Blog # 2:
“Mr. Nice Guy”
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
He was the typical image of Mr. Nice Guy—tall, not-so-dark, and handsome. Meztiso and a member of the basketball varsity team.
He was in my year. He looked familiar and I remembered he used to be from the next classroom from a year ago. Classmate siya ni Redzel noon. And now, classmate ko na siya.
He wasn’t like those boys who used to be my classmates before. Tahimik lang siya, pero hindi naman siya masungit. In fact, he smiled a lot. Shy nga lang. I mean, shy ‘yung ngiti niya. Hindi rin siya katulad ng mga kaklase ko dati na sobrang magugulo at maiingay. In spite of him being popular among our batch, he didn’t seem to flaunt it.
Even though we were classmate, hindi kami nag-uusap. We had different sets of friends. We just came to know each other personally when he picked up my Art project that was lying around on the floor dahil noong binuksan ng teacher namin ang bintana, pumasok ang hangin sa loob ng classroom at nilipad ang project ko papunta sa puwesto niya.
Lumabas saglit ang teacher namin para kuhanin ang ibang mga art projects na nilipad sa labas. May lumapit sa desk ko at pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Fitz sa tabi ko, inaabot ang art project ko. “Sa’yo ito, ‘di ba?”
Tumango ako at tumayo. “Yes, thanks,” sabi ko.
Ngumiti siya nang tipid at bumalik na sa puwesto niya.
Wala namang kakaiba sa ginawa niya dahil normal naman siguro iyon na isasauli mo sa may-ari ang papel niya kapag napulot mo ito—unless hindi ka gentleman at hahayaan mo lang ‘yun na liparin ulit ng hangin.
As days passed by, hindi na kami nag-usap o nagkaroon ng encounter ni Fitz. Sabi ko nga, we had different sets of friends at wala naman kaming transaksyon. We were classmates, pero hindi ibig sabihin niyon eh mag-uusap na kami just because wala lang, trip lang. Pero one time noong nagkaroon kami ng ballroom dancing activity, I had hoped na siya ang maging partner ko kasi he really seemed nice. Unfortunately, by height ang pairing and ouch lang sa part ko dahil I was one of those na hindi pang-beauty queen ang height. Petite, in short. And Fitz was like 5’8 or 5’9. He really was tall for his age of eleven.
Hindi ko siya crush. Yup, guwapo siya. Charming. Palangiti and he really seemed nice. And even though he wasn’t my crush, I would find myself catching glimpses of him. Wala lang, gusto ko lang. Siguro marunong lang talaga akong mag-appreciate ng beauty.
Crush siya ng class president namin na si Leira. Palagi kong naririnig kung paano nila inii-stalk si Fitz. At palagi kong naririnig from her friends na bagay na bagay sina Fitz and Leira, especially since pareho silang matangkad at may hitsura. Saka pareho silang into sports. Perfect pair, they said. At ang chismis pa eh crush din ni Fitz si Leira.
Well, to be honest, bagay naman talaga sila. I tried not to think about that—na possibly crush ni Fitz si Leira. Besides, why would I? Eh hindi ko naman siya crush, right?
“Ang guwapo ni Fitz, ano?” biglang sabi ng pinsan kong si Calliope noong minsan ay nanunuod kami ng basketball game during Intrams.
“Uh-oh,” I said, shrugging.
Ngumiti siya nang nakakaloka. “Crush mo, ‘no? Kanina mo pa kasi tinitingnan.”
“I am watching the game. It just so happens that he’s holding the ball most of the time,” mataray kong sabi sa kanya.
“Like, seriously, Cel?” natatawang tanong niya. “Ang taray mo talaga. Kaya hindi ka nilalapitan ng mga lalake eh.”
Hindi ko na lang siya pinansin at pinanuod na lang ang isa ko pang pinsang si Chrysanthemum na mukha nang baliw sa pagsi-cheer sa gitna ng court habang ‘yung kambal naman niyang si Clover ay sumisigaw rin. May dala-dala pa silang pom poms at hindi ko alam kung sino ba ang sini-cheer nila.
Tatayo na dapat ako para umalis at magbasa na lang ng libro dahil tutal eh free period naman noong may sumigaw bigla from somewhere.
“Look out!”
