Love Scars [✔]

By selimwarrior

46.9K 1.2K 390

He treated me like his own sister. Dinamitan, pinakain at pinatuloy sa sarili nitong mansyon kasama ang kapat... More

Synopsis
Chapter 1: Work
Chapter 2: Suplado
Chapter 3: Guardian
Chapter 4: Birthday and Ex/s?
Chapter 5: Love Scars
Chapter 6: Wake Up, Anya
Chapter 7: No Choice
Chapter 8: Comfortzone
Chapter 9: Sundo
Chapter 10: Eyes on You
Chapter 11: Saturdate
Chapter 12: His Family 1
Chapter 13: His Family 2
Chapter 14: Failed
Chapter 15: Avoiding Him
Chapter 16: Uncertain Feelings
Chapter 17: I'm Here
Chapter 18: Backfire
Chapter 19: Covering the Pain
Chapter 20: Adjustments
Chapter 21: Mistake
Chapter 22: Fever
Chapter 23: Message
Chapter 24: Graduation Day
Chapter 25: Broken Trust
Chapter 26: Truth
Chapter 27: Backup
Chapter 28: Maybe this time
Chapter 30: Family Dinner
EPILOGUE: I DO
Special Chapter
Love Scars' Journey

Chapter 29: Yes

1.2K 32 16
By selimwarrior

CHAPTER 29: Yes

Anya.

"Oh my gosh! Namiss kita!" Mabilis na yumakap sa akin si MJ nang makita ako. Parehas kaming nakasuot ng parehong uniporme. Naka-assign kami sa Finance deartment ng kumpanya. Kung saan kami nagtratrabaho? Sa kumpanya ni na pag-aari ng mga Gustavo.

"I miss you din."

"Tatlong buwan din tayong hindi nagkita. Sinulit natin masiyado iyong bakasiyon." Aniya na ikinatawa ko.

"Kung saan-saan ako napadpad."

Sumimangot siya. "Sana all nakarating ng Palawan, Tagaytay, Baguio at Isabela sa pamamasiyal. Kung hindi ako nagkamali, ang huli niyong pinuntahan ay America para lang makaranas ng snow si Kleng."

"First time kong mangibang-bansa."

"Kung saan-saan na kayo nakarating ni Zohar, tatlong buwan na rin siyang nanliligaw sa'yo. Ano na?"

Napailing naman ako. Masaya naman ako sa kung anong meron kami ni Zohar ngayon. There are times na ang intimate at sobrang lapit namin sa isa't isa. After kasi ng Truth or Dare activity namin sa Nella Aryz, tinanong niya na ako kung pwede siyang manligaw sa akin.

Noong una, nagdalawang-isip pa ako. Natatakot talaga ako na maulit na naman iyong nangyari sa amin ni Harvard. Kaso narealize ko na magkaibang tao naman si Zohar at Harvard. Gusto ko ulit subukan na sumugal sa pagmamahal pero ngayon sa unang taong nagustuhan ko na. Inisip ko rin na hindi kaya nakilala ko si Harvard para guluhin ang puso ko sa taong dapat totoong minahal ko?

"Baka naman mapag-iwanan ka bigla? Malay mo si Zohar naman iyong mag-iba ang nararamdaman." Biro nito sa akin kaya naman napataas ang kilay ko.

"Kapg nagbago, edi hindi kami sa huli."

"Sus, hindi ka naman mabiro. Kamusta na kayo ni Harvard?"

"Wala na. Hindi na kami ulit nagkita simula nang nangyari iyong pagpunta namin ni Kiah sa kaniya with matching sampal pa."

Napangiwi si MJ sa sinabi ko.

"Hindi ko ma-imagine. Ramdam ko iyong gigil ni Ate Kiah sa sampal niya kay Harvard at sa paghila niya ng buhok ni Sharee."

"Okay naman na kami ni Sharee."

Napatango siya. Mabilis lang kaming naging okay ni Sharee kasi noong malaman ko ang side niya, narealize ko na kasalanan talaga ni Harvard iyon. Sinaktan niya ako intentionally. Tanggap ko pa siguro kung niloko niya ako pero iyong paglaruan ako at sabihin na hindi niya ako minahal? Masakit eh.

"May mga reports ka ba na gagawin mamaya?" Tanong niya sa akin.

"Marami."

Bigla ay natawa ito. "Boss natin si Zohar pero walang special treatment."

"Loka, special treatment ka diyan. Trabaho ito noh." Naiiling na sabi ko.

"Saan ka na ba nakatira ngayon?"

"Sa Apartment pa rin. Nang malaman ni Tita Zoe na nanliligaw sa akin iyong anak nila, mas maganda daw kung hindi kami magsasama sa isang bubong dahil wala daw silang tiwala kay Zohar."

"Ay grabe si Tita. Ayaw niya ba na madagdagan na ang apo niya?"

Binatukan ko naman ito. "Wala pang ganon!"

"Ayiee, wala "pa" meaning magkakaroon rin." Panunukso nito sa akin.

"Tigilan mo na ako."

