Someone within me

By Dream_Secretly

347 13 1

This book is for my short stories (One shot). "Random thoughts can be shared, too." -Smiling, Dream... More

I LOVE YOU PARE

PANAGINIP KO'y IKAW

12 1 0
By Dream_Secretly

Posible palang makaramdam tayo ng lungkot at kapighatian sa hindi mawaring kadahilanan. Iyong tipong gusto mo na lamang umiyak para mabawasan ang lahat ng sakit at pangungulilang nararamdaman. Ngunit, kahit gaano man kadaming luha ang pumatak mula sa mga mata mo ay hindi pa rin mababawasan ang sakit na nananatili sa puso mo.

"Tulala ka na naman armina..." puna ni sabel, ang matalik kong kaibigan.

Tiningnan ko siya. "Anong gagawin mo kung kailangan mo nang pakawalan ang isang tao?" Wala sa sariling tanong ko.

Napatitig naman siya sa 'kin. "Tungkol na naman ba ito sa binatang bampira na sinasabi mong minsan ay nagpapakita sa mga panaginip mo?" Tanong niya.

Napayuko ako. "Araw araw na siyang nasa panaginip ko. Mas luminaw na rin ang mukha niya." Nanginig ang boses ko. "Nagmamakaawa siya sa 'kin sabel." Sabi ko.

"Nagmamakaawa?" Nagtatakang tanong niya.

Tumango ako at nangingilid ang mga luhang nag-angat ng tingin sa kaniya. "Nagmamakaawa siyang palayain ko na siya."

"Hindi ko maintindihan...." Nalilitong sabi niya.

Napasinghap ako. "Kahit ako sabel. Hindi ko rin maintindihan ang nais niyang iparating." O ayoko lang talagang aminin sa sarili ko ang katotohanan.

Nakatayo ako sa gitna ng gubat at pilit lumilinga sa paligid. Nandito na naman ako. Sa lugar kung saan madalas ko siyang nakakatagpo.

Lumingon ako sa likuran ng makarinig ako ng impit na sigaw. Sa pag-aakalang siya iyon ay mabilis akong tumakbo papunta sa bahaging iyon ng gubat. Nahintakutan ako at nangingilid ang mga luha sa takot na nararamdaman. Hindi ko man alam kung saan nanggagaling ang takot na ito ay sigurado akong may kinalaman na naman ito sa kaniya.

Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko siya. Napangiti pa ako pero agad din naman iyong nabura nang makita ko ang kaniyang itsura. Napatakip ako ng bibig at tuluyan nang tumulo ang aking mga luha.

Ibang iba ang itsura niya ngayon kesa noong napapanaginipan ko siya. Wala na ang malinis at maayos niyang itsura. Ang dating makinis niyang mukha at puting damit ay nabalutan na nang dugo. Napaatras ako nang bigla siyang tumingin ng diretso sa aking mga mata.

Nakakapang-lambot ang uri ng tingin niya. Napalunok ako. "A-Anong ginawa mo?" Nanginginig kong tanong sa kaniya sabay baling sa walang buhay niyang biktima.

"Ginagawa ko lamang ang iyong gusto." Diretsang sagot niya.

Nagulat ako. Wala akong sinabing pumatay siya ng tao! Hindi ko ginustong maging halimaw siya! "Hindi ko ginustong pumatay ka at uminom ng dugo ng tao!" Sabi ko.

"Pero gusto mo akong manatili rito, hindi ba?" May bahid ng lungkot ang mga matang sabi niya.

Napatitig ako sa kaniya. "G-Gusto ko lang ay makasama ka." Kahit hindi kita gaanong kilala, gusto ko pa ring makasama ka. Kahit hindi ko alam kung bakit tayo nagtatagpo rito ay masaya pa rin akong makita ka.

"Pero hindi ito ang mundo ko armina." Sabi niya. "Hindi ako bagay rito. Gusto ko nang umuwi at balikan ang babaeng mahal ko, kaya pakawalan mo na ako."

Napayuko ako. "M-May kasintahan ka na?" Nasapo ko ang puso ko sa hapdi at bigat na nararamdaman.

