Dedicated to iheartu2012. God bless po! Basahin niyo po story niyang You're My Maid! Maganda siya! Promise!!!
:)
BTW, Si Pau yan --------------------------------------------------->>>>>>>>>
************************************************************
Chapter 10 - A Secret Affair?
***Pau's POV***
Kinuha ko ang susi sa bulsa ko. Binigyan kasi ako nila Mom ng spare key sa room namin. Ipinasok ko ang susi sa doorknob at inikot ito. Tinulak ko ang pinto.
Pagbukas ko...
"Surprise! Happy Birthday Pau-pau!" sabay sabay na bati nila Papa, Mama at ni Kuya Cha.
Ay! Shoot!!!! Nakalimutan ko! Bithday ko pala ngayon. Ako lang ata ang di nakakatanda ng sarili kong birthday. Siguro sa sobra na rin na excitement siguro na pumunta dito sa probinsya namin at siguro dahil na rin sa kakaisip ko.....okay. aaminin ko na, kakaisip kay Migz.
"WAAHH! Ako pa ata nasurprise ah! HAHA!" tuwang tuwa ako. May cake, pagkain at kung ano ano pa.
"Sensya na anak ha? Di kasi namin nakita si Pia. Plano pa sana namin na isama siya dito sa birthday mo ngayon. Di na raw kasi sila nakatira dito eh." Sabi pa ni Mom.
Siya nga pala. Mula nung umalis kami papuntang States, wala na akong communication kay Pia. Di ko alam pero di pa kasi uso noon yung internet at webcam video calls. Mahal naman ang mga international na text. Pagkaabot na pagkaabot namin dito sa Pinas, tinawagan ko agad yung dating number ni Pia pero wala eh. Nagchange na siguro ng number.
"Okay lang yun Ma" sabay ngiti ko naman.
At talagang di sila nagalit na ginabi ako umuwi. HAHA. Saved!
Nagsalosalo na kami sa pagkain. Ang saya namin parang in a long time, di namin to nagagawa. Subsob kasi parents namin sa trabaho. Namiss ko to.
"O Pau make a wish" sabi ni Dad habang sinisindihan yung kandila na nakalagay sa cake.
Pumikit ako.
Sana makita ko si Migz.
Yun lang yung winish ko. Minulat ko mata ko at hinipan ang kandila. Sana magkatotoo.
*FLASHBACK*
***Pia's POV***
Sabay na kami ni Pia naglakad pauwi. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pangamba ni Pau. Kawawa naman yung bestfriend ko. Nakarating na kami sa kanto.
"Gerl bye na!" sabi ni Pia saakin habang nakangiti. Pero di matatago ng mga pilit na ngiting yun ang pangamba niya. Ramdam ko pa rin.
"Sige gerl. Bye! Goodluck bukas! Enjoy ka ha? Dala ka ng proteksyon. HAHA" pagjojoke ko pa. Pinapatawa ko lang siya no?
"Gerl naman!" nanlisik naman mata niya.
"Loka ka talaga gerl! Joke lang" sabi ko naman sa kanya. HAHA. Kung nakita nyo lang mukha niya. Pero di nyo naman makikita kasi nasa libro lang kami, kaya iimagine nyo nalang! HAHAHA.
Naghiwalay na kami ni Pia. Doon kasi bahay nila sa kabilang kanto.
Nag-aalala ako kay Pia. Baka ano gawin nung snatcher sa kanya. MEGAHD. Kawawa naman si bestfriend. Kaya naiisipan kong sundan siya bukas ng umaga. As bestfriend, kailangan ko protektahan yung bestfriend ko sa snatcher slash rapist na yun.
[UMAGA]
Nakita ko si bestfriend naglalakad. Ang aga aga pa. 5:30 palang ng umaga. Kanina pa ako dito mga 1 hour na ako dito. Di kasi ako makatulog dahil sa mangyayari sa bestfriend ko.
Naglalakad siya mag-isa. Ako naman parang holdaper na palipat-lipat ng poste para magtago. Mabuti nalang madilim pa kaya di niya ako nakita.
Di ko alam na nakasandal na pala ako sa basurahan kaya natumba eto. Agad naman ako nagtago! Naku! Ang careless ko talaga. Natakot aka na baka malaman ni best na andito ako pero pagdingin ko eh kumaripas na siya ng takbo papuntang school. Kahit kailan eh duwag talaga tong bestfriend ko.
Nakarating na kami ng school. Pero syempre andoon pa rin ako sa likod niya at so far so good. Di niya ako napapansin. MWAHAHAHA.
Dumirestso siya sa Science Garden. Tiningnan ko ang relo ko. 5:46 am na. Doon ako sa bushes sa likod ng estatwang giraffe pumwesto. Kitang kita ko dito si bestfriend kahit silhouette lang siya.
May pumasok na lalaki sa Science Garden. Siya na siguro ang snatcher slash manyak.
Teka, parang familiar tong snatcher na to ah! Pero di ko pa rin makita kasi nga madilim at malayolayo pa ang puwesto ko sa kanila. Pero parang familiar eh.
Nakita ko ang lalaki na tinakpan ang mata ni Pau. HA? Snatcher slash rapist ba talaga to?
Bakit sweet?
Nakita ko na hinawakan rin ni Pau ang kamay nung lalaki na nasa mata niya at hinug ang lalaki???
Bestfriend? Wag mong sabihing aggressive ka pala? Siguro gwapo to kaya yun yung ginawa ni best. O kaya naman plinanao talaga nila to. Ginawa lang rason ang nawalang cellphone. Naku best!
Kaya umalis na ako agad. Ayaw ko naman istorbohin sila sa 'affair' nila noh. Atsaka isa pa, kawawa naman tong virgin eyes ko noh? May paacting acting pa sila na snatch ang cp, maglalampungan lang pala. TSK!
Dumiretso na ako papunta room pero may narinig ako...
"Kyaaaaaaaaaaah!" boses yun ni Pau. Don't tell me ginawa talaga nila. Naku!!!!!
Binilisan ko na yung lakad pero,
"AH! Aray! Masakit! Anubayan!" sigaw ni Pau.
Naku! Tong babaeng to talaga! Walang kung makasigaw, wagas!
"AAAAAAAAHHHH! Shyeeeeeeett!" sigaw niya ulit.
May narinig pa ako tumatawa.
-__- gerl?
"Ilang minuto pa eh eto na naman. -__-
"Teka! Dahan dahan!" rinig ko ulit.
Gerl! Anobayan! A Secret Affair ang peg! Pasalamat ko wala pang tao dito kundi diciplinary ang punta nyo. Naku!!!! Andami pwede maging venue! Dito pa talaga sa school?
Napailing-iling na lang ako at naglakad na papuntang room at natulog.
***************************
SORRY! Short update lang to! :) Bawi ako next chap!
VOTE.COMMENT.BE A FAN.