Yow Guys! I’m back!
Nu daw?! Haha! Ok BTW, meron lang akong simple note para hindi kayo masyadong malito.
Medyo maraming minor characters pa kase ung madadagdag.
So dito sa chapter na to may mga characters akong ipapakilala sa inyo. Lahat sila related kay Ethan.
Mga katropa at teammates niya sa football club. Gets niyo? Haha!
Javie- Co-captain, taga advise sa lahat Aaron- comedian, magaling sa defense
Joshua- second keeper Frinz- Goalkeeper
Brian- batangplayboy Gerson- pinakabata sa grupo
Mon- comedian Gabriel- comedian din
John- patawa, magaling sa defense Gervin – magaling sa offense, patawa
Adriel- magaling na midfielder, comedian
Sila ang nabuo sa first 11 ng team.
Coach Michael Gonzales- Coach (malamang) XD
BTW, dedicated sa kanya kasi she really suppoetrs my story! Salamat ng marami sayo!
Lovelots!
Eto na
_________________________________________________
Chapter 6
Ethan’s POV
“GOALLLLLLLLLLLLLLLLLLL!!!!”
“Nice one Captain! Galing mo talaga!” sabi ni Aaron
Nandito kami ngayon sa football field. Kakatapos lang ng klase at dito agad kami dumeretso.
Malapit na kasi yung match eh.
Mahihirapan kami kung hindi kami maagang magpapractice kasi malapit na din ang Prom.
First time namin sa Prom kaya hindi dapat namin yun palampasin.
*Prtttttttttttttttt!*
At sumipol na si coach. Kami ang panalo.
Practice game lang to kaya hindi dapat masyadong magsaya
Buti na lang at nakagoal pa ako sa last minute.
“The game is over guys! 3-4 in favor of Ethan’s team! Congratulations! For Javie’s team, better luck next time. Pero close fight! You guys really improved a lot. I’m really, really proud of you.” Sabi ni coach Michael
“Ang drama ni coach ah! Ahahahaha! Pero congrats samin. Nice Ethan!” sabi ni Mon sabay apir sakin
“Ui dre, congrats! Galing ng mo ah! Ganda ng goal mo kanina.” Sabi naman ni Javie
“Wala yun. Magaling ka din. Sadyang nakachamba lang ako kanina. Ahaha!”
Tapos nagtawa kaming dalawa.
“Sa tingin ko that’s enough for this day. Pwede na kayong umuwi.” Sabi coach sabay alis
“Bye Coach!” sabi naman namin
“Oras na para maligo. Ang lagkit ko na! Ang mahuli sa shower room, manglililbre!” sigaw ni Adriel
Nagsitakbuhan ang lahat papuntang shower room.
“OIIIIIIIIIIIIIIII sandali! Intayin niyo akooooo!” sigaw ni Gervin
Hindi na ako nakitakbo kasi kahit naman mauna ako, ako pa rin ang manglilibre.
Ayos no. Ahahahaha!
Nang nakarating ako sa shower room, si Frinz agad ang nakita ko.
“Ui captain! Ikaw na naman manglilibre! Haha!” sabi ni Frinz
“Oo na. lagi naman ako eh. Oh sige na, maligo ka na.” sabi ko naman
Tinapon ko sa kanya ung isang towel.
Naligo na din ako at nagpalit.
Nandito kami ngayon sa bleachers ng football stadium.
Ang dami namin nabiling pagkain.
Kanya kanyang kain din tong mga to eh.
Kaya bago pa ako maubusan, kumuha na ako ng akin.
“Ang daya ni Brian! Ang dami ng nahuha!” sabi ni Gerson
“Eh basta akin na to. Hahahaha!” sabi naman ni Brian
“Nakuuuuuu! Ikaw talaga!” sabi ulit ni Gerson
“Change topic na ha. Mga dre, malapit na prom ah. Sino mga date niyo?” tanong ni John
Date? Oo nga pala, wala pa akong date. Hayyy.
