Wrong Send (one shot)
Copyright (c) 2014
By: BellaAmbishosa
ALL RIGHT RESERVED
No part of this story may be reproduced or copied in any form or by any means.
Ang storyang ito ay kawang isip lamang ng gagang author haha
ENJOY READING :)
Her POV :)
"Ang gwapo nya talaga" *blush. Hayyyy hindi talaga sha nakakasawang tignan
Paano ba naman kasi andito kami sa canteen ng school. Nanjan nanaman yung crush kong super pogiiiiii kung kumain
"Hoy Bash! Tama na yang kakatitig mo. Ma tutunaw na ata yang si Matthew" Sabi ng bestfriend kong nakakasira ng moment -.-
"Ano ba Jade! Hanggang tingin na nga lang ako sinisira mo pa yung moment. Palibhasa kasi pinapansin ka ng crush mong si Gabe" tss nakakapikon kaya
"Ehh pano ba kasi para kang papatay ng tao kung makatitig. Lapitan mo nalang kaya!"
"Ayoko! Nahihiya ako. Okay nalang tong titigan ko sha. Sabihin pa namang feeling close ako at linapitan ko sha"
"Wow ha! May nalalaman ka pang hiya'2 jan! Sandali jan ka lang at.." tumayo sha at..
"At.. lalapitan ko sha hihingin ko yung number. Hiya'2 ka pa jan ahhhh! Jan ka lang hahahahha sandali." At sabay tumakbo patungo sa direksyon nila Matthew.
"Hoy jade! Wag kang ano! Hoyyyy!" Sigaw ko habang nasa upuan pa rin ako. Nakakahiya to nakatingin lahat ng students sa canteen sa'kin. -.-
Ng hindi kalayuan ay bumalik sha sa tabi ko at may kinuha sa bag nya. Bondpaper at ballpen? Ano naman yun? At tumakbo sha uli
"Hoy! Jade! Jade! Sandali! Nakakahiya! Oyyyy!" Tumakbo rin ako at sinundan sha. Nakakabwisit talaga yung mga bestfriend noh? Hmpf! -.-
Hanggang sa nakalapit..
Lapit..
Lapi..
Lap..
"Jade! Ano ka ba! Nakakahiy..."
"Ahhh.. Hi Matthew, ahh.. sorry sa disturbance." Gaga talaga tong bestfriend ko! Nang isturbo pa nakakahiya pa yung english! 'Disturbance'? Ano yun?! Tss
"Eto kasing kaibigan ko inutusan ni Sir Gomez na kunin yung phone numbers ng mga basketball players ng high school department. Sabi nya ilagay daw dito." SINUNGALING KA! DINAMAY MO PA'KO. NAKAKAHIYA KANG MOKONG KA! MAG HINTAY KA SAKIN MAMAYA AT GUGULPIHIN TALAGA KITA! At yun inilapag nya sa table yung bondpaper at ballpen. Ahhh so yun pala yung purpose nun.
"Ahh okay'2. Bro! May ipina-utos si Sir Gomez sa mga 'to" sabi naman ni Matthew sabay abot ng bondpaper at ballpen sa mga ka team mates nya. Ahh shet!
"Ahh sige pare"
Kinakalbit-kalbit ko si Jade sa likod kasi nakakahiya talaga
"Hoy Jade, nakakahiya ka. Patay ka talaga sa'kin mamaya" bulong ko sa kanya.
"Wag kang makulit. Pasasalamatan mo rin ako nito balang araw." Hmmpf! Pasalamatan yang mukha mo!
"Ahh eto oh. Paki sabi nalang ni Sir Gomez na may 3 players walang cellphone" -Matthew
"Ahh.. sige'2 thank you" at nag smile pa talaga tong si Jade. Lumalandi pa eh! Batukan ko kaya! -.- grrr
At nag lakad na kami ulit papunta sa table namin.
"Hoy! Nakakahiya ka talaga!" -ako
"Mukha mo! Ehh gusto mo rin yun eh! :P wag ka nga munang makulit hinahanap ko pa yung number nya ehh.. sandali lang..
