Kabanata 9
gustung-gusto
Maingay at nagkakasayahan lahat habang sabay-sabay kaming kumakain kasama ang mga iba pang trabahador. Ako naman ay walang kausap doon at nakikinig lang sa kanilang mga usapan. Syempre si Philix lang naman ang gaanong kakilala ko roon.
Napatingin ako kay Fariyah na nasa tapat lang ni Philix. Ako ang katabi ni Philix habang sa aking isang gilid ay si Tay Ino.
Panaka-naka ay kinakausap ako ni Tay Ino at ni Nay Ising. Nagpapasalamat na lang talaga ako dahil sensitive ang dalawang matanda at napapansin ang pagka-awkward ko.
Pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang nakahaing pagkain. I never tried to eat in a boddle fight. Plus, I don't even know how to eat using only my hands without any utensils!
"Halata talaga ang pagiging laking Amerika nitong si Elle," utas ni Fariyah ng mapansin niya na hirap na hirap akong subuin yung kanin galing sa kamay ko.
Nag-init ang aking pisngi ng lingunin ako ni Philix. Siya ay tila bihasa sa pagkain gamit lamang ang kamay! Is he always doing this?
"Are you okay?" mataman ang tinig na utas niya sa akin. Hindi maalis ang kanyang titig sa aking mukha.
Ngumiti ako at nilingon pa si Fariyah. "Oo naman! Sisiw yata 'to!" utas ko sa pinaka-aroganteng tinig. I won't ever let anyone look down on me! I am an Evelina!
This thing called eating with my hands without any utensils is easy!
Narinig ko ang hagikgik sa paligid. Obvious na pinakikinggan nila talaga ako!
Nag init lalo ang aking pisngi ngunit inignora ko iyon. Nag focus ako sa pagpapakitang gilas ngunit tumatapos lang iyong mga kanin sa kamay ko sa tuwing akmang isusubo ko na. Ang what the heck is this fish?
"Hindi yata kumakain si ma'am ng tuyo, ser," untag ni Julio ng mapansin ang pagtigil ko ng makita ang tuyo sa kanin na nasa harapan ko.
Nag-angat ako ng tingin kay Fariyah na walang pakialam at kuntodo kain lang. Sarap na sarap pa siya sa tuyo!
"I can't believe you've never eaten tuyo, Elle...what a miss!" may pang-aasar sa tono ng pananalita ng dalaga ng mag-angat ng tingin sa akin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Why do I feel like I really don't belong here?
Pakiramdam ko ay binubully ako sa isang lugar na hindi ko kilala...Pakiramdam ko ay wala akong kakampi. Pakiramdam ko ay lahat sila hinihintay lang ang pagbagsak ko.
Binaba ko ang tingin sa aking kamay na may butil butil ng kanin. I can't even eat...and I feel so hungry!
Gusto ko na lamang pumalahaw ng iyak ngunit ayokong makita nila! I don't like it when people pity me. I don't need anyone's pity!
"I can eat yours..." Napaigtad ako ng marinig ang mababang tinig ni Philix sa aking tabi. Lumapit pa siya sa akin hanggang sa magtama ang balikat namin. Pinanood ko siya ng kuhain nya yung tuyo saka kinain habang nakatingin sa akin.
Nag init ang aking pisngi. "Do you want me to feed you?' mahina ang tinig na utas niya, kasabay noon ang pagpungay ng kanyang mga mata.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Tila biglang may kung init ang humaplos sa aking dibdib dahil sa ginawa niya.
Maybe...just maybe, I have an ally in this strange, unknown place...
Sinundan ko ng tingin ang kanyang kamay ng kumuha siya ng kanin at iaakmang isubo sa akin. "P-Philix..." halos hindi iyon makalabas sa aking bibig. Halo-halo ang nararamdaman ko.
Una na roon ang pag-iinit ng mukha ko lalo na ng marinig ang mga ubo at kislot sa paligid.
Alam kong pinanonood nila kami!
"C'mon, open up..." tumitindig pa ang balahibo ko sa klase ng tinig na ginagamit niya. Napasulyap ako kay Fariyah na hindi maipinta ang mukha habang matalim na nakatingin sa akin.
Kinagat ko ang aking labi at pinagtaasan siya ng kilay. Well, bitch, sorry.
Binalik kong muli ang tingin kay Philix na naghihintay pa rin. Dahan-dahan kong binuka ang aking bibig habang iniignora ang impit na tili sa paligid.
May multo ng ngisi sa labi ni Philix ng dalhin niya ang kanin sa bibig ko ngunit nawala iyon ng dilaan ko ang dulo ng kanyang daliri.
Nakita ko ang pagmumura niya ng mahina na hindi naman narinig ng mga nasa paligid namin. "Nabusog ka ba, ma'am?" untag ni Julio kaya't naagaw ang aking atensyon.
"Kulang pa yata..." pabirong utas ko at nilingon si Philix na tahimik lang doon.