“SECRETTTTTTTTT!” sabay sabay nilang sinigaw
“Hindi kami makarelate ni Gerson. Pshhh.” Sabat ni Brian
“Eh kase sophomores pa kayo. Yaan niyo next year, magpoprom na din kayo.” Sabi naman ni Gabriel
“Oi Ethan! Bakit hindi ka kumikibo dyan!?” tanong ni Joshua
“Oo nga naman.” Sabi naman ni Javie
“Wag kayong maingay, iniisip niya siguro si Dara kaya siya tahimik” sabi ni Aaron
“ANONG DARA!? At anong iniisip ko siya? Wala kasi akong date kaya hindi ako masyadong makarelate sa inyo.” Sabi ko naman
“Kowww! Nagpalusot pa! Kala mo ba hindi namin alam na pumunta kayo sa isang beach nung isang linggo? Tapos palagi pa kayong magkasama at magka-usap. Ano ka ba Ethan?! Pwedeng pwede ka naman umamin samin eh.” Sabi naman ni Mon
“Tsk. Ano ba naman kayo? Magkaibigan lang kami nun!”
“Magkaibigan nga lang ba? O magka-ibigan?” sabi ni Joshua
“Lumalablayp si captain oh! Umamin ka na kasi!” sabi naman ni John
“Oo nga! AAMIN NA YAN!” sabay sabay nilang sigaw
“Tsk. Hayyy. Hindi ako aamin dahil wala naman akong aaminin. Nag-uusap lang kami madalas kasi may problema siya sa fiancée niya. Yun lang yun. Friends lang talaga kami ni Dara.” Sabi ko naman
“Friends. Sa pagiging magkaibigan nagsisimula ang lahat Ethan. Kaya wag mong nila-Lang ang salitang yon. Malay mo kayo magkatuluyan nyan. Single ka naman eh.” Sabi naman ni Javie sabay siko sakin
“May fiancée na siya. Imposible mga sinasabi mo Javie.” Sabi ko naman
“Oo nga naman! May fiancée na nga siya.” Sabi naman ni Gerson
“Pero alam naman ng lahat na arranged lang sila diba. Atsaka may ibang gusto si Daniel. Yung Iris ba yun? Tapos tong si Dara deds na deds dun kay Daniel” sabi naman ni Frinz
“Oo. Balita ko naging masama ang ugali ni Dara simula nung nalaman niya na may ibang gusto si Daniel.” Sabi ni Brian
“Ang babaw naman ng dahilan niya. Kung ako sa kanya, I would not bother to change myself. I mean, maganda naman siya at ideal girl. Marami ang magkakagusto sa kanya kung mabait siya. Eh kaya lang ugaling kontrabida ang meron siya eh.” Sabi naman ni Gervin
“Alam niyo guys, mabait talaga siya. Trust me. Nakaka-usap ko siya diba, hindi naman siya ganoong kasama. In fact, ganyan din tingin ko sa kanya noon. Pero ngayon, iba na ang tingin ko sa kanya kasi nakilala ko na siya.” Sabi ko naman
“Talaga lang ha?! Eh bakit ang sama ng ugali niya sa iba? Sayo lang ata yun mabait eh. Tsaka diba kokonti lang mga kaibigan nun. At isa na si Ethan sa mga yun” sabi naman ni Gabriel
“Hindi lang naman siguro yun dahil kay Daniel at Iris. Malay mo meron pa siyang mas malalim na dahilan at kung ano yon, hindi ko na din alam.” Sabi ko
Natahimik kaming lahat.
Napansin kong nagbulungan silang lahat at ako at si Javie lang na katabi ko ang hindi kasali.
Nang natapos na silang magbulugan
“Ganito na lang Ethan. May ipapagawa kami sayo. Isa tong pustahan. Ano handa ka na ba? Pag-isipan mong mabuti dahil pagsinabi mong ‘Oo’ wala nang bawian. Hindi muna namin sasabihin sayo kung ano kaya mag-isip ka” Sabi naman ni Adriel
“Ang daya naman nyan! Pero I was born ready kaya OO, pumapayag ako sa gusto mong mangyari. Ano ba yun ha?” sabi ko
Tsk. Ano naman kaya yun.
“Ethan, kailangan na mapa-fall mo sayo si Dara.” Sabi naman ni Aaron sabay smirk
"ANOO?" sabi ko
“Basag ba kayo? Eh may fiancée na yung tao ah!” sabi naman ni Javie na halatang nagulat din sa sinabi nila
“Alam namin. Arranged sila kaya kahit ayaw nila, ikakasal sila at wala nang makakapigil nun. Pero hindi naman namin sinabi na maging kayo ah. Ang gusto lang namin ay mafall si Dara sayo Ethan. Kailangan din na umamin siya sayo tapos saka mo babasagin ang puso niya. At wala dapat makaalam ng pustahan na to.” Sabi naman ni John
“Pustahan. Ibig sabihin paghindi ko nagawa may kapalit. Ano ang magiging kapalit?” tanong ko
“Ang posisyon mo Ethan. Paghindi mo nagawa, hindi na ikaw ang magiging captain. At kapag nagawa mo bibilhan ka namin ng bagong kotse.Hati-hati kami sa pera” Sabi naman ni Joshua
Huminga na lang ako ng malalim.
