SI GEO
Pagpasok ko palang ng gate ng bahay
nakita ko na si blue saka si kuya aldred na
naguusap sa harap ng front door
napalingon naman sila sakin.
" san ka galing geo.?" tanong ni kuya
aldred.
" sa park lang kaboring dito eh." ngiti ko. "
hi blue... Wag mo ko titigan baka
mapansin ka ni kupido panain ka.?" biro ko
sinimangutan naman ako ni kuya aldred.
" sapak gusto mo.?"
" Ano yang hawak mo.?" saad ni blue
tiningnan ko naman yung hawak ko.
" Mani NI aling tinay.. Gusto niyo.?"
" kala ko ba sa park ka.. Eh malapit sa
plaza yun di ba.?"
" May branch na sila sa park kuya.. Kanina
lang tinayo." natatawang saad ko saka
pumasok sa bahay.
" baliw!" sigaw pa ni kuya aldred natawa
lang ako saka dumeretso sa kwarto ko..
Sabi ni chris wag na daw ako magpalit..aixt
sige na nga.. Napansin ko naman yung
pink na helmet sa ilalim ng kama ko.. Eto
na ang karugtong ng magiging love story
namin.. Wait ka lang jan pink helmet.. Kasi
ngayon gabi.. Ikikiss ko sya..! Hahaha
natawa lang ako sa naisip ko. Nagmamadali
naman ko naman kinuha yung wallet ko
saka muling lumabas ng kwarto.
" tita ems.. May pupuntahan lang ako.."
sigaw ko ng marinig sa kusina yung
mommy ni kuya aldred.
" magingat ka geo.. Umuwi ka agad.!"
sigaw din nito.
" sure tita." saad ko pa saka lumabas ng
bahay.. " bakit ayaw niyo pumasok..?" saad
ko kala kuya aldred.
" papasok na nga eh.." simangot ni kuya
aldred. " saan ka pupunta.. Wag mo
gamitin yung motor ko huh."
"no kuya hindi.. Maglalakad lang ako.."
" saan ka pupunta geo.?"
"bakit gusto mo sumama blue.. Tara
bilis..?" ngiti ko.
" saan ka nga pupunta.?"
" Sa destiny ko." saad ko saka tumalikod
pero nagulat ako ng hilahin ni kuya aldred
yung damit ko.. " kuya ano ba masisira
yung damit ko.?"
" tinatanong kita kung saan ka pupunta.?"
"ay tanong ba yun sabi ko sayo diba
lalagyan mo ng question mark sa dulo..?"
pilit na ngiti ko.
" saan ka pupunta question mark."
natatawang saad ni blue..
" pupunta ako sa past mo para makarating
sa future ko." ngiti ko kay blue..kumunot
naman yung noo niya.
"ano.?" saad ni kuya aldred..
" haixt kuya aldred.. Araw araw kayo
magkasama ni blue kahit konti ba hindi
man lang tumaas ang IQ mo.?"
" gago..! Ayaw mo sumagot ng maayos..
Saan ka nga pupunta.?"
" wala uling question mark eh.. Di ko tuloy
malaman kung nagtatanong ka kuya.?"
"fuck you.. Umalis ka na nga!" tulak sakin
ni kuya aldred natawa naman ako saka
nagmamadaling lumabas ng
gate..nagmamadali lang akong naglakad
hanggang makarating sa kanto kung saan
nakaparada yung motor ni chris.. Naabutan
ko lang sya dun na kumakain ng fishball..
"wow masarap yan ah." bungad ko sa
kanya..
"yeah gusto mo..?"
"no wag na.." ngiti ko.
" nagpaalam ka na..?"
"yeah.. Nandun si blue saka si kuya
aldred.."
"sinabi mong kasama mo ko..?"
"hindi.. Sabi mo wag kong sabihin eh..
Saka hindi din ako papayagan ni kuya
aldred kapag sinabi kong ikaw ang kasama
ko kaya wga na.."
" yeah.. Tama ka." saad niya tinapon niya
lang yung stick ng fishball saka sumakay sa
motor niya.
" mahilig ka sa street food.?"
" uhm dati hindi.. pero ngayon gustong
gusto ko na.. Dami kasing nagtitinda nun
sa harap ng school eh."
" wow really... Kakain din ako niyan soon."
" dapat lang..umiinom ka ba ng alak.??"
" Oo naman.. Tara na.. Magparty na tayo."
saad ko saka sumakay sa likod niya..
Sisiguraduhin kong itong gabing to ay
magiging A NIGHT TO REMEMBER..getting
closer..!
Ilang minuto din yung tinakbo ng motor ni
chris hanggang lumiko to sa mas maliit na
kalsada..nilibot ko lang yung paningin ko
sa bawat dinadaanan ng motor niya.. Kita
dun yung mga taong naglalakad sa gilid ..
Mga batang naglalaro.. may mga
matandang nagchichismisan sa harap ng
tindahan.. Magkakabarkdang naglalaro ng
basketball sa kalsada.. May ilang
kalalakihan na may mesa sa gilid ng
kalsada habang may bote ng alak..Nasaan
ako..? seriously.. Haha. Napansin ko lang
na napapalingon sila tuwing tatapat yung
motor ni chris sa kanila. Nakakailang yung
mga tingin.. Aixt.. Its like nasa ibang
mundo kami.? Sa tv ko lang to napapanuod
patay ako kay mommy nito kapag nalaman
na pumunta ako sa ganitong lugar..
" chris safe ba talaga tayo dito.?"
" I think so." rinig kong saad niya..
"You think so.??? gago ka chris lagot ka kay
kuya aldred kapag napahamak ako."
" don't worry.. If and only if.. Magkasama
tayong mapapahamak.." natatawang saad
niya.. Shete to mukhang hindi sure na safe
kami dito.. Eh pano kung mapagtripan
kami ng mga adik dito..di pa ko ready
mamatay..or kung mamatay man ako
ngayon pwede bang isang torrid kiss muna
kay chris..?haha aixt..napalunok lang ako
ng mapagmasdan yung batok ni chris.. Aixt
ang puti puti.. Ang linis talaga ng balat
niya...hanggang tumigil kami sa tapat ng
isang bahay.. I mean hindi tapos na bahay
hahaha.. Hallowblocks lang. ni walang
pintura. Bumaba naman ako ng motor.
" dito chris..?" kunot ang noong tanong ko
sa kanya.
" yeah dito.. Yan ang bahay nila CJ.. Ang
ganda noh." ngiti niyang nakatingin sa
bahay..napangiwi lang ako.. Maganda..?
Saang banda.. Sarap niya bigyan ng
pagpagawa ng bahay..hahaha joke lang..
" sure ka ba na bahay yan.?"
" OO naman.. May bubong naman ah.?"
napakamot naman ako sa ulo.. Sabagay
may point sya.
" eh asan yung party..? Parang wala
naman.?"
" I think sa kabilang bahay.." lingon niya sa
tabi ng bahay ng tiunutukoy niyang cj.. Aixt
mukha ngang may something dun,.. May
naririnig akong videoke.
" hindi naman pala sa kaibigan mo yung
party bakit pupunta ka.?"
" pinapunta ako ni CJ eh.?"
" so kapag sinabi niyang tumalon ka sa
building.. Tatalon ka.?"
" hindi naman.."
" tapos sinama mo pa ko.. Envited ka ba
jan.?"
" hindi.." maikling saad niya.
" what..? Edi magiging gate crasher tayo
niyan.?"
" wala namang gate yung kabilang bahay
eh." natatawang saad niya.. Napakamot
naman ako sa ulo. Sabagay may point uli
sya haha. " ok lang yan.. Minsan ganito
naman talaga eh.. Hindi ka nga envited sa
party magsasama ka pa ng isa pang hindi
envited..gayan tayo eh." natatawang saad
niya. "Gate crash.? parang love minsan
makikisali ka sa love story ng iba kahit
hindi ka naman talaga envited." nakonek
niya talaga sa love huh..
" chris huh.." seryosong saad ko na
nakatitig sa kannya.
" relax.."
" bakit spa ba yung pupuntahan natin para
magrelax ako..?"
" I mean kalma ka lang.?'
" kinakabahan ako eh.."
" kasama mo ko di ba.. Hindi naman kita
papabayaan..?"
" sure ka.?"
"yeah .. Oo naman.." ngiti niya.. Shit ang
sarap.. Naglakad lang sya papasok sa bahay
nung sinasabi niyang CJ.. Pinagmasdan ko
naman sya.. Parang hindi sya bagay sa
lugar na to.. " oy tara na baka mapagtripan
ka ng mga adik jan." tawag niya sakin..
Agad naman akong sumunod sa kanya..
Haixt.. Nagtaka lang ako ng basta pumasok
nalang si chris sa bahay..
" hi tita.. Si cj po..?" rinig kong saad niya
pagpasok... Lumapit naman ako sa pinto..
Nakita ko lang yung kausap ni chris na
matandang babae na may subo subong
yosi.. Mariin ko lang tong pinagmasdan..
Halos kita na yung mga buto nito sa
sobrang payat haha..
" nasa kabilang bahay chris."
" uhm ganun po ba.." saad niya saka
umupo sa sira sirang sofa na andun.. My
god dapat jinajunkshop na yung upuan na
yun parang puro alikabok at backteria na..
" geo tara dito..?"
" ako..?" turo ko sa sarili ko..aixt
malamang ako.. Eh pangalan ko yung
sinabi niya haha. Natawa naman sya saka
tumango..
" uhm tita Bing may kasama ako.. Friend
ko.."
" pasok ka." ngiti nito ng makita ako.. Pilit
lang akong ngumiti saka pumasok at
tumabi kay chris sa upuan.. Aixt feeling ko
anytime masisira na yung upuan. "
mukhang mayaman din yang kasama mo
chris ah." saad nito.
" uhm yes tita.. Pero don't worry mas
jologs to sakin." saad ni chris na inakbayan
ako.. Sino daw jologs ako..? Parang hindi
naman.. Pero teka.. Nakaakbay sya
sakin..? Relax geo relax.. Heart behave..
You behave..!!
" ok yun iho.."
"antayin nalang po namin dito si cJ.."
" text mo para alam na andito na kayo.."
" yes po.." saad ni chris.. Tinanggal niya
lang yung kamay niya sa balikat ko saka
kinuha yung cellphone niya sa
bulsa..natigilan lang ako ng makita yung
itsura ng cellphone niya.. Grabe ang
yaman yaman nila bakit lumang model
gamit niya..anong ginawa nila kay chris..?
Haha.. Ang tingin ko sa kanya dati parang
takot sa dumi.. Ang linis linis.. Tapos
ngayon nakaupo sa sofa na di ko alam
kung pwede pa nga ba upuan.. Tapos yung
cellphone niya parang konti nalang susuko
na.. Nakapa ko naman yung cellphone ko
sa bulsa.. Nakakahiya naman ilabas to. "
antayin natin si CJ dito." saad pa niya
pagbalik ng cellphone sa bulsa niya. " ok
ka lang ba.?"
"yeah oo naman.." ngiti ko pero hindi
talaga ako okay ! Haha nagwawala yung
heart ko...! Nilibot ko lang sa loob ng
buong bahay na yun yung mata ko.. Ang
daming gamit.. Ang gulo gulo.. May mga
nakasampay na damit kung saan saan..
Yung sahig parang hindi nasasayaran ng
walis tambo.. May mga bote ng alak sa
gilid.. Makikita mo din yung lababo.. At
kung ano anong kaldero..
" iho wag kayong mahiya huh.. Maliligo
lang ako.." saad nung matandang babae..
Haixt buti naman marunong maligo
hahha.. May inabot lang tong tuwalya saka
pumasok sa cr..
" mommy yun ni Cj.. Ang astig nun." ngiti
niya.
" chris..?" lingon ko sa kanya.
"yeah.?"
" ikaw pa ba si chris..?"
" yeah oo naman.. Why.?"
" sure ka.. Di ko lang expected na
pumupunta ka sa ganitong lugar..alam mo
yun.?" pilit na ngiti ko natawa naman sya.
" Actually ilang beses palang ako nakapunta
dito.. Enjoy naman simula nung nagaral
ako sa public ang daming kong bagong
naexperience.. Like yung ganito.. Walang
sosyal na party.. Yung tipong inuman lang
enjoy na."
" lasengero ka na.?"
" hindi naman.. Basta pag may inuman
sama lang ako..may place kaming
tambayan nila Cj pag gusto namin
maginom."
" lasengero ka na nga.."
" fine.. Siguro.. Pero sabi nga ni mommy
drink responsibly.." ngiti niya.. "
responsible naman ako.."
" really.."
" eh ikaw mahina ka ba sa alak.?"
" beer..? Mga dalawang bote siguro.."
" beer..? Hindi uso yun dito.."
"wow.. May sarili silang trend dito..?"
ngiwi ko..
" Parang ganun..so hindi mo natry yung
mga hard.. Like emprerador, gin,
matador..?" ngiti niya marahan naman
akong umiling.. Eh pang matanda yun ah..
haha
" hindi ko pa sila nameet.."
" talaga..? So hindi mo alam kung mabilis
ka malasing sa mga ganun.?"
" yeah.."
" wag ka masyadong tumagay huh. Baka
gumapang ka pauwi.."
" gapang..? Gago ka ah hindi mo ko
ihahatid ng motor mo.?"
"I mean baka masobrahan ka mahirapan
ka umuwi.."
" ah.. Yung phone mo naghihirap na ba
kayo.?" kunot ang noong saad ko nilabas
naman niya yung cellphone sa bulsa..
" back up phone.. Pag may ganitong
inuman dapat ganito lang dala mo para
kung mawala ok lang hindi
nakakahinayang.. Turo ni CJ." ngiti niya..
Pakshet naman bakit ba ang gwapo nito
tungkol sa cellphone yung sinasabi niya
pero napokus yung mata ko sa buka ng
bibig niya.. Naman oh.. You heart behave
sabi eh.! " so wag mo ilabas yung phone
mo huh."
" ganun.. Asan na yung friend mo..?"
sabay lang kaming napalingon ng may
pumasok sa bahay.. Napagmasdan ko lang
to.. Ayt ang dibdib..gifted... Pero ang
buhok army cut.! Haha anong uri ng tao
to.. Pero ang ganda ng mukha este ang
gwapo teka pano ba haha.. confused..
"dito ka na pala pogi.." saad nito kay
chris.. Napansin ko lang na mapungay na
yung mata nito..
" ang aga naman ng tama mo.." saad ni
chris..
"ganun talaga lets go.. Oohh may kasama
ka pala." saad nito na tiningnan ako mula
ulo hanggang paa. " sino sya.?" turo pa
nito sakin..
" si geo.." ngiti ni chris.
" ikaw si geo..???? Yung summer rain..??"
nanlalaki ang matang saad nito.. Oh kilala
niya ko.. For sure nakwento ako ni chris..
Sabi na eh alam ko may chance kami eh
haha..
" hoy CJ shut up.." saad ni chris napalingon
naman ako sa kanya..
" kilala niya ko..?" tanong ko.. Malamang
kilala niya ko.. Tinanong ko lang bakit ba..
" oo naman kilala kita.. Ikaw yung pinsan
ng lalakeng umagaw kay blue..pero mas
kilala kita as summer rain.."
" summer rain.. Im geo.."
" Summer rain ang gusto ko itawag sayo
eh.." seryosong saad nito inakbayan
naman ako ni chris..
"lasing ka na CJ ang aga ng pagkawasak mo
ah.?"
" walang pakialamanan.."
" kaibigan ko si geo.. Umayos ka
huh..kung ayaw mong marape kita.."
natigilan lang to.. " ano aayos ka ba.. Well
maganda naman lahi ko so kung mabuntis
ka hindi ka talo.."
"gago ka chris huh." inis na saad nito..
" aayos ka o hindi.?" hamon dito ni
chris..napakamot naman to sa ulo.. Takot
kay chris haha..
" edi aayos." ngiti nito.. " ok geo..
Welcome sa aming bahay.."
" salamat.."
" ok tara lets go... Nakakadami na kami
dun.. Kailangan nanamin ng back up.."
" May Beer ba.?" tanong ni chris..
" Beer..? Bumili ka kung gusto mo..empi
lang meron dun." natatawang saad nito.
" si geo kasi hindi pa sya nakakainom nun
baka malasing sya agad.."
" wow.. Hindi pa.. Mas ok yun. Virginin na
yan!" hila sakin ni Cj damn it.. Sumunod
naman samin si chris palabas ng bahay..
Hanggang makarating kami sa kumpulan ng
mga tao kung saan ginaganap yung
sinasabing party..party..? Or ewan haha..
Naabutan lang namin dun yung mahabang
mesa na may alak sa ibabaw..at kung ano
anong anek anek...mga mukhang tomador
yung mga andun.. Shit ano ba tong
pinasok ko haha.. Shit naman..
" mga pards mga friends ko..." saad ni CJ..
Binati lang kami nito saka pinaupo sa tabi
nila.. Haixt isang mesa lang.. Napansin ko
din yung kumpulan ng mga bakla na
nakaharap sa videoke habang kumakanta
haha.. Napangiwi lang ako ng kindatan ako
ng isa sa mga yun.. Shit ano ba to..
" geo.. Magingat ka sa mga yun huh."
bulong sakin ni chris.
"why..?"
" basta.. Magingat ka.." saad niyang sa
ibang dereksyon nakatingin.. Nagkibit
naman ako ng balikat.. Mayamaya ay may
nilapag na pagkain sa harap namin si CJ..
"kain na muna kayo." ngiti nito.
" birthday mo ba to ..?"
"hindi.. Hindi ko nga close yung may
birthday.. Pakapalan lang ng mukha yan
bro.. Isa nalang yung plate share na kayo
huh.. Or kung gusto niyo maghugas kayo
dun sa lababo..." natatawang saad nito..
Napailing naman si chris.. Napagmasdan ko
naman yung pagkain sa harap namin..
Pansit na may halong spagueti..? Mix
talaga.? Haha..
"kain ka na geo.. Share na tayo.." saad ni
chris na sumandok at naglagay sa pinggan..
" sure ka jan chris..?" bulong ko sa kanya.
Natawa lang sya ska nilagay sa kamay ko
yung tinidor.
" magkunware ka munang jologs ngayong
gabi.."
"pero food ba talaga yan.?"
"yeah.. Mejo naghalo lang yung pansit
saka spaguite bwiset yun si Cj humanda
sakin bukas yun..kain na.."
"pero..?"
"sshh makita ka lang nilang kumain.. Okay
na yun.." saad pa niya napabuntong
hininga naman ako.. Bahala na nga.
Kunware okay lang haha.. Sumandok lang
ako sa pinggan namin ni chris saka
sumubo.. Kita ko naman yung tingin sakin
ni chris.
" why.?"
" ano lasa..?" ngiwi niya..
"uhmm masarap.." natatawang saad ko.."
kaw naman.."
"haixt CJ sapak ka sakin bukas.." bulong
niya natawa naman ako.. Nakita ko lang na
sumandok sya saka sumubo..ilang sandali
niyang nginuya yung pagkain saka pinilit
nilunok.. " masarap nga.."
"see.." ngiti ko..
" buti nalang kasama kita ngayon.. Sabi na
mao-op ako dito eh."
" new experience for me,,"
"wag kang magenglish.." ngiti niya.
" why.."
"jologs tayo ngayon gabi di ba.." ngiti niya
naramdaman ko naman na umupo sa tabi
ko si CJ saka humawak sa braso ko..
" gwapo pala tong si summer rain eh.."
ngiti ni CJ.
" nabakla ka na ba..?" ngiti ni chris.
" gago hindi.."
" wait naiihi ako.. San ang cr.?" saad ko
saka tinaggal yung kamay ni Cj sa braso
ko..
" hindi ka pa nga umiinom naiihi ka na..?"
"uhmm Cj sige na paihiin mo na sya, wag
na madaming sinasabi.??" saad ni chris..
" haixt duon oh.." turo nito sa loob ng
bahay.. " sige na.. Punta ka na dun..at
ikaw chris umupo ka lang dito." tinanguan
naman ako ni chris..ano ba to
kainis..tumayo lang ako saka Tumuloy sa
loob ng bahay. May mga nakasalubong ako
dun.. Pinilit ko naman ngumiti... Natigilan
lang ako ng makita kung sino yung nasa
harap ng pinto ng cr.. Si paul.?
" anong ginagawa mo dito.?" tanong ko sa
kanya.. Umiwas naman sya ng
tingin..napabuntong hininga naman ako..
Ang sama ng ugali niya.. " hi door ikaw ano
ginagawa mo dito.?" tanong ko sa pinto ng
cr habang nakasimangot.. Gwapo sana tong
bwiset na to eh kaso ang hilig mangignore
eh.. Kainis.. Bumukas naman yung pinto
ng cr may lumabas lang dun na
lalake..nagkatinginan naman kami ni paul
sarkastiko lang akong ngumiti.. Aktong
hahakbang ako papasok ng cr ng harangan
niya ko.
" ako nauna dito.?" saaad niya.
" wow nagsasalita ka pa pala.. Akala ko
kasi napipi ka na eh."
"ako muna.." simangot niya aktong
papasok sya sa pinto ng hilahin ko yung
damit niya. " ano ba.?!" angil niya.
" ako nga muna naiihi na talaga ko eh."
" the hell I care.. Ako ang nauna dito."
" bahay mo to.?"
" hindi..eh ikaw bahay mo to."
" may sinabi ako..?"
"shit.." tinulak niya lang ako saka agad
pumasok sa cr at sinara ang pinto.. shit
naunahan ako ng bwiset na yun.. Kinatok
ko naman yung pinto.
" bilisan mo naman pwede.?" pinihit ko
lang yung door knob natigilan lang ako ng
maramdaman na hindi niya to ni lock..
Napangiti naman ako saka binuksan yung
pinto..
"shit ano ba!" lingon niya sakin.. Habang
nakaharap sya sa bowl rinig na rinig ko
lang yung pag agos ng ihi niya.. Pumasok
naman ako..
"parehas tayong lalake bakit nahihiya
ka..?"
" ako lalake eh ikaw sigurado ka bang
lalake ka.?" saad niyang nakatitig sa mata
ko.. Umiwas naman ako ng
tingin..humarap lang sya sa pader saka
natawa.. "I knew it.." rinig kong bulong
niya.
" Hindi ako bakla noh.."
" may sinabi ba kong bakla ka..?" humarap
lang sya sakin habang sinasara yung zipper
ng short niya.. Umiwas naman ako ng
tingin..damn it. " you like me..?"
"hindi noh.."
" ows..sorry hindi ako pumapatol sa bakla..
Sayang ka tol ang gwapo mo para maging
bakla.."
" I'm not gay..!" madiin na saad ko.
" sabi mo eh.." ngiti niya dumeretso lang
sya sa pinto ng cr pero imbis na lumabas
ay sinara pa niya yung pinto..
" ano..?"
" patunayan mo sakin na hindi ka bakla.?"
sarkastikong saad niya.
"close ba tayo.?"
" hindi.." napaatras lang ako ng
humakbang sya papalapit sakin hanggang
mapasandal ako sa pader.. " bakit gusto
mo maging close tayo.? In your dreams.."
" ano ba.. Susumbong kita kay kuya
aldred..!"
" edi isusumbong din kita.. Bakit kasama
mo si chris..?"
" ah ehh..hindi kami magkasama.."
nauutal na saad ko natawa naman sya..
Grabe yung smile niya. Feeling nko
nagbubukas ang langit
" kasama mo sya eh."
"Paul ano ba.. Lumabas ka na nga naiihi na
ko.."
" so hindi alam ni aldred na kasama mo si
chris.?"
"alam niya..!"
" are you sure..?" ngiti niya saka kinuha
yung cellphone sa bulsa niya.. " eh alam
ba niya na nasa ganitong lugar ka
ngayon.?"
"oo alam niya. Lumabas ka na nga.?"
" Alam mo ba kung sino si chris huh..?"
" Mamaya tatanong ko kung sino sya."
sarkastikong saad ko.
" aixt alam mo ba kung sino ang kasama
mo huh."
" oo naman.."
" sino sya..?"
" uhm ah ehh.. Ano ba kasi.." nakita ko
naman na may dial sya sa phone niya
nataranta naman ako shit hindi pwede
malaman ni kuya aldred to.. Naman oh..
Kainis.. Inagaw ko naman yung cellphone
sa kamay niya..
" thats my phone..?"
"wag kang sumbungero.!" Simangot ko.
"akin na yung phone ko.."
" ayoko.."
" ayaw mo..? Alam ba ni chris na gusto mo
sya.?"
" pano mo nalaman na gus-"
" gotcha!! You like him." nanlalaki ang
matang saad niya nakagat ko naman yung
labi ko shit ka talaga geo..ang tanga mo.. "
may gusto ka kay chris..katapusan mo na
kapag nalaman to ni aldred."
"related ka ba kay madam auring.?"
"hindi.. Pero lagot ka kay aldred.. Now
give me my phone."
"shit wag mo ko isumbong.."
"eh sa gusto ko eh."
" gugulpihin kita.." banta ko sa kanya.
"ok lang basta maisumbong lang kita.."
ngiti niya.
"ano ba kasi ginawa ko sayo huh..?"
"wala.. Nakakabadtrip ka kasi kaya
babadtripin din kita.. Napakdaldal mo..
Assuming ka pa.. Makaganti man lang ako
sayo."
"makaganti.. Gago ka wala akong ginagawa
sayo."
" akin na yung phone ko.. Ayoko sa taong
madaldal."
" wag mo ko isumbong.."
" akin na.."
" wag mo nga kasi ako isumbong..
Please.." simangot ko.. Umiwas naman sya
ng tingin..
" may kapalit.."
"ano.?"
" Don't you ever dare talk to me again..
Wala akong pakialam sa buhay mo.. Just
stay away from me panira ka kasi ng araw
eh." seryosong saad niya..
" wow nasira ko araw mo.. Ganun ba
kalakas ang dating ko sayo.?"
"ano deal.. At ayokong lalapit ka sakin.."
" natatakot kang mainlove sakin noh."
" in your dreams..now give me my
phone.."
" you like me.."
" assuming.."
" sorry si chris ang gusto ko eh.."
"eh ano naman..?"
" hindi mo pa nga nasasabi sakin na gusto
mo ko.. Busted ka na agad.." ngiti ko
natawa naman sya.
" wow bro..woow.."
" may gusto ka sakin paul.. I can feel it.."
" ows.. Isumbong kita gusto mo..?" hamon
niya.. Napakamot naman ako sa ulo haixt
dapat umayos ako kung ayaw ako
isumbong ng bwiset na to..
" joke lang naman.. Uhm heres your
phone.,. Hindi na kita lalapitan or
kakausapin basta wag kang panira ng
lovelife ko.."
" lovelife..? Yung chris na yun.. Si blue
lang ang gusto nun kaya wag kang umasa."
" ganun ba kasikat yung lovestory nila ni
blue at Pati ikaw alam mo..?"
" galing kami lahat sa isang school.. So
alam namin yung bagay na yun.."
" or may gusto ka din kay blue.. Or kay
chris..?"
" what..?"
" well.. Hindi mo maagaw sakin si chris..
Akin na sya kawawa ka naman.?" ngiti ko
natawa naman sya..
" baliw ka na.." sabay lang kaming
napalingon ng may kumatok sa pinto.
" Paul.. Ang tagal mo naman jan.?"
" ethan just a second.." saad ni paul.
" 1 2 3.. Ilang second ba.?" ngiti ko.
" may kasama ka ba jan paul.?" rinig kong
saad sa labas magsasalita sana ako ng
takpan niya yung bibig ko.. Shit to ah.
" magingay ka isusumbong kita kay
aldred.." banta niya.. Marahan naman
akong umiling.. Haixt kainis.. Makakaganti
din ako dito sa bwiset na to.. "ok lalabas
na ko." saad niya saka tumalikod at
binuksan yung pinto..
" may kasama ka sa loob noh.?" rinig kong
saad sa labas..
" wala tara na.."
" tagay mo na ang tagal mo sa cr.." sumilip
lang ako sa pinto nakita ko lang na
naglakad na sila palabas ng bahay.. Haixt
alam niya na tuloy na gusto ko si chris..
Ano ba yan ang daldal mo kasi geo.
Pagbalik ko sa mesa nakita ko lang sa dulo
si Paul.. Umiwas naman ako ng tingin..
Badtrip kala ko gabi namin to ni chris..
May asungot pala.. At shit sya pa ang
unang nakaalam na may gusto ako kay
chris kainis.. Ang daldal kasi eh.
" Chris kilala mo ba yung nasa dulo ng
mesa.." bulong ko kay chris.. Tiningnan
naman niya yung tinutukoy ko saka
umiling.
"hindi sino sya..?"
" uhmm Drummer sya nung banda sa
schoneberg.."
"really.. MAs gwapo sa kanya si brax.."
"sino..?"
" si brax yung drummer namin.."
" mas gwapo..? Ano yun goddest na..? Eh
ang gwapo na ni paul ah.?"
"gwapo na sayo yan..? Eh walang wala yan
sa itsura ko.." ngiti ni chris.. Napagmasdan
ko naman yung mukha niya.. Yabang..
Tingin ko naman may panama sa kanya si
paul.. Oops pero kay chris lang ako haha.
" tagay na." saad nung tomador na katabi
ko sabay abot ng baso sakin... Napatingin
naman ako kay chris..
" ako po muna.." saad ni chris saka kinuha
yung baso sa kamay ko..pero muli tong
kinuha nung tomador saka muling nilagay
sa kamay ko.
" bawal yun... Ano sya chicks.."
natatawang saad nito.." hindi ka naman
siguro chicks kaya inumin mo na yan.."
agad naman akong umiling.. Haixt
tiningnan ko lang yung laman ng baso saka
inamoy.. Aixt ang tapang..
" kaya mo.?" tanong niya.. Pinilit ko naman
ngumiti saka tumango.. Humugot lang ako
ng malalim na hininga saka ininom yung
nasa baso.. Shit! Ang panget ng lasa.. Para
tong gumuhit sa sikmura ko.. Ilang sandali
akong hindi nakarecover sa lasa nun..
aixxxt
" tapos na po." muli kong abot sa baso...
"ok ka lang..?"
"yeah ok lang ako.. Panget ng lasa.."
" wala man lang silang chaser..." bulong ni
chris.. Maya maya sa kanya naman inabot
yung baso.. Agad niya lang tong tinungga
saka muling binalik yung baso.. Napailing
lang sya saka sumubo ng spagueti con
pansit na pagkain namin kanina haha..
" Asan na si Cj.?"
"umuwi.. Mukhang wasak na eh.. Tulog na
siguro yun."
"eh pano tayo.. Ni hindi natin kilala yung
may birthday.?"
"ok lang yan.." ngiti niya. " geo ok lang
bang magtanong ako..?"
" nagtanong ka na nga eh.?" natatawang
saad ko..
"I mean pwede akong magtanong about
kay blue..?" seryosong saad niya natigilan
naman ako..
" kay blue.. Kala ko ba move on ka na.?"
" yeah.. Pero hindi naman masama
makibalita ako sa kanya di ba..?"
" uhmm sabagay.. Ok lang si blue matalino
parin at sya yung naghahandle nung banda
ng kabilang school.."
"sya.?"
"hindi... ako.. Dun ako magaaral eh."
simangot ko napakamot naman sya sa
ulo.. " chris.. Move on.." ngumiti lang sya
saka umiling.
" move on na ko geo.. Lahat ata ng tao
iniisip na hindi pa ko nakakamove on..
Pero ang totoo nakamove on na talaga
ko.."
" eh bakit nagtatanong ka parin about kay
blue..ex na sya di ba.. Past is past.?"
" Porket nagtanong..? Hindi pa
nakakamove on.. Bago naman kami nagulo
ni blue magkaibigan kami eh."
"oy ikaw uli.." saad nung tomador sakin..
Aixy istorbong lasengero to oh.. Naguusap
eh.. Kinuha ko lang yung baso saka
tinungga.. Muli lang akong napangiwi sa
lasa nito.. Aixt aktong ibabalik ko na yung
baso ng salinan uli to nung tomador.
" kaiinom ko lang.?"
"ako na po.." saad ni chris..
"ah sabi kasi ni Paul dalawang tagay ka
daw eh.." saad nito napatingin naman ako
kay paul.. Tinaas lang nito yung cellphone
niya.
"close kayo.,?" untag sakin ni chris.. Agad
naman akong umiling.
" hindi ah.." simangot ko..
"inumin mo na.."
" kainis naman eh." simangot ko saka
tinungga yung alak..haixt.. Binalik ko lang
yung baso saka umiba ng tingin.. Haixt
bwiset may panakot na tuloy yung bwiset
na Paul na yun.. Eh teka ano naman kung
isumbong niya ko kay kuya aldred hindi
naman magugunaw yung earth..papalaya
sin nga lang ako haha.. Kainis.
Ilang tagay pa yung dumaan sakin
hanggang maramdaman ko na yung hilo..
Si chris naman kwento lang ng kwento..
Hanggang may maramdaman akong tumabi
sakin.. Yung baklang kumindat sakin
kanina.. Pinilit ko naman ngumiti dito.
"why.?" tanong ko.
" wala lang pwede ka bang makilala..?"
ngiti nito.
" uhm hindi pwede.." saad ni chris..
" pakilala lang naman ah.. Ikaw chris Ang
KJ mo din noh pakilala mo naman samin
yung friend mo.." saad nitong nakahawak
sa hita ko.. Tinanggal ko naman yung
kamay nito..
" naku tigilan niyo sya.. Papabugbog ko
kayo kay Cj."
"lasing an yung friend mo ." ngiti pa nito..
" I'm geo.. Eh ikaw..?" saad ko.. Kita ko
naman yung ngiti sa labi nito.
"geo." saad ni chris tinanguan ko naman
sya.
" Papi.. You can call me papi." ngiti nito
saka humimas sa hita ko.,nginitian ko
naman sya.
" Papi.. Nice name.. Gusto mo ba
ipapakilala ko din sayo yung kamao ko.?"
sarkastikong saad ko. " pagbilang kong
tatlo hindi mo tinaggal yung kamay mo sa
hita ko durog yang mukha mo." banta ko
dito natawa naman si chris ng agad nitong
tinanggal yung kamay nito sa hita ko.
" aixt ang susungit niyo talaga.. Matitikman
ko din kayo."
"kailan pa kami naging ulam.?"
"ewan.. Makaalis na nga.." simangot nito
saka umalis sa pwesto namin ni chris..
" ok ka pa ba geo.. Mukhang hilo ka na
eh..?"
"ok pa ko.. Ikaw..?"
" ok pa naman tara.. Alis na tayo.."
"saan tayo pupunta.?"
" uhm kahit saan..?"
" sa lake side..?" wala sa sariling saad ko.
"late na eh.. Sobrang dilim na dun.." saad
ni chris na nakatingin sa orasan sa kamay
niya.
" Di ba may sinabi ka tungkol sa lakeside
ng ganitong oras.. Gusto ko maexperience
yun.." ngiti ko..
" huh..?" natigilan lang ako ng mula sa
likod may tumabi sakin saka umakbay..
Napalingon naman ako.. Si paul..?
" pwede makijoin sa kwentuhan niyo.?"
ngiti ni paul.. " hi chris right.. Schoolmate
tayo nung highschool."
" Yeah I know.. But your name is.?"
"Paul.."
"bakit ka ba nandito..?" simangot ko saka
tinanggal yung kamay niya sa balikat ko.
" makikijoin nga di ba.?"
" uuwi na kami eh."
" ihahatid kita." ngiti nito.
" bakit mo sya ihahatid ako nagdala sa
kanya dito so ako dapat maghatid sa
kanya.." kontra agad ni chris..
" ihahatid mo sya..? How about aldred.?"
umiwas naman ng tingin si chris.. Aixt..
" May pupuntahan pa kami kaya pwede ba
paul.. Lumayo ka samin.."
" saan kayo pupunta..?"
" uhm ah eh wala ka na dun.."
" nagtext ako kay aldred sabi ko kasama
kita.. So nageexpect sya na ako
maghahatid sayo since wala kang dalang
motor.." napatitig naman ako sa mukha
niya.. Shit ano ba problema ng lalakeng
to.. Sabi niya wag ko na syang lalapitan
tapos ngayon didikit dikit sakin.. Kainis
naman oh..
" ako maghahatid sa kanya.." inis na saad
ni chris saka tumayo.. Aktong tatayo ako
ng hawakan ni Paul yung braso ko..
" ako maghahatid sayo.." madiin na saad
nito.
ITUTULOY