BASTARDO? Ang ibig bang sabihin ay anak din ni Vice si Calder? Pero paano?
"What did you say?" Sa pagkakataong ito, kay Vice galing ang tanong.
Bastardo at asawa... Dalawang pasabog ang nakawala ngayong gabi. Hindi alam ng lahat kung saang revelation higit na magugulat.
"What?" Lalong ngumisi si Jackson. "That I have no plans of giving my wife to your bastard?"
Kahit mahihina ang bulungan ng nakakapakinig na mga katulong ay nakaabot iyon kay Mrs. Cruz. Tiningnan nang masama ng mayordoma ang mga ito.
"Pinakasalan mo ang babaeng 'yan?!" Halos idura ni Vice ang mga salita.
Si Calder naman ay hindi maalis ang titig sa akin. I couldn't meet his gaze because I knew how disappointed he was with me.
Parang aatakihin si Vice na nagpumilit makatayo matapos damputin ang baston. "Kailan pa?! Kailan pa, Jackson?!"
"Ganda, totoo ba?" pabulong na tanong ni Ate Minda sa akin.
Lalong bumaon ang kuko ni Mrs. Cruz sa balat ko. "Manahimik ka, Luzviminda," mariing sita ng mayordoma.
"I'm not surprised to hear that." Salubong ang mga kilay ni Calder ng magsalita siya. "Everything is planned from the start. I knew you will do this para makasigurado. But sorry to disappoint you, marriage is just a piece of paper. Madaling mapawalang-bisa ang kasal lalo kung ang ground for annulment ay wala sa katinuan ang isa. And I'm sure, alam naman nating lahat dito kung sino ang may sira sa ulo."
"Candida wants me to live a normal life; to get married, to be happy with the woman I chose to be with," nakangising wika ni Jackson. "Who am I to disappoint her?"
"'Wag mong idamay ang alaala ni Mama!" Halos lumiyab ang mga mata ni Calder. Mga matang ngayon ko lang narealized kung kanino kahawig.
"It's actually Candida's idea that I should get married." Wala pa ring pinagbago sa reaksyon ni Jackson maliban sa nabura na ang ngisi sa mga labi niya. He's still very calm and confident.
"Why did you do this, Jackson?" Vice asked him with a disappointed tone. "Hindi kita maintindihan. Ginagawa ko naman ang lahat para mapaayos ka, pero bakit ikaw mismo ang sumisira sa sarili mo?!"
Namulsa si Jackson at kinunutan ng noo ang ama.
"And you, Frantiska! Anong klaseng babae ka na magpapakasal sa dating asawa ng sarili mong ina?! Masaya ka ba sa nakikita mong nasisira ang anak ko dahil sa 'yo?!"
"Fran, umakyat ka na," malumanay na tumingin si Jackson sa suot niyang wristwatch. "It's getting late and you should rest."
"Late? Wala pa ngang alas-siete at di pa tayo naghahapunan lahat," bulong ni Ate Minda.
"Manahimik ka sabi, Luzviminda!" mariin at gigil na muling binalingan ni Mrs. Cruz si Ate Minda.
Napayuko na lang ang babae, ngunit mahina pa ring bubulong-bulong.
"Let Frantiska decide," malamig na boses ni Calder na nagpalingon sa akin sa kanya. "Do you really wanna stay with your mother's murderer?"
My knees and hands trembled. What he just asked me caught me completely off guard.
"Bakit mo kinalimutan ang sinabi ko sa 'yo? Bakit, Fran? Anong pinakain niya sa 'yo para basta ka na lang makalimot?"
"Tumahimik ka!" Vice shouted.
Not minding Vice, he went on talking to me like we're the only persons here. "Bakit hinayaan mong paikutin ka ng isang mamamatay-tao?"
"Stop this bullshit!" Vice looked at the maids. "What the hell are you still doing here?! Mga chismosa kayo! Magsilayas kayo!"