Vincent Bolongaita 0917*
Gabe Arquillano 0965*
Jacob Villa 0913*
Von Ursaiz 0974*
Jed Gabayan 0932*
Harry Murilla 0916*
Matthew Newman 0933*
"Ayyy eto'2! Nandito yung number nya! Akin nga yung phone mo bilisss!"
Inabot ko sa kanya ang phone ko.
"Tignan mo! So ayaw mo talaga ng number nya tapos inabot mo yung cellphone mo. Gaga ka talaga!" Ehh si Matthew na yan eh hahaha
"0933blablablablabla. Eto oh!" At inabot nya sa'kin ulit yung phone ko
*ringggggg ringgggg all students please proceed to your classrooms now.
Naglakad na kami papuntang classroom. At naganap ang 2 subject na napaka boringggg -.-
Hindi rin nag tagal at nag end na yung class namin. :D at naka uwi na'ko
Tinititigan ko yung cellphone ko..
"Nahihiya akong mag text ano ba yan!" Ganito ba talaga ang my crush? Kinakausap ang sarili? Haha
Menu..
Contacts..
Scroll..
Scroll..
A..
F...
K...
L...
M..
"Bakit wala? Tetext ko kaya si Jade"
To: Jade Teleryo
*Bestie, anong name na nilagay mo?
-sending to Jade Teleryo.. SEND!
Hindi nag tagal at nag reply agad sha
From: Jade Teleryo
*hahaha scroll mo nalang. Makikita mo rin yan.
"Anoooo?! Pinagkakatuwaan nanaman ako neto -.-"
Scroll..
Scroll..
Scroll..
Yassi Pressman
Yen Santos
Yin2 Damal
Your Mine
"YOUR MINE!!!?" Gaga talaga tong si Jade hahahah
"Text ko kaya yung mokong na yun hahaha"
To: Jade Teleryo
*hoy gaga ka! Haha
-sending to Jade Telero.. SEND!
At nag reply sha..
"Haha tinext mo na ba Bash?"-jade
"Hindi ah! Nahihiya ako! Haha"
Hindi na nag reply.. natulog na ata. Inilagay ko ang cellphone ko sa study table. At humiga pinipilit na maka tulog. Next time ko na lang itetext :)
His POV :)
6:45pm
"Okay mag water break muna kayo" sabi ng coach namin.
Ako nga pala si Matthew Newman, isang basketball player sa university namin. Practice kami sa basket ngayon. Nakakapagod din ang mag laro kaya lang kung hindi dahil sa kanya ehh hindi talaga ako magpapakitang gilas dito. Hehe
Pumasok nanaman sha at sa gym kasama ang kaibigan nya. Madalas ko silang nakikita dito. Parang may intension talaga silang manood ng practice namin araw'2.
Ang ganda nya talaga parang prinsesa
Kaya lang parang may gusto sha sa ka team mate ko sa basket na si Gabe. :(
Ilang minuto lang ang nakalipas, may tumawag sa'kin
"Matt!"
"Oy Gio! Ikaw pala yan"
"Nakuha ko na yung number ng crush mo!"
"Talaga pare?"
"Oo. Eto oh"
Matagal ko na kasi talagang gustong makuha yung number nya eh.
Type.. type.. type.. Saved! GOMD 'Girl Of My Dreams'
"Salamat pare"
"Sige pare. Mauna na'ko" at umalis na yung kaklase ko
1hr and 40 mins. After natapos na rin yung practice namin.
Nang makauwi ako sa bahay ay agad ko naman sanang itetext si Gio at mag papasalamat sa kanya
To: Gio Ballado
*pare salamat sa # ah? Malaking tulong talaga to. Masasabi ko na talaga sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Salamat sa tulong mo."