Pinagtaasan ko siya ng kilay ngunit umiling lang siya.
"Maraming salamat po!" masayang utas ko ng matapos ang kainan. Hindi pa ako gaanong busog ngunit syempre naappreciate ko ang pagkain.
"Salamat din, hija! Pasyal ka ulit!" magiliw na utas ni Nay Ising. Tumango ako at ngumiti nang matamis.
"Sir, balik ho ulit kayo!" ani Tay Ino naman kay Philix na kanina pa tahimik.
Nilingon ko si Philix na tumango lamang at tinanguan din si Fariyah na pilit lamang na ngumiti. Mula nang mangyari ang eksena kanina ay di na siya muli pang nagsalita at nangunyapit kay Philix. Mabuti naman!
"Sige ho..." utas ko dahil agad na ring nagpaalam si Philix.
"May problema ba?" untag ko kay Philix ng nagmamadali siyang naglakad at halos iwan ako roon!
Paakyat na muli kami papunta sa may sementadong daan. Hindi niya ako sinagot. Pinabayaan ko na muna siya dahil busy ako sa pag-akyat. Ang tarik masyado ng daan!
"Wala?" untag ko ulit ng makarating na kami sa patag na daan. Agad umihip ang malakas na hangin at nilipad ang aking mahabang buhok.
Nilingon niya ako at umiling. "What? You're ignoring me, really?" iritang utas ko dahil ayoko sa lahat ang ginagawa akong tanga!
Why can't he communicate? Napakadali magsalita at magsabi ng damdamin!
"Are you always like that? Taking the opportunity to play with people?" utas nito, magkasalungat ang perpektong kilay.
What? What the hell is he saying! Wala akong ginagawang masama!
"Can't you just be straightforward? Hindi ko alam sinasabi mo," iritang utas ko.
"You are playing with me..." tila sumbat ang dating ngunit humina ang kanyang tinig sa dulo.
Natigilan ako at saka natawa bigla. "And you are playing with me too, Philix! I am just returning the favor, you don't want that?" pagak na utas ko ng maalala sila ni Fariyah kanina. I am just being flirty with him earlier by licking his fingers, ayaw niya?
Nakita ko ang inis sa kanyang mukha. "Ganyan ka ba sa States, ha, Elle? You're just 18! You can't just flirt with any man!" medyo tumaas ang tinig na utas nito.
"Eighteen is the legal age, Philix, and you are not my father to tell me what to do or not," malamig ang tinig na utas ko.
"Plus I don't tell you to stop flirting with Fariyah or even Georgina and all your hoes, I don't care!" mas iritang utas ko.
"I don't have hoes, Elle, and I am not flirting," medyo kalmado na ang tinig na utas niya. Nagkunwari akong nagulat sa sinabi niya.
"Oh? Talaga? The way you smile and look at Fariyah say it all, Philix! I'm not dumb, please," utas ko at nag-iwas ng tingin.
"I am not flirting. I don't flirt," mariin ang tinig na utas nito.
Tinignan ko siya at nakipagtagisan ng titigan sa itim na itim niyang mga mata. How I wish I can trust easily.
"Then what do you call what you're doing with me?" hamon ko sa kanya.
Nakita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata. "I like you..." Natulos ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang mahinang tinig niyang iyon.
"W-what?" utas ko dahil tila nabingi ako sa sinabi niya.
Hindi ako lalong nakagalaw ng tawirin niya ang distansya sa aming dalawa hanggang sa maramdaman ko ang init ng kanyang katawan. Dahan-dahan niyang inangat ang aking ulo para magtama ang mga mata namin.
"I like you, Elle. It's not flirting at all and it will never be because I like you so much..." paos ang tinig na utas niya habang may kung anong emosyon na hindi ko mapangalanan sa kanyang itim na itim na mga mata.
"Liar..." mahina ang tinig na utas ko ngunit nararamdaman ko na ang pagpupugay ng mga paru-paro sa aking tiyan.
Tumango siya at pinagdikit ang aming mga noo. "It's okay...It's okay if you don't believe and trust me now. But I will make you believe one day, Elle. I promise..."
Naramdaman ko ang magaan niyang haplos sa aking kaliwang pisngi habang nakatitig pa rin sa mata ko.
"I-I don't like you, Philix. I am just playing with you," pilit kong pinatigas ang aking tinig kahit na may bara na sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung bakit tila kulang sa diin ang sinabi ko...
"It's okay if you play with me. Play with me all you want...just not with other guys," mahina ang tinig na utas niya na nagpahina sa tuhod ko.
Why...why is he doing this?
Umiling-iling ako. "S-sinungaling!" utas ko at akmang aalis na ng ipirmi niya ako. Nakita ko na naman kung paano pumungay ang mga mata niya...
"Gustung-gusto kita, Elle. Gustung-gusto...maniwala ka..." paos ang tinig na utas niya habang mahigpit na nakahawak sa aking kaliwang kamay.
[p.s. sana all!!! jk :P]