Saka lang nagpulasan ang mga katulong. Nagtutulakang nagpuntahan ang mga ito sa kusina. Maski si Ate Minda ay nanginginig na sumunod sa mga kasamahan. Si Mrs. Cruz lang talaga ang hindi tuminag sa kinatatayuan. Hindi siya kakikitaan ng pagkasindak. Maski nga ang kapit niya sa braso ko ay hindi man lang lumuluwag kahit pa pawisan na ang kanyang palad sa aking balat.
Iika-ikang nilapitan ni Vice si Calder at dinuro ng baston. "Wala kang ebidensiya sa sinasabi mo!"
Tinabig niya ang baston ng matanda. "I don't think evidence is still needed. But if Fran will ask for it, then I will gladly look for it."
"Wala ka talagang modo!"
"Fran, do you want me to look for evidence?"
Jackson looked at Mrs. Cruz. "Let her go." Then he looked at me. "Fran, go to your room."
I didn't move a bit. I met his gaze with bravery. "Totoo bang pinatay mo si Mama?" mahinahon kong tanong.
I've been avoiding the possibility that Jackson was the one who killed my mother. Paulit-ulit ko itong isinasantabi kasi ayokong paniwalaan. But this time, I want to know the truth. And I'm hoping that Jackson will cooperate. Even Vice and Calder are waiting for his answer.
"Iyong tungkol sa pera ni Lolo, wala na akong pakialam kung alin doon ang totoo. Kahit 'wag mo nang ipaliwanag sa akin. Ito na lang ang sagutin mo, did you really kill my mother—"
"No."
My mouth fell open at the calmness of his eyes upon answering my question.
"Now go upstairs and wait me there."
"S-sabay na tayo..."
Mapait ang ngiti ni Calder habang naiiling. He even raked his long fingers to his hair.
Nakapamulsa si Jackson na lumapit sa akin saka ako inakbayan. Ni hindi niya pinansin ang presensya ni Mrs. Cruz sa tabi ko.
Kahit si Vice ay wala ng nagawa nang umakyat na kami sa hagdan. Kahit anong sigaw niya ay hindi na siya pinagkaabalahan man lang na maski lingunin ni Jackson.
Nakaakbay pa rin siya sa akin hanggang sa second floor and I thought we're heading to my room, but he guided me to his room instead. Pagkapasok namin ay inilock niya ang pinto. Napalingon pa ako sa pagclick ng doorknob.
I was sitting on the edge of the bed when Jackson kneeled down in front of me. He gently placed his face on the top of my lap. Para siyang pusang naglalambing.
"Jackson..." Hinagod ko ang kanyang buhok.
He just moaned.
"Totoo ba ang sinabi mo na hindi ikaw ang pumatay kay Mama?"
Lalo niyang ibinaon ang mukha sa kandungan ko.
"It's not that I don't believe you..." I continued finger combing his hair. "I just wanna hear it again from you."
"I didn't kill your mom," he softly said and nuzzled on my lap.
Napahigpit ang kapit ng isang kamay ko sa buhok niya.
"But Calder's right. I wanted Marsha to die." Umahon siya at tiningala ako. "So I can have your full custody."
"Jackson..." Pumatak ang mga luha ko dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa inilalagay niya ngayon sa kaliwa kong pulso.
Ni hindi ko namalayan kung saan niya iyon nakuha, kung paano niya iyon naitago sa akin, at kung paano niya naibaling sa paglalambing niya ang buong atensyon ko... ang alam ko lang ay nakahanda na siya mula pa kaninang nilapitan niya ako.
"It's late, and we're both tired, so let's call it a night," mahinahon niyang sabi matapos ikabit ang kabilang pares ng posas sa kanan niyang pulso.
Sa pagtayo niya ay dala niya ako. Inalalayan niya akong mahiga sa kama saka siya tumabi sa akin.
"Sleep now, my wife. Mahal na mahal kita," pagkasabi'y pumikit na siya.
Lalong tumulo ang mga luha ko.
JF