

"Hi!"  tipid nitong bati sa akin. Kinaway nito ang kamay niya.

Pinilit kong siksikin lalo ang aking sarili nang magsimula siyang maglakad papalapit sa aking pwesto. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at pinigilang mapaiyak.

"H-huwag kang lalapit sa akin." sinubukan kong tapangan ang boses ko upang pigilan ang anumang balak nito.

"Don't be scared. I'm a friend."

"Mark! Gumising ka na diyan!"

Napamulat ako ng aking mga mata nang madinig ko ang malakas na sigaw ni tita mula sa kung saan. Kasunod ay isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Ilang beses ko na bang napapanaginipan ang senaryong yun sa buhay ko? Halos gabi-gabi ay hindi ako pinapatahimik ng mga nakaraan ko. Tila isa itong bangungot na pilit humahabol sa akin kung saan hindi ako makakawala. Nakatatak na yun sa isip at kaluluwa ko.

Napatingin ako sa orasan at napansin na mahuhuli na ako sa lakad ko. Inayos ko muna ang higaan ko bago pumunta sa pwesto ni tita. Prente itong nakaupo habang hinihigop ang kape sa paborito niyang tasa.

"Huwag kukupad-kupad, Mark at baka malate ka sa trabaho mo." sabi nito at abala naman sa paglalagay ng peanut butter na palaman sa tig-dos na pandesal.

"Tita, mag-aapply pa lang po ako ng trabaho."

"Ewan ko sayo! Ganun na din yun." napangisi na lamang ako sa tinuran niya.

Matapos kong makapag-almusal ay naghanda na ako para maligo. Susubukan ko ulit maghanap ngayon ng trabaho upang makatulong na din sa gastusin dito sa bahay. Nakakahiya naman kasi kung puro lang si tita Emma ang gumagastos dito at wala man lang akong maiabot sa kanya kahit konting halaga.

Nakahanda na ang susuotin ko kagabi pa. Kaya naman pagkatapos kong maligo ay mabusisi ko na lamang na sinuot ang long sleeves na matagal ko nang tago-tago para sa mga ganitong lakad. Kailangan ay presentable at malinis ka iyong katawan dahil yun ang unang bagay na titingnan ng isang kompanya sa isang tulad ko na naghahanap ng trabaho. Pinagmasdan ko ang porma ko ngayon na masasabi ko namang nangibabaw ang kagwapuhan ko. Tsk! Hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo talaga ako. Hindi ko lang talaga naaalagaan ang sarili ko dahil sa kahirapan. Tsaka wala akong panahon para sa ganyang bagay. Mas importante kasi ang mga mahahalagang bagay kaysa sa mga pansariling kagustuhan lamang.

Nagpaalam na ako kay tita nang sa tingin ko ay handa na ako. Kumaway lamang ito sa akin at hindi na nag-abalang tapunan ako ng tingin. Kahit kailan talaga si tita, kapag kausap ang soon-to-be-husband niya ay wala talagang pakialam sa paligid niya. Halos isang linggo na din ang nakalipas nang dumalaw si tito Romeo sa aming bahay. Simula noong araw na yun ay hindi na din nawala-wala sa isip ko ang pilit na bumabagabag sa akin. Hanggang ngayon ay wala pa din akong ideya sa bagay na yun.

Wala akong choice kundi ang sumakay sa padyak para hindi masira ang ayos ko. Kapag kasi naglakad pa ako ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam at pagpawisan pa ako. Sayang naman ang pagpapaligo ng pabango ko kanina kung pagpapawisan lang ako. Diba?

"Tatawagan ka na lang namin."

"We'll call you after checking your files."

"I'm sorry pero may na-hire na kami regarding to that position."

