TRUE GHOST EXPERIENCE

By SpykeLoveStacey

3.2K 144 36

AUTHOR'S NOTE: Bago ko po simulan ang kwentong ito, nais ko muna sanang magpasintabi sa lahat ng mga nilalang... More

TRUE GHOSTS EXPERIENCE
PUNO NG KAIMITO
BAKAL
KALUSKOS SA HATING-GABI
WHITE LADY
TUMBA-TUMBA
NABUBULOK NA LAMAN
ANG PANAUHIN
MATANDANG BABAE
AUTHOR'S NOTE

IYAK NG SANGGOL

192 8 0
By SpykeLoveStacey

At last... pwede ng tirahan ang bahay. Although hindi pa ito totally finished... not fully-furnished... but at least may matatawag na kaming SARILI.

Hindi na kami makikitulog... Ang saya saya!!!

..................

Ilang gabi na rin silang natutulog sa bahay. At sa bawat araw na inilalagi nila doon ay hindi pa rin nawawala ang mga kaluskos sa hatinggabi.

Nakasanayan na lang nila ito. Ang dahilan ni Mama, hindi naman daw ITO nananakit. Kaya huwag na lamang daw pansinin.

..................

Alam naman natin ang buhay sa probinsya. Maagang natutulog ang mga tao. Alas otso pa lang ata ng gabi nasa higaan na sila.

Unlike dito sa Manila, sanay sa puyatan ang mga tao. Yung alas otso ay simula pa lang ng night life.

..................

At dahil laking Manila si Ate, sanay itong magpuyat. Para na siyang insomniac.

Mabuti na lang talaga at may laptop na pwedeng paglibangan lalo na kapag ini-insomnia si Ate.

..................

Sa kwarto natutulog si Ate.

Samantalang ang sala naman napili nila Mama at Papa.

..................

11:45 PM

"Neng... Matulog na." Mahinang sigaw ni Mama.

Naalimpungatan ata ito at napansin ang munting liwanag na nagmumula sa kwarto kaya sinita niya si Ate.

"Opo." Sagot naman ni Ate.

. . .

Ngunit hindi naman sumunod si Ate. Nag-laptop pa rin ito.

Maya-maya nga lang ay sinita na naman siya ni Mama.

"Neng ano ba? Anong oras na ah? Patayin mo na yan!" Sigaw ni Mama.

"Eh Mama hindi pa ako inaantok eh." Dahilan ni Ate.

"Hmpt! Bahala ka kapag may tumabi sayo dyan ha." Panakot ni Mama.

Ngunit hindi pa rin natinag si Ate.

Kasi naman hindi pa siya talaga inaantok. Mahirap nga namang magtulug-tulugan. Masakit iyon sa mata.

..................

Makalipas ang ilang oras...

Kasalukuyang nag-e-fb si Ate nang makarinig siya ng mahinang iyak ng isang bata.

UHAA... UHAAAA... UHAAAAAA...

Ang iyak ay nanggagaling sa labas ng bahay, sa bandang bintana.

. . .

Ngunit binale-wala niya ito sa pag-aakalang ang anak ng pinsan naming si Cath ang umiiyak.

UHAA... UHAAAA... UHAAAAAA...

Patuloy pa rin sa pag-iyak ang bata.

Ano ba naman si Cath? Hindi man lang mapatahan ang anak niya. Hindi napigilang sambit ni Ate.

. . .

. . .

Hanggang sa palakas na ng palakas ang iyak.

UHAA... UHAAAA... UHAAAAAA...

Peste naman o! Anong oras na? Ngayon pa nag-i-iiyak!

Nainis na si Ate dahil naiingayan na siya. Kasi talaga namang nakakabulahaw na yung bata.

. . .

. . .

Ngunit bigla rin siyang nakonsensya sa inasal niya.

Eh baka naman may sakit kaya umiiyak. Tsk! Tsk! Kawawa naman.

. . .

. . .

Minabuti niyang lumabas para silipin ang mag-ina.

Para i-check na rin kung bakit umiiyak ang bata at kung bakit hindi ito mapatahan ng ina?

. . .

. . .

Tumayo siya mula sa pagkakadapa sa kama at nagsimulang humakbang palabas ng kwarto.

Ngunit bigla siyang natigilan.

Teka lang...

. . .

Umupo siya sa gilid ng kama at napa-isip.

. . .

. . .

Napakunot ang noo niya.

Eh... hindi naman magkadikit ang mga bahay namin ah?

Papaanong dinig na dinig ko ang iyak ng bata?

. . .

Bakit parang...?

Parang dito lang sa labas ng bintana galing ang iyak.

Napasulyap pa si Ate sa bintana.

At lalo siyang nagtaka.

. . .

. . .

Teka... wala namang bahay dyan ah... Eh pader na yan ih!

Biglang kinilabutan si Ate.

Nakaramdam siya ng takot.

Hala... sino kaya yung umiiyak?

. . .

. . .

Saka lang niya napagtanto na hindi nga ang anak ni Cath ang umiiyak.

Dahil...

Dahil...

. . .

. . .

Dahil ang anak ni Cath ay mahigit isang taong gulang na.

At ang iyak na naririnig niya ay galing sa bagong panganak na sanggol.

Nyaaaaaaaaah......... Tili ni Ate.

. . .

. . .

Agad niyang in-off ang laptop at kumaripas siya ng takbo papunta sa sala.

Nagsumiksik siya sa tabi ni Mama at nagtalukbong ng kumot.

..................

Kinaumagahan ikinuwento nya kay Mama ang naranasan niya.

Hindi malaman ni Mama kung matatawa ba siya o maaawa kay Ate.

"Ayan... kase.... Puyat pa!" Pang-aasar pa ni Mama.

..................

AUTHOR'S NOTE:

Actually nung ikinuwento sa akin ito ni Ate, tinawanan ko lang din siya.

Ang sabi ko sa kanya...

"Bakit naman natakot ka kaagad? Sana sinilip mo muna kung talagang sa bintana nga galing yung iyak bago ka nagtiti-tili! At saka... Sigurado ka ba talagang iyak nga ng baby yung narinig mo? Baka naman tones lang yon ng cellphone. At saka bakit ikaw lang ang nakarinig non?" Sabi ko pa.

Dinedma lang ni Ate lahat ng sinabi ko at pinanindigan naman niya ang lahat ng mga ikinuwento niya.

At ito ang sagot niya sa akin.

"Ay naku! Deng... Tingnan ko lang ang tapang mo kapag sa iyo naman nangyari yon!"

. . .

Hahaha! Wish mo lang...

Continue Reading

You'll Also Like

24.8K 491 20
This is my first time to write my own story, and we all a know that no body's perfect, kaya asahan niyong may mga typos error or wrong grammar dito...
191 8 1
i dedicate this story to: gangstaboy, crislyn Pardillo and bless Salaritan Oh ayan ..nadidecate ko na kayo wag na magalit hahah This story is a work...
11.7K 850 32
Mala anghel sa ganda na aakalain mong hindi gagawa ng masama? At kung bigla niyang naisip na magbagobg buhay at sa maynila niya napili. Ngunit ang...
117 2 1
ang mga alaalang pilit na kinalilimutan ni andy ay pilit sumisik sik sa kanyang isipan. satuwing makikita niya ang lalaking pilit nya ring kinalimuta...
Wattpad App - Unlock exclusive features