THE BADBOY'S FIRST KISS

By jhuennstorm

361K 12.9K 1.4K

let's find out the story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 5

12.2K 510 30
By jhuennstorm

[Ryuuji]

Hindi ako magawang tingnan ng ibang estudyante habang naglalakad ako papasok ng Eastberg university. Dire-diretso ako hanggang sa makarating ako sa office ng Dean namin.

Pumasok ako sa loob at umupo na naka-dikwatro.

"Silvana. Anong balita sa transferee na si Miss Miketsukame?" Tanong ko sa Dean.

Simula ng lumabas ako ng hospital una kong hinanap si Aika sa school. Ngunit nalaman kong hindi na ito pumapasok. Kinausap ko si Yaya Belen upang mag panggap na Tita ni Aika at sabihing nagkasakit ito upang hindi ito ma-drop at tanggalin ang scholar. Hindi ko na rin binu-bully ang nursing student na si Tacky.

"Wala po kaming balita kung magaling na siya."

"I see... Tawagan mo ako kung pumasok na siya." Tumayo ako at lumabas ng office niya.

Una kong hinanap ang dalawa kong kaibigan na si Fujima at Dan Carly. May importante kasi akong sasabihin sa kanilang dalawa ngayon. Hinanap ko sila sa school pero hindi ko sila nakita kaya naman napagpasyahan kong puntahan sa lugar na paborito nilang puntahan.

Pitong kilometro ang layo ng pad ni Fujima sa school kaya mabilis lang akong nakarating doon. Kilala na rin ako ng security guard sa labas ng malaking building na iyon na pagmamay-ari ng mga Takouari.

Dahil sa madalas akong nandito alam ko na rin ang password ng pad ni Fujima.

Nang makapasok ako sa loob napailing ako dahil nagkalat sa lapag ang mga damit ng babae at damit ni Fujima at Dan Carly. Umupo ako sa malambot at mahabang sofa upang hintayin silang lumabas sa kwarto. Nang nakahiga na ako sa sofa may nakapa akong tela. Inalis ko iyon ngunit ng tingnan ko bigla ko iyon tinapon.

"Yuck!" Bigla akong tumayo at naghugas ng kamay. Nahawakan ko kasi ang kulay red na panty.

Kaya minsan ayokong nandito sa pad ni Fujima dahil hindi ko gusto ang ginagawa ng dalawa. Ang pakipag-flirt sa mga babae.

Nang makarinig ako na tunog mula sa kwarto nilakasan ko ang sound ng Tv. Pagkatapos ng ilang minuto lumabas si Dan Carly na nakatapis ng puting towel.

"Ilang round 'yan?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang refrigerator at kumuha ng inumin.

"Dalawa masyado kasing magaling." Uupo sana siya sa tabi ko pero pinigilan ko.

"Maligo ka nga amoy zonrox ka."

"Mamaya na baka mapasma." Sabay tawa niya.

Ilang saglit pa lumabas ang isang maganda at maputing babae sa kwarto na nilabasan ni Dan Carly. Lumapit ito kay Dan Carly.

"You want another round." Ani Dan habang hinahaplos nito ang malaking dibdib ng babae at hinihimas ang pwet.

"Tomorrow." Sabi ng babae.

Napangiwi ako ng maghalikan ang dalawa bago umalis ang babae.

"Kaya pala para kang leon diyan."

"Bakit kaya hindi mo subukang tumikim para naman maranasan mo ang nararanasan naming dalawa ni Fujima."

"Wag ninyo akong itulad sa kalibugan ninyo, mabuti hindi ninyo nabubuntis ang mga babae ninyo.

"Uso ang condom." Sabay ngiti ni Dan.

"Psh!"

Lumabas si Fujima na naka-brief lang gulo-gulo ang buhok niya. Kasunod na niya ang babae na nakabihis na.

"Tingnan mo nga naman ang bisita ko." Lumapit si Fujima upang makipag kamay pero hindi ko inabot.

"Hugas ka muna ng kamay mo."

Tumawa si Fujima at pagkatapos dumiretso sa banyo ang babaeng kasama niya umuwi na rin.