Pagod akong napabuntong-hininga nang lumabas ako sa pintuan ng hindi ko na mabilang na kompanya na aking pinag-aapply'an. Pareho lang sila lahat na tatawagan na lang ako at sasabihin kung natanggap ba ako o hindi. Tsk! Sa panahon talaga ngayon kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral ay mahihirapan ka talagang maghanap ng trabaho. Sa kabilang banda naman, kahit graduate ka pa sa isang degree ay hindi pa din secured ang trabaho mo kapag nagkataon.

Ang hirap talaga ng buhay.

Saglit muna akong nagpahinga at kumain sa isang sikat na fastfood chain dito sa lugar. Tirik na tirik na naman ang araw dahilan para pagpawisan ako. Tanghaling-tapat na din at kumakalam na din ang sikmura ko. Kanina pa kasi ako naghahanap ng mapag-aapply'an pero bigo pa din akong matanggap.

Naghanap ako ng mauupuan matapos kong magorder sapat lang para mapunan ang gutom ko. Tahimik lamang akong nag-scroll sa mumurahin kong cellphone sa isang site kung saan pwede kang maghanap ng trabaho. Sa kalagitnaan ng aking pagtitingin ay naagaw ang aking atensyon sa isang recommendation. Mariin ko itong binasa.

Siguro pwede ito sa akin. Nakasulat kasi dito na naghahanap ang isang restaurant ng mga waiter na tulad ko. In short, gwapo. Walang pagdadalawang-isip kong binilisan ang pagkain at binalak na pumunta sa address na nakasulat dito. Kapag tumagal pa kasi ako ay baka maunahan na ako ng iba at maubusan na naman ng slot tulad kanina.

Pumara ako agad sa dumaan na jeep at sumakay dito. Mabilis lamang akong nakarating doon dahil hindi naman ito kalayuan sa pinanggalingan ko kanina. Nakatayo na ako sa harap ng tinutukoy na restaurant dito sa site kanina.

"Ito na siguro yun." pagkausap ko sa sarili ko.

Umisang sulyap muna ako sa cellphone ko at chineck ang pangalan ng restaurant kung tama ba. Mukhang hindi naman ako nagkakamali na ito na yun. Papasok na sana ako sa loob nang makarinig ako ng pag-ugong ng isang sasakyan. Napalingon ako dito. Ganun na lang ang pagkamangha ko nang huminto ito sa may harapan ko. Bahagya pa akong napaatras. Kulay asul itong kotse na halata mong mamahalin base pa lamang sa disenyo nito. Bumukas ang pinto nito at ilang saglit lang ay iniluwa nito ang isang lalaki. Hindi lang siya basta lalaki dahil nagsusumigaw ang karangyaan nito sa suot niyang kulay itim na formal attire na yumakap sa katawan niya. Hinubad nito ang suot niyang shades at nagsimulang maglakad papalapit sa akin. Hindi nakawala sa aking pandinig ang mahinang tunog na nililikha ng kanyang sapatos nang magsimula itong maglakad. Sa paglapit niya ay nanuot sa ilong ko ang mamahalin niyang pabango dahilan para matulala ako.

"Excuse me."

"Ahhmmm... Excuse me?"

Kinaway nito ang kanyang kamay at bahagyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Kitang-kita ko ang kulay abo niyang mga mata dahil sa posisyon niya ngayon.

Muli akong nabalik sa katinuan nang mapagtanto ko nakaharang pala ako sa daanan. Mabilis akong tumabi upang padaanin siya. Shit ka Mark! Bakit bigla ka na lang natutulala sa presensya niya lang?

"Sorry po." bahagya pa akong yumuko bilang paghingi ng paumanhin sa katangahan ko.

Nagpatuloy na ito sa paglalakad papasok sa restaurant. Napakunot ako nang mapansin ko ang pagpasada muna nito ng tingin sa buo kong katawan na may nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Mga mayayaman nga naman.

Matagal pa ako sa labas bago tuluyang pumasok. Bumungad agad sa akin ang karangyaan nitong loob ng restaurant. Hindi na din nakapagtataka na maganda ang loob nito dahil sa labas pa lang ay makikita mo na ang magandang disenyo ng restaurant. Mahahalata mo din na mayayaman ang kumakain dito dahil sa postura nila. Naisip ko tuloy na customer din ata yung lalaki kanina.