Agad akong tumingin sa court. Before I knew it, the ball came flying toward my face. Napapikit ako, pero instead na bola ang tumama sa akin, may mabigat na bumunggo sa akin kaya napaupo ako sa ground.
“OMG, Celeste! Ayos ka lang ba?” narinig kong sigaw ni Calliope.
When I opened my eyes, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Fitzgerald Arthur Altamonte. “Nasaktan ka ba?” tanong niya habang tinutulungan akong tumayo. “Sorry, nawalan ako ng balanse.”
“I’m fine,” sabi ko. Hindi naman talaga ako nasaktan eh. Nagulat lang siguro, but otherwise fine.
Noong nakatayo na ako nang maayos, muli niya akong tinanong kung ayos lang ba talaga ako. “Sigurado ka?”
“Oo. Bumalik ka na sa game. Baka matalo pa ang section natin,” sabi ko.
He gave me that charming smile of his and waved. Dinig na dinig ko ang frustrated scream ni Leira. At wala pang limang segundo noong bigla niya akong nilapitan.
“Naman, Celeste!” reklamo niya. “Moment ko dapat ‘yun eh!”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Ang alin?”
“Ako dapat ‘yung tatamaan ng bola,” exasperated niyang sabi.
Medyo natawa ako, so she glared at me. “Seriously? Gusto mong tamaan ka ng bola?” natatawang tanong ko.
“If it means being saved by Prince Charming!” she answered.
I shook my head. At the age of eleven, Leira and her friends had already been interested in boys. I might be matured for my age, pero hindi ako ganoon ka-interesado sa boys. May naging crush ako before—si Redzel—but that was it. Puro fictional characters ang mga nagugustuhan ko, so hindi ko masyadong binibigyang pansin ang mga estudyante sa school namin.
Iniwan ko ang mga kaklase kong babae na meron pa ring dreamy looks on their faces. Siguro boring lang talaga akong tao kaya hindi ako interesado sa mga ganoon, but yeah, ganoon talaga ako noong middle school. Puro libro lang ang inaatupag ko. Not those academic books, but those novels and series na walang kinalaman sa academics.
I liked imagining the scenes of each book I read. I liked how I could plunge into my imagination. It was my Eutopia—my solace.
I wasn’t anti-social. I wasn’t an introvert, either. Madaldal ako at hindi mahiyain. Hindi rin ako takot sa tao. It just so happened that I wasn’t interested sa mga bagay na pinagkakainteresan ng mga tao sa paligid ko during that time. ‘Yung tipong wala akong makausap with the same interests and hobbies? Ganoon.
It might sound harsh, but I found my classmates and even my batchmates boring. And they found me boring, too. Or maybe hindi lang talaga matched ang interests namin.
I was okay with the students around naman. Okay lang din naman sila sa akin. Hindi naman ako napapaaway or inaaway or something. In fact, ang mga pinsan kong sina Cassiopeia at Chrysanthemum ang madalas napapaaway, pati ang iba ko pang mga pinsan. Hindi lang siguro talaga ako fit sa mga estudyanteng kasama ko during middle school.
‘Yung tipong… ah, okay, classmate ko siya. That was it. I wasn’t invisible. In fact, I was an active student, both in academics and extra-curricular activities. Pero iyon na ‘yun. After school activities—academics man or extra, I had my own world. And I was happy.
So while everybody was enjoying the Intrams, sinulit ko ang every free period sa pagbabasa. Doon ako pumupunta sa garden ng school. Walang tao doon kasi halos lahat ng estudyante ay nasa fields, courts, or oval. Habang nagsasaya sila sa events, ako naman ay masaya sa pagbabasa ng mga nobela ko.
I thought masosolo ko ang garden, pero one time, narinig ko na lang na bumukas ang lumang gate sa entrance ng garden. Hindi naman ako nag-alala kung teacher ba ‘yun or admin kasi free period naman. Nagulat ako noong nakita ko si Fitz.
Inilibot niya ang paningin niya sa buong garden na para bang naghahanap ng mauupuan. Noong nakita niya ako, lumapit siya sa akin.
“Puwede bang makiupo?” tanong niya.
I nodded. “Tapos na ang game niyo?” tanong ko.
“Oo.”
“Panalo?”
“Lagi naman,” he said, smiling.
