Nagulat na lang ako na bigla na lang sinabi sakin ni Lucas na aalis na sya at sinabi nya sakin kung gaano nya ko kamahal at alam nya din na hindi ko sya kayang mahalin. Sana daw maging masaya ko.
Si Luke Parker kaya asan na? Ang tagal na hindi ko parin sya nakikita ang sakit lang na sa dami ng nangyari sya parin yung mahal ko yung taong di ako kayang mahalin
Nagfacebook ako at sabog na naman yung notification ko. Tiningnan ko yung isa at ----
Facebook post:
7689*
5671* naala nyo pa ba? Yung torpeng lalaki na hindi masabi sa taong mahal nya. Na mahal na mahal nya ito. Ngayon parang lahat ng oras, panahon at tao sumasang ayon na sa destiny natin pero ako parin tong torpe.
Sa babaeng pinakamamahal ko gusto ko sanang malaman mo na isang linggo pa lang kitang nakikita nun pero nagihab mo na nga puso at isip ko. Pinagmamasdan kita sa malayo. Hanggang tingin lang ako sayo. Pero sana ngayon malaman mo na na mahal na mahal kita DEBBY CHUA I love you! Pasensya na kung hindi ko kayang sabihin sayo na mahal na mahal kita sa personal. Pasensya ka na kung natorpe ako. Pasensya na.
Ako si Luke Parker ang taong magmamahal sayo ng sobra.
896 likes 45 comments
Lucas Parker: Sa wakas!
Sam Dizon: Luke sana maging masaya kayo! Hihihi.
Lily Mortes: Ang sweet Debby Chua ♥
Gab Torres: Ayos mo! Luke.
Lawrence Manuel: Kasalan na hahahaha.
Mik Dayao: Nakakaiyak hahaha.
Francis Bernardo: Tanginang yan kinikilig yung tumbong ko men! Hahaha
Patrick Ortis: Debby at Luke forever hahaha.
----
Habang binabasa ko yun naiyak na lang ako sa sobrang saya sa pakiramdam hindi ko maexplain.
Facebook post:
7691*
Luke Parker nakakainis ka ang tagal tagal kong hinintay yan. Pinapaiyak mo ko! Napaka torpe mo pero kahit ganun mahal parin kita nakakainis ka talaga. Kung alam mo lang na ako din yung nagsusulat sa 5679* na mahal na mahal ka din. Na matagal ko ng sinusubaybayan yang buhay mo.
Ako si Debby Chua ang magmamahal kay Luke Parker ng sobra.
568 likes 22 comments
Sam Dizon: Mutual naman pala. Luke
Lucas Parker: I'm happy for you guys.
Gab Torres: Pang MMK na!
Lawrence Manuel: Ayos nyo!
Patrick Ortis: Kung hindi pa nagkaroon ng Internet di pa kayo magkakaaminan.
Gladys Reyes: Debby and Luke FOREVER ♥ Hahaha.
Luke Parker: Ma mahal kita Debby Chua
Debby Chua: Ngayon alam ko na Luke Parker.
-----
Debby Chua and Luke Parker is in a relationship
♥♥♥♥♥
The End