“Ano ba naman kayo? Pati ba naman babae pagpupustahan niyo? Sira na ba talaga kayo? Atsaka alam niyo naman kung gaano kahalaga kay Ethan ang posisyon niya. Ethan, wag mo na ituloy.” Sabi naman ni Javie
Sinamaan niya ako ng tingin
“Javie, naka-oo na ako. Sige, pilit kong gagawin ang gusto niyo.” Sabi ko
Kahit labag sa kalooban ko na gawin to, kailangang gawin ko to. I’m sorry Dara. Hindi na ako pwede pang umurong.
ARGHHHHHHHHHHHHHH!!!!!! Bakit ba pumayag pa ako! Makakasakit pa ako ng babae.
“Sige alis na kami. Ethan, goodluck sayo.” Sabi ni Frinz sabay alis nilang lahat
Kami na lang ni Javie natira dito.
“Ethan, alam kong importante sayo pagiging captain mo pero pano na ang feelings ni Dara? Kahit may pagka kontrabida ugali nun, babae pa rin siya. Tao pa rin siya. Eto lang masasabi ko sayo Ethan, kailangan mamili ka. At since hindi mo pwedeng takasan tong gulo na to, wag na wag kang mafa-fall kay Dara, dahil pagnangyari yun, hindi lang si Dara ang masasaktan, pati ikaw. Mananalo ka sa pustahan pero ang puso mo ang siyang matatalo.” Sabi niya tapos umalis na rin.
Naiwan ako kasama ang mga kalat nila. Hinilamos ko ang dalawang kamay ko sa muka ko.
Ang tanga tanga ko!
Ang maging captain ako ang gustong mangyari ni Cindy kaya hindi ganoong kadali ang bitawan ko ang posisyon ko.
I’m really sorry Dara.
Umalis na ako sa football field. Yung maintenance na lang bahalang mag ayos ng mga kalat dun.
Daniel’s POV
Ako nga pala si Daniel Paul Dela Cruz. 17 years old. 3rd year HS. Dara’s fiancée.
And speaking of Dara, kahit fiancée ko siya at kababata, hindi ko siya mahal.
Sometimes I felt guilty kasi hindi ko yun masuklian. Pero anong magagawa ko? Mahal din ako ng taong mahal ko.
Kahit ikasal pa kami ni Dara, si Iris lang ang babaeng mamahalin ko.
Si Iris ang tipo ng babae na simple at walang arte. Matalino siya pero sabi nga ng iba, she don’t belong kasi hindi sila ganoong kayaman. Nakapag-aaral siya dito dahil sa scholarship na binigay ko sa kanya.
I’m in the middle of nowhere pero nasa loob pa ako ng campus ng nakita ko si Ethan.
Actually nandito ako sa carpark.
Yes. I know him. Captain ng football club ng school. Napapansin ko na palagi silang magkasama ni Dara.
Kahit hindi ko mahal si Dara, fiancée pa rin niya ako. Kaibigan ko pa din siya. May concern pa din ako sa kanya.
Tulala lang siya at parang malalim ang iniisip niya.
Sumandal siya sa harapan ng kotse niya.
Galing din siguro siya sa isang maayos na pamilya.
Hindi na dapat siya mapalapit pa kay Dara.
Kahit muka siyang desenteng tao, hindi ko pa rin alam kung mapagkakatiwalaan tong Ethan na to.
Kinukutuban ako sa lalaking to.
“Dara, pasensya na, kailangan ko lang talaga gawin to. I’m really sorry.” Sabi niya
Ano bang balak niyang gawin kay Dara?!
Sinasabi ko na nga ba at may balak siyang masama!
Kumalma ka lang Daniel. Kalma lang
Nilapitan ko siya
“Ethan right?”
Tumigin siya sakin
“Da-Daniel?” sabi naman niya
Halatang nagulat siya ng nakita ako.
Wala ka nang ligtas ngayon Ethan.
Humanda ka na.
_______________________________________
Hehehhe!
Yan pa lang ang unang twist sa story. Keep on supporting guys!
Lovelots!
Vote, comment and be a Fan!