"Kung hindi ka namin kilala iisipin naming bakla ka." Ani Dan Carly.

"Mga g*g*! Sapakin ko kayo e, hindi ko lang gustong makipaglaro ng apoy sa babae."

"Ikaw lang ang badboy na kilala ko na  NBSB at never been kiss and touch. Mag bago ka ng prinsipyo Ryuuji. Mamatay ka ng hindi mo natikman ang langit." Ani Fujima.

"Gusto ko katulad ng kay Daddy. First girlfriend niya si Mommy at first kiss niya."

"Paano ka magkakaroon ng ganyan kung hindi ka manliligaw. Marunong ka bang manligaw?"

Tinitigan ko ng masama ang dalawa. "Hindi ako pumunta rito para pakialam ang buhay ko. Nandito ako para sabihin na bukas birthday ni Mommy at kahit ayokong invite kayo wala akong choice dahil gusto ni Mommy na pumunta kayo mga ugok."

Nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos ngumiti.

Salubong ang kilay ko. "Anong nakakatawa?"

"Wala naman naisip lang namin na baka may chiks doon." Ani Fujima.

"Meron mga matatanda." Sagot ko.

Tumayo ako upang umalis. "Hihintayin ko na lang kayo sa school masyadong mabaho rito."

Humalakhak ng malakas ang dalawa. Ako naman ay dumiretso ng school at doon ko na lang sila hinintay.

                        **********

Abala ang lahat ng tao sa loob ng mansiyon namin dahil sa paghahanda. Dumating na rin ang mag-aayos ng birthday ni Mommy si Mommy hindi makanda-uga-uga sa pag-aayos sa birthday. Samantalang ako nasa loob ng kwarto ko at naglalaro ng online game.

Sumapit ang gabi nagsimula ng dumating ang ibang bisita ni Mommy. Naging abala naman ako sa pag-aasikaso ng ibang bisita ni Mommy kung kaya't hindi ko namalayan na dumating ang mga kaibigan ko.

"Ryuuji!"
Nakangiti pa si Mommy ng lumapit sa'kin.

"Yes, Mom?"

"Nandito na ang kaibigan mo at ang girlfriend mo."

Kumunot-noo ko. "Girlfriend?"

Hinila ako ni Mommy. "Asikasuhin mo ang girlfriend mo."

Ang lapad ng ngiti ni Fujima at Dan samantalang hindi ko makilala ang babae na nakakulay pink na gown dahil nakayuko ito.

"Ryuuji, girlfriend mo." Ani Mommy.

"Aika."

Nakayuko si Aika habang papalapit sa'kin.

What are you doing here?" I whisper.

"I'm sorry, i need to do this."

"What?"

Lumapit siya sa'kin na halos isang dangkal ang pagitan ng mukha namin. Nagulat ako ng hilahin niya ang batok ako at pagkatapos hinalikan niya ako sa labi. Natulala ako at parang hindi ako makagalaw.  May kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan at parang naninigas ang katawan ko.

"1...2...3..."

Tatlong segundo yata ang tinagal ng paglapat ng labi niya sa labi ko. Pagkatapos kumalas siya sa'kin.

Nakita ko si Mommy at ang dalawa kong kaibigan na nakangiti sa'min.

"A-Ah— Excuse me lang po kailangan kong gumamit ng comfort room." Ani Aika.

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawang ikilos ang katawan ko.

"Ituturo ko sa'yo kung saan ang comfort room." Ani Fujima.

Tinanaw ko si Aika at Fujima na papunta sa comfort room.

"Ang sweet naman ng girlfriend mo." Ani Mommy.

Doon ako bumalik sa ulirat. Nang tingnan ko si Dan Carly. Ang lapad ng ngiti.

"Mommy, kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko."

"Sige, ikaw na ang bahala sa mga kaibigan mo." Pagkatapos umalis.

Humakhak ng malakas si Dan Carly. Nang makaalis si Mommy.

Kinuwelyuhan ko si Dan. "Sinadya ninyo ito."

"Woah! Wala akong alam diyan."

