Makalipas ang ilang araw...
Tuluyan ng nakalimutan ni Ate ang nangyari sa kanya noong gabing masaksihan niya ang paggalaw ng mag-isa ng upuan.
Sa katunayan balik-sofa na uli siya.
. . .
. . .
. . .
Hatinggabi na naman.
Ano na naman kayang kababalaghan ang mangyayari?
Ito ang madalas na katanungan ni Ate lalo na kapag sumasapit ang gabi.
Parang nakasanayan na niya ang mga kababalaghang nangyayari sa kanya.
Kumbaga normal na lang sa kanya ang pagpaparamdam ng kaluluwang naninirahan sa aming bahay.
. . .
. . .
. . .
3:00 AM
Nasa kasarapan ng tulog si Ate ng bigla siyang maalimpungatan. Bigla kasi siyang nilamig.
Whoa! Lamiiig!
Kinapa niya ang kumot na nasa ibabaw ng kanyang unan.
Huh? Asan na yon? Nagtaka siya dahil wala ang kumot.
Hmm... baka nalaglag! Naisip niya.
Kaya naman napabangon siya upang hanapin kung nasaan ito.
. . .
. . .
Ayun pala eh! Sabi niya ng makitang nasa may gilid ni Mama ang kumot na ginagamit niya.
Tumayo siya upang kunin ito. At minabuti na rin niyang hinaan ang electric fan para mabawasan ang lamig.
. . .
. . .
Nang makapwesto na sa sofa, pumikit na si Ate upang ipagpatuloy ang tulog.
Nakabaluktot siya dahil hindi niya talaga matiis ang lamig.
Ano ba yan? Para namang naka-aircon kami. Sabi pa niya.
. . .
. . .
. . .
Makalipas ang ilang sandali ay mahimbing na ang tulog ni Ate.
. . .
. . .
Nang walang anu-ano'y bigla na naman siyang nagising.
. . .
Nagising siyang nakatihaya na ang pwesto niya. Diretsong naka-unat ang mga papa niya sa tinutulugang sofa.
At ang kumot na kanina ay nakabalot mula ulo hanggang sa paa niya ay bahagya ng nahila pababa.
. . .
Huh?! May tumawag ba sa akin?!
Feeling kasi niya tinatawag siya ni Mama kaya siya nagising.
Pinakinggan niyang maigi...
Wala naman...
. . .
Pinakiramdaman niya ang paligid...
Parang mas lalong lumamig?!
Kakaiba ang lamig na nararamdaman niya nung mga oras na iyon. Talagang sumisigid sa kaibuturan ng kalamnan niya.
Ramdam na ramdam niya ang paggapang ng malamig na hangin sa kanyang likuran.
Ano ba yan?! Para naman akong nakahiga sa bloke ng yelo!
. . .
. . .
Tapos bigla siyang kinilabutan ng maisip niya na...
Diyos ko! May nagpaparamdam na naman po...
. . .
Bagama't inaalihan na siya ng takot, sinubukan pa rin niyang maging matatag... maging matapang.
. . .
Nagbilang siya...
. . .
. . .
One... ( kaya mo yan... )
. . .
. . .
Two... ( whoooa...)
. . .
. . .
Three... ( ayan na... )
. . .
. . .
Iminulat niya ang kanyang mata.
. . .
Oh! My God! Sambit niya.
Sa pheriperal vision niya, may nakikita siyang imahe...
. . .
. . .
Oh! My God! Nakaputi siyang damit...
. . .
. . .
Nakatayo ito malapit sa kanya...
. . .
. . .
Sheeet! Malapit siya sa ulo ko...
. . .
. . .
Nyiiiiii... Sino siya? Diyos ko po!
. . .
. . .
Dahan-dahan ang ginawang paglingon ni Ate.
. . .
. . .
. . .
At na-estatwa siya sa kanyang nakita.
. . .
. . .
"Aaaaaaaaaaah.... Aaaaaaaaaaaah.... Aaaaaaaaaaah...." Sunod-sunod na tili ni Ate. Napapikit na siya sa sobrang takot.
Biglang nagising sila Mama at Papa dahil sa lakas ng sigaw ni Ate.