-sending to Gio Ballado.. SEND!
nag reply rin sha
"Walang ano man pare. Sige nga sampol mo nga sakin kung pa'no mo sha itetext para matulongan naman kita. Haha"
At ako naman nag type ng nag type tapos erase tapos type ulit. Natotorpe talaga ako pag dating sa kanya. Tsk
"Ahh. Hi! Secret admirer mo nga pala ito. Sorry kung medyo bading to pero nahihiya talaga ako pag sa personal ehh nalalaglag ang panga ko. Hmm.. crush kasi kita since grade 5 pa tayo. Ewan ko lang kong napapansin mo ko. Nahihiya kasi talaga akong lapitan ka eh. Sa tingin ko kasi mashadong mataas ang standards mo kasi ang ganda mo samantalang ako basketball player nga ehh pangit naman. Parati nga akong humahangad na sana ako yung tinitignan mo sa tuwing practice ng basketball sa gym. Kaya lang sa tingin ko ehh may gusto ka kay Gabe. Sana nga kahit isang oras lang ay maging si Gabe ako para ma pansin mo ko. Sana mapansin mo ko sa school kahit hi lang. Okay na ko. Yun lang. Okay ba pare?"
SENDED!!
Bash's POV
Tsk! Anong oras na hindi pa rin ako maka tulog. Hindi na rin nag rereply si Jade. Nakatulog na talaga siguro yun. Tsk 8:30pm na tsk
Pikit ng mata..
Pikit ng mata..
Bash matulog ka na! Grrrr
*Beep!
Eyes opened..
"Gising pa pala si Jade. Ang tagal naman nag reply." Nag lakad ako patungo sa study table para kunin ang phone ko at titignan ang reply ni Jade.
New Message
Pinindot ko ang 'read' at nagulat ako ng ito ang laman ng text.
From: Your Mine
Ahh. Hi! Secret admirer mo nga pala ito. Sorry kung medyo bading to pero nahihiya talaga ako pag sa personal ehh nalalaglag ang panga ko. Hmm.. crush kasi kita since grade 5 pa tayo. Ewan ko lang kong napapansin mo ko. Nahihiya kasi talaga akong lapitan ka eh. Sa tingin ko kasi mashadong mataas ang standards mo kasi ang ganda mo samantalang ako basketball player nga ehh pangit naman. Parati nga akong humahangad na sana ako yung tinitignan mo sa tuwing practice ng basketball sa gym. Kaya lang sa tingin ko ehh may gusto ka kay Gabe. Sana nga kahit isang oras lang ay maging si Gabe ako para ma pansin mo ko. Sana mapansin mo ko sa school kahit hi lang. Okay na ko. Yun lang. Okay ba pare?
"Pare? Sandali. Ano 'to? Wrong send? Ba't nag text si Matthew? Ehh hindi ko pa nga sha tinext eh. Pano nya nakuha yung number ko? Sana naman ako yung crush na tinutukoy nya. Hmmm. Sandali baka tinext ko talaga sha at nakalimutan ko lang."
Scroll..
Scroll..
Sent items
Jade Teleryo
Jade Teleryo
"Ehh wala naman ah! Nalilito na 'ko"
Rereplyan ko na sana ng may na recieve nanaman akong bagong message.
*Beep!
From: Your Mine
Okay ba pare? Lalagyan ko nalang kaya ng mahal kita. Para mas maramdaman nyang gusto ko talaga sha.
*Beep!
From: Your Mine
parang ganito pare..
"MAHAL NA MAHAL KITA BASH ACCONA CAMPANULA! :*"
Parang humiwalay ang puso ko sa katawan ko ng makita ko ang pangalan ko sa message nya. So ako ba yung crush na tinutukoy nya since grade 5? At anong may crush ako kay Gabe!? Si Jade kaya may crush nun! Mas pogi pa sha kesa dun nu. Pa humble din ang isang 'to. Hindi ko alam kung pano sha e rereply. Pwede ko ba shang tawagan?
TATAWAGAN KO NA LANG HINDI TALAGA AKO MAPAKALI EH.
Calling.. YOUR MINE
OMG! tumatawag si Matthew! Omg. Pano to? Sandali. Kinikilig ako na parang hindi ko alam. Ano baaaaaa!