"Wala pero may mahal na akong iba." Punong puno ng emosyong wika niya.

Napatitig ako sa kaniya at napahagulgol. "Ayokong mawala ka. Ayokong mag-isa." Maiiwan ba akong mag-isa?

"Hindi ka magiging masaya hanggat hindi mo ako pinapakawalan. Hindi mo ako alipin armina pero dahil malaki ang pagnanais ng puso mong ikulong ako rito ay hindi na ako makalabas sa panaginip na ikaw rin ang nag-simula." Sabi niya pa.

Umiling ako. "S-Sino ka ba talaga?"

Walang kurap siyang mabilis na nakalapit sa 'kin. Sinapo niya ang aking pisngi at marahan iyong hinaplos. "Bakit hindi mo iyan itanong sa sarili mo? Sino nga ba ako sa buhay mo armina at pilit mong pinagtatagpo tayong dalawa dito?" Mahinahong tanong niya.

Napalayo ako sa kaniya. "H-Hindi ko alam..." parang dinudurog ang puso ko. Naninikip ang dibdib ko at tila ba dinurog durog ang puso ko.

"Alam kong alam mo." Malungkot siyang tumingin sa 'kin. "Hayaan mo na akong umuwi. Pakawalan mo na ako armina." Muling pakiusap niya.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya habang tuloy tuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha.

Bumuka ang bibig ko para sana mag-salita pero may kung anong bagay ang nahagip ng aking mga mata dahilan para manigas ako sa aking kinatatayuan. Nanginig ang buong katawan ko sa matinding takot at bahagyang napaurong.

"Armina bakit?" Alalang tanong niya. Hinawakan niya pa ako sa magkabilang braso upang muling bumalik sa kaniya ang aking atensyon.

Puno ng takot ang mga mata kong bumaling sa kaniya. Itinaas ko ang nanginginig na kamay at tinuro ang lalaking may pulang mga mata, dalawang pangil at duguan din. May kung ano sa presensiya niya na labis na nagbigay sa 'kin ng takot at kaba.

Tiningnan niya ang tinuturo ko. Tumiim ang kaniyang bagang at humarap sa lalaki. Nakita ko ang pagtalim ng kaniyang mga kuko nang iharang niya ang katawan sa 'kin upang protektahan ako.

Nanginginig sa takot akong kumapit sa damit niya. "S-Sino siya?" Natatakot kong bulong.

"Bampirang diablo." Malamig niyang tugon. "Gusto niyang kunin ako." Dagdag niya pa.

Napasinghap ako at lalong hinigpitan ang kapit sa kaniya. Ayokong kunin siya sa akin! Ayokong mawala siya sa paraang kukunin siya ng diablo.

"Siya ba ares? Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong sumama sa akin?" Madilim ang mukhang tanong ng diablo. "Siya ba ang kailangan kong patayin?" Tanong pa nito. Nanlamig ako sa sinabi niya. Papatayin? Gusto niya akong patayin!

"Hindi mo siya magagalaw." Mariing wika niya. Napatingin ako sa kaniya. Ipagtatanggol niya ba ako kahit na sinabi niyang ako ang dahilan kung bakit nakakulong siya rito?

"Tingnan natin...." Sabi ng diablo.

Napatili ako sa gulat at takot nang bigla siya'ng tumilapon. Parang may pwersang tumulak sa kaniya ng malakas at sinadyang ibagsak sa malaking puno.

Napaurong naman ako nang makitang nasa harapan ko na ang diablo. Madilim ang tingin nito sa akin at sinadyang pinakita ang mga pangil. Lalo akong nakaramdam ng takot nang makita ang pulang pula niyang mga mata.

Napaurong ulit ako pero sa kasamaang palad ay nawalan ako ng balanse dahilan para bumagsak ako. Napasinghap ako. Bakit ngayon pa ako tinamaan ng katangahan.

"Anong pangalan mo?" Malamig na tanong nito.

Kumabog ang dibdib ko sa matinding kaba. "H-Hindi ko sasabihin..." Nanginginig kong wika.

