Love Scars [✔]

By selimwarrior

46.9K 1.2K 390

He treated me like his own sister. Dinamitan, pinakain at pinatuloy sa sarili nitong mansyon kasama ang kapat... More

Synopsis
Chapter 1: Work
Chapter 2: Suplado
Chapter 3: Guardian
Chapter 4: Birthday and Ex/s?
Chapter 5: Love Scars
Chapter 6: Wake Up, Anya
Chapter 7: No Choice
Chapter 8: Comfortzone
Chapter 9: Sundo
Chapter 10: Eyes on You
Chapter 11: Saturdate
Chapter 12: His Family 1
Chapter 13: His Family 2
Chapter 14: Failed
Chapter 15: Avoiding Him
Chapter 16: Uncertain Feelings
Chapter 17: I'm Here
Chapter 18: Backfire
Chapter 19: Covering the Pain
Chapter 20: Adjustments
Chapter 21: Mistake
Chapter 22: Fever
Chapter 23: Message
Chapter 24: Graduation Day
Chapter 25: Broken Trust
Chapter 26: Truth
Chapter 28: Maybe this time
Chapter 29: Yes
Chapter 30: Family Dinner
EPILOGUE: I DO
Special Chapter
Love Scars' Journey

Chapter 27: Backup

1.1K 33 13
By selimwarrior

CHAPTER 27: Backup

Anya.

Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng kuwarto ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bahagya pa akong nahilo dahil masakit ang ulo ko.

"Hey, stop that Kiah."

Nagtaka ako sa narinig ko. Anong ginagawa ni Kiah dito.

"No. Don't touch me, Kuya. I will defend you with that girl. Disappointed na ako, huwag mo ng dagdagan."

"Bawal ang ma-stress sa'yo."

"I'll calm down kapag nagawa ko na ang gusto kong gawin. Kilala mo ako."

Mabilis akong naglakad papunta sa pintuan at natigilan ang dalawa nang makita ako. Tiningnan ako ni Kiah mula sa paa ko at tinaasan ako ng kilay nang makita niya ang mukha ko.

"You know what? Hindi ka dapat makita ng ganito ni Kuya." Aniya bigla ako nitong tinulak papasok sa kuwarto ko.

Mabilis siyang pumasok at ni-lock ang pintuan.

"Kiah!" Rinig kong sigaw ni Zohar sa labas pero hindi niya ito pinakinggan.

"Take a bath." Nakahalukipkip na utos sa akin ni Kiah.

"Huh?"

Inirapan niya naman ako. "I said, take a bath. Aalis ka sa bahay na ito."

Napabuntong-hininga naman ako. Wala na akong ganang makipagtalo kay Kiah kaya naman ginawa ko na lang ang kung anong gusto niya at naligo na lamang.

Pagkatapos kong maligo ay nakita ko ang isang red dress na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. Hindi ko alam kung saan kinuha ni Kiah ang ininom niyang tea pero kalmado itong umiinom nang makita ako ay tinuro niya ang red dress na nasa kama ko.

"Isuot mo iyan."

Kumunot na ang noo ko dahil naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

"May okasiyon ba ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Kailangan ba kapag okasiyon lang maganda?" Pamimilosopo nito sa akin dahilan para mapangiwi ako. Ang hirap patulan ni Kiah dahil buntis at wala ako sa mood.

Sinuot ko na lamang ang red dress na fit na fit naman sa katawan ko. Nang makita ako ni Kiah ay tumayo siya at lumapit sa akin.

"Sit." Tinuro niya ang upuan sa harap ng dresser. Bumuntong-hininga na lamang ako bago umupo roon.

Nilabas ni Kiah ang ilan sa makeup na binili ni Zohar para sa akin.

"Kuya picked this for you? Kaya pala tanong ng tanong sa akin kung anong magandang brand ng makeup. Akala ko nababakla na siya." Naiiling na sabi nito na hindi ko mapigilang ngumiti. Wala naman kasi akong kaalam-alam na kay Kiah pala siya nagtatanong ng mga ganong bagay.

Hinawakan ni Kiah ang mukha ko at nagsimula na itong makeupan ako. Halos hindi na ako huminga sa sobrang lapit niya sa akin. Nakaka-intimidate talaga ang aura ni Kiah. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto niya ngayon pero kahit papaano ay magaan ang loob ko dahil hindi niya ako pinagsasalitaan ng kung ano-ano.

Nang matapos ay napangiti siya habang nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa nakaharap na salamin at hindi ko mapigilan na mamangha dahil ibang-iba ang ayos ko ngayon. Ang ganda.

"You're actually beautiful."