"Good afternoon sir. How may I help you?" magiliw na bati sa akin ng babae. Kaagad ko namang sinabi dito ang pakay ko.

"Magtatanong lang sana ako kung pwede pa mag-apply as waiter dito." matamis akong nginitian nito at simpleng tinanguan ako. Masasabi kong maganda siya at lubos na bumagay sa kanya ang uniporme na kanyang suot. Maputi ito at tama lang ang tangkad niya sa kanyang katawan.

"Itatanong ko lang po muna sir."

"Okay."

Shit! Sana naman ito na yung pagkakataon ko na makahanap ng trabaho. Dahil baka kapag hindi pa ako natanggap dito ay hindi ko na alam kung saan pa ako ulit maghahanap. Luminga-linga muna ako sa paligid. Masasabi kong may mga hitsura ang mga waiter dito at hindi nga nagsisinungaling ang nakasulat doon sa site. Sa palagay ko ay madami na silang waiter dito pero bakit kailangan pa nilang maghanap ng mga panibagong empleyado? Huwag mo na lang isip yun Mark. Ang mahalaga ngayon ay magkaroon ka na ng trabaho.

Hindi din nagtagal ay bumalik na yung babae kanina. Muli ako nitong nginitian bago nagsalita. Pigil ang aking hininga na hinintay ang kanyang sasabin na umaasa na meron pang bakante dito.

"Follow me na lang po sir." napa-huh na lamang ako saisip ko nang marinig ko ang kanyang sinabi. Kahit nagtataka ay sumunod na lang ako sa kanya sa loob. Tahimik lamang akong nakasunod sa kanya habang tinatahak namin ang isang maikling hallway nitong restaurant kung saan matatanaw mo ang isang pinto sa dulo.

Binuksan nito ang pinto at sinenyasan na pumasok na ako. Tinanguan ko na lamang ito at nginitian siya bago niya ako iwan.

Napaharap ako sa unahan nang tumikhim ang isang lalaki. Laking gulat ko na lamang nang makita ko ang lalaki kanina na prenteng nakaupo sa isang swivel chair. Nakapatong din ang mamahaling sapatos nito sa ibabaw ng mesa.

"G-good morning--- afternoon po pala sir." napamura na lamang ako sa isip nang mautal ako. Bakit bigla na lang akong kinabahan nang malaman ko na siya ang may-ari nitong restaurant? Dahil ba sa katangahan ko kanina?

"Have a seat." hindi mawala ang ngisi sa kanyang labi nang lumapit ako dito at naupo. Binaba nito ang kanyang paa sa mesa. Taliwas sa kanyang ayos ang pinapakita niyang ugali ngayon. Tila hinihigop ako nito sa paraan ng kanyang pagtitig. Hindi mapakali ang kamay ko sa nakikita ko ngayon. Kapansin-pansin ang mga muscle niya sa katawan dahil sa hapit sa katawan niyang long sleeves.

Binaling ko na lamang ang aking tingin sa bagay na nakapatong sa mesa. Nakaukit dito ang isang pangalan na kung hindi ako nagkakamali ay ang kanyang pangalan.

Ryuuji Kazuma

Nagtaka naman ako sa pangalan niya. Napansin ko lang kasi sa hitsura niya na para siyang amerikano pero taliwas naman ang sinasabi ng kanyang pangalan sa hitsura niya. Mukha kasing Hapon ang dating ng pangalan niya.

Umayos ka nga Mark. Trabaho ang pinunta mo dito hindi ang pagmasdan na lang ang lalaking ito. Iayon mo ang utak mo sa sitwasyon.

"Nandito po ako sir para mag-apply as waiter." sabi ko sa kanya. Yun naman talaga ang pakay ko simula pa lang kanina. Tinapangan ko ang aking mukha at mariin siyang pinakatitigan. Kailangan ko siyang kumbinsihin na kailangan na kailangan ko ang trabaho na ito. Ito na lang ang huli kong pagkakataon.