"Sige. Papatayin nalang kita at uubusin ang lahat ng dugo mo." Mariing wika niya.

Nangilid ang mga luha ko at napasigaw nang bigla niya akong sakalin at inangat sa ere. "Naaamoy ko ang halimuyak ng iyong dugo. Sariwang sariwa at magandang gawing alay." Sabi ng diablo na para bang isa lamang atay ng manok ang aking dugo.

Inilapit niya ako sa kaniya at hinawi ang buhok na tumatakip sa kanang leeg ko. Nilapit niya ang kaniyang ilong sa leeg ko at inamoy iyon. Nataranta ako at nagpumiglas. Gusto kong sumigaw ngunit ang higpit ng hawak niya sa aking leeg.

"Matutuwa ang aking panginoon kapag inihandog kita sa kaniya." Bulong niya.

Tumulo ang mga luha ko nang maramdaman ang matulis niyang pangil sa leeg ko. Pumikit na lamang ako at tinanggap ang aking kapalaran. Ginusto ko ito. Ito ang pinili kong landas kaya dapat ay tanggapin ko ang magiging kapalit.

"Ahhh..."

Nagulat ako nang may yumakap sa baywang ko at hinila ako palayo sa diablo. Napatingin ako sa nagligtas sa akin at natuwa nang makita siya. Hindi niya ako iniwan at pinabayaan.

Napahagulgol ako at yumakap sa kaniya. Akala ko katapusan ko na. Akala ko hindi ko na siya makikita.

"Shhh ayos na. Hindi na siya babalik." Niyakap niya rin ako pabalik.

Tumango ako at hindi na nagtanong kung paano niya nagawang paalisin ang diablo. Ninamnam ko na lamang ang sandaling kasama ko siya dahil....ito na ang huli.

Lalo akong sumiksik sa kaniya. Aaminin ko na ang katotohanang itinago ko sa aking sarili. Hindi totoong hindi ko siya kilala, dahil sa totoong mundo ko ay nandon siya. Nabubuhay siya doon bilang normal na tao at hindi bampira. Pero dahil sa kagustuhan kong makasama siya ay napunta siya rito at naging bampira bilang kapalit ng palagi naming pagtatagpo.

Patawarin mo ako ares.......

"Matagal na kitang pinatawad..." bulong niya na ikinangiti ko. Bakit ko nga ba nakalimutang may kakayahan ang mga bampirang bumasa ng isipan?

Bahagya akong humiwalay sa kaniya para makita ang kaniyang mukha na ngayon ay nakangiti na sa akin. Pinunasan niya ang aking mga luha atsaka ako hinalikan sa noo. Napapikit na lamang ako at dinama iyon dahil alam kong ito na ang huli.

"M-Malaya kana....ares."

Tinatapos ko na ang kasinungalingang binaon ko sa aking isipan. Tinatapos ko na ang kahibangan ko sa kaniya at pinapalaya ko na siya. Maaari na siyang bumalik sa totoo niyang mundo. Maari na siya bumalik sa mundo kung saan kaibigan niya lamang ako.

Masakit man ay kailangan ko nang gawin kung anong tama dahil kahit ikulong ko pa siya dito habang buhay ay hindi pa rin ako magiging masaya.

Mapait akong napangiti nang umihip ang malakas na hangin at kasabay non ay ang tuluyan niyang paglaho. Alam kong nakabalik na siya. Naka-uwi na siya.

Tahimik akong napahikbi. Hindi ko man lang nasabing mahal ko siya kahit dito lamang sa mundong ginawa ko para sa aming dalawa. Pumikit ako at bumulong sa hangin, na sana ay makarating sa kaniya. "Panaginip ko'y ikaw..."

Paalam ares. Mahal na mahal kita.

"Arimina? Armina gising na?"

Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata at agad na tumingin sa paligid. Huminto na pala ang bus na sinasakyan namin.

"Kanina pa kita ginigising. Napanaginipan mo ba siya?" Tanong ni sabel.

