Veronica's Pov
Almost a week had passed simula nung..
Tss.
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa director at kay tiffany na buntis ako.
Alam kong hindi ako pupwedeng gumanap sa character ni rose kung buntis ako.
I can't make it.
Ilang araw na din akong nagkukulong sa kwarto, hinahatidan ako ni ate shan ng pagkain pero hindi ko naman ito inuubos.
Ilang araw na akong hindi uma attend ng taping. I told them na may sakit ako kaya hindi muna ako makakapag shooting.
"Vivian kumain ka na." sabi ni ate shan na pumasok sa kwarto ko at may dalang pagkain.
"Wala akong gana." walang gana kong tugon sa kanya.
"Pwede ba vivian, be matured enough! Magkaka anak ka na, may bata dyan sa sinapupunan mo tapos ilang araw ka ng hindi kumakain ng maayos. Are you out of your mind? Paano kapag napahamak yang batang yan, anong gagawin mo?" alam kong galit na si ate shan dahil sa tono ng pananalita nito.
"Mas mabuti nga kung ganon." hindi ko din alam kung bakit yung ang lumabas sa bibig ko.
Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko.
"Ano? Nasisiraan ka na ba ng ulo vivian? Gusto mong mapahamak yang batang yan?" ibinaba niya ang tray na hawak niya atsaka ako hinarap.
"You know what vivian, ang kitid kitid ng utak mo. Sayo nakasalalay ang buhay ng batang yan. Hindi niya din naman ginustong mabuhay. Kung hindi mo ginusto ang mga pangyayari, panigurado akong mas hindi gugustuhin ng batang yan na ikaw ang maging ina niya!"
..
Shannon's Pov
Alam ko na below the belt yung sinabi ko, pero totoo naman yun eh.
Walang kasalanan yung bata kaya hindi niya dapat sisihin iyon.
Wag niyang ibuntong sa bata ang galit niya.
"I know.. Sana nga hindi na lang ako ang naging ina niya." mahinang sambit ni vivian.
Lumabas ako ng kwarto niya dahil baka mas lalo pa siyang masaktan dahil hindi ko mapipigilan ang ang mga lumalabas sa bibig ko kung mananatili ako dun.
Naaawa ako para sa batang dinadala niya.
Alam kong natatakot lang si vivian, alam ko naman na dadating din ang panahon na matatanggap niya ang batang yon, at magiging masaya siya.
Huwag kang susuko vivian, I know na kakayanin mo yan.
Kinuha ko ang anak ko na natutulog sa couch. Sorry adam, sorry for taking you away from your dad. I know na mahal na mahal ka nun.
For now, kailangan muna tayo ni tita vivian, hindi tayo aalis sa tabi niya hanggang hindi pa siya nagiging masaya.
Nakaupo ako sa couch habang karga karga ang tulog kong anak. Nanood ako ng tv.
Bumukas ang pintuan ng kwarto ni vivian at iniluwa siya nito.
"I'll just tell tiffany about all of these."
Yun lang ang natangi niyang sinabi at tuluyan ng lumabas ng condo.
..
Veronica's Pov
Napagdesisyunan kong pumunta kay tiffany para ipaalam ang lahat.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon pero mas mabuti ng umamin na ako habang maaga pa.
Ayaw ko na madawit pa siya sa kahihiyang haharapin ko.
Nang makarating ako sa tapat ng condo niya ay ipinarada ko muna ang kotse ko sa parking lot.
Atsaka kumatok ako sa pinto.
*knock knock
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si tiffany. Bakas sa mukha niya na nagulat siya dahil sa pagpunta ko.
"Oh what brings you here my dear?" she ask me atsaka binuksan ang pinto para papasukin ako.
Pumasok ako sa loob at hindi ko maiwasang hindi maamoy ang mabangong aroma nung niluluto sa kusina.
I was about to enter the kitchen nung makita ko ang malalapad na likod ni knox. Hinahalo niya ang nasa kalderong nasa apoy.
"Who's that mom?" tanong niya at biglang humarap sa akin.
Mababakas sa reaksyon niyang nagulat siya nung makita ako.
"O..oh ikaw pala." yun lang ang nasabi niya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Napatango lang ako pero alam kong hindi niya yun nakita dahil ibinalik niya agad ang tingin niya sa ginagawa niya.
"Dito ka na mag lunch vivian. Sakto ang pagdalaw mo dahil napag isipang magluto ng marami nitong si knox." wika ni tiffany na pumasok dito sa kusina.
I just smiled at her, hindi ko alam kung paano magsasalita.
Pinag iisipan ko pa din kung paano ko sasabihin kay tiffany ang kalagayan ko ngayon.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah, stop reminiscing past vivian. Past is past." sambit sa akin ni tiffany pero hindi ko pa din siya tinugon.
Hindi naman yun ang iniisip ko sa mga panahong ito.
Hindi na past ang bumabagabag sa akin kundi future.
..
"Ohh ayan na luto na ang sinigang! Kain na tayo vivian." pag aaya sa akin ni tiffany.
Kinain ko naman yung dala ni ate shan kaninang pagkain, kanin yun at itlog.
Pero nagugutom pa din ako.
