Naglalakad lang ako sa kahabaan ng hall papunta sa room namin. Mabigat ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw at hanggang ngayon ay ganoon parin. May mga bumabati sakin na mga kakilala ko pero wala akong maibigay kundi isang pilit na ngiti.
Pagpasok ko ng classroom namin ay bumungad sa akin ang maingay at masasaya kong kaklase. Nag- uusap sila tungkol sa mga mangyayaring event sa school namin pero ako? Dumiretso lang ako sa upuan ko at tahimik na naupo. Malapit ang upuan ko sa may bintana kaya kitang kita ko ang magandang tanawin mula dito sa third floor ng school namin.
Cyron..
Sigh. Ilang linggo narin simula noong nagpaalam siya sa akin na baka ilang linggo nga kaming hindi makapag- usap dahil gusto niya raw magfocus sa studies niya. 4th year siya at 3rd year naman ako. Ewan ko ba, sobrang laki ata ng school namin at kahit masilayan man lang siya ay hindi mangyari. Hinayaan ko naman siya dahil naiintindihan ko. Pero nitong mga nakaraang araw parang.. P-parang kinukutuban ako ng hindi maganda pero hindi ko nalang ine- entertain yung idea na yun. I trust him.
Oo, walang malinaw na tawag sa amin. Nasa isa kaming.. Well, hindi ko alam kung matatawag ba iyong relasyon. Pero nasa isang relasyon kami for 7 months kung saan nagkakaintindihan kami sa isang magulong usapan. MU. Gulo 'di ba? Pero we love each other. I think that's enough right?
"Alice!" Tawag sa akin ng kaklase kong si Liezl. Tinignan ko lang siya at inintay kung may importante ba siyang sasabihin. "Samahan mo ko sa canteen?" Yaya niya sa akin. Medyo nagtaka pa ako dahil hindi naman kami close para yayain niya ako. Medyo masama ang nararamdaman ko sa pagyayaya niya.
"Bakit?" Simple kong tanong.
"Siyempre bibili ng makakain. Ano pa ba?" Nakangiti niyang sabi sakin pero hindi yun ang ibig kong sabihin sa tanong kong bakit.
"I mean bakit ako pa ang isasama mo?" Nagkibit balikat lamang ito.
"Nakita ko kasing mag- isa ka kaya ikaw ang naisipan kong isama. Saka mukha namang wala kang ginagawa." Pagdadahilan nito. Wala naman na akong nagawa kahit ayaw ko dahil masama ang kutob ko kaya sumama na ako. Nagtaka naman ako dahil kasama niya rin naman pababa ang iba niyang kaibigan.
Pagbaba namin ay dumiretso na kami sa canteen. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Hindi kabang natatae, hindi rin kabang dahil naeexcite. Kundi kabang natatakot?
Pagkadating namin sa canteen ay bumili nga sila. Bumili ng candy.
"Alice." Tawag ulit ni Liezl at parang may tinitignan siya. Natakot ako sa kung anong tinitignan niya dahil ang seryoso ng itsura niya kaya sakanya lang ako tumingin.
"B-bakit?"
"Hindi ba si Cyron yun?" Sabi niya habang may tinuturo. Lumakas agad ang kabog ng dibdib ko pagbanggit niya ng pangalan ni Cyron.
Unti unti kong nilingon ang tinuturo niya.
At ng makita ko iyon ay ganon na lamang ang kawalang naramdaman ko sa puso ko. Hindi ako makahinga at parang binagsakan ako ng tone- toneladang bato sa nakita ko. Sobrang sakit. Namanhid ang paa ko at pakiramdam ko wala akong ibang makita kundi iyon. Oo, nakita ko siya, si Cyron. Pero hindi siya nag- iisa. May kasama siya, at dala niya ang bag at libro nito habang magkahawak kamay at masayang naglalakad.
Hindi ko kilala ang kasama niyang babae pero sigurado ako sa nakikita kong may relasyon sila.
