KAHARIAN NG NATHANIEL
GENERAL'S PROVERBS
Kasalukuyang nasa silid pulungan ang Hara ng mga diwata,Mira,Paopao,at Angelo upang planuhin ang pagpasok nila sa Lireo hindi na nila isinama ang mga batang Sangre sapagkat nagsasanay pa ang mga ito kasama nila Muros at Hitano.
LIRA:Kailangan na nating maghanda at kailangan nating dalhin ang Septre ni Ila Minea nang saganon ay meron tayong karagdagang proteksyon sapagkat hindi basta-basta ang ating kalaban.
PAOPAO:Sige hintayin niyo nalang ako sa punong bulwagan ako na ang magtutungo sa kamara ng mga brilyante.
Tumango naman sila Lira bilang pagsang-ayon saka lumabas na sila sa silid pulungan habang si Paopao ay nag-ivictus patungo sa kamara ng mga brilyante upang kunin ang septre ni Minea habang naglalakad si Lira,Mira,at Angelo patungo sa punong bulwagan pagdating nila doon ay nakita nila si Alana at Cassandra naglalakad papalapit sa kanila.
CASSANDRA:Saan kayo pupunta Yna?
LIRA:Magtungo kaming Lireo upang iligtas si Yna.
ALANA:Hmm...maari po ba kaming sumama?
MIRA:Poltre ngunit hindi maari baka mapahamak lang kayo.
ALANA:Pero Ate kami po ang mga itinakda di ba ang ibig sabihin niyan ay mas malakas pa kami kay Ravana.
CASSANDRA:Oo nga po at anong saysay na pagiging itinakda namin kung hindi niyo kami isasama.
LIRA:Kayo nga ang mga itinakda ngunit hindi pa kayo masyadong bihasa sa pagamit ng inyong mga kapangyarihan saka hindi pa kayo handa upang Harapin si Ravana.
ANGELO:Tama ang Hara kaya hindi namin nais na mapahamak kayo kay huwag ng matigas ang inyong mga ulo at bumalik na kayo sa inyong pagsasanay.
Saka nagbuga ng buntong hininga ang dalawang Diwani saka naglakad na papalayo ilang sandali lang ay dumating na si Paopao bitbit ang septre ni Minea.
PAOPAO:Anong nangyari bakit bagsak balikat naglakad si Alana at Cassandra?
MIRA:Nalungkot sapagkat hindi namin sila pinayagang sumama patungong Lireo.
PAOPAO:Ganon ba kawawa naman,ngunit para din sa ibubuti nila na hindi niyo sila pinayagan sa sumama.
ANGELO:Ganon na nga,at tayo ng magtungo sa Lireo.
Saka nag-ivictus silang apat.
KAHARIAN NG LIREO
Pagdating nilang sa Lireo ay agad silang sinalubong ng mga alagad ni Ravana saka tinutukan ng sandata.
KAWAL1:Mga vedalje!
LIRA:Hindi kami nagtungo dito upang mangulo nagtungo kami dito upang kausapin ang inyong Bathaluman,kaya pakiusap papasukin niyo na kami.
KAWAL2:Hindi maari kaya umalis na kayo!
MIRA:Papasukin niyo kami o papaslangin namin kayo?! (Saka tinutok niya ang kanyang Brilyante sa mga kawal)
KAWAL1:Puntahan ko lang ang Bathaluman dito muna kayo(Saka naglakad palayo)
Ilang sandali lang ay bumalik na ang kawal saka sinamahan sila patungo sa loob.
RAVANA:Avisala mga diwata,kung itatanong ninyo sa akin kung nasaan ang magkakapatid na Sangre at ang kanilang mga kabiyak ay hindi ko sasabihin kung saan ko sila itinago,kaya kung ako pa sa inyo ay aalis nalang ako!
LIRA:Hindi kami aalis dito hangga't hindi namin kasama ang mga magulang namin,batid ko rin na may hihingin kang kapalit upang makasama namin sila di ba?
RAVANA:Kung sasabihin ko sa inyo na ang magiging kapalit ay ang mga Brilyanteng inyong hawak mabibigay niyo ba hindi naman di ba?
ANGELO:Batid niyo naman na hindi namin ibibigay ay mga Brilyante sapagkat para na rin kaming nagtaksil sa aming mga magulang!
PAOPAO:Hindi pa ba sapat ang apat na kaharian na kinuha niyo mula sa amin?
RAVANA:Hindi kung tutuusin ay kulang pa iyan sa lahat ng ginagawa ng Bathala niyo sa akin!
MIRA:Ano bang kasalanan ng aming Bathala sa iyo?
RAVANA:Wala din namang saysay kung sasabihin ko sa inyo,kaya lumayas na kayo sa haharapan ko!
PAOPAO:Kagaya ng sinabi ng aming Hara ay hindi kami aalis dito hanggang hindi namin kasama ang mga Hara at Rama!
RAVANA:Kung ganon ay wala na akong magagawa kundi gagawin ko ang dapat kong gawin!