Tumayo ako sa pagkakaupo at kumuha ng mga plato, kutsara, tinidor at baso.
Inihanda ko na ang lamesa, ito lang ang magagawa ko dahil hindi naman ako marunong magluto.
Wala sa wisyong nag ayos ako ng lamesa, ipinuwesto ang mga pinggan, kutsara, tinidor at baso.
Inilagay na din ni tiffany ang ulam, sinigang, adobo, at meron ding sweet and sour na isda.
Natakam naman ako agad dahil sa amoy at itsura ng mga potahe sa harap ko.
Pinangunahan ni tiffany ang pagdadasal.
"Before anything else, i want to thank you God for giving me this time na makasama ang dalawang taong importante sa buhay ko.
I want to thank you for everything.
Thank you for giving this people to me. Having a children is really a blessing. Yes, Vivian is not really from me but i consider her as mine.
Thank you for having an understanding and caring son, like knox. They're really a blessing for me, and that's why I'm so grateful to have them." matapos magsalita ni tiffany ay namulat na ako.
Blessing nga ba ang pagkakaroon ng anak?
Napapikit ako ng mariin dahil sa inisip ko.
"Kain na tayo." nakangiting sabi ni tiffany.
Oh shit, ang sarap ng sabaw.
Naparami ang kain ko dahil sa sarap ng luto,
at nagugutom din talaga ako.
"Hinay hinay lang vivian, baka mabulunan ka niyan. Dinaig mo pa ang buntis kumain." sabi ni tiffany na ikinagulat ko.
Saglit naman akong napatigil sa pagkain.
..
Knox's Pov
"Hinay hinay lang vivian, baka mabulunan ka niyan. Dinaig mo pa ang buntis kumain."
"tss.." napa asik na lang ako dahil sa lakas kumain ng babaeng ito.
Mom is right. Dinaig pa nga niya ang buntis.
Buntis..
Napansin kong natahimik sa pagkain ang isang ito, pero hindi pa din siya tumitigil sa pagkain at napakagana pa nga.
Natapos na kami ni mom na kumain pero itong si viv.. este veronica ay todo pa din ang kain.
Pinanood namin siyang kumain at talaga namang maguguluhan ka kung artista ba ito o hindi.
Napansin ko naman na medyo lumaki din ito.
Tss.. napangisi naman ako dahil sa naisip.
Nabalik ako sa wisyo nung makarinig akong may dumighal ng malakas.
Parehas kaming napatingin ni mom kay veronica at nakita naming nagtakip ito ng bibig.
Tss napaka bipolar talaga ng babaeng ito.
Nakita ko siyang tumingin sa akin pero madali lang atsaka siya bumaling kay mom.
"T.. tiffany." mahinang pagtawag niya kay mom pero sapat naman ang lakas nito para marinig siya ni mom.
Binalinga siya ni mom at tinanong "Bakit yun vivian?" she ask her.
"May aaminin ako." kunot noo siyang tiningnan ni mom.
Pati ako ay medyo na curious din sa sinabi niya.
What will she confess?
"B..but promise me.. You won't judge me." pahina ng pahina ang boses niya kaya nakita ko sa mukha ni mom na parang kinabahan siya.
"Ano bang pinagsasabi mo vivian? Iniisip mo ba na katulad ako ng mga tao sa nakaraan mo? Don't you trust me?" nakita ko ang galit sa mga mata ni mom.
Magkatabi silang dalawa ni mom habang ako naman ay nasa tapat ni mom.
Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila, hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila.
Wala akong idea.
"N..no! but." sambit ni veronica habang nakahawak sa sentido.
"No but's you brat. Ano bang gusto mong sabihin at parang hirap na hirap ka?" medyo nagulat ako dahil sa kung anong itinawag sa kanya ni mom pero mukhang wala lang ito kay veronica.
Mukhang sanay na sila na magbastusan.
Pabalik balik ang tingin ko sa kanila at nanatiling tikom ang mga bibig ko. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila kaya mas mabuti pang makinig na lang.
"N..natatakot ako." veronica said at tumalikod.
I don't know pero i feel pity on her.
Napansin kong inilagay niya ang kamay niya sa mukha niya.
Is she crying?
Is she wiping her tears?
"S..sa akin? Natatakot ka sa akin Vivian?" my mother ask her na para bang nalulungkot.
"Bakit sa akin vivian? Bakit mo ako katatakutan, eh ako yung tumayong magulang mo for almost two years. Kilalang kilala mo na ako vivian, tapos kakatakutan mo ako?" dagdag pa ni mom.
"It's not like that." sabi ni veronica at humarap kay mom.
I can see the tears on her face, at namumula din ang mga mata niya.
Mukhang malaki ang problema ng isang to.
"Eh ano? Ano ba talaga yang gusto mong sabihin vivian? Bakit ba hindi mo masabi ng tuluyan?" naiinis na si mom at meron na ding pumapatak na luha sa mga mata niya.
"Buntis ako!"
..
"Buntis ako!"
"Buntis ako!"
"Buntis ako!"
Paulit ulit na nag eecho sa utak ko ang pagsigaw ni veronica.
Hindi nagpaprocess ng maayos sa utak ko ang lahat.
..