The Side Chick Woman✓

By Badmindchixxx

222K 4.8K 579

WARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if yo... More

PROLOGUE
Disclaimer
1; The Second Woman
2; The Invitation
3; The Wedding
4; Honeymoon's Intruder
5; Mistress role
6; What if
7; The Meeting
8; Hurtful Truth
9; Almost Caught
10; Befriend of His Friends
11; Picture
12; Play Safe
13; Cross Paths
14; Enemy's Kindness
16; Out of Town
17; Date
18; Memories to keep
19; Assumption
20; The Masquerade Party
21; The Show
22; Backfire
23; Late Gift
24; Mistress vs. Wife
25; Meeting Him
26; Dangerous Voice
27; Hangover
28; More Better
29; Threat
30; Caught
31; Again
32; Video Scandal
33; So Called Side Chick
34; The Evil Sister
35; Truth Behind Plans
36; In exchange of..
37; Missing You
38; Meets the Stepmother
39; The Mistress's Wrath
40; He changed
41; Looked a like
42; Distant
43; Revenge
44; Never see it coming
45; Secret Out
46; Betrayal
47; Her last ace
48; Mistress' revelation
49; His Anger
50; Broken Pieces
51; Her Choice
52; I Love You Not
53; I Love You Goodbye
54; New Beginning
55; Unexpected Proposal
56; Kidnapped
57; Memories Bring Back Feelings
58; Stalker
59; Rejection
60; Side Chick No More
The End
Author's Note

15; Meeting his Family

2.8K 77 7
By Badmindchixxx


"Hindi ka ba papasok?"

Nabalik ako sa reyalidad nang may pumitik sa noo ko. Sinamaan ko ng tingin si Tanya at pumasok sa Quarters. Kanina pa pala ako sa hallway nakatayo.

Pagkaupo ko sa sofa, agad silang nagsilapitan sa akin. Tumabi si Kim sa akin at binigyan ako ng juice.

"So, tell us what really happen." Panimula ni Tanya.

Napabuga ako ng hangin. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung nangyari noong isang araw. Naiinis pa rin ako sa babaeng 'yon. Napakagaling umarte ng hinayupak.

"Kwento ka na girl."

Sumandal muna ako at tinignan sila isa-isa bago ikwento ang nangyari.

"What?! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yon!"

"Ang sarap ingudngod sa maraming asin!"

"Nag-explain ka na ba kay Logan tungkol sa totoong nangyari?" tanong ni Kim.

Umiling ako. "Kahit naman ipaliwanag ko na si Hailey ang nagsimula, sa tingin ko hindi siya maniniwala sa akin."

Natahimik sila.

"You should be more careful lalo na ngayon na may nangyaring gan'on, Marie. Baka mamaya pag-isipan ka ng hindi maganda ng Hailey na 'yun." Niyakap ni Kim ang braso ko kaya napaigtad ako sa gulat at sakit. "Hala, sorry!"

Nakangiwing hinimas ko ang braso ko. Nagpasa ang hawak ni Logan at nakaapekto ito sa trabaho ko. Nang makita ng Producer namin ang pasa ko, pinagpahinga niya muna ako ng ilang araw. Kahit kasi takpan ng maraming concealer mahahalata pa rin ang kulay green na pasa nito.

"Magrest ka na lang muna, girl, saka mo bawian ang mahaderang babaeng 'yon-- aray!"

Napailing ako sa sinabi ni Shayne. Hinimas nito ang tenga na piningot ni Tanya.

"Magpahinga ka muna. You can stay here if you want tutal nangangailangan kami ng maglilinis ng Quarter ngayon."

Napairap ako. "Nagpaparinig ka ba? Para saan pa't sinabihan mo ako na magpahinga kung paglilinisin mo rin naman ako?" sabi ko at napairap muli. Natawa naman ang mga kasamahan namin. Ganito kami kakomportable magsabihan ng problema sa isa't-isa. Bakit pa ba kami mahihiya, pare-pareho lang naman kaming mga kabit.

Ilang oras pa akong nag stay sa Quarters bago umuwi dahil nagtext si Luigi sa akin na nasa harap siya ng condo unit ko. Pagdating ko sa condo nakita ko siyang nakasandal sa tabi ng pinto.

I get his attention at ngumiti. "Hi."