"Humanda kayo sa'king dalawa."

Hinintay namin na makalabas si Fujima at Aika ngunit hindi na ito nagpakita sa'min nakaramdam ako ng inis dahil biglang nawala ang dalawa. Kasama pa naman niya si Fujima.

"Bakit hindi pa sila bumabalik?"

Pilyong ngumiti si Dan Carly. "Baka sinamahan ni Fujima sa loob ng cubicle si Aika."

Muli kong kinuwelyuhan si Dan. "Hindi ako nakikipag-biruan sa'yo."

"Easy lang dude. Wag kang masyadong pikon. Safe ang naka-first kiss sa'yo. Hindi namin siya gagalawin."

Binitawan ko si Dan. "Where is she?"

"Nagtext sa'kin si Fujima hinatid na niya sa bahay si Aika. Nagyaya na raw na umuwi. Hintayin mong bumalik si Fujima pagkatapos suntukin mo."

"Bullshit!" Sigaw ko.

Umupo ako sa round table habang nakatanaw sa entrance ng malaking gate namin. Hindi ko tuloy magawang kumain O makihakalubilo sa iba hanggat hindi ko nakikita si Fujima.

Isang oras ang lumipas nang matanaw ko si Fujima agad akong tumayo upang salubungin siya. Sumunod naman sa'kin si Dan Carly.

"Bakit ang tagal mo?" Inis kong tanong kay Fujima.

"Yan ba talaga ang tanong mo O gusto mong tanungin kung safe na nakauwi si Aika." Pilyo siyang ngumiti.

"Wala akong pakialam sa babaing iyon. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa'kin." Sabay iwas ko ng tingin sa kanila.

"Inuwi ko si Aika sa bahay niya ng walang labis at walang kulang. She safe now. Don't worry." Ani Fujima.

Matalim ko silang tinitigan. "Bakit nandito siya? Tinakot ninyo siya na gawin sa'kin 'yon."

Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos tumawa ng malakas na halos manakit na ang tiyan sa kakatawa.

"Nakakatawa ang itsura mo nang kinuha ni Aika ang first kiss mo. You look pale akala ko nga hihimatayin ka." Ani Dan Carly pagkatapos tumawa ng malakas.

Lumapit ako sa kanila at marahan kong sinuntok sila sa braso.

"Sinasabi ko na nga ba at kayo ang may pakana ng lahat ng iyon. Kaya ako nagtataka ng biglang sumulpot si Aika sa birthday party ni Mommy."

"Atleast naranasan mo na ang halikan. Binata ka dude bilog na ang utot mo." Ani Fujima sabay tawa ulit.

"G*g*!" Sigaw ko.

Naputol lang ang pang-aasar nilang dalawa ng may makita silang dalaga na bisita ni Mommy. Iniwan nila ako at pinuntahan ang mga dalaga. Mag-isa akong umiinom ng alak habang pinapanood ang mga kilos ng mga bisita namin. Biglang sumagi sa isip ko ang larawan ng mukha ni Aika.

Kinapa ko ang dibdib ang bilis kasi ng tibok niya. Pagkatapos kinapa ko ang labi kong hinalikan ni Aika. Feeling ko nakadikit pa rin ang labi niya sa labi.

"Psh! Baliw talaga ang babaing 'yon." Then i smile.

                       *********

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school dahil nabalitaan kong kahapon pa pumasok sa school si Aika. Kaya siguro nadala nila Fujima si Aika dahil pumasok na ito. Nasa loob ako ng office ng dean. Naka-dikwatro habang hinihintay ang pagdating ni Aika. Sinabihan ko kasi ang Dean namin na papuntahin si Aika sa office niya.

Ilang saglit pa nakarinig ako ng katok sa pintuan.

"Come in." Hininaan ko ang boses upang hindi niya ako makilala.

Pagpasok niya sa loob nanlaki ang mata niya ng makita niya ako. Napaatras siya ng tumayo ako.

"Hep! Hep! Wag kang lalabas."

Huminto si Aika at nakayuko sa'kin.
Habang papalapit ako sa kaniya pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko hindi ko maalis ang tingin sa kaniya.

