World of Deceit (DISCONTINUED)

By ItsukiKoizumi4

2.3K 75 35

Paano kung may mga sikreto ang section ninyo na hindi pwedeng malaman ng iba pero KAILANGAN? Paano kung ang m... More

PROLOGUE
CHAPTER TWO: Investigating Enigmas
CHAPTER THREE : Investigating Enigmas (Part two)
CHAPTER FOUR: Eye Witness
CHAPTER FIVE: Eye Popping Experience
CHAPTER SIX: Bring me back my past
Chapter Seven: Broken-Hearted

CHAPTER ONE : Math Teacher

374 15 0
By ItsukiKoizumi4

     "PARA kayong mga latang maiingay! Alam niyo kung bakit? Kasi ang lata,  'pag maingay, WALANG LAMAN!

"Hindi na kayo nahiya. Subukan niyo kayang pakinggan ang paligid! Hindi ba't kayo ang namumukod tanging maingay?"

Iyon ang pambungad na sinabi sa amin ni Ma'am Loxar. Sa umpisa pa lang, hindi ko na talaga gusto si Ma'am Loxar. Siya ang aming Mathematics teacher.

Kilala siya bilang isang very short-tempered na guro pero sobrang galing magturo. Ayaw ko talaga kay Ma'am Loxar, pero hindi ko sukat akalain na mag-su-suicide siya.

Kamamatay pa lang ng asawa ni Ma'am. Marahil ay hindi niya siguro kinaya ang stress kaya naisipan nitong magpakamatay na lang.

AT LEAST YUN ANG HINALA NAMIN.

"Be, narinig mo na ba ang nangyari kay Ma'am Loxar?" narinig kong pang-uusisa ng isa kong kaklase sa kanyang kaibigan.

"Oo, pero hindi naman natin pwedeng sisihin si Ma'am. Kung ako ang mawalan ng sobrang importante sa akin, siguro gano'n din ang magagawa ko." tugon naman ng isa.

Napahinga ng malalim ang kaklase ko sa sinabi ng kanyang kaibigan, "Ito naman, 'wag ganun, be!" anito habang nakapatong ang kanyang kamay sa braso ng kanyang kaibigan.

Napuno kaagad ng balita ang room namin tungkol sa nangyari kay Ma'am.

Ako nga pala si Fred Tuazon. Isa lang ako sa napakaraming mga estudyante na gustong makasama sa top. Alam kong hindi ako ganoong katalino pero alam kong hindi si Ma'am Loxar ang tipo ng gurong magpapakamatay!

May problema rito. Kailangan ko malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa aming guro.

- Itutuloy -

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 229 38
Papayag ka bang multuhin Ang iyong isipan??? Handa ka bang pasukin Ang isang bagay na dapat Hindi mo pinapasok?? Sino Ang pumapatay?? (BOOK 1 OF 2)
31.7K 843 49
Ano bang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo?
Killer, Killer By dan

Mystery / Thriller

10K 200 25
#Friendshipgoals? Wait and see No one can survive! KILLER KILLER Sino nga ba ang may kagagawan? Ano nga ba ang dahilan? Bakit kailangang umabot sa ka...
1.3K 37 34
baket nga ba lumpat ang nerd sa ibang school ano kaya ang nagyari sa dati nyang school? ano kaya ang tinatago nyang secret? may tinatagi nga ba sya...
Wattpad App - Unlock exclusive features