Napatingin ako kay Kiah at bahagya itong ngumiti sa akin pero mabilis rin siyang nagseryoso.

"Wear the red heels from your shoe rack."

Agad akong nagtungo roon at sinuot ang sinabi ni Kiah sa akin.

"Damn it. I know my brother is really good at choosing a hot chick."

"Okay na ba?" Tanong ko kay Kiah.

"Stand straight. Breast out and think like you have a crown on your head."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Do it kung gusto mo na tumino ako sa pakikitungo sa'yo."

Wala muli akong nagawa kundi sundin siya. Lumabas na kami ng kuwarto pagkatapos at bumaba ng hagdan.

Rinig ang pagtunog ng heels ko sa floor. Naka-doll shoes lang si Kiah pero ang ganda nitong tingnan sa black dress nito.

"Kuya, aalis na muna kami. I'll bring her back later."

Natulala naman si Zohar nang makita ako ngunit nang makabawi ay napangiti na lamang.

"You look awesome."

Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya. Sumimangot naman si Kiah at hinila na lamang ako.

Sumakay kami sa Red porsche na pag-aari ni Kiah.

"Saan tayo pupunta?"

"You will see." Walang emosyon na sagot niya sa akin kaya naman napabuntong-hininga ako at hinayaan na lamang siya. Kanina lang ay halos wala na akong gana na lumabas pero napilitan ako dahil kay Kiah.

Nagulat ako nang huminto kami sa pamilyar na lugar. Namilog ang mata ko nang mapagtanto na nasa bar kami na pag-aari ni Sir Chase.

"Ayon sa source ko, nandito daw ang gago kaya baba."

Napanganga na lamang ako sa mga nangyayari. Naunang naglakad si Kiah papasok. Wala gaanong costumer kasi umaga pa lang naman kaya naman hindi din ako gaanong nahihiya na maglakad sa damit ko.

"I'm looking for Harvard Vergara." Maarteng sabi ni Kiah doon sa isang lalake. Hindi ko siya kilala marahil ay bago lamang ito.

"Wait po, sasabihin ko."

"Don't make me wait for too long. Tell right away that the great Zaharah Hezekiah Gustavo-Hamilton is looking for him." Puno nang awtoridad nitong sabi sa lalake.

Mabilis naman itong kumilos.

"Anong nangyayari? Bakit hinahanap mo si Harvard at bakit mo ako sinama rito?"

"Sheez, I'm here to teach them a lesson. Cheaters should be punished and know what they've done especially to a Gustavo." Mariin nitong sagot sa akin.

Ilang sandali pa ay nakita ko na siya. Nanghinang muli ang mga tuhod ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong nangyari nang gabing iyon.

"Anya..."

"Hi, are you Harvard Vergara?" Nakangiting tanong ni Kiah pero alam kong plastik ang ngiting iyon.

Kumunot naman ang noo ni Harvard. "Yes, why?"

"Anya, broke up with him." Utos nito na nagpaawang ng labi ko.

"Wala pa kayong formal break up 'di ba?"

Napatingin ako kay Harvard. Maging siya ay naguguluhan na din.

"I'm waiting." Ani ni Kiah.

Bumuntong-hinga naman ako. "We're done, Harvard."

Napangiti sa akin si Kiah bago bumaling kay Harvard.

"Your lost not hers, bastard." Ani ni Kiah at sinampal si Harvard. Mabilis na dinaluhan nung lalake si Harvard na mukhang gulat na gulat pa rin sa pagsampal sa kaniya ni Kiah pero hinila na niya ako.

Hindi ko mapigilan na mapangiwi dahil nasampal ko na si Harvard noong isang gabi pero heto at nasampal muli siya ng kapatid ni Zohar.

"Why did you do that?" Tanong ko kay Kiah nang makabalik kami ng sasakyan.

"Kung si Kuya ang pumunta dito, bugbog ang inabot nung ex mo. Magpasalamat ka na lang dahil sampal lang ang inabot sa akin. Nanggagalaiti talaga ako sa mga manloloko."

Muli ay pinaandar ni Kiah ang sasakyan. Nakarating kami sa isang malaking building. Prenteng ipinark ni Kiah ang sasakyan niya bago bumaba at sinundan ko naman siya.

"This is Walter's company. Siguro nasa opisina lang ang pakay natin dito."

W-Walters? Sumakay kami ng elevator ni Kiah at agad kaming nakarating sa tenth floor ng building. Nang makalabas kami ay tuloy-tuloy lang ang pagsunod ko kay Kiah hanggang sa makarating kami sa isang office.