Malungkot ko siyang tiningnan at mapait na nginitian. "Pinalaya ko na siya sabel. Ang tanging hangad ko na lamang ngayon ay ang kaniyang kaligayahan." Umiwas ako ng tingin at pasimpleng nagpunas ng luha. Aminin ko man kasi o hindi ay alam ng puso ko ang sakit at pangungulila ko kay ares. Gusto ko ulit siyang makita at makasama pero agad ko ring pinipigalan ang aking sarili. Ayoko nang ibalik siya sa dati. Ayoko nang makitang nagiging halimaw siya nang dahil sa akin.

Niyaya ko nang bumaba si sabel ng bus. Lumingon ako sa paligid. Parang pamilyar ang gubat na ito? Hindi ko nga lang alam kung saan ko ito nakita?

"Maglakad lakad daw muna tayo pero bawal lumayo." Rinig kong bulungan ng mga kaklase ko na malapit lang sa akin.

Tiningnan ko muna sila bago ako bumaling kay sabel para sana ayain ito, pero nang makitang may kausap siyang guro ay hinayaan ko na lamang siya. Mag-isa na lamang akong naglakad lakad sa gubat at tumungo sa lugar na para bang pamilyar sa 'kin.

Bawat hakbang ko ay may kaakibat na bigat sa aking dibdib. Tumingin ako sa paligid at huminto sa mismong lugar, kung saan naganap ang bawat panaginip ko kasama siya.

Nangilid ang mga luha ko pero agad ko rin itong pinigilan. Kamusta na kaya siya? Masaya kaya siya ngayon? Nabalikan niya na kaya ang babaeng mahal niya?

Parang pinipiga ang puso ko. Nasapo ko na lamang ito na para bang ano mang oras ay bigla nalang itong mahuhulog.

Huminga ako ng malalim at pilit pinatatag ang sarili. I have to move on. Napapikit ako. Kaya ko ba? Kaya ko bang kalimutan ang higit pa sa kaibigan kong pagmamaha sa kaniya?

"Armina...."

Akmang hahakbang na ako pabalik sa pinanggalingan ko kanina ng biglang may lumitaw na pamilyar na pigura ng tao sa mismong harapan ko. Gulat at hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya.

Tumulo ang mga luha ko kasabay ng pag-awang ng mga labi ko. Napatakip ako ng bibig gamit ang aking kamay habang nakatitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon? Nasa panaginip na naman ba ako?

"P-Pinalaya na kita..." Humikbi ako. Hindi pwedeng nandito siya sa harapan ko dahil pinalaya ko na siya.

Ngumiti siya at hinila ako palapit sa kaniya. Agad na pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko at niyakap ako ng mahigpit. Napahagulgol ako sa ginawa niya. Pinalaya ko na siya e! Bakit nandito na naman siya? Pina-uwi ko na siya e.

"K-Kasalanan ko ba k-kung bakit nandito k-ka? S-Sorry....." Hagulgol ko.

Naramdaman ko ang pag-iling niya bago niya ako hinalikan sa noo. Napapikit ako dahil doon. Ang sakit....ang sakit kasi tinapos ko na ito pero mukhang kailangan ko na namang ulitin. Kailangan ko na namang patayin ang puso ko.

Hindi pa man ako nakakaahon sa pagka-lunod sa lawa ng pagdurusa pero nandito na naman ako...pilit ko na namang nilulubog ang sarili ko.

"S-Sorry ares...." Halos pabulong ko nang wika.

"Shhhh...." Marahan niya akong inilayo sa kaniya atsaka niya pinunasan ang mga luha ko. "Salamat dahil hinayaan mo na akong makabalik armina..." Ngumiti siya atsaka hinaplos ang pisngi ko.

"Dahil pinalaya mo ako, nakabalik ako dito. Nakabalik ako sa 'yo para sabihing minamahal kita...." Sabi niya kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Hindi mo na kailangang ikulong ako sa panaginip mo dahil ngayon palang ay handa na akong magpakulong sa buhay mo...."

Continue Reading

You'll Also Like

11.7M 302K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
317K 14.4K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
163K 3.8K 28
GXG