Nakatayo ako sa isang napaka gandang lugar, sa gitna ng napakaraming bulaklak na animo'y sumasayaw kasaba'y ang pag ihip ng hangin.
Ang liwanag ng araw ang nag bibigay init sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat, habang nag lalakad sa kalagitnaan at habang hinahaplos ng aking mga kamay ang mga bulaklak.
My naaninag ako na isang lalakeng nag lalakad papalapit sa akin, bigla akong nakaramdam ng saya, halos lagpas sa universe ang ngiti ko ng makita ko sya, halos hindi ko maipinta ang nadarama ko ng makita syang papalapit sa akin.
Nang makalapit na sya sa akin, halos hindi ko maialis ang mga mata ko sa pag katitig sa kanya.
"K-Kyle" nakangiting sabi ko sa lalaking kaharap ko.
Seryoso lang syang nakatitig sa akin, ni hindi ko mabasa ang mga mata nya sa kung anu ang gustong nyang iparating sa akin.
"Are you happy?" Seryosong tanung nya sa akin.
"Huh? O-oo naman Kyle, sobrang saya ko kasi kasama kita at nakita kita, namiss kita"
Masayang sabi ko sa kanya, hinawakan ko ang kanyang mga kamay pero bigla syang bumitaw.
"Kyle" sabi ko sa kanya.
"Are you happy? For ruining my family?"
Seryosong sabi nya, halos manlisik ang mga mata nya, napalitan ng luha ang masayang sandali.
"Kyle, im so-sorry, sorry hindi ko naman sinasadya Kyle"
Sabi ko sa kanya, halos mawalan ako ng boses at panay ang pag tulo ng mga luha ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nya.
"Ayaw kitang makita, ayaw na kitang makita pa, wag ka ng mag pakita at kung mag kita man tayo let's pretend that we dont know each other!"
Sabi nya sakin at bumitaw sya sa pag kakahawak ko sa mga kamay nya at nag lakad papalayo sa akin.
"K-Kyle no! Kyle! "
Sigaw ko habang panay ang pag patak ng luha ko.
"Kyle no! Im sorry please! Come back! Kyle"
Sigaw ko na halos mapaos ang boses ko sa pag sigaw pero dirediretso pa rin sya sa pag lalakad na parang walang naririnig.
POV otherperson
Maagang nagising si Hiro para mag handa ng umagahan nilang mag kapatid dahil maaga pa ang pasok nila parehas sa iskuwela.
Si Hiro ang nakatatandang kapatid ni Kyra at 3rd year college na ito sa kursong AB-MassCom.
Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang nila dahil sa masyadong busy sa negosyo ng kanilang pamilya.
Kaya nasanay na si Hiro at Kyra na sila lang dalawa ang laging mag kasama .
Halos mapatakbo si Hiro ng marinig ang boses ni Kyra galing sa kwarto nya.
"Kyle no! Im sorry please! Come back! Kyle"
Pag sigaw pa rin ni Kyra, kaya binilisan ni Hiro ang pag akyat sa hagdan.
Pag pasok nya sa kwarto ni Kyra, lumapit sya kay Kyra at pinilit gisingin ang kapatid.
"Kyra! Gumising ka! KYRA!"
Sabi nya habang patuloy pa rin sa pag gising sa kapatid, biglang nagising si Kyra na puno ng luha ang mga mata.
"K-Kuya!"
Sabi nya na halos mapahagulgul na sya sa pag iyak, bigla syang napaakap ng mahigpit sa kapatid.
"Shhhhhh! Tahan na ! Andito na si Kuya!"
Sabi ni Hiro at niyakap nya ito ng mahigpit.
Kyra's PoV
"Oh my gosh Best after 3years mag papakita na rin lang sa panaginip pa? Tsk! Tsk!"
Nakaupo kaming dalawa dito sa bench andito kasi kami sa field dahil p.e class namin.
"Ewan ko ba, alam mo sobrang saya ko nung makita ko sya"
Masayang sabi ko sa kanya, totoo naman kasi sobrang saya ko nung makita ko sya pero sya ang hindi masaya ng makita nya ako.
"Pero_______ " Pahabol ko
"A-anung? Pero?" Tanung ni Rica
"Pero sabi nya sakin ayaw nya na daw akong makita because I ruin his family."
Malungkot na sabi ko kay Rica, nung sinasabi sakin ni Kyle yun sobra akong nasaktan dahil ayaw na nya akong makita pa kahit sa panaginip nya lang sinabi napakasakit pa rin para sakin.
Hindi ko napigilan biglang tumulo ang luha ko, paulit ulit kasing nag eecho sa isip ko ang mga sinabi ni Kyle sakin at hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinabi nya kahit yun ay panaginip lang.