(Saka ininutok niya nila Mira ang kanyang septre saka may sinambit na enkantasyon)
Con il mio potere, giuro a te e all'intera Encantadia che dimenticherai che i quattro Hara e Rama erano ancora vivi e che ricorderete che furono uccisi nel momento in cui provarono a difendere il velo che noi provammo e voi quattro venni per vendicarli ma sei frustrato dal pensiero di tornare al tuo posto di responsabilità per prepararti ancora alla loro perdita anche se non hai trovato i corpi dei tuoi amati genitori!(Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ay isinusumpa ko kayo at ang buong Encantadia na makalimutan niyo na buhay pa ang apat na Hara at Rama ang tanging maalala ninyo ay napaslang sila noong oras na sinubukan nilang ipagtanggol ang kutang aming sinugod at naparito kayong apat upang ipaghiganti sila ngunit kayo ay nabigo naisipan niyo bumalik sa inyong pinagtaguan upang ihanda pa rin ang kanilang lamay kahit wala kayong nakitang mga katawan ng inyong pinakamamahal na mga magulang!)
MIRA:Pashnea ka Ravana dadating din ang panahon pagbabayaran mo ang ginagawa mong pagpaslang ng aming mga magulang hindi man sa ngayon ngunit titiyakin ko na babagsak ka!(Sabi niya habang tumatangis)
LIRA:Tandaan mo ang araw na pinaslang mo sila sapagkat babalik din sa iyo ang ginagawa mo!(Sambit ng Hara habang unti-unting bumabagsak ang kanyang mga luha)
Saka nag-ivictus sila patungong Nathaniel ng mawala na sa paningin ng Bathaluman sila Mira ay kumawala ang ngiti sa kanyang labi sapagkat gumana ang kanyang enkantasyon.
KAHARIAN NG NATHANIEL
Sa pagdating nila sa Nathaniel ay nagluluksa ang mga Encantadong nakapalibot sa kanila pati na rin ang buong Encantadia sa inaakalang patay na ang apat na magigiting na Sangre at ng mga Rama saka inutusan ng Hara ang mga Dama na maghanda pa rin ng bulaklak upang mabigyan ng disenteng lamay ang kanilang mga magulang saka dumeretso sa balkonahe saka sinundan siya ni Paopao habang si Mira ay dumeretso na sa kanyang silid at sinundan ito ni Angelo.
PAOPAO:Huwag ka ng umiyak Mahal ko maging maayos din ang lahat batid kong hindi na mawalan ng mga magulang sapagkat naranasan ko rin iyan ngunit kailangan nating magpakatatag.
LIRA:Hindi nga madali para sa akin ito Paopao sapagkat dalawang beses na ako nawalan ng Yna tapos namatay pa ang aking Ama tama ka kailangan kong magpakatatag para sa Encantadia at para sa anak ko.
Saka nakita nila si Cassandra at Alana na papalapit sa kanila habang tumatangis.
CASSANDRA:Yna,bakit nangyari ito? Bakit sa lahat ng mga nilang bakit sila Ila pa?
Agad naman inakap ni Lira ang mga upang patahanin.
LIRA:Batid ko na mahirap tanggapin ngunit huwag kayong mag-aalala nandito pa kami di namin kayo pababayaan.
ALANA:Walang kapatawaran ang ginagawa ni Ravana,magbabayad siya sa ginawa niya!
PAOPAO:Darating din ang panahon na pagbayarin natin sila.
SAMANTALA...
Sa pagdating ni Mira sa kanyang silid ay patuloy pa rin ang kanyang pagtangis sapagkat hindi niya tanggap ang mga nangyari at pilit siyang pinatahan ng kanyang katipan.
MIRA:Bakit pamilya ko pa? marami namang mga masasamang nilalang na karapatdapat paslangin bakit sila pa?
ANGELO:Nauwaan kita e correi minsan sa buhay natin may mga sitwasyon na hindi kanais-nais ngunit kailangan nating tatagan ang ating loob sapagkat may umaasa pa sa atin sila.(Sabay tingin kay Dasha at Adamus na nakatayo sa may pintuan)
DASHA:P-poltre po bukas kasi ang pinto kaya pumasok na kami ni Adam.
Umayos ng upo si Mira at inayos ang kanyang sarili.
MIRA:Ayos lang,kung nais niyong umupo sa tabi ko ayos lang din.
ADAMUS:Sana masamang panaginip lang ang lahat ng ito sapagkat hindi ko matanggap ang katotohanan na wala ang nga akong mga magulang!
MIRA:Pare-pareho lang tayong ng nararamdaman hindi ko rin matanggap na wala sila Yna at Ama,ngunit andito pa kami hindi namin kayo pababayaan.
ANGELO:Tama si Mira kung nais niyo ay kami na ang magsilbing magulang niyo.
DASHA:Avisala eshma po Angelo,sana ganon lang kadali ang lahat bakit namin kasi nagkaganito?
MIRA:Kailangan natin lakasan ang loob natin nang saganon ay malagpasan natin ito,alam kong mahirap ngunit kaya natin ito basta andiyan tayo para sa isa't-isa.
Saka nagyakapan silang apat.
Ilang sandali lang ay nagtungo na sila sa punong bulwagan at sinimulan na ng mga babaylan ang seremonya pagkatapos ay nagtungo na silang lahat sa hapag upang makapaghapunan saka dumeretso sila sa kanilang kanya-kanyang silid upang makapagpahinga.
TULUYAN NA KAYANG MAKALIMUTAN NG BUONG ENCANTADIA NA BUHAY ANG APAT NA HATA AT RAMA? ABANGAN SA SUSUNOD NA MGA KABANATA..