"Hi. For you." Binigyan na naman niya ako ng bulaklak. Ngumiti ako ng matamis at nagpasalamat. Kinuha ko ang card pass ko sa bag bago pumasok.

"You want coffee or tea?" tanong ko at inilapag sa couch ang bag ko.

"I want you."

Nagulat ako. "W-what?"

"Joke." Natatawang sabi niya. Napairap na lang ako at pailing-iling na pumunta ng kusina.

Iniabot ko sa kaniya ang slice ng cake at sumandal sa head rest ng couch.

"Tila yata napadpad ka bigla dito sa aking munting tahanan, Ginoong Luigi?" tanong ko na ikinatawa niya.

"Stop that. You sounds like some kind of old modern woman in 60's."

"Hey." Binato ko siya ng unan kay mas lalo siyang natawa. Inirapan ko siya. "Bakit ka nga nandito?"

Napakamot siya ng ulo. "I want to invite you for dinner.. tonight."

Why so shy, Luigi? Parang hindi lalaki.  Hindi ko mapigilan ang tawa ko sa naisip bigla.

"Why are you laughing? Wala naman akong sinabing joke." nagtatakang tanong niya.

"I'm sorry, you looked like a cute puppy kasi when you're being shy." Hindi ko na napigilan kaya kinurot ko ang pisngi niya.

"Nyenye." He made face kaya mas lalo akong natawa sa inasal niya. Parang bata.

__

Umayos ako ng upo at tinignan si Luigi. 

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tinignan ko ang sarili sa rearview mirror pero wala naman akong makitang dumi. Nagtatakang napatingin ako kay Luigi nang mahina siyang tumawa.

"Ang ganda mo lang kasi."

Tikom ang bibig na sumandal ako sa upuan. Ramdam kong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Masyado siyang straight forward.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko.

"Basta. Malalaman mo mamaya." nakangiting wika niya. Tumango na lang ako at inayos ang salamin na ginalaw ko.

Hindi ko namalayan nakaidlip na ako. Kung hindi lang ako ginising ni Luigi, mamaya pa sana ako magigising. Pupungas-pungas pa akong napatingin sa labas at nanlaki ang mata.

Nilingon ko si Luigi. "Why are we here? Akala ko sa restaurant tayo magdi-dinner?"

Napatingin muli ako sa malaking bahay-- no, mansion na ito kung tatawagin dahil sa laki.

"My mom wants to meet you."

Kumabog bigla ang dibdib ko sa kaba. Who would thought na makikilala ko ang pamilya niya-- ang pamilya ni Logan?

Alam ko ang lugar na 'to. Alam ko din na McFord ang may-ari ng mala-mansion na nakatayo ngayon sa harap ko.

"Let's go?"

Tinignan ko ang kamay ni Luigi. Tutuloy ba ako? Paano kung nandito rin si Logan? Anong sasabihin ko?

"Marie?"

Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Luigi.

"Don't worry hindi sila nangangagat. I know my mom will like you."

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya bago tanggapin ang nakalahad niyang kamay. Inalalayan niya akong makababa hanggang sa pumasok kami sa isang napakalaking pinto.

"Kuya Wigi!"

May batang lalaki na sa tingin ko nasa edad 7 ang lumapit kay Luigi at nagpabuhat dito.

"Loui." Natawa ang bata nang guluhin ni Luigi ang buhok nito.

Cute.

Nang tumingin sa akin ang batang lalaki, nanlaki ang mata nito. Agad siyang nagpababa kay Luigi at nakangangang lumapit sa akin.

"Uhm, hi?" Ngumiti ako sa bata. Mukhang nastarstruck na siya sa ganda ko.

Ngumiti ang bata at hinila ang kamay ko kaya niluhod ko ang isang paa ko. "You're pretty." Manghang wika nito.

I smiled at him. Niyakap ko siya at ginulo ang maikli nitong buhok. Sabi nga nila hindi marunong magsinungaling ang mga bata.

"You are handsome too." sabi ko na ikinalaki ng mata niya. Bigla siyang nagtatakbo palayo sa amin na ipinagtaka ko.

Ay, biglang nahiya? Cute.

"Pagpasensyahan mo na. Ganyan lang talaga 'yang kapatid ko 'pag nakakakita ng magandang babae." Narinig kong wika ni Luigi kaya napatawa ako. Mukhang may pagmamanahan ang isang 'yon.