"My ship is sailing." Aniya bago kami tuluyan na naghiwalay para gawin ang mga trabaho namin.

Busy ako sa pagtipa sa laptop ko nang may naglagay ng coffee sa gilid ng table ko. Agad akong napatingin doon at nakita ko si Zohar na prenteng nakatayo sa may cubicle ko.

Nakatingin sa amin ang ilan sa empleyado niya kaya hindi ko mapigilan na pamulahan ng mukha.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Coffee for you. Narinig ko masiyado ka daw busy."

"Ikaw din naman. Dapat tinatapos mo na iyong mga trabaho mo ngayon."

Huminga naman siya nang malalim. "You're like a breath of fresh air to me kaya sinilip muna kita. Tambak ako ng paper works ngayon at nirereview ko rin ang ilan sa business proposal na natanggap ko."

"Si Zephyr, hindi ba siya pumasok?"

"Birthday ni Cosette ngayon."

Napatango na lamang ako. Si Cosette iyong singer na fiancée niya.

"Anya."

"Hmm?" Sabi ko bago humigop sa kape na dinala niya.

"Kailan daw tayo magpapakasal?"

Naubo ako sa sinabi niya dahilan para mamilog ang mata niya at dalu-dali na naghanap ng tubig. Mabuti na lang ang isang empleyado ay may dala-dalang bagong bili na bottled water at agad pinainom sa akin ni Zohar.

Nang mahimasmasan ako ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit mo natanong iyon?"

Natawa ito. "I'm sorry. Tinanong lang din ako ni Zephyr kanina. Gusto na daw niyang pakasalan si Cosette pero hindi daw niya hahayaan na mauna siyang magpakasal kaysa sa akin."

"Ewan."

Namilog ang mata ni Zohar.

"What do you mean?"

"Hindi pa tayo so bakit kasal agad?"

"Anya." Inis na sabi nito sa pangalan ko dahilan para matawa ako nang mahina.

"Malapit na, Zohar."

Wala na itong nasabi at tumigil na sa pangungulit sa akin. Sa maghapon ay nagfocus na kami sa kani-kaniyang trabaho. Nang dumating ang oras ng pag-uwi ko ay agad kong iniligpit ang mga gamit sa cubicle ko at nagpunta sa puwesto ni MJ.

"Yay, natapos din sa wakas." Aniya at saktong pinatay ang laptop niya matapos nitong isave ang file na ginawa niya.

"Grabe si Boss Zohar eh. Deadline na daw nun agad bukas." Naiiling na sabi ni MJ na ikinatawa ko.

"Buti nga at natapos mo agad."

"Siyempre ako pa ba?" Nagmamalaking sagot niya sa akin dahilan para hampasin ko siya nang pabiro.

"Uuwi ka na agad ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Opo. Mabait na akong bata, umuuwi na ako agad kung wala kaming lakad ng boyfriend ko."

"Mabuti naman kasi delikado sa labas."

"True, wala na si Sir Harvard na naghahatid sa atin eh. How about sumabay naman kaya ako sa inyo ni Boss Zohar ngayon?" Suhestiyon niya habang itinataas-baba niya ang kilay niya sa akin.

"Grabe ka." Naiiling na sabi ko sa kakapalan ni MJ.

"Aysus, gusto mo lang masolo si Boss Zohar sa sasakyan eh."

"MJ! Baka may makarinig sa'yo."

"Bakit ba? Alam naman halos ng lahat na may something sa inyo ni Boss Zohar kaya nga mabait sa'yo iyong lahat eh."

"Hindi din kaya."

Umirap si MJ sa sagot ko. Alam naman kasi naming dalawa na may ilang empleyado na pinag-uusapan ako. Iyong iba ay sinasabi na nakuha ko lang iyong trabaho ko ddahil kakilala ko si Zohar. May iba rin na nagsasabi sa akin na gold digger daw ako. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang balita na mahirap daw talaga ako pero pinag-aral ako ni Zohar.

Gusto kong sabihin na scholarship ang dahilan kung bakit ako nakapagtapos ng college at ang scholarship na iyon ay galing pa kay Sam at Zyra. Papatulan ko na sana kaso hindi ko naman ugali iyon kaya hinahayaan ko na lang. Wala namang totoo sa sinabi nila maliban sa mahirap talaga kami.

"Inggitera kasi sila. Nako talaga huwag lang silang sumobra sa pagsasabi ng kung ano-ano sa'yo dahil baka karmahin sila. Soon to be boss ka pa man din nila."

"MJ, tama na nga iyan."

"Doon din pupunta iyon."

"Hindi pa kami."

"Edi sagutin mo na."

Ang kulit talaga ni MJ.

Lumipas pa ang mga araw at naging madalas ang pagiging busy namin ni Zohar. Dati ay nagkikita kami tuwing weekends pero ngayon, hindi na. Nalungkot naman ako nang bahagya. Oo slight lang, namimiss ko din siya. Wala na kasi siyang paramdam ngayon.

"Hoy, tulala ka diyan."