Masakit. Hindi sapat ang mga salita para iexplain kung gaanong sakit ang nararamdaman ko. Para akong lumalakad sa daang puro tinik habang sinisilaban ng apoy ng paulit ulit.
Ilang araw ang lumipas at ewan ko ba. Nananadya yata ang panahon dahil kung kelan ayaw ko siyang makita saka ko naman siya nakikita madalas kasama ang babaeng yun na sa nakikita ko ay mahal niya. At ilang araw narin akong nagtitiis sa mga taong batid kong pinag- uusapan ako. May mga naiirita dahil wala naman daw 'kami' pero kung makapag- emote daw ako masahol pa sa babaeng iniwan ng asawa. E lintik lang! ano bang alam nila sa nangyari samin? At ano bang alam nila sa nararamdaman ko?! Pwe!
Meron din namang nakakaintindi at naaawa. Pero hindi ko kailangan ang awa nila.
Huh! Imagine? Naniwala ako sa pagmamahalang meron kami dahil nagtiwala ako sakanya. Hindi niya ako nagawang ligawan, hindi niya nagawa sa akin ang mga bagay na nakita kong ginagawa niya sa babaeng yun. Oo nagkakasama kami pero hindi ganun sa nakikita ko sakanila. At narealize kong ni hindi niya ako minahal. Yun ang masakit. Kase kung minahal niya ako hindi niya magagawa sa akin to. Siguro nagustuhan niya ako pero hindi pala umabot sa puntong minahal niya ako. Ako naman si tanga! Sobrang naniwala sa mga sinasabi niya.
Tinanong ko ang sarili ko. May nagawa ba akong mali? O may mali ba sa akin? Pero bigla na naman akong sinapak ng katotohanan na marahil hindi ako sapat para sa kanya.
Ilang buwan pa akong naghintay na baka sakaling kausapin niya ako. Pero wala..
"Bakit?! Bakit ako pa? Marami namang babae d'yan na pwede mong g aguhin pero bakit ako pa? Nananahimik ako noon e! Sana hindi ka nalang dumating sa buhay ko! P*t*ngina mo! Hayup ka!" Sigaw ko sa puno na kaharap ko. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko. Dahil baka pag inipon ko lahat sa dibdib ko ay hindi ko kayanin.
"Pero hindi talaga yun ang ipinuputok ng butse ko e.." Iyak ko pa.
"Eh ano pala?" Biglang may nagsalita pero wala akong pakialam. Sa ngayon ang gusto ko lang ay mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Biglang may lumitaw na isang lalaki sa gilid ko. Tinignan ko siya pero hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil puno ng luha ang mata ko.
"Eh ano palang pinuputok ng butse mo miss?" Tanong ulit nito. Sa hindi ko malamang dahilan ay sinagot ko naman siya. Siguro dahil narin sa gusto kong may mapaglabasan ng sama ng loob at bukod sa punong kaninang sinisigawan ko ay siya ang nandoon.
"Gusto ko lang namang kausapin niya ako ng maayos para bigyan ako ng closure. Nakakahiya naman kase sakanya siguro naman hindi kabawasan sa pagkalalaki niya yun 'di ba?" Umiiyak ko paring pahayag sakanya atsaka napaupo dahil sa panghihinang nararamdaman ko.
Ramdam ko ang titig niya sa akin. Pero nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Sana naman kahit simpleng 'Goodbye' o 'Sorry' nagawa niya. Kahit yun lang. Para naman alam ko. Hindi yung bigla niya nalang akong iniwanan ng ganoon." Nakikinig lang siya sa akin at wala siyang sinasabi. Sa akin sapat na iyon.
"Sobrang sakit e. Oo sobrang sakit nung may girlfriend na siya ng hindi ko alam, yung mali niyang rason. Oo masakit din yung sasabihin ng iba na tanga ako dahil wala naman daw kaming relasyon kaya bakit ako nasasaktan. E punyeta! wala silang alam. Pero para sakin yun ang pinakamasakit na ginawa niya e, yung iniwan niya ako ng walang paalam."