. . .
Kitang-kita ni Mama ang matinding takot na naka-rehistro sa mukha ni Ate.
"Anong nangyari?!" Tanong ni Mama.
Ngunit hindi sumagot si Ate.
Nakapikit pa rin ito at sige pa rin sa pag-iyak.
"Huuuuu... huuuuu... huuuuuu..."
"Uy! Ano bang nangyayari sa iyo?!" Tanong naman ni Papa.
"Nanginginig siya Pa. Kumuha ka ng tubig." Utos ni Mama kay Papa.
. . .
. . .
Pinilit ni Mama at Papa na itayo si Ate. Pinainom nila ito ng tubig upang kumalma.
"Ano bang nangyari?" Tanong uli nila.
"Huuhuuhuu! M-may... m-may na-ki-ta a-koo... huhuhu." Pautal-utal na sagot ni Ate.
"Ano yon?!" Parang napipikon na si Papa.
"B-ba-ba-e... huhuhu! M-may ba-bae dito k-kanina." Sabi ni Ate.
"Sinong babae?" Tanong ni Papa.
Umiling si Ate. "H-hin-di ko ki-lala."
"Anong itsura?" Tanong naman ni Mama.
"M-ma-tan-da. Naka-puti. Mamaaa... P-parang ku-kunin nya ko. Huhuhuhu! Na-ka-umang ka-si yung isang ka-may nya sa u-lo ko. Ta-pos Ma... Y-yung ma-ta nya... yung ma-ta nya wa-lang itim. Ta-pos... ta-pos na-ka-nga-nga yung bi-big nya sa a-kin." Nanginginig si Ate habang inilalarawan ang itsura nung matandang babae na nakita nya.
. . .
Hindi na sila uli natulog. Binantayan na lang nila si Ate at pilit na pinakalma.
. . .
Sobrang nag-alala si Mama. Sa tagal kasi nila sa probinsya ay ngayon lang nangyari iyon kay Ate.
Kaya napag-desisyunan nila na ipa-bless na ang bahay kahit hindi pa ito tapos.
Nang sa ganon ay matigil na ang pagpaparamdam at pagpapakita ng kaluluwa.
..................
AUTHOR'S NOTE:
Sa lahat ng katatakutang ikinuwento sa akin ni Ate, dito pinaka-nanindig ang mga balahibo ko.
Hindi ko nagawang magtawa matapos niyang magkwento.
Sa halip, talagang kinilabutan ako.
. . .
Natakot ako sa kwentong ito dahil...
UNA sa lahat, hindi iyon guni-guni lang ni Ate.
Kasi talagang nakita niya yung kaluluwa... ng mismong mga mata niya.
Unlike sa mga naunang story, puro pagpaparamdam lang.
Ito talaga... real!
Sabi nga... to see is to believe.
PANGALAWA... first time ni Ate yon. Kaya alam ko kung nagsisinungaling lang siya sa akin o nagsasabi talaga siya ng totoo.
PANGATLO... yung itsura nung kaluluwa ay talaga namang nakakatakot.
Sabi ni Ate malaki daw yung mata nung matandang babae. Kasing-laki daw ng pwet ng baso. Tapos walang itim. Puro puti lang daw.
Tapos ang laki raw ng bibig. Parang lalamunin daw si Ate ng buong-buo.
At PANG-APAT... kaya mas lalo po akong napaniwala ni Ate ay...
Habang ikinukuwento po nya ito sa akin ay talaga namang may kasama pang action.
Parang re-enactment.
Ipinakita nya rin sa akin kung anong eksaktong itsura nung babae nang makita niya itong nakatayo sa gilid niya.
At kung paano at gaano kalakas yung tili nya nung gabing iyon ay ganun din ang tiling ginawa niya habang ikinukwento nya ito.
Sa totoo lang... nagulat ako nung tumili si Ate. Hindi ko kasi akalain na pati yon ay ire-re-enact niya.
Pati nga mga kapitbahay narinig yung malakas at nanginginig niyang sigaw.
Akala tuloy nila kung napapaano na si Ate.
Nung may magtanong, ang sabi ko na lang...
"Wala. Nagkukuwentuhan lang kami."