Kumatok roon si Kiah nang malakas kaya naman napatingin sa kaniya ang ilan sa trabahador. Nag-iinit na ang pisngi ko sa hiya dahil sa ginagawa ni Kiah.

Maya-maya ay lumabas si Sharee doon na nakakunot ang noo at akmang magagalit ngunit nakita nito si Kiah.

"A-Ate Kiah." Nakangiting bati nito pero umirap ito sa kaniya at mabilis na hinablot ang buhok ni Sharee.

"How dare you cheat on my brother, huh? I've trusted you but you betrayed me, Sharee!" Galit na sabi ni Kiah. Agad ko naman siyang inawat hanggang sa unti-unting kumalas ang pagkakahawak nito sa buhok ni Sharee.

Nagsidatingan ang mga guards ng kumpanya at sinenyasan ito ni Sharee na huwag makialam.

Inayos ni Sharee ang sarili niya bago niya kami hinarap.

"I did. Sinubukan namin ng Kuya mo na i-work ang relasiyon naming dalawa pero hindi ko kaya. Nalaman kong gusto pa rin ako ni Harvard at wala akong alam na may girlfriend na siya. Makikipaghiwalay na dapat ako sa Kuya mo but shit happened."

Natigilan ako sa sinabi ni Sharee lalo na nang tumingin siya sa akin.

"Basically, I'm also a victim here. Wala naman akong alam na may girlfriend na si Harvard. I don't even know why he kissed me that time!"

"I still hate the fact that you're seeing Harvard while you're still my brother's girlfriend. Tiyaka hindi ka nag-eexplain sa Kuya ko. Ako na ang pumunta dito para sabihin na break na rin kayo. Hindi ko matatanggap na tumapak ulit ang kahit sinong Walters sa pamamahay ko."

"Kiah..."

"What? The business with the Gustavo's are still on but I want my husband to cancel your request on Hamilton's company." Walang emosyon na sabi ni Kiah na nagpaawang ng labi ni Sharee.

"Isn't that too much?" Tanong ni Sharee.

Ngumisi sa kaniya si Kiah. "Remember the name of the black sheep of the Gustavo, Zaharah Hezekiah Gustavo-Hamilton. I have my own way of being a bitch."

"Anya, I'm sorry." Sinserong sabi ni Sharee sa akin.

Ngumiti na lamang ako at hindi nagsalita. Wala akong issue sa pinaglalaban ni Kiah tungkol sa Kuya niya pero ang marinig ang paghingi ng sorry at ang explanation ni Sharee, sa tingin ko ay wala naman akong dahilan para magalit nang matagal sa kaniya. Hindi ko siguro kaya na patawarin siya nang tuluyan ngayon pero sa paglipas ng panahon magagawa ko din.

Pagod ako nang makabalik kami sa mansion. Nagulat ako nang tumawa si Kiah.

"That's great! Sa wakas matatahimik na ako."

"Actually wala akong naintindihan para gawin natin ang lahat ng ito." Sabi ko sa kaniya.

"Sabi ni Kuya nagkukulong ka lang sa kuwarto mo. Hindi ganon ang first step ng moving on. Dapat i-confront mo at bumawi ka sa kanila. Nakakainis lang kasi walang balak si Kuya na kumalas sa business deal sa mga Walters dahil sabi niya, he's being professional on his work."

"Mabait talaga ang Kuya mo."

"Tsk. Biglang bumait kamo. Anyway, can I have a deal with you?"

"What kind of deal?" Naguguluhang tanong ko.

"My brother had set his eyes on you. I can feel that he likes you, Anya. He likes you even he doesn't want to admit it."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Tuparin mo iyong mga sinabi mo sa akin noon. Patunayan mo na may ibubuga ka para sa pamilya namin at hindi ka katulad ng inaakala kong gold digger. My brother deserves that kind of woman."

"Bakit gusto ko ba kuya mo?"

Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"What's wrong with you?"

Sumimangot naman ako. Anong akala niya sa akin ganon na lang iyon? Kagagaling ko lang ng break up.

"As if babalik na lang basta iyong nararamdaman ko sa kuya mo."

"So this is why Damon told me that girls are complicated." Nakairap nitong sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

728K 26K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
False Chase By DK

General Fiction

596K 5.9K 64
(Cortez Series #1) Five years ago, Ellise had only loved and chased one man: Sage Dustin Ferrero. The chase became successful and she'd managed to wi...
4.9K 1.2K 32
BLIND FOR YOU LOVE - COMPLETED Masasabing hindi ordinaryo ang mga naging karanasan ni Chiert sa buhay ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin siya nag...
94.6K 5.4K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.