"Do you think you fit enough to work in this kind of environment?" muli akong napakunot sa tinuran niya. Bigla ko namang naalala ang nakasulat kanina sa site kung saan hinahanap nila ay mga lalaking may hitsura at may alam sa pagtatrabaho sa isang restaurant. Siguro naman sapat nang dahilan yun para tanggapin niya ako dito.

"O-opo." ayusin mo boses mo Mark. Sikapin mong huwag mautal sa harap niya. "Base na din po sa nakalagay doon sa site ay naghahanap po kayo ng isang tulad ko."

Tumaas ang isang kilay nito at sinalikop ang parehong kamay tsaka pinatong ang kanyang baba doon.

"How are you so sure na ikaw nga ang hinahanap namin?" bakit kailangan maging ganyan ang paraan ng pakikipagusap niya sa akin? Magaspang ang kanyang boses na parang nang-aakit ito. Ang tanong, naakit ba ako? Shit ka talaga Mark! Umayos ka nga.

"Dahil po gwapo ako. Tsaka po may experience na po ako sa ganitong trabaho." tama yang sinasabi mo Mark. Ituloy mo lang yan hanggang sa makumbinsi mo siya. Wala ka dapat ikabahala dahil binabase mo lamang ang mga sinasabi mo sa kung ano ang hinahanap nila. Tsaka mataas ang kompyansa ko na pasok ako sa mga qualities na yun. Hindi lang ako basta quality lang, experienced na din ako.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa harap ko. Tulad kanina ay dumukwang ito papalapit sa akin ngunit ngayon ay sobrang lapit na niya sa akin. Tila sinusuri nito ang mukha ko base sa paggalaw ng kanyang kulay abong mga mata. Pinigilan ko ang aking paghinga at sinubukang huwag bumigay  sa pakay ko dahil sa pinapakita niya ngayon.

Ganito ba dapat siya kapag tatanungin ako? Kailangan ba ganito kalapit?

Napalunok ako ng aking laway at pinilit na kalmahin ang aking sarili.

"Are you really sure that you are experienced on this field of job? Baka naman ma-disappoint lang ako? Hmm?"

Bakit parang may kakaiba sa tinutukoy niya? Pagiging waiter pa rin ba ang pinaguusapan namin dito?

Shit ulit! Bakit naman naisip ko na may iba siyang pinupunto? Kahit kailan talaga Mark.

Bahagya akong napaliyad sa aking kinauupuan nang hawakan ng pareho nitong kamay ang aking necktie. Nakatitig lang ako sa kanya nang dahan-dahan niyang niluluwagan ito. Anong ginagawa niya? Hindi ko siya maintindihan?

"A-ano pong ginagawa niyo sir?" tuluyan na akong nautal dahil sa kaganapan ngayon. Halos magwala na ang aking sistema sa matinding kaba na aking nararamdaman. Gusto ko siya ngayong itulak sa sobrang lapit niya sa akin ngunit hindi ko magawa. Para akong natuod sa aking kinauupuan at hindi ko magawang maigalaw ang buo kong katawan. Ni ang paghinga ay kinakapos na rin ako.

"Making you mine..."

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla itong bumukas at sumungaw dito ang isa pang lalaki na mahahalata mo ding mayaman. Mabilis na umayos ng pagkakatayo itong lalaking kaharap ko at lumapit sa kararating lang na lalaki.

"Ryuu..."

Huh? Muli akong napalingon sa kanila nang tinawag niya ito sa kanyang pangalan. Doon ko lang napagtanto na hindi pala siya ang may-ari nitong restaurant kundi ang lalaking ito na bagong dating lamang.

Pinag-trip'an lang ba ako ng lalaking yun?

Ang lakas ng tama niya ah!

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

43.8K 372 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
23.9K 2.2K 8
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...