Matthew's POV
Ang tagal naman mag reply nitong si Gio! Mas maganda kasi mag patulong non kasi expert yun sa mga ganito. Tsk ang dami ko ng sinend sa kanya hindi parin nag rereply ehh sa pagka alam ko matagal naman yun matulog. Oh baka nasira nanaman itong cp ko. Pumipindot kasi to ng hindi ginagalaw eh. Tsk
Scroll..
Scroll..
SENT ITEMS
GOMD
GOMD
GOMD
Pataaaaaaaay! Na wrong send ako! At sa dami dami pa naman na pwedeng ma wrong send sa kanya pa! Ehh pano ba naman kasi malapit lang ang Gio at GOMD Kasi parehong "G" Tsk pano na to? Buking na ko! Pero dun naman talaga yun patungo diba? Itetext ko naman talaga sha diba? Relax lang Matt relax! At isa pa 'secret admirer' naman yung nakalagay dun diba? So hindi nya ko makikilala.
Itetext ko sana sha ulit kaya lang 'Call' ang napindot ko at dahil sa nag ri-ring ito hindi ko na lang binaba.
Ito na to. Hindi na ko mag bading badingan pa. Matagal ko na shang gusto kaya mag tatapat na ko.
*ringgg.. ringg...
*ringgg.. ring...
"H-h-hello?" Sa kabilang linya
"Ahh.. hi" -ako
"Ahhh.. Matthew, na wrong send ka ata"
Ano!? Bat nya nalaman ako to? hindi ko naman ata na mension sa message ko yung pangalan ko ah!
"Kilala mo 'ko!?" -ako
"Ahh.. O-Oo ehh, sorry ah. Kinuha ko yung number mo hindi man lang ako nagpaalam. I tetext na sana kita kaya lang naunahan mo 'ko eh. Pano mo nga ba nakuha yung number ko?"
So kinuha nya rin pala yung number ko? Sandali parang kinikilig ako
"Ahhh.. ehhh.. ahh.." hoy ano ba Matt! Para kang tanga jan. mag salita ka ng maayos! Si Bash na yan oh!
"Sorry hindi kita naintindihan. Ano ulit yun? -Bash
Ehh pano mo maiintindihan. Yung bibig ko parang may sariling buhay
"Ehh kasi Bash, kinuha ko rin yung number mo kasi may gusto ako sayo. Yung mga messages na na-recieve mo na wrong send ako nun para sa kaibigan ko kasi sana balak i-sesend yun. Hindi pa kasi talaga ako handa mag tapat sayo eh kasi nahihiya ako. Kaya nagpatulong ako sa kaibigan ko kung pano kita i-tetext."
"Matthew.."
"Sorry talaga Bash. Hindi ko sinasadyang magustuhan ka sadyang ganito lang talaga yung nararamdaman ko. Pero kung gusto mo talaga si Gabe okay lang naman sa'kin. Naiintindihan ko naman"
"Matt.. Sandali.."
"Sorry talaga."
"Ehh kasi Matt, wala akong gusto kay Gabe. Yung bestfriend kong si Jade ang may gusto sa kanya hindi ako. Iba ang gusto ko."
"A-ahhh.. ganon ba?" Para naman kinuhaan ng tinik yung puso ko sa sinabi nya. So ma'y chance pala talaga ako
"Oo. Iba ang gusto ko."
"Sino?" Makapal na kung makapal pero gusto ko lang maging aware kung sino
"IKAW" Ano raw? Paki ulit
"A-ano?"
"Sabi ko ikaw. Ikaw! Ikaw. MATTHEW FLYNN NEWMAN ikaw ang gusto ko! Crush kita kaya ko kinuha yung number mo. Nahihiya rin akong lumapit sayo kasi nga ang pogi mo at feeling ko hindi mo ko magugustuhan pero gusto kong sabihin sayo na mahal rin kita."
"Bash, pwede ba kitang ligawan? Ikaw ang Girl of my dreams"
"Oo, Matt pwedeng-pwede mo kong ligawan. Your Mine"
At dun nag tatapos ang storyang eto hahaha. Pasensya na at wala lang talaga akong magawa haha vote po kayo :)
Thank you for reading po :)