"W-Wag mo akong sasaktan. Hindi ko ginustong halikan ka. Napag-utusan lang ako ng mga kaibigan mo. Papatayin nila ako kung hindi ko sila susundin."  Aniya.

Huminto ako at pagkatapos tumawa ako ng malakas hindi ko na kasi mapigilan na hindi tumawa kitang-kita ko kasi ang takot sa mukha niya.

Nakataas ang kilay niya ng tumingin sa'kin.

"Hindi ka galit?" Takang tanong niya.

"Hindi ako galit. Galit na galit!" Sumigaw ako upang mas lalo siyang matakot sa'kin.

"Sorry." Aniya.

"Simula ngayon hindi ka na aalis sa tabi ko."

"Ha?" Gulat na gulat siya.

"Kung gusto mong makapagtapos ng pag-aaral just stay with me."

"Pero ayokong kasama ka madami kang kaaway baka madamay pa ako."

Tinitigan ko siya ng masama. "Anong gusto mo hindi ka na makalabas ng buhay rito?"

Ilang beses siyang umiling. "Gusto kong mabuhay ng matagal."

"Good girl, then stay with me."

Huminga siya ng malalim. "Okay."

"Good. Let's go!"

Hinawakan ko ang kamay niya. Gusto kong bitawan pero hindi ko na nagawa. Lumabas kami ng office ng Dean at naglakad ng lobby na magkahawak kamay.

Marami ang nagulat ng makita kaming dalawa na mag-kasama pero wala kahit isa ang nagtanong. Marahil natatakot sila sa'kin.

"Teka nga!" Sabay hila niya ng kamay niya.

Tumingin ako sa kaniya. "What?"

"Saan ba tayo pupunta? May klase pa ako."

Matalim ko siyang tinitigan. "We will eat in the cafeteria, I haven't eaten yet."

"Ikaw na lang busog ako." Tumalikod siya sa'kin upang umalis.

"I will kill you."

Huminto siya at humarap sa'kin. Tapos ngumiti. "Tara na! Gutom pala ako." Aniya.

"Psh! Susunod ka rin pala." Nauna akong naglakad sa kaniya hindi ko na ulit hinawakan ang kamay niya.

"Ikaw na bumili ng pagkain natin."

"Bakit ako? Ikaw ang bumili."

"Inuutusan mo ba ako?" Inis kong tanong.

"Hindi kita inuutusan wala akong pera pambili."

Naglabas ako ng pera. "Here."

"Two thousand ang laki naman nito."

"Why are you complaining so much? Bumili ka na!"

"Tse!" Sabay talikod ni Aika.

Umiling ako. Ganito ba talaga kapag may kasamang babae nakakaasar.
Pakalipas ng ilang minuto may dala na siyang pagkain.

Nakakunot ang noo ko. "What is that?"

"Lason."

"You pissed me off."

Pang-asar siyang ngumiti. "Joke lang! Kain ka na."

Dalawang burger. Vegetable salad pineapple juice at fruit salad ang binili niya para sa'kin."

"Why don't you eat?"

"Busog pa ako."

Kinuha ko ang isang buong burger at sinubo ko sa kaniya. "Eat the food."

Pinanlakihan niya ako ng mata at pilit na nginunguya ang isang buong burger.

Tawa ako nang tawa sa kaniya dahil nabibilaukan na siya.

"Papatayin mo ba ako!"

Nagkibit-balikat ako. "If you die, why not." Pagkatapos sinubo ko ulit ang burger.

"Napakasama ng ugali mo. Hanggang anong oras ako magiging sunod-sunuran sa'yo?

"Until i get bored."

"Hudas! Unggoy! Kapreee!" Sigaw pa na niya

Nakangiti ako habang inis na inis siya sa'kin. Ang sarap kasi niyang asarin.

"I think, I'm happy to be with you"

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 823 12
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
20.6K 961 74
a n e p i s t o l a r y Tyler attended a children's party and caught the attention of Luis. A guy with an attitude, and a guy who loves playing aro...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
208K 13.5K 67
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...