“Yabang,” medyo nakangiting sabi ko.
“Hindi naman. Magagaling lang talaga ‘yung mga kasama ko.”
“Isn’t it unfair?” tanong ko. “Kasi majority ng varsity players in our year eh nasa klase natin eh. Parang unfair sa ibang sections.”
“Oo nga eh. Sa totoo lang, iyon din ang dahilan kung bakit nawawalan ako ng ganang maglaro minsan,” mahinang sabi niya.
“Bakit naman?”
“Hindi kasi patas. Malaki ang lamang ng section natin sa umpisa pa lang. Hindi patas para sa ibang sections kaya parang nawawalan din ng sense ‘yung laro.”
I nodded my head. In fairness, what he said was logical. “Did you bring that up sa ibang players?”
Ngumiti siya nang tipid at umiling. “Nakakahiyang magsabi.”
“Why nakakahiya? Nevermind. You want ako ang magsabi?” tanong ko. I was about to stand up when he stopped me by placing his hand on top of my wrist.
Medyo nagulat ako at kung nagulat ako, nagulat din siya kasi agad niyang inilayo ang kamay niya. “Hindi na. Ayos lang. Hayaan mo na ‘yun,” sabi niya.
I shrugged. “Sabi mo eh. Paano ‘yan, ‘di ka na maglalaro?”
“Maglalaro pa rin. Ikaw? ‘Di ka ba manunuod?”
“Tinatamad akong pumunta sa court eh,” sabi ko. “I’m sure naman mananalo kayo kaya wala nang bago.”
Tumahimik siya saglit. “Paano kapag natalo kami, panunuorin mo na ang mga susunod na laban?” biglang tanong niya.
Kumurap ako. Nagulat ako sa tanong niya, pero agad din naman akong naka-recover. “Hindi kayo matatalo. Nakakahiya kaya ‘yun kapag natalo kayo, lalo na’t nasa inyo ang majority ng varsity players in our year.”
Tumango siya. “Oo, pero hindi pa namin nakakalaban ang mga sixth-graders eh. Puwede kaming maging champion sa year natin, pero sa over-all, baka sila ang manalo.”
“Well, who knows? Malay mo, manalo kayo.”
We didn’t get to talk much kasi nag-bell na. Kailangan na naming bumalik sa klase.
Pero nagkatotoo ang kutob niya after their game with the sixth-grade champion. Natalo sila. Hindi ko napanuod ang laban, pero ang sabi nina Leira, muntik na raw mag-tie ang score. Medyo hindi matanggap ng ibang players namin, so ang mga cheerleaders, including Leira and her friends eh nag-stay sa court para i-comfort sila.
Kagagaling ko lang noon sa library. I decided na sumilip sa court para lang makita kung nandoon pa ang mga kaklase ko o nakabalik na sa classroom. Pero noong sisilip na dapat ako, nasalubong ko si Fitz.
“Natalo raw kayo?” tanong ko.
Ngumiti siya nang tipid at saka tumango. “Oo.”
“That’s too bad, pero okay lang ‘yan. Marami pa namang susunod na games next year.”
“Manunuod ka na?”
Kumurap ako. “Ha?”
“Tinatanong ko kung manunuod ka na ng laban next year,” sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.
“Nanunuod naman ako. Well, minsan,” nakakibit-balikat kong sabi.
“Panuorin mo na lahat ng laban next year hanggang sa matapos ang Intrams.”
“Depende kung wala akong ibang gagawin,” sabi ko.
Ngumiti siya. “Sige na. Panuorin mo na. Magsa-champion kami.”
Kumurap ako. “Excuse me?”
“Magsa-champion kami, Celeste. Abangan mo ‘yan, ha. Saka sana kapag nag-champion kami, nandoon ka sa bleachers at nagsi-cheer para sa min.”
Dahil hindi ko na rin alam kung anong sasabihin ko, tumango na lang ako.
Muli siyang ngumiti. “Thanks, Celeste. We’ll win the championship. I promise you that.”
After saying that, he waved and left. Our fifth year in middle school ended. A year later, his promise did come true.
Our section was hailed as over-all champion during the Intrams of middle school.
That was the first time a guy made a promise to me and kept it—even if it had something to do with a basketball game.
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~