Bumuntong-hininga ako bago tumingin kay MJ na maganang kumakain. Break time namin ngayon at kumakain kami sa labas. Pero wala talaga akong gana dahil hindi na rin kami sabay umuuwi ni Zohar noong mga nakaraan. Nagkikita kami sa kumpanya pero simpleng ngitian na lang.

"Bakit ang daming meetings?"

"Lol. Ewan ko sa'yo. Businessman iyong gusto mong jowain malamang busy iyong tao sa pagtratrabaho para sa future niyo. Smile ka na, parte ka naman ng future niya."

"Hindi nga kami eh, paano ako naging parte ng future niya?" Matabang na sagot ko.

"Bakit ang sungit mo? Ako ba iyong hindi sumagot ha? Kung ako nasa posisyon mo, sinagot ko na ng YES si Boss Zohar para wala ng kawala."

Napangalumbaba na lamang ako sa lamesa.

"Edi sagutin."

Naging alerto ako nang mabulunan si MJ habang kumakain.

"Wengya, nakakamatay ka talaga kapag nabibigla ka." Sabi niya sa akin at inirapan ako. Natawa naman ako dahil naaalala ko din iyong araw na nabulunan ako sa tanong ni Zohar na kung kailan ba kami magpapakasal.

"Ikaw kasi eh."

"Aba, kasalanan ko pa talaga. Pagbalik natin sa kumpanya, bisitahin mo si Zohar sa office niya. Sabihin mo sa secretary niyang strikto na binibisita mo ang future husband mo. Taob iyong mamaw na secretary niya pag sinabi mo iyon."

Naiiling na natawa ako sa sinabi niya. Strikto iyong secretary ni Zohar pero kilala naman na niya ako kaya pinapapasok niya rin ako agad. May mga pagkakataon kasi dati na bumibisita kami dito sa kumpanya ni Zohar kasama si Kleng para dalhan siya ng lunch kaya naman hindi na rin bago sa akin iyong secretary niyang lalake.

Plinano ko na uwian na lamang kami magkita ni Zohar. Tinext ko siya kung pwede sabay kaming umuwi ngayon. Narecieve ko naman iyong repky niya na nagsasabing pupuntahan niya ako mamaya sa cubicle ko sa office.

Excited ako na dumating na ang oras ng out ko sa trabaho. Napangiti ako pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Zohar. Ang gwapo nito sa suot niyang coat at napaka-formal niyang tingnan.

"Hey, Anya."

"Zohar, tara na?"

Tumango siya. Pinagtitinginan kami palabas ng kumpanya pero isinantabi ko na lamang ang pagkailang ko dahil ilang araw din na hindi kami sabay na umuwi ni Zohar.

"It's been a while. I'm sorry, busy lang."

"Naiintindihan ko."

"I wasn't be able to fullfill my duties to you."

Natawa ako at nailing. "Duties? Ano bang duties mo sa akin?"

"Ang mahalin ka. Duty ko na iparamdam sa'yo na mahal kita."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Zohar.

"Oh, I forgot the box." Sabi niya at may kinuha sa likod ng sasakyan.

Namilog naman ang mata ko nang makita ang isang magandang box sa kamay niya at inabot niya sa akin.

Umagaw ng pansin ko ang size ng box at ang mga bulaklak na nakalagay sa tuktok nito. Ngunit ang higit na umagaw ng atensiyon ko ay ang singsing sa gitna niyon.

"Zohar..."

"I have to ask you now, Anya. I've waited long enough to meet the girl whom I want to cherish and open my heart again. Kapag pinakawalan kita, natatakot na naman ako na makanap ka ng iba. I'm sorry for my love issues. I'm sorry for things that happened that made you hate me."

Nangilid ang luha sa mga mata ko dahil doon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngunit ang naririnig ko ngayon ay ang malakas na tibok ng puso ko.

"Wala ka namang ginawa na hindi ko gusto."

"Kahit ang sabihan ka na mas bata ka sa akin kaya hindi tayo pwede?"

Nangingilid na ang luha sa mata ko pero hindi ko maiwasan na matawa sa sinabi niya.

"Kahit pitong taon ang agwat natin, pwede pa rin naman tayo eh."

"Kung hindi tayo pwede, edi tayo na gumawa ng tadhanan natin. Ipaglalaban kita, Anya."

Napatango ako sa kaniya.

"Can you be my girlfriend?"

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya.

"Yes, Zohar." Sagot ko at tuluyang bumagsak ang luha sa mata ko at napangiti si Zohar.


Author's Note: Tinadhana ata na maisulat ang Chapter 29 sa mismong araw ng birthday ko Hahaha. Hope you love the update. Isang update na lang at Epilogue na :)

Continue Reading

You'll Also Like

15.7K 716 50
Maria Asuncion Limpoco is best friends with Cain Rodriguez. Both silent and smart, they decided to pursue Medical School together, though, becoming a...
8.8K 450 53
KANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hi...
2M 138K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.3K 204 43
Labis na nasaktan si Ann sa pag-iwan ng kanyang dating fiancé na si Evo. Idagdag pa rito ang pag-iwan din sa kaniya ng kababatang si Xian at ng kanya...