Dahil totoo naman! Tatanggapin ko kahit ano pang rason niya basta nagpaalam siya sa akin. Closure. Tingin ko naman e deserve ko yun! Kahit pa masakit. Pero nakakagago yung ginawa niya. He dropped me like a hot potato.
"Winasak niya ang puso ko ng pinong pino. Ang sakit! Sana mawala na 'tong sakit na to!" Sabay pukpok sa dibdib ko.
Umiyak lang ako doon. Naubos na ang bala ko. Nailabas ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya mismo pero hindi ko magawa.
Lumuhod ang lalaki sa harapan ko saka pinunas ang mga luhang nasa pisngi ko. Napatingin naman ako sakanya dahil sa ginawa niya. Nakangiti ito sa akin. Isang ngiting nagbibigay gaan sa pakiramdam. Nagbibigay pag- asa. "Matatapos din ang sakit na yan. Hindi man ngayon, o bukas o sa isang isang bukas. Pero mawawala din yan. At pagdating ng oras na yun sisiguraduhin kong siya naman ang makakaramdam ng sakit na ibinigay niya sayo. Kaya 'wag kang mawalan ng pag- asa ha? Tiwala lang."
Hindi ko alam pero sa sinabi niyang yun ay naniwala kaagad ako. Umiyak parin ako pero niyakap niya lang ako.
"At gusto ko sa araw na maging okay ka na. Magkita ulit tayo sa punong ito. maghihintay ako. Dahil gusto ko namang makita ang mukha mong masayang nakangiti."
After 1 and a half year..
Heto ako ngayon at nakatayo sa harap ng puno na noon ay iniiyakan ko lang. Bakit nga ba ako nandito? Siguro dahil gusto ko uling makita yung lalaking nagkaroon ng malaking tulong sa akin para makabangon sa malalim na magkakabaon.
Oo, tama kayo. Nakaahon na ako sa lahat ng hirap at sakit na naramdaman ko. Siguro nga natagalan pero dumating ang araw na sinabi niya. Kaya nga nandito ako ngayon sa harap ng puno na iyon. At nagbabaka sakaling baka nga dumating siyang muli dito para sa mga binitawan niyang salita noon.
Siguro nga baliw narin ako. Ang tagal na noon pero naniniwala ako sa mga sinabi niya. Pero wala namang masamang magbaka sakali.
Nag- intay ako ng nag- intay hanggang sa nakita kong lumulubog na ang araw at magga- gabi na. Marahil hindi pa ngayon ang tamang oras para magkita kami ulit. O kaya naman ay talagang hindi na kami magkikita. Baka nakalimutan narin ng lalaking yun ang mga sinabi niya.
Naisipan kong umalis na. Naglalakad na ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"So okay kana?"
Natigil ako sa paglalakad. Napangiti ako dahil sa tuwang nararamdaman ko. Kilala ko ang boses na iyon.
Dahan dahan akong humarap sa kanya habang nakangiti.
Napangiti rin ito sa akin. "Worth it pala ang paghihintay at pagbalik- balik ko dito." Sabi nito saka lumapit sa akin.
Naglahad ito ng kamay. "I'm Miro Jason Czar. And I would love to say that you have a very beautiful smile. Kaya wag kanang iiyak ha?"
Tinanggap ko naman ang kamay niya ng buong galak. "I'm Alice Marie Sizon. And i'm very proud to say na oo, nasaktan ako noon, umiyak. Pero heto ako ngayon nasa harapan mo na buo na ulit ang puso at hindi ko man maipapangako na hindi na ulit ako iiyak pero papanatilihin ko ang magandang ngiti ko."
And this is my story. A story of one of those painful thing that is possible to happen to anyone of us. But you don't have to worry because time will come that the pain you felt will all vanish at the right time. Maybe not that fast but it will..
Ika nga ni Miro..
"Tiwala lang..."