Inakap ako ni Rica na mas lalong nag patulo sa luha ko, salamat na lang at my Rica at Kuya Hiro ako sa buhay atleast nanjan sila para sakin sa hirap o ginhawa hindi nila ako iniiwan.
Pag katapos ng kadramahan ko ay nag simula na ang p.e class namin.
Halos maloka naman ang mga kklase ko sa grand entrance ni Mr.Pogi sinu pa edi si Mr.Darren Choi. Suot nya ang black jogging pants at white tshirt syempre with rubber shoes.
Sa sobrang gwapo nya kahit ata sira sirang damit ang ipasuot sa kanya Gwapo pa rin. I mean kulang ang salitang gwapo sa kanya.
"Kyaahh! Ang gwapo nya best!"
Bulong ni Rica with blink blink pa ng mata.
"Haist! Tumahimik ka nga jan!"
Singhal ko sa kanya at inirapan nya lang naman ako ng bongga.
Oo gwapo si Darren pero hindi sya ang tipo kong lalake. Isa syang playboy, matalino pero mahangin, isnabero at suplado oh db? Walang matatagpuang true love sa kanya.
"Okey Class! Group yourself in to three we have a game for today, just wait for a moment. I'll be back"
Sabi ng p.e teacher namin at umalis, nang akmang kakausapin ko si Rica nagulat ako ng wala na sya sa tabi ko at nakita ko syang nakikigulo kung saan nandon si Darren.
"Darren gusto mo tayo na lang mag kagroup?!"
"Darren kahit tayong dalawa lang sa group okey lang"
"A-aa Darren magaling akong mag laro, lalo na sa apoy"
Suggest ng mga kklase ko kay Darren na mukang walang pakielam sa mga sinasabi nila dahil naka earphone sya at busy sa Cellphone nya.
nakakaloka lang huh? Silang lahat nandon mapababae, lalake, bakla, tomboy gustong maging kagroup si Darren.
grabe nakatayo akong mag isa dito at pati Bestfriend ko nakigulo na rin sa kanila. Napailing na lang ako, panu mag sisimula ang game nato kung lahat sila si Darren lang ang gustong kapartner haay.
Hinila ko si Rica papalayo sa kanila at nagulat naman sya sa ginawa ko.
"Akala ko ba Bestfriend kita! Bat iniwan mo ko dito tss!" Inis na sabi ko.
"A-ahh eehh sarrey! Nadala lang ako sa mga kklase natin" nakangiting sabi nya sabay peace sign.
"tss, ewan ko sayo" sabi ko sa kanya sabay irap.
nakabalik na ang teacher namin pero nakaikot pa rin sila kay Darren. Haist! Gusto ko ng mag simula ang laro tss.
"Kulang na lang kami ng isa sa group"
Malakas na sabi ko at tinaas ko ang kamay ko, tumingin ang mga kklase ko sakin na parang pinapahiwatig nila na ayaw nila kaming kagroup.
Binaba ko na ang kamay ko at sasabihin ko na lang sa teacher namin na kami na lang ni Rica ang mag kagroup eeh kasi naman ang gusto nila si Darren ang kagroup. Bahala nga sila hindi na nga sila pinapansin e.
"Ako! Sa inyo na lang ako sasama"
Nagulat ako sa nag salita, its Darren! Tinangal nya ang earphone sa tenga nya at Lumapit sya samin ni Rica na kilig na kilig,.
"Pwede ba?"
Nakatitig na tanung nya sakin. Hasyt anu bang klaseng tingin yan Darren nakakalusaw. Tumingin muna ako sa paligid ko bago ako sumagot.
Nakatingin ng masama mga kklase ko sakin na parang sinasabi na "wag mo syang tanggapin sa group nyo" yiehh! Pamatay ang tingin ng mga kklase ko.
"Hindi pw______"
Sabi ko pero hindi ko na ituloy dahil kay Rica na biglang umepal sa harap namin ni Darren.
"Pwedeng pwede papa Darren"
Kumapit si Rica sa braso ni Darren na parang wala lang sa kanya.
"Haist!" Sabay sabay na reaction ng mga kklase ko. Wala silang nagawa kahit ako walang nagawa kaya bumuo na sila ng sarili nilang group.
Buong p.e class nakakapit ang loka lokang si Rica kay Darren na wala namang karea-reaction kahit 100 babae pa ata ang kumapit sa braso nya okey lang at hindi nya papansinin.
Buong klase din mainit ang mata ng mga classmate namin kay Rica haha, lagot sya! Mas lalong dadami ang haters nya. Ako naman tahimik lang sa isang sulok pag katapos mag laro.
~
Comment and Vote please
Salamat po sa pag babasa.
Sinu kaya si Kyle sa Buhay ni Kyra?