"Luigi, apo!"

Isang matandang Ginang na nasa mid 60's ang lumapit kay Luigi. Niyakap ng matanda si Luigi bago ako harapin.

"Uh, grandma, si Marie nga po pala. Siya 'yung kinukwento ko sa inyo na nililigawan ko."

Bahagyang nanlaki ang mata ko at pasimpleng siniko si Luigi. Bumaling ako sa matanda at ngumiti.

"Hello po. Nice meeting you po, Mrs. McFord."

Of course, I know her. Siya ang Lola ni Logan.

"Nice meeting you too, hija. Come and join us. Nasa dinning area na silang lahat."

What? Silang l-lahat? Kinabahan ako pero hindi ko pinahalata. Tumango na lang ako at sumunod kay Luigi. Pagdating ko sa dinning area, halos manginig ang tuhod ko. Hindi sinabi sa'kin ni Luigi na family dinner pala ang magaganap.

"Lui."

Isa-isang nagsilapitan ang mga tao na nakaupo at niyakap si Luigi. Nakita ko si Logan na tahimik lang sa isang upuan katabi ang demonyitang asawa nito. Pinigilan kong taasan ng kilay si Hailey na masama ang tingin sa akin.

Ipinakilala ako ni Luigi sa family niya pagkatapos ay pinaupo ako nito katabi ng Lola niya. Iniwasan kong mapatingin sa gawi nila Logan.

"So, Marie, kailan mo sasagutin ang pamangkin ko?"

Natigilan ako sa pagsubo at napainom ng tubig sa biglaang tanong ng Tita ni Luigi.

"Love, huwag mo naman biglain."

Tipid akong ngumiti sa Uncle ni Luigi nang pagsabihan nito ang kaniyang asawa. Hindi sinasadyang napatingin ako sa Mama ni Luigi na nasa bandang dulo ng mesa. Nang makita ako nitong nakatingin sa kaniya, ngumiti ito na ginantihan ko naman pabalik.

"Marie."

Napalingon ako sa kapatid ni Luigi. Did I heard it right? Tinawag niya ba ako?

"Loui, anong Marie? Respect. Call her Ate Marie." pagsuway ni Grandma sa apo.

"O-okay lang po." Nangingiting sabi ko. Itutuloy ko na sana ang pagkain ko nang magsalita pa ang bata.

"May boypren ka na?"

Kahit ang mga kasama namin sa mesa ay natigilan. Hindi ko alam ang isasagot ko. Imagine, bata ang nagtanong sa akin kung may boyfriend na ba ako.

"Kung wala ako na lang pakasalan mo."

Doon na napatawa ang mga kasama ko sa hapag kainan. Ngumiti lang ako pero deep inside, gusto kong tumawa ng malakas.

"Kumain ka na lang." Nginitian ako ng Mama ni Luigi at sinubuan ng kanin si Loui. Ngumuso lang ang bata at tumitig sa akin. Mas lalo tuloy akong nailang kumain.

PAGKATAPOS ng dinner ay nagkaniya kaniya na ang pamilya. Nasa sala kami ni Luigi at ng Grandma niya nang tumakbo si Loui palapit sa akin at hindi sinasadyang nasagi niya ang braso ko. Nginitian ko na lang ang bata at kinandong ito sa lap ko.

"Loui." Kinuha ni Luigi ang bata at sa kaniya na lang ikinandong. "Hindi ka na bata para ikandong pa. You're heavy na, hindi ka kaya ni ate."

Ngumuso lang ang bata habang nakatingin sa braso ko. "Apano 'yan? Sino sumakit sa'yo?" inosenteng tanong nito. Natawa ako.

"Oo nga, hija, mukhang pasa iyan. Napa'no 'yan?" puna ni Grandma.

"Wala po ito. Na-nadulas lang sa cr noong isang araw." Ngiting sagot ko. Saktong nakita ko si Logan at Hailey na palapit sa amin. Napahinto si Logan at tinignan ang braso ko. Umiwas ako ng tingin at pasimpleng itinago ang braso ko.

Tahimik lang ako habang nakikipagkwentuhan si Grandma kay Luigi. Tahimik lang din at parang may sariling mundo sila Logan at Hailey sa harap namin.

Tinitignan ko ang mga pictures na naka-hang sa wall nang marinig ko ang sigaw ni Loui. Nakita ko kung paano nito hampasin si Hailey ng laruan nitong gitara. Agad akong lumapit at hinawakan si Loui sa kamay nang akmang hahampasin niya ulit si Hailey.

"Ate Marie." Yumakap sa beywang ko si Loui na parang takot na takot kay Hailey.

"Why are you here? For what? Para magpabango sa pamilya ko?"

Tinignan ko ang bata nang kumalas ito at magtatakbo palayo. Binalingan ko na si Hailey na nakacross arm habang nakataas ang kilay.

"Why would I do that?"

Ngumisi siya. "Gusto mong sumipsip sa pamilya ni Logan para maisagawa mo ang plano mo."

Napaismid ako. "Isipin mo kung anong gusto mong isipin, wala akong pakialam." sabi ko at iniwan siya.

Tumabi ako kay Luigi ibinigay naman niya sa akin ang ice pack na nakabalot sa towel. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya.

"Lagay mo sa braso mo."

"Oh," Sinunod ko na lang ang sinabi niya. "Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?" tanong ko dito.

"Kinausap lang ako ni Mommy."

"Tungkol saan? Tungkol ba sa'kin?"

Umiling lang siya at ginulo ang buhok ko. Napanguso ako. Hinila niya ako sa veranda at pinakita sa akin ang napakagandang view ng burol sa 'di kalayuan.

"Dito ako madalas tumambay dati noong bata pa ako. Sa tuwing pinapagalitan ako ni Mommy dito ako pumupunta."

"Then? Dito ka rin umiiyak pagkatapos kang paluin ng Mommy mo?" Natatawang tanong ko.

Natawa siya. "Hindi ako iyakin noong bata. Tinatawanan ko pa nga si Mommy 'pag pinagsasabihan ako kasi makulit ako."

Parehas kaming natawa. Muli akong tumingin sa mataas na burol at malawak na lupain na puno ng mga bulaklak. Kitang kita ko mula dito kung gaano kaganda ang mga bulaklak dahil na rin sa ilaw na nasa paligid.

Wow.

"Ang ganda, 'no?"

Tumango ako.

"Gusto mo ng juice? Ikukuha kita."

Ngumiti lang ako kay Luigi at tumango. Nagpaalam ito saglit at bumaba sa kusina. Pumikit ako at dinama ang sariwang hangin. Napamulat lang ako nang maramdaman kong may presensya sa tabi ko.

Nagulat ako nang bumungad sa paningin ko ang Mama ni Luigi. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o ano? Ngumiti na lang ako at bahagyang iniyuko ang ulo.

"So, you're a model."

It's a phrase. Kalma, Marie, hindi mo kailangan sumagot.

Tumango ako. "Yes po."

"And for sure, madami ng nakakita ng katawan mo."

"P-po?" Gulat na napatingin ako sa Mama ni Luigi. Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay nito. Bumaling ito sa gawi ko at matapobreng tinignan ako.

"I don't like you for my son."

Mas lalo akong nagulat sa sinabi ng Ginang. Hindi ko maisip kung anong dapat kong sabihin.

"Layuan mo ang anak ko. Ayokong masaktan siya nang dahil sa'yo."

Teka, a-ano?

Bago pa ako makapagsalita narinig ko na ang boses ni Luigi sa likod namin.

"Ma, nandito ka pala."

Lumingon ang Ginang sa anak nito at ngumiti. "Kinakausap ko lang ang soon-to-be-girlfriend mo, Lui." Mababakas sa boses ng Ginang ang sarcasm. Hindi ko lang alam kung napansin ba 'yon ni Luigi.

"Ma, napag-usapan na na'tin 'to kanina, hindi ba?"

I'm transforming into a cat right now and it kills me because of curiosity.

Continue Reading

You'll Also Like

93.1K 2.6K 25
Namuhay ng tahimik at mahirap sa Libtong si Mywa Anicia Altamonte, ang babaeng taga bukid. Siya ay iba sa mga karaniwang babae na nasa paligid. Mas g...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
120K 1.9K 53
Simple lang ang gusto ni Sariah, as simple as the word home. But still, her father left her. She hated her mother more. Her trust issues have worsene...
220K 4.2K 32
"You drag me in this hell, Indira. Your money? I can't accept that... All i want to do is cut the knot that